< Nehemias 11 >

1 Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem, at ang naiwang mga tao ay nagpalabunutan para dalhin ang isang pamilya mula sa sampu na manirahan sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at ang iba pang siyam ay nanatili na sa ibang mga bayan.
و سروران قوم در اورشلیم ساکن شدند وسایر قوم قرعه انداختند تا از هر ده نفریکنفر را به شهر مقدس اورشلیم، برای سکونت بیاورند و نه نفر باقی، در شهرهای دیگر ساکن شوند.۱
2 At pinagpala ng mga tao ang lahat ng mga nagkusang manirahan sa Jerusalem.
و قوم، همه کسانی را که به خوشی دل برای سکونت در اورشلیم حاضر شدند، مبارک خواندند.۲
3 Ito ang mga pinuno sa lalawigan na nanirahan sa Jerusalem. Gayumpaman, sa mga bayan ng Juda, bawat isa ay nanirahan sa kaniyang sariling lupa, kasama ang ilang mga Israelita, mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa templo at mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon.
و اینانند سروران بلدانی که دراورشلیم ساکن شدند، (و سایر اسرائیلیان وکاهنان و لاویان و نتینیم و پسران بندگان سلیمان، هر کس در ملک شهر خود، در شهرهای یهوداساکن شدند).۳
4 Nanirahan sa Jerusalem ang ilan sa mga kaapu-apuhan ni Juda at ilan sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Ang mga mamamayan mula sa Juda kasama: si Ataias na anak ni Uzias na anak ni Zacarias na anak ni Amarias na anak ni Sefatias na anak ni Mahalael, na kaapu-apuhan ni Peres.
پس در اورشلیم، بعضی از بنی یهودا وبنی بنیامین سکنی گرفتند. و اما از بنی یهودا، عنایاابن عزیا ابن زکریا ابن امریا ابن شفطیا ابن مهللئیل از بنی فارص.۴
5 At naroon si Maaseias na anak ni Baruc na anak Colhoze na anak ni Hazaias na anak ni Adaias na anak ni Joiarib na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.
و معسیا ابن باروک بن کلحوزه ابن حزیا ابن عدایا ابن یویاریب بن زکریا ابن شیلونی.۵
6 Lahat ng mga anak ni Peres na nanirahan sa Jerusalem ay 468. Sila ay mga tanyag na kalalakihan.
جمیع بنی فارص که در اورشلیم ساکن شدند، چهار صد و شصت و هشت مرد شجاع بودند.۶
7 Ang mga ito ay mula sa kaapu-apuhan ni Benjamin: sina Salu na anak ni Mesulam na anak ni Joed na anak ni Pedaias na anak ni Kolaias na anak ni Maaseias na anak ni Itiel na anak ni Jesaias.
واینانند پسران بنیامین: سلو ابن مشلام بن یوعید بن فدایا ابن قولایا ابن معسیا ابن ایتئیل بن اشعیا.۷
8 Ang sumunod sa kaniya ay sina Gabai at Salai, na may kabuuang 928 katao.
وبعد از او جبای و سلای، نه صد و بیست و هشت نفر.۸
9 Si Joel na anak ni Zicri ay tagapamahala, nila at si Juda na anak ni Hesenua ay ang pangalawang tagapamahala sa buong lungsod.
و یوئیل بن زکری، رئیس ایشان بود و یهوداابن هسنوآه، رئیس دوم شهر بود.۹
10 Mula sa mga pari: sina Jedaias na anak ni Joiarib, Jaiquin,
و از کاهنان، یدعیا ابن یویاریب و یاکین.۱۰
11 Seraias na anak ni Helkias na anak ni Mesulam na anak ni Zadok na anak ni Meraiot na anak ni Ahitub, ang pinuno sa tahanan ng Diyos,
و سرایا ابن حلقیاابن مشلام بن صادوق بن مرایوت بن اخیطوب رئیس خانه خدا.۱۱
12 at ang kanilang mga kasamahan na gumawa ng trabaho ng angkan, 822 na mga kalalakihan, kasama si Adaias na anak ni Jeroham na anak ni Pelalias na anak ni Amzi na anak ni Zacarias na anak ni Pashur na anak ni Malquijas.
و برادران ایشان که درکارهای خانه مشغول می‌بودند هشتصد و بیست و دو نفر. و عدایا ابن یروحام بن فللیا ابن امصی ابن زکریا ابن فشحور بن ملکیا.۱۲
13 At ito ang kaniyang mga kasamahan na pinuno ng mga sambahayan, 242 na mga lalaki, at si Amasai ang na anak ni Azarel na anak ni Azai na anak ni Mesilemot na anak ni Immer,
و برادران او که روسای آبا بودند، دویست و چهل و دو نفر. وعمشیسای بن عزرئیل بن اخزای بن مشلیموت بن امیر.۱۳
14 at kanilang mga kapatid, mga matatapang na mandirigma, ang bilang ay 128; ang kanilang pangunahing pinuno ay si Zabdiel na anak ni Hagedolim.
و برادرانش که مردان جنگی بودند، صد وبیست و هشت نفر. و زبدیئیل بن هجدولیم رئیس ایشان بود.۱۴
15 At mula sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hashabias na anak ni Buni,
و از لاویان شمعیا ابن حشوب بن عزریقام بن حشبیا ابن بونی.۱۵
16 at si Sabitai at Jozabad, na mula sa mga pinuno ng mga Levita na nakatalaga sa gawaing panlabas ng tahanan ng Diyos.
