< Mikas 7 >

1 Sa aba ko! Para sa akin ito ay katulad ng pagtatapos ng pag-aani ng mga bunga sa tag-araw, at kahit na maging ang pamumulot ng mga natitirang ubas sa ubasan. Wala ng mga kumpol ng bunga na makikita, ngunit nananabik pa rin ako sa unang hinog na mga bunga ng igos.
わざわいなるかな、わたしは夏のくだものを集める時のように、ぶどうの収穫の残りを集める時のようになった。食らうべきぶどうはなく、わが心の好む初なりのいちじくもない。
2 Namatay na ang mabuting tao sa lupa, ni isa ay wala ng natira na matuwidi sa mga tao. Sila ay nakahigang naghihintay upang magbubog ng dugo ng iba; ang bawat isa at ang kaniyang kapatid ay naghahanap ng mahuhuli sa pamamagitan ng isang lambat.
神を敬う人は地に絶え、人のうちに正しい者はない。みな血を流そうと待ち伏せし、おのおの網をもってその兄弟を捕える。
3 Ang kanilang mga kamay ay napakahusay sa paggawa ng pinsala. Ang mga pinuno ay humihingi ng pera, ang hukom ay handa sa mga suhol, at sinasabi ng makapangyarihang tao sa iba kung ano ang gusto niyang makuha. Kaya nagbalak sila ng masama.
両手は悪い事をしようと努めてやまない。つかさと裁判官はまいないを求め、大いなる人はその心の悪い欲望を言いあらわし、こうして彼らはその悪を仕組む。
4 Ang pinakamahusay sa kanila ay tulad ng dawag, ang pinakamatuwid ay isang bakod na mga tinikan. Ang araw na inihula sa pamamagitan ng inyong mga bantay, ang araw ng inyong kaparusahan. Ngayon, ang kanilang pagkalito ay dumating.
彼らの最もよい者もいばらのごとく、最も正しい者もいばらのいけがきのようだ。彼らの見張びとの日、すなわち彼らの刑罰の日が来る。いまや彼らの混乱が近い。
5 Huwag magtiwala sa kahit na sinong kalapit bahay. Huwag magtiwala sa kahit na sinong kaibigan. Mag-ingat tungkol sa inyong sinasabi maging sa babaeng nakahiga sa inyong mga kamay.
あなたがたは隣り人を信じてはならない。友人をたのんではならない。あなたのふところに寝る者にも、あなたの口の戸を守れ。
6 Sapagkat hindi igagalang ng isang anak ang kaniyang ama, ang anak na babae ay titindig laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyenang babae. Ang mga kaaway ng tao ay ang mga tao sa kaniyang sariling sambahayan.
むすこは父をいやしめ、娘はその母にそむき、嫁はそのしゅうとめにそむく。人の敵はその家の者である。
7 Ngunit para sa akin, ako ay titingin kay Yahweh. Maghihintay ako sa aking Diyos ng aking kaligtasan, pakikinggan ako ng aking Diyos.
しかし、わたしは主を仰ぎ見、わが救の神を待つ。わが神はわたしの願いを聞かれる。
8 Huwag kang magalak para sa akin, aking kaaway. Pagkatapos kung bumagsak, titindig ako. Kapag ako ay uupo sa kadiliman, si Yahweh ang magsisilbing liwanag para sa akin.
わが敵よ、わたしについて喜ぶな。たといわたしが倒れるとも起きあがる。たといわたしが暗やみの中にすわるとも、主はわが光となられる。
9 Dahil nagkasala ako laban kay Yahweh, titiisin ko ang kaniyang galit hanggang sa patawarin niya ang ang aking pagkasala, at isagawa ang paghatol para sa akin. Dadalhin niya ako sa liwanag, at makikita ko siyang ililigtas niya ako sa kaniyang katarungan.
