< Mateo 9 >
1 Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang dako, at nakarating sa kaniyang lungsod.
Et ascendens Iesus in naviculam, transfretavit, et venit in civitatem suam.
2 Masdan ito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nakaratay sa isang higaan. Nang nakita niya ang kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus sa paralisado, “Anak, magalak ka. Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na.”
Et ecce offerebant ei paralyticum iacentem in lecto. Et videns autem Iesus fidem illorum, dixit paralytico: Confide fili, remittuntur tibi peccata tua.
3 Masdan ito, may ilan sa mga eskriba ang nagsabi sa kanilang mga sarili, “Ang taong ito ay lumalapastangan sa Diyos,”
Et ecce quidam de Scribis dixerunt intra se: Hic blasphemat.
4 Batid ni Jesus ang mga nasa isip nila at sinabi, “Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso?
Et cum vidisset Iesus cogitationes eorum, dixit: Ut quid cogitatis mala in cordibus vestris?
5 Sapagkat alin ba ang mas madaling sabihin, 'Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin, 'Tumayo ka at lumakad'?
Quid est facilius dicere: Dimittuntur tibi peccata tua: an dicere: Surge, et ambula?
6 Ngunit para malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan dito sa lupa, ...” sinabi niya sa paralisado, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay.”
Ut autem sciatis, quia filius hominis habet potestatem in terra dimittendi peccata, tunc ait paralytico: Surge, tolle lectum tuum, et vade in domum tuam.
7 Pagkatapos ay tumayo ang lalaki at umuwi sa kaniyang bahay.
Et surrexit, et abiit in domum suam.
8 Nang makita ito ng napakaraming tao, namangha sila at nagpuri sa Diyos, na siyang nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa mga tao.
Videntes autem turbae timuerunt, et glorificaverunt Deum, qui dedit potestatem talem hominibus.
9 Nang si Jesus ay umalis mula doon, nakita niya ang lalake na nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar ng paningilan ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo siya at sumunod sa kaniya.
Et, cum transiret inde Iesus, vidit hominem sedentem in telonio, Matthaeum nomine. Et ait illi: Sequere me. Et surgens, secutus est eum.
10 Habang nakaupo si Jesus upang kumain sa bahay, masdan ito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao at nakisalo sila kay Jesus at sa mga alagad niya.
Et factum est discumbente eo in domo, ecce multi publicani, et peccatores venientes discumbebant cum Iesu, et discipulis eius.
11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, “Bakit ang iyong guro ay kumakain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga taong makasalan?”
Et videntes Pharisaei, dicebant discipulis eius: Quare cum publicanis, et peccatoribus manducat Magister vester?
12 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya,” Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga taong may malalakas na pangangatawan, iyon lamang may mga sakit.
At Iesus audiens, ait: Non est opus valentibus medicus, sed male habentibus.
13 Dapat kayong humayo at unawain ang ibig sabihin nito, 'Nais ko ay habag at hindi alay.' Sapagkat ako ay pumarito, hindi upang tawagin ang matuwid na magsisi, kundi ang mga makasalanan.”
Euntes autem discite quid est: Misericordiam volo, et non sacrificium. Non enim veni vocare iustos, sed peccatores.
14 Pagkatapos ay pumunta ang mga alagad ni Juan sa kaniya at sinabi, bakit kami at ang mga Pariseo ay madalas na nag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?
Tunc accesserunt ad eum discipuli Ioannis, dicentes: Quare nos, et Pharisaei ieiunamus frequenter: discipuli autem tui non ieiunant?
15 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Malungkot ba ang mga panauhin habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na kukunin na sa kanila ang lalaking ikakasal at saka sila mag-aayuno.
Et ait illis Iesus: Numquid possunt filii sponsi lugere, quamdiu cum illis est sponsus? Venient autem dies cum auferetur ab eis sponsus: et tunc ieiunabunt.
16 Walang tao ang maglalagay ng bagong tela sa lumang damit, sapagkat pupunitin lamang ng tagpi ang bagong damit, at gagawa lamang ito ng mas malalang punit.
Nemo autem immittit commissuram panni rudis in vestimentum vetus: tollit enim plenitudinem eius a vestimento: et peior scissura fit.
17 Ni walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kung ito ay gagawin, puputok ang sisidlang balat at matatapon lang ang alak, at ang sisidlang balat ay masisira. Sa halip, ilalagay nila ang bagong alak sa bagong sisidlang balat, at pareho silang magtatagal.”
Neque mittunt vinum novum in utres veteres. alioquin rumpuntur utres, et vinum effunditur, et utres pereunt. Sed vinum novum in utres novos mittunt: et ambo conservantur.
18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kanila, masdan ito, dumating ang isang opisyal at lumuhod sa kaniya. At nagsabi, “Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae, ngunit sumama ka at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya ay mabubuhay.”
