< Mateo 7 >

1 Huwag kayong humatol, at kayo ay hindi hahatulan.
人を是非すること勿れ、然らば汝等も是非せられじ、
2 Sapagkat ang paghatol na iyong inihatol ay siyang ihahatol sa inyo. At ang panukat na inyong ginamit ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
其は人を是非したる如くに是非せられ、量りたる量にて亦量らるべければなり。
3 At bakit mo tinitingnan ang maliit na pirasong dayami na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo napapansin ang troso na nasa sarili mong mata?
汝何ぞ兄弟の目に塵を見て、己が目に梁を見ざるや。
4 Paano mo sasabihin sa iyong kapatid, 'Hayaan mo akong alisin ang pirasong dayami na nasa iyong mata,' habang ang troso ay nasa iyong mata?
或は汝の目に梁あるに、何ぞ兄弟に向ひて、我をして汝の目より塵を除かしめよと云ふや。
5 Mapagpanggap ka! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at pagkatapos ay malinaw kang makakakita upang alisin ang piraso ng dayami na nasa mata ng iyong kapatid.
僞善者よ、先己の目より梁を除け、然らば明に見えて、兄弟の目より塵をも除くべし。
6 Huwag ninyong ibigay ang anumang banal sa mga aso, at huwag ninyong ihagis ang inyong mga perlas sa harapan ng mga baboy. Kung hindi, ito ay tatapak-tapakan lang nila, at kayo ay babalingan at pagpipira-pirasuhin.
聖物を犬に與ふること勿れ、又汝等の眞珠を豚の前に投ぐること勿れ、恐らくは足にて之を踏み、且顧みて汝等を噛まん。
7 Humingi kayo, at ito ay ibibigay sa inyo. Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo. Kumatok kayo, at bubuksan ito para sa inyo.
願へ、然らば與へられん、探せ、然らば見出さん、叩け、然らば[戸を]開かれん、
8 Sapagkat ang lahat na humihingi, ay makatatanggap. At ang lahat na maghahanap, ay makakatagpo. At sa kanila na kumakatok, ito ay mabubuksan.
其は総て願ふ人は受け、探す人は見出し、叩く人は[戸を]開かるべければなり。
9 O anong tao sa inyo na kapag humingi ng tinapay ang kaniyang anak ay bibigyan niya ng bato?
或は汝等の中、誰か其子麪を乞はんに石を與へんや、
10 O kapag humihingi siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
或は魚を乞はんに蛇を與へんや。
11 Kaya kung kayong mga masasama ay marunong magbigay ng mga mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya?
然れば汝等惡き者ながらも、善き賜を其子等に與ふるを知れば、况や天に在す汝等の父は、己に願ふ人々に善き物を賜ふべきをや。
12 Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta.
然れば総て人に為されんと欲する事を、汝等も人に為せ、蓋律法と預言者とは其なり。
13 Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan. Sapagkat malawak ang tarangkahan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at maraming tao ang dumaraan doon.
汝等窄き門より入れ、蓋亡に至る門は濶く、其路も広くして、是より入る人多し。
14 Subalit makitid ang tarangkahan at makitid ang daan na patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakahanap nito.
嗚呼生命に至る門窄く、其路も狭くして、之を見出す人少き哉。
15 Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo.
汝等僞預言者を警戒せよ、彼等は羊の衣服を着て汝等に至れども、内は暴き狼なり、
16 Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga sila ay inyong makikilala. Makapipitas ba ang tao ng mga ubas mula sa puno ng dawag, o ng mga igos sa mga matitinik na halaman?
其結ぶ果によりて彼等を知るべし。豈茨より葡萄を採り、薊より無花果を採る事あらんや。
17 Sa gayon ding paraan, ang lahat ng puno na namumunga ng mabuti ay mabuti, ngunit ang masamang puno ay namumunga ng masamang bunga.
斯の如く、総て善き樹は善き果を結び、惡き樹は惡き果を結ぶ、
18 Ang mabuting puno ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, hindi rin magbubunga ng mabuti ang masamang puno.
善き樹は惡き果を結ぶ能はず、惡き樹は善き果を結ぶ能はず。
19 Bawat puno na hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.
総て善き果を結ばざる樹は、伐られて火に投入れらるべし。
20 Sa gayon, makikilala ninyo sila sa pamamagitan nang kanilang mga bunga.
故に汝等其結ぶ果によりて彼等を知るべし。
21 Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
我に主よ主よと云ふ人皆天國に入るには非ず、天に在す我父の御旨を行ふ人こそ天國に入るべきなれ。
22 Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?'
彼日には、多くの人我に向ひて、主よ主よ、我等は、御名によりて預言し、且御名によりて惡魔を逐払い、且御名によりて多くの奇蹟を行ひしに非ずや、と云はんとす。
23 At hayagan kong sasabihin sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng masama!'
其時我彼等に宣言せん、我曾て汝等を知らず、惡を為す者よ我を去れ、と。
24 Kaya ang lahat ng nakikinig sa aking mga salita at sumusunod sa kanila ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kaniyang bahay sa isang bato.
然れば総て我此言を聞き且之を行ふ人は、磐の上に其家を建てたる賢き人に比せられん、
25 Bumuhos ang ulan at bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay ngunit hindi ito bumagsak, sapagkat ito ay natatayo sa bato.
雨降り河溢れ風吹きて其家を衝きたれども、倒れざりき、其は磐の上に基したればなり。
26 Subalit lahat ng nakarinig sa aking mga salita at hindi sinusunod ang mga ito ay mahahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan.
又総て我此言を聞きて之を行はざる人は、砂の上に其家を建てたる愚なる人に似ん、
27 Bumuhos ang ulan, bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay. At ito ay bumagsak at nawasak nang tuluyan.”
雨降り河溢れ風吹きて其家を衝きたれば、倒れて其壊甚しかりき、と[教へ給へり。]
28 At pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, namangha ang maraming tao sa kaniyang pagtuturo,
イエズス是等の言を宣畢り給ひければ、群衆其教に感嘆し居たり。
29 sapagkat nagturo siya sa kanila tulad ng isang may kapangyarihan, at hindi kagaya ng kanilang mga eskriba.
其は彼等の律法學士とファリザイ人との如くせずして、権威ある者の如くに教へ給へばなり。

< Mateo 7 >