< Mateo 25 >

1 Ang kaharian ng langit ay magiging katulad ng sampung birhen na nagdala ng kanilang mga ilawan at pumuntang sumalubong sa lalaking ikakasal.
Se konsa, nan Peyi Wa ki nan syèl la se va tankou istwa dis jennfi ki pran lanp yo, ki soti al kontre msye marye a.
2 Ang lima sa kanila ay hangal at ang lima ay matatalino.
Senk nan yo te tèt chaje, senk lòt yo te gen bon konprann.
3 Sapagkat noong dinala ng limang hangal na birhen ang kanilang mga ilawan, hindi sila nagdala ng karagdagang langis.
Tèt chaje yo te pran lanp yo ase. Yo pa t' pote gaz an rezèv.
4 Ngunit yung limang matatalinong birhen ay nagdala ng mga langis sa lalagyan kasama ng kanilang ilawan.
Men sa ki te gen bon konprann yo te pote yon boutèy plen gaz ansanm ak lanp yo.
5 Ngayon habang naantala ang lalaking ikakasal, lahat sila ay inantok at nakatulog.
Pandan yo t'ap tann msye marye a ki te an reta, yo tout pran kabicha, dòmi vòlò yo.
6 Ngunit noong hating gabi na ay may sumigaw, 'Tingnan ninyo ang lalaking ikakasal! Pumunta na kayo at salubungin siya.'
Nan mitan lannwit lan, yon rèl pati: Men msye marye a. Ann al kontre li.
7 Kaya't tumayo ang lahat ng mga birhen at inayos ang kanilang mga ilawan.
Dis jennfi yo leve, yo pran pare lanp yo.
8 Sabi ng mga hangal sa mga matatalino, 'Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat nauubusan na ang aming ilawan.'
Tèt chaje yo mande sak gen bon konprann yo: Tanpri, ban nou ti gout nan gaz nou pote a, paske lanp pa nou yo ap mouri.
9 Ngunit sumagot at sinabi ng mga matatalino, 'Dahil hindi na sapat ang mga ito para sa amin at sa inyo, pumunta nalang kayo doon sa mga nagbebenta at bumili kayo para sa inyong mga sarili.'
Men, senk ki te gen bon konprann yo reponn: Non, nou pa kapab, paske pa gen ase pou nou tout. Pito n' al achte nan men machann yo.
10 Habang umalis sila upang bumili, dumating ang lalaking ikakasal at ang mga nakahanda na ay sumama sa kaniya sa handaan ng kasal at isinara ang pintuan.
Antan tèt chaje yo al achte gaz la, msye marye a vin rive. Senk jennfi ki te pare yo antre ansanm avè l' nan kay nòs la. Yo fèmen pòt la dèyè yo.
11 Pagkatapos nito ang ibang mga birhen ay dumating din at nagsabi, 'Panginoon, panginoon, pagbuksan ninyo kami.'
Pita, lòt jennfi yo vin rive, yo di konsa: Mèt, Mèt, louvri pou nou.
12 Ngunit sumagot siya at nagsabi, 'Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.'
Men msye marye a reponn yo: Sa m'ap di nou la a, se vre wi: m' pa konnen nou.
13 Kaya kailangan kayong magbantay, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.
Apre sa, Jezi di yo: Se poutèt sa, pa kite dòmi pran nou, paske, nou pa konnen ni ki jou, ni ki lè sa va rive.
14 Sapagkat ito ay katulad ng isang taong maglalakbay sa ibang bansa. Tinawag niya ang sarili niyang mga utusan at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang kayamanan.
Vwala, se va tankou yon nonm ki tapral pati pou yon vwayaj. Li rele domestik li yo, li mete yo reskonsab byen li yo.
15 Ang isa sa kanila ay binigyan niya ng limang talento, ang isa naman ay binigyan niya ng dalawa at ang isa naman ay binigyan niya ng isang talento. Nakatanggap ang bawat isa ayon sa kaniya-kaniyang kakayahan, at ang taong iyon ay pumunta sa kaniyang paglalakbay.
Li bay yonn senkmil (5.000) goud, li bay yon lòt demil (2.000) goud, li bay yon twazyèm mil (1.000) goud. Konsa li bay yo chak dapre sa l' konnen yo ka fè. Lèfini, li pati.
16 Agad-agad ang nakatanggap ng limang talento ay umalis at ipinuhunan niya ang mga ito at nagkaroon pa siya ng limang talento.