主はわが訴えを取りあげ、わたしのためにさばきを行われるまで、わたしは主の怒りを負わなければならない。主に対して罪を犯したからである。主はわたしを光に導き出してくださる。わたしは主の正義を見るであろう。
10 At makikita ito ng aking mga kaaway, at kahihiyan ang babalot sa nagsabi sa akin na, “Nasaan si Yahweh na iyong Diyos?” Titingnan siya ng aking mga mata, yayapakan siya tulad ng isang putik sa mga lansangan.
その時「あなたの神、主はどこにいるか」とわたしに言ったわが敵は、これを見て恥をこうむり、わが目は彼を見てあざ笑う。彼は街路の泥のように踏みつけられる。
11 Darating ang araw na itatayo ninyo ang inyong mga pader.
あなたの城壁を築く日が来る。その日には国境が遠く広がる。
12 Sa araw na iyon, ang mga hangganan ay lalong lalawak ang nasasakupan. Sa araw na iyon, darating ang mga sa inyo, mula sa Asiria at sa mga lungsod ng Egipto, mula sa Egipto hanggang sa napakalaking Ilog Eufrates, mula sa malalayong dagat, at mula sa kabundukan.
その日にはアッスリヤからエジプトまで、エジプトからユフラテ川まで、海から海まで、山から山まで、人々はあなたに来る。
13 At ang mga lupaing iyon ay mapapabayaan dahil sa mga taong naninirahan ngayon dito, dahil sa bunga ng kanilang mga kilos.
しかしかの地はその住民のゆえに、そのおこないの実によって荒れはてる。
14 Patnubayan mo ang iyong mga tao gamit ang iyong tungkod, ang kawan ng iyong mana. Kahit na sila ay namumuhay mag-isa sa kagubatan ng Bundok ng Carmelo, pakainin mo sila sa Basan at Galaad na gaya noong mga unang araw.
どうか、あなたのつえをもってあなたの民、すなわち園の中の林にひとりおるあなたの嗣業の羊を牧し、いにしえの日のようにバシャンとギレアデで、彼らを養ってください。
15 Gaya noong araw nang inilabas mo sila sa lupain ng Egipto. Sinabi ni Yahweh, “Magpapakita ako sa kanila ng mga kamangha-manghang mga bagay.”
あなたがエジプトの国を出た時のように、わたしはもろもろの不思議な事を彼らに示す。
16 Makikita ng mga bansa at mapapahiya sa lahat ng kanilang kapangyarihan. Ilalagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig, ang kanilang mga tainga ay mabibingi.
国々の民は見て、そのすべての力を恥じ、その手を口にあて、その耳は聞えぬ耳となる。
17 Didilaan nila ang alikabok ng gaya ng isang ahas, gaya ng nilalang na gumagapang sa lupa. Lalabas sila sa kanilang mga lungga na may takot, lalapit sila sa iyo na may takot, Yahweh na aming Diyos, at sila ay matatakot dahil sa iyo.
彼らはへびのように、地に這うもののようにちりをなめ、震えながらその城から出、おののきつつ、われわれの神、主に近づいてきて、あなたのために恐れる。
18 Sino ang Diyos na gaya mo, ikaw na nag-aalis ng kasalanan, ikaw na pinapalagpas ang mga pagkakasala ng mga natira ng iyong mana? Hindi mo pinapanatili ang iyong galit magpakailanman, dahil gustong-gusto mong ipakita sa amin ang iyong kasunduan ng katapatan.
だれかあなたのように不義をゆるし、その嗣業の残れる者のためにとがを見過ごされる神があろうか。神はいつくしみを喜ばれるので、その怒りをながく保たず、
19 Magkakaroon ka muli ng kahabagan sa amin. Tatapakan mo ang aming kasalanan at itatapon mo ang lahat ng aming kasalanan sa kailaliman ng dagat.
再びわれわれをあわれみ、われわれの不義を足で踏みつけられる。あなたはわれわれのもろもろの罪を海の深みに投げ入れ、
20 Ibibigay mo ang katotohanan kay Jacob at ang kasunduan ng katapatan kay Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno noong unang mga araw.
昔からわれわれの先祖たちに誓われたように、真実をヤコブに示し、いつくしみをアブラハムに示される。

< Mikas 7 >