< Mikas 4 >

1 Ngunit sa mga huling araw, mangyayari na ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh ay itatatag sa ibabaw ng iba pang mga bundok. Ito ay dadakilain nang higit sa mga burol, at magpupuntahan ang mga tao rito.
말일에 이르러는 여호와의 전의 산이 산들의 꼭대기에 굳게 서며 작은 산들 위에 뛰어나고 민족들이 그리로 몰려갈 것이라
2 Maraming bansa ang pupunta at sasabihin, “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
곧 많은 이방이 가며 이르기를 오라 우리가 여호와의 산에 올라가서 야곱의 하나님의 전에 이르자 그가 그 도로 우리에게 가르치실 것이라 우리가 그 길로 행하리라 하리니 이는 율법이 시온에서부터 나올 것이요 여호와의 말씀이 예루살렘에서부터 나올 것임이라
3 Hahatulan niya ang karamihan sa mga tao at magpapasiya tungkol sa maraming bansa na malalayo. Papandayin nila ang kanilang mga espada upang maging mga talim ng araro at ang kanilang mga sibat upang maging mga kutsilyong pamutol. Ang bansa ay hindi na magtataas ng espada laban sa bansa, ni kailanman matututunan kung paano magsimula ng digmaan.
그가 많은 민족 중에 심판하시며 먼 곳 강한 이방을 판결하시리니 무리가 그 칼을 쳐서 보습을 만들고 창을 쳐서 낫을 만들 것이며 이 나라와 저 나라가 다시는 칼을 들고 서로 치지 아니하며 다시는 전쟁을 연습하지 아니하고
4 Sa halip, uupo ang bawat tao sa ilalim ng kaniyang tanim na ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos. Walang sinuman ang mananakot sa kanila, sapagkat nagsalita si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo.
각 사람이 자기 포도나무 아래와 자기 무화과나무 아래 앉을 것이라 그들을 두렵게 할 자가 없으리니 이는 만군의 여호와의 입이 이같이 말씀하셨음이니라
5 Sapagkat lumalakad ang lahat ng tao, ang bawat isa, sa pangalan ng kanilang diyos. Ngunit lalakad tayo sa pangalan ni Yahweh na ating Diyos magpakailan pa man.
만민이 각각 자기의 신의 이름을 빙자하여 행하되 오직 우리는 우리 하나님 여호와의 이름을 빙자하여 영원히 행하리로다
6 “Sa araw na iyon”, sinabi ni Yahweh, “Pag-iisahin ko ang mga pilay at titipunin ko ang mga itinakwil, sila aking sinaktan.
여호와께서 말씀하시되 그 날에는 내가 저는 자를 모으며 쫓겨난 자와 내가 환난 받게한 자를 모아
7 Gagawin kong natitira ang mga pilay at ang mga itinaboy sa isang matatag na bansa, at Ako si Yahweh, ang maghahari sa kanila sa Bundok ng Zion ngayon at magpakailan man.
그 저는 자로 남은 백성이 되게 하며 멀리 쫓겨났던 자로 강한 나라가 되게 하고 나 여호와가 시온 산에서 이제부터 영원까지 그들을 치리하리라 하셨나니
8 At ikaw, ang bantayan para sa kawan, ang burol ng anak na babae ng Zion, darating ito sa iyo— darating ang dating pamumuno, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
너 양떼의 망대요 딸 시온의 산이여 이전 권능 곧 딸 예루살렘의 나라가 네게로 돌아오리라
9 Ngayon, bakit ka umiiyak nang malakas? Wala na ba sa iyo ang hari, namatay na ba ang iyong tagapayo, sumapit sa iyo ang matinding kirot katulad ng babaeng manganganak?
이제 네가 어찌하여 부르짖느냐 너희 중에 왕이 없어졌고 네 모사가 죽었으므로 네가 해산하는 여인처럼 고통함이냐
10 Magdusa ka at maghirap sa panganganak, anak na babae ng Zion, katulad ng isang babaeng nanganganak. Sapagkat ngayon aalis ka sa iyong lungsod, titira sa parang at pupunta sa Babilonia. Doon ay maliligtas ka. Ililigtas ka ni Yahweh doon mula sa kamay ng iyong mga kaaway.
딸 시온이여 해산하는 여인처럼 애써 구로하여 낳을지어다 이제 네가 성읍에서 나가서 들에 거하며 또 바벨론까지 이르러 거기 구원을 얻으리니 여호와께서 거기서 너를 너의 원수들의 손에서 속량하여 내시리라
11 Ngayon, maraming mga bansa ang nagtipon laban sa iyo; sabi nila, 'Hayaan siyang madungisan; ititig natin ang ating mga mata sa Zion.”'
이제 많은 이방이 모여서 너를 쳐 이르기를 시온이 더럽게 되며 그것을 우리 눈으로 바라보기를 원하노라 하거니와
12 Sinabi ng propeta, Hindi nila alam ang mga kaisipan ni Yahweh, ni nauunawaan man ang kaniyang mga plano, sapagkat tinipon niya sila na gaya ng mga bigkis para sa giikan.
그들이 여호와의 뜻을 알지 못하며 그 모략을 깨닫지 못한 것이라 여호와께서 곡식단을 타작마당에 모음 같이 그들을 모으셨나니
13 Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.”
딸 시온이여 일어나서 칠지어다 내가 네 뿔을 철 같게 하며 네 굽을 놋 같게 하리니 네가 여러 백성을 쳐서 깨뜨릴 것이라 내가 그들의 탈취물을 구별하여 여호와께 드리며 그들의 재물을 온 땅의 대주재께 돌리리라

< Mikas 4 >