Lamenm, domestik ki te resevwa senkmil (5.000) goud la al fè lajan an travay. Li rapòte l' senkmil (5.000) goud benefis.
17 Ganoon din ang nakatanggap ng dalawang talento, nagkaroon din ng dalawa pa.
Konsa tou, domestik ki te resevwa demil (2.000) goud la fè demil (2.000) goud benefis.
18 Ngunit ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay umalis, naghukay sa lupa at itinago ang pera ng kaniyang amo.
Sa ki te resevwa mil (1.000) goud la menm ale, li fouye yon twou nan tè, li sere lajan mèt la.
19 Pagkalipas ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga utusan at nakipagsulit sa kanila.
Lontan apre sa, mèt domestik yo tounen, li pran fè regleman ak yo.
20 Dumating ang utusan na nakatanggap ng limang talento at nagdala ng lima pang talento, at sinabi niya, “Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng lima pang talento.'
Domestik ki te resevwa senkmil goud la pwoche, li pote senkmil goud benefis la ba li, li di: Mèt, ou te ban mwen senkmil goud. Men senkmil goud benefis mwen fè.
21 Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
Mèt la di l': Sa se bèl bagay. Ou se yon bon domestik ki travay byen. Paske ou fè ti travay sa a byen, m'ap mete ou reskonsab pi gwo zafè toujou. vin fè fèt avèk mèt ou.
22 Dumating din ang utusan na nakatanggap ng dalawang talento, at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng dalawa pang talento.'
Domestik ki te resevwa demil goud la pwoche apre sa, li di: Mèt, ou te ban mwen demil goud, men demil goud benefis mwen fè.
23 Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
Mèt la di l': Sa se bèl bagay. Ou se yon bon domestik ki travay byen. Paske ou te fè ti travay sa a byen, m'ap mete ou reskonsab pi gwo zafè ankò. vin fè fèt avèk mèt ou.
24 Pagkatapos nito, ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay dumating at nagsabi, 'Panginoon, alam ko na mahigpit kang tao. Gumagapas ka kung saan hindi ka nagtanim, at umaani kung saan hindi ka naghasik.
Apre sa, domestik ki te resevwa sèlman mil goud la pwoche, li di: Mèt, mwen konnen ou se yon nonm ki di. Ou rekolte kote ou pa t' simen, ou ranmase kote ou pa t' plante.
25 Natakot ako, kaya ako ay umalis at itinago ko ang inyong talento sa lupa. Tingnan mo, nandito ang pagmamay-ari mo.'
Mwen te pè, se sak fè mwen te al sere mil goud ou a anba tè. Men, pran lajan ou.
26 Ngunit sumagot ang kaniyang amo at sinabi sa kaniya, 'Ikaw na masama at tamad na utusan, alam mo naman na gumagapas ako kung saan hindi ako nagtanim at umaani kung saan hindi ako naghasik.
Mèt la reponn li: Gade jan ou se yon move domestik, ou parese konsa! Ou te konnen mwen rekolte kote mwen pa t' simen, mwen ranmase kote mwen pa t' plante.
27 Kaya ibinigay mo sana ang pera ko sa mga tagabangko, upang sa aking pagdating natanggap ko na may tubo ang aking pera.
Enben, se pou ou te mete lajan m' labank. Lè m' ta tounen, mwen ta wete manman lajan an ak yon enterè sou li.
28 Kaya kunin ninyo ang talento sa kaniya at ibigay ninyo doon sa mayroong sampung talento.
Wete mil goud la nan men l', pran l' bay sa ki gen dimil (10.000) goud la.
29 Sapagkat kung sinuman ang mayroon, mas marami pa ang ibibigay — mas masagana pa. Subalit kung sino ang walang pagmamay-ari, kahit ang nasa sa kaniya ay kukunin pa.
Paske, moun ki genyen deja a, y'a ba li ankò; konsa la gen depase sa l' bezwen an. Men, moun ki pa gen anyen an, y'a wete nan men l' menm ti sa l' te genyen an.
30 Itapon ang walang silbing utusan sa kadiliman sa labas, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Kanta domestik ki pa vo anyen an, jete l' deyò nan fènwa a. Se lè sa a va gen rèl, se lè sa a va gen manje dan.
31 Pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian at kasama ang lahat ng kaniyang mga anghel, uupo siya sa kaniyang marangal na trono.
Lè Moun Bondye voye nan lachè a va vini nan tout bèl pouvwa li ak tout zanj li yo, la chita sou fotèy li ak tout bèl pouvwa li.