Haec illo loquente ad eos, ecce princeps unus accessit, et adorabat eum, dicens: Domine, filia mea modo defuncta est: sed veni, impone manum tuam super eam, et vivet.
19 Pagkatapos ay tumayo si Jesus at sumunod sa kaniya, at ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga alagad.
Et surgens Iesus, sequebatur eum, et discipuli eius.
20 Masdan ito, may isang babae na dinudugo ng malala sa loob ng labindalawang taon ang lumapit sa likuran ni Jesus at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit.
Et ecce mulier, quae sanguinis fluxum patiebatur duodecim annis, accessit retro, et tetigit fimbriam vestimenti eius.
21 Sapagkat sinabi niya sa kanyang sarili, “Kung mahawakan ko lamang ang kaniyang damit, ay gagaling na ako.”
Dicebat enim intra se: Si tetigero tantum vestimentum eius: salva ero.
22 Ngunit lumingon si Jesus at nakita siya at sinabi, “Anak, magpakatatag ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At agad na gumaling ang babae.
At Iesus conversus, et videns eam, dixit: Confide filia, fides tua te salvam fecit. Et salva facta est mulier ex illa hora.
23 Nang dumating si Jesus sa bahay ng opisyal nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang mga tao na gumagawa ng matinding ingay.
Et cum venisset Iesus in domum principis, et vidisset tibicines et turbam tumultuantem, dicebat:
24 Sinabi niya, “Umalis kayo, sapagkat hindi patay ang babae kundi natutulog lamang.” Ngunit siya ay pinagtawanan nila nang may pangungutya.
Recedite: non est enim mortua puella, sed dormit. Et deridebant eum.
25 Noong napalabas na ang mga tao, pumasok siya sa silid at hinawakan niya ito sa kamay at ang batang babae ay bumangon.
Et cum eiecta esset turba, intravit: et tenuit manum eius, et dixit: Puella surge: Et surrexit puella.
26 Ang balita tungkol dito ay kumalat sa buong rehiyon na iyon.
Et exiit fama haec in universam terram illam.
27 Habang papalayo si Jesus mula roon, dalawang bulag na lalaki ang sumunod sa kaniya. Patuloy silang sumisigaw at nagsasabi, “Maawa ka sa amin, Anak ni David!”
Et transeunte inde Iesu, secuti sunt eum duo caeci, clamantes, et dicentes: Miserere nostri, fili David.
28 Nang dumating si Jesus sa bahay, lumapit ang mga bulag sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?” Sinabi nila sa kanya, “Opo, Panginoon.”
Cum autem venisset domum, accesserunt ad eum caeci. Et dicit eis Iesus: Creditis quia hoc possum facere vobis? Dicunt ei: Utique, Domine.
29 At hinawakan ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya.”
Tunc tetigit oculos eorum, dicens: Secundum fidem vestram fiat vobis.
30 At nabuksan ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus, “Tiyakin ninyo na walang makakaalam tungkol dito.”
Et aperti sunt oculi eorum: et comminatus est illis Iesus, dicens: Videte ne quis sciat.
31 Ngunit lumabas ang dalawang lalake at ikinalat ang balitang ito sa buong rehiyon.
Illi autem exeuntes, diffamaverunt eum in tota terra illa.
32 Habang papalayo ang dalawang lalaki, masdan ito, isang lalaking pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus.
Egressis autem illis, ecce obtulerunt ei hominem mutum, daemonium habentem.
33 Nang mapalayas na ang demonyo, ang lalaking pipi ay nakapagsalita. Ang mga tao ay namangha at nagsabi, “Kailan man ay hindi pa ito nakita sa Israel!” Ngunit sinabi ng mga Pariseo,
Et eiecto daemonio, locutus est mutus, et miratae sunt turbae, dicentes: Numquam apparuit sic in Israel.
34 “Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, siya ay nakapagpapalayas ng mga demonyo.”
Pharisaei autem dicebant: In principe daemoniorum eiicit daemones.
35 Pumunta si Jesus sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nagpatuloy siyang nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinangangaral ang mabuting balita ng kaharian, at pinapagaling niya ang lahat ng mga uri ng karamdaman at ang lahat ng uri ng sakit.
Et circuibat Iesus omnes civitates, et castella, docens in synagogis eorum, et praedicans evangelium regni, et curans omnem languorem, et omnem infirmitatem.
36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, dahil sila ay naguguluhan at pinanghihinaan ng loob. Para silang tupang walang pastol.
Videns autem turbas, misertus est eis: quia erant vexati, et iacentes sicut oves non habentes pastorem.
37 Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa.
Tunc dicit discipulis suis: Messis quidem multa, operarii autem pauci.
38 Kaya madaliin ninyong idalangin sa Panginoon ng pag-aani, upang makapagpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.”
Rogate ergo Dominum messis, ut mittat operarios in messem suam.