و شبتای و یوزابادبر کارهای خارج خانه خدا از روسای لاویان بودند.۱۶
17 Doon si Matanias na anak ni Mica na anak ni Zabdi, mula sa kaapu-apuhan ni Asaf, ang tagapangasiwa na nanguna sa panalangin ng pagpapasalamat, at si Bakbukuias, na pangalawa sa kaniyang mga kasamahan, at si Abda na anak ni Samua na anak ni Galal na anak ni Jeduthun.
و متنیا ابن میکا ابن زبدی بن آساف پیشوای تسبیح که در نماز، حمد بگوید و بقبقیاکه از میان برادرانش رئیس دوم بود و عبدا ابن شموع بن جلال بن یدوتون.۱۷
18 Sa kabuuan ng banal na lungsod ay may 284 na mga Levita.
جمیع لاویان درشهر مقدس دویست و هشتاد و چهار نفر بودند.۱۸
19 Ang mga tagapagbantay ng tarangkahan: sina Akub, Talmon, at kanilang mga kasamahan, na nagbabantay ng mga tarangkahan, 172 mga lalaki.
و دربانان عقوب و طلمون و برادران ایشان که درها را نگاهبانی می‌کردند، صد و هفتاد و دو نفر.۱۹
20 At ang natira mula sa Israel at sa mga pari at sa mga Levita ay naroon sa lahat ng mga bayan ng Juda. Bawat isa ay nanirahan sa sariling minanang lupain.
و سایر اسرائیلیان و کاهنان و لاویان هر کدام در ملک خویش در جمیع شهرهای یهودا (ساکن شدند).۲۰
21 Ang mga manggagawa ng templo ay nanirahan sa Ofel, at sina Ziha at Gispa ang namahala sa kanila.
و نتینیم در عوفل سکنی گرفتند وصیحا و جشفا روسای نتینیم۲۱
22 Ang pangunahing pinuno ng mga Levita na naglilingkod sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hashabias na anak ni Matanias na anak ni Mica, mula sa mga kaapu-apuhan ni Asap na mga mang-aawit na namamahala sa gawain sa tahanan ng Diyos.
و رئیس لاویان در اورشلیم بر کارهای خانه خدا عزی ابن بانی ابن حشبیا ابن متنیا ابن میکا از پسران آساف که مغنیان بودند، می‌بود.۲۲
23 Sila ay nasa ilalim ng mga kautusan ng hari at mahigpit na kautusan ang ibinibigay sa mga mag-aawit na araw-araw kailangang gawin.
زیرا که درباره ایشان حکمی ازپادشاه بود و فریضه‌ای به جهت مغنیان برای امرهر روز در روزش.۲۳
24 At si Petahias na anak ni Mesezabel, mula sa kaapu-apuhan ni Zera na anak ni Juda, ay palaging nasa tabi ng hari sa lahat ng usapin tungkol sa mga tao.
و فتحیا ابن مشیزبئیل ازبنی زارح بن یهودا از جانب پادشاه برای جمیع امور قوم بود.۲۴
25 Tungkol sa mga nayon at kanilang mga bukirin, ilan sa mga mamamayan ng Juda ay nanirahan sa Kiriat Arba at sa mga nayo nito, at sa Dibon at mga nayon nito, at sa Jekabzeel at mga nayon nito.
و بعضی از بنی یهودا در قصبه هاو نواحی آنها ساکن شدند. در قریه اربع و دهات آن و دیبون و دهات آن و یقبصیئیل و دهات آن.۲۵
26 Sila ay nanirahan din sa Jeshua, Molada, Beth-Pelet,
و در یشوع و مولاده و بیت فالط.۲۶
27 Hazar-shual, Beer-seba at mga nayon nito.
و در حصرشوعال و بئرشبع و دهات آن.۲۷
28 At sila ay nanirahan sa Ziklag, Mecona, at mga nayon nito,
و در صقلغ ومکونه و دهات آن.۲۸
29 sa En-rimon, Zora, Jarmut,
و در عین رمون و صرعه ویرموت.۲۹
30 Zanoa, Adullam, at mga nayon nito, at sa Laquis sa kabukiran nito at sa Azeka at mga nayon nito. Kaya nanirahan sila mula sa Beer-seba patungo sa lambak ng ng Ben Hinom.
و زانوح و عدلام و دهات آنها ولاکیش و نواحی آن و عزیقه و دهات آن. پس ازبئرشبع تا وادی هنوم ساکن شدند.۳۰
31 Ang mga lipi ni Benjamin ay nanirahan din mula at paakyat sa Geba, at Micmas, at Aija, at sa Bethel at kanilang mga nayon.
وبنی بنیامین از جبع تا مکماش ساکن شدند. در عیاو بیت یل و دهات آن.۳۱
32 Sila ay nanirahan din sa Anatot, Nob, Ananias,
و عناتوت و نوب وعننیه،۳۲
33 Hazor, Rama, Gitaim,
و حاصور و رامه و جتایم،۳۳
34 Hadid, Zeboim, Nebalat,
و حادیدو صبوعیم و نبلاط،۳۴
35 Lod, at Ono, ang lambak ng mga manggagawa.
و لود و اونو و وادی حراشیم.۳۵
36 Ilan sa mga Levita na nanirahan sa Juda ay itinalaga sa bayan ni Benjamin.
و بعضی فرقه های لاویان در یهودا وبنیامین ساکن شدند.۳۶

< Nehemias 11 >