32 Sa harap niya magtitipon ang lahat ng mga bansa, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa't isa, katulad ng pastol na hinihiwalay ang tupa at kambing.
Tout nasyon ki sou latè va sanble devan li. Lè sa a, la separe yo fè de gwoup, menm jan moun k'ap gade mouton mete mouton yon bò, kabrit yon bò.
33 Ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
La mete mouton yo sou bò dwat li, kabrit yo sou bò gòch li.
34 At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, pinagpala kayo ng aking Ama, mamanahin ninyo ang kaharian na inihanda para sa inyo mula pa noong likhain ang mundo.
Apre sa, wa a va pale ak sa ki sou bò dwat li yo, la di: Vini non, nou menm ki resevwa benediksyon Papa m', vin pran posesyon peyi ki te pare pou nou depi lè Bondye t'ap kreye lemonn lan.
35 Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako;
Mwen te grangou, nou ban m' manje; mwen te swaf dlo, nou ban m' bwè. Mwen te lwen peyi m', nou te resevwa m' lakay nou.
36 ako ay hubad at dinamitan ninyo ako, ako ay may sakit at inalagaan ninyo ako; ako ay nasa kulungan at pinuntahan ninyo ako.
Mwen te toutouni, nou te ban m' rad. Mwen te malad, nou pran swen m'; mwen te nan prizon, nou vin wè mwen.
37 At sasagot ang mga matuwid at sasabihin, 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain, o nauhaw at binigyan ng inumin?
Lè sa a, moun ki te fè byen yo va reponn li: Mèt, kilè nou te wè ou grangou pou n' te ba ou manje? Kilè nou te wè ou swaf dlo pou nou te ba ou bwè?
38 at kailan ka namin nakitang dayuhan at pinatuloy ka? O hubad at dinamitan?
Kilè nou te wè ou lwen peyi ou, pou nou te resevwa ou lakay nou? Osinon toutouni, pou n' te ba ou rad?
39 At kailan ka namin nakita na may sakit, o nakulong at pinuntahan ka namin?'
Kilè nou te wè ou malad, osinon nan prizon, pou n' te al wè ou?
40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung ano man ang nagawa ninyo sa mga hamak kong kapatid dito, ginawa ninyo ito sa akin.'
Wa a va reponn yo: Sa m'ap di nou la a, se vre wi: chak fwa nou te fè sa pou yonn nan pi piti pami frè m' yo, se pou mwen nou te fè li.
41 At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel, (aiōnios g166)
Apre sa, la pale avèk sa ki sou bò gòch li yo, la di: Wete kò nou sou mwen, nou menm ki gen madichon! Al nan dife ki p'ap janm mouri an, dife ki te pare pou dyab la ak zanj li yo. (aiōnios g166)
42 sapagkat ako ay nagutom ngunit hindi ninyo ako binigyan ng pagkain; nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng inumin;
Mwen te grangou, nou pa t' ban m' manje, mwen te swaf dlo, nou pa t' ban m' bwè.
43 ako ay isang dayuhan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy, hubo't hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan, may sakit at nasa kulungan, ngunit hindi ninyo ako inalagaan.
Mwen te lwen peyi m', nou pa t' resevwa m' lakay nou. Mwen te toutouni, nou pa t' ban m' anyen pou mwen te mete sou mwen. Mwen te malad, mwen te nan prizon, nou pa t' vin wè mwen.
44 At sasagot din sila at sasabihin, “Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa kulungan, at hindi kayo pinaglingkuran?'
Lè sa a, y'a reponn li: Mèt, kilè nou te wè ou grangou, osinon swaf dlo, kilè nou te wè ou lwen peyi ou, osinon toutouni, kilè nou te wè ou malad osinon nan prizon, jouk pou nou pa t' ba ou lasistans?
45 At sasagot siya sa kanila at magsabi, 'Totoo itong sasabihin ko sa inyo, anumang hindi ninyo ginawa sa mga pinakahamak na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.'
Wa a va reponn yo: Sa m'ap di nou la a, se vre wi: chak fwa nou pa t' fè sa pou yonn nan pi piti sa yo, se pou mwen nou pa t' fè li.
46 Ang mga ito ay pupunta sa walang katapusang parusa ngunit ang matuwid, sa buhay na walang hanggan.” (aiōnios g166)
Apre sa, l'ap voye yo resevwa chatiman ki p'ap janm fini an. Men, pou moun ki te fè byen yo, y'ap antre nan lavi ki p'ap janm fini an. (aiōnios g166)

< Mateo 25 >