< Mikas 2 >

1 Aba sa mga nagbabalak ng kasamaan, sa mga nagbabalak sa kanilang higaan na gumawa ng masama. Isinasagawa nila ito sa pagliwanag ng umaga dahil mayroon silang kapangyarihan.
הוי חשבי און ופעלי רע על משכבותם באור הבקר יעשוה כי יש לאל ידם
2 Naghahangad sila ng mga bukid at inaangkin ang mga ito; naghahangad sila ng mga bahay at kinukuha ang mga ito. Inaapi nila ang isang tao at ang kaniyang sambahayan, ang tao at ang kaniyang mana.
וחמדו שדות וגזלו ובתים ונשאו ועשקו גבר וביתו ואיש ונחלתו
3 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: “Tingnan ninyo, magdadala ako ng sakuna laban sa angkan na ito, kung saan hindi ninyo maiaalis ang inyong mga leeg. Hindi kayo makakalakad nang may kayabangan, sapagkat magiging isang panahon ito ng kasamaan.
לכן כה אמר יהוה הנני חשב על המשפחה הזאת רעה אשר לא תמישו משם צוארתיכם ולא תלכו רומה--כי עת רעה היא
4 Sa araw na iyon, ang inyong mga kaaway ay aawit ng isang awitin tungkol sa inyo at mananaghoy na may kasamang pagtangis. Aawit sila ng, 'Kaming mga Israelita ay ganap na nawasak, binabago ni Yahweh ang teritoryo ng aking mga (kababayan) tao. Paano niya ito aalisin mula sa akin? Ibinabahagi niya sa mga taksil ang aming mga bukid!'”
ביום ההוא ישא עליכם משל ונהה נהי נהיה אמר שדוד נשדנו--חלק עמי ימיר איך ימיש לי לשובב שדינו יחלק
5 Kaya, kayong mga mayayamang tao ay hindi magkakaroon ng mga kaapu-apuhan na maghahati-hati ng lupain sa teritoryo sa kapulungan ni Yahweh.
לכן לא יהיה לך משליך חבל בגורל בקהל יהוה
6 “Huwag kayong magpahayag ng propesiya,” sinasabi nila. “Hindi nila dapat ipahayag ang mga bagay na ito, hindi dapat dumating ang kahihiyan.”
אל תטפו יטיפון לא יטפו לאלה לא יסג כלמות
7 Dapat ba talaga itong sabihin, sambahayan ni Jacob, “Galit ba ang Espiritu ni Yahweh? Talaga bang gawa niya ang mga ito?” Hindi ba gumagawa ng kabutihan ang aking mga salita sa sinumang lumalakad nang matuwid?
האמור בית יעקב הקצר רוח יהוה--אם אלה מעלליו הלוא דברי ייטיבו עם הישר הלך
8 Kamakailan lang, naghimagsik ang aking mga tao tulad ng isang kaaway. Inyong hinahablot ang balabal, ang kasuotan, mula sa mga dumadaan nang biglaan, gaya ng pagbalik ng mga kawal mula sa digmaan na kung saan iniisip nilang ligtas na.
ואתמול עמי לאויב יקומם ממול שלמה אדר תפשטון מעברים בטח שובי מלחמה
9 Itinataboy ninyo ang mga babaeng nabibilang sa aking mga tao mula sa kanilang masasayang mga tahanan; kinukuha ninyo mula sa kanilang mga batang anak ang aking pagpapala magpakailanman.
נשי עמי תגרשון מבית תענגיה מעל עלליה תקחו הדרי לעולם
10 Tumayo kayo at umalis, sapagkat hindi ito ang lugar kung saan maaari kayong manatili, dahil sa karumihan nito, nawasak ito nang lubusang pagkawasak.
קומו ולכו כי לא זאת המנוחה בעבור טמאה תחבל וחבל נמרץ
11 Kung may sinumang pupunta sa inyo sa espiritu ng kabulaanan at kasinungalingan at sasabihin, “magpapahayag ako sa inyo ng propesiya tungkol sa alak at matapang na inumin,” ituturing siyang isang propeta para sa mga taong ito.
לו איש הלך רוח ושקר כזב אטף לך ליין ולשכר והיה מטיף העם הזה
12 Tiyak na titipunin ko kayong lahat, Jacob. Tiyak na titipunin ko ang mga natitirang Israelita. Dadalhin ko silang magkakasama tulad ng tupa sa isang kulungan, tulad ng isang kawan sa gitna ng kanilang pastulan. Magkakaroon ng malakas na ingay dahil sa napakaraming tao.
אסף אאסף יעקב כלך קבץ אקבץ שארית ישראל--יחד אשימנו כצאן בצרה כעדר בתוך הדברו תהימנה מאדם
13 Mauuna sa kanila ang isang taong magbubukas ng kanilang daraanan. Bubuksan nila ang tarangkahan at lalabas, mauuna sa kanilang lalabas ang kanilang hari. Mauuna si Yahweh sa kanila.
עלה הפרץ לפניהם--פרצו ויעברו שער ויצאו בו ויעבר מלכם לפניהם ויהוה בראשם

< Mikas 2 >