< Mateo 24 >

1 Lumabas si Jesus mula sa templo at nagpatuloy sa kaniyang pupuntahan. Nilapitan siya ng mga alagad niya upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.
耶稣出了圣殿,正走的时候,门徒进前来,把殿宇指给他看。
2 Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Totoo itong sinasabi ko sa inyo, wala ni isa mang bato na maiiwang nakapatong sa isa pang bato na hindi guguho.”
耶稣对他们说:“你们不是看见这殿宇吗?我实在告诉你们,将来在这里没有一块石头留在石头上,不被拆毁了。”
3 Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?” (aiōn g165)
耶稣在橄榄山上坐着,门徒暗暗地来说:“请告诉我们,什么时候有这些事?你降临和世界的末了有什么预兆呢?” (aiōn g165)
4 Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, “Mag-ingat kayo na walang makahikayat sa inyo na mailigaw kayo.
耶稣回答说:“你们要谨慎,免得有人迷惑你们。
5 Sapagkat marami ang paririto sa aking pangalan. Sasabihin nila, 'Ako ang Cristo,' at marami ang maililigaw.
因为将来有好些人冒我的名来,说:‘我是基督’,并且要迷惑许多人。
6 Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga balita tungkol sa digmaan. Tingnan ninyo na hindi kayo mababalisa, sapagkat kailangang mangyari ang mga ito; ngunit hindi pa ito ang katapusan.
你们也要听见打仗和打仗的风声,总不要惊慌;因为这些事是必须有的,只是末期还没有到。
7 Sapagkat lalabanan ng isang bansa ang kapwa bansa, at kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga taggutom at mga lindol sa iba't ibang mga lugar.
民要攻打民,国要攻打国;多处必有饥荒、地震。
8 Ngunit lahat ng mga ito ay simula pa lamang ng sakit ng paghilab ng babaeng manganganak.
这都是灾难的起头。
9 Pagkatapos nito, dadalhin nila kayo sa kapighatian at papatayin kayo. Kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa ng dahil sa pangalan ko.
那时,人要把你们陷在患难里,也要杀害你们;你们又要为我的名被万民恨恶。
10 At marami ang matitisod at ipagkanulo nila ang isa't isa, at kasusuklaman nila ang isa't isa.
那时,必有许多人跌倒,也要彼此陷害,彼此恨恶;
11 Marami ang lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw nila ang marami.
且有好些假先知起来,迷惑多人。
12 Dahil lalaganap ang katampalasanan, ang pag-ibig ng karamihan ay lalamig.
只因不法的事增多,许多人的爱心才渐渐冷淡了。
13 Ngunit kung sino ang makapagtitiis hanggang sa katapusan, siya ang maliligtas.
惟有忍耐到底的,必然得救。
14 Itong ebanghelyo ng kaharian ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa. At pagkatapos nito darating na ang katapusan.
这天国的福音要传遍天下,对万民作见证,然后末期才来到。”
15 Kaya, kapag makita na ninyo ang kasuklamsuklam na kalagiman, na sinabi ng propetang si Daniel, na nakatayo na sa banal na lugar (unawain ito ng nagbabasa),
“你们看见先知但以理所说的‘那行毁坏可憎的’站在圣地(读这经的人须要会意)。
16 kailangang tumakas silang mga nasa Judea patungo sa kabundukan,
那时,在犹太的,应当逃到山上;
17 iyong nasa taas ng kanilang bahay huwag nang bumaba upang kumuha ng anumang nasa bahay,
在房上的,不要下来拿家里的东西;
18 at iyong nasa bukid huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
在田里的,也不要回去取衣裳。
19 Ngunit aba sila na mga nagdadalang tao at ang mga nagpapasuso ng mga anak nila sa panahong iyon!
当那些日子,怀孕的和奶孩子的有祸了。
20 Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.
你们应当祈求,叫你们逃走的时候,不遇见冬天或是安息日。
21 Sapagkat magkaroon ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula pa sa simula ng mundo hanggang ngayon, hindi, hindi na muling mangyayari kailanpaman.
因为那时必有大灾难,从世界的起头直到如今,没有这样的灾难,后来也必没有。
22 Maliban na lamang kung paiikliin ang mga araw na iyon, wala ni isa mang laman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiikliin.
若不减少那日子,凡有血气的总没有一个得救的;只是为选民,那日子必减少了。
23 Kaya kung mayroong magsasabi sa inyo na, ''Tingnan ninyo, narito ang Cristo!' o 'Nariyan ang Cristo!' huwag ninyong paniwalaan.
那时,若有人对你们说:‘基督在这里’,或说:‘基督在那里’,你们不要信!
24 Sapagkat darating ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta at magpapakita ng kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan, upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang.
因为假基督、假先知将要起来,显大神迹、大奇事,倘若能行,连选民也就迷惑了。
25 Tingnan ninyo, ipinagpauna ko ng sabihin ito sa inyo.
看哪,我预先告诉你们了。
26 Kaya kapag pagsinasabi nila sa inyo, 'Tingnan ninyo, ang Cristo ay nasa sa ilang', huwag kayong pumunta sa ilang. O, 'Tingnan ninyo, siya ay nasa loobang silid, huwag ninyong paniwalaan ito.
若有人对你们说:‘看哪,基督在旷野里’,你们不要出去!或说:‘看哪,基督在内屋中’,你们不要信!
27 Sapagkat katulad ng pagliwanag ng kidlat galing sa silangan at pagkislap nito sa kanluran, ganoon din ang pagdating ng Anak ng Tao.
闪电从东边发出,直照到西边。人子降临也要这样。
28 Kung saan man naroroon ang patay na hayop, doon din magtitipon ang mga buwitre.
尸首在哪里,鹰也必聚在那里。”
29 Ngunit agad-agad pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim, hindi na magliwanag ang buwan, malalaglag ang mga bituin mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.
“那些日子的灾难一过去, 日头就变黑了, 月亮也不放光, 众星要从天上坠落, 天势都要震动。
30 Pagkatapos nito, ang palatandaan ng Anak ng Tao ay lilitaw sa himpapawid, at kakabugin ng lahat ng mga tribu ang kanilang mga dibdib. Makikita nila ang Anak ng Tao na darating mula sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
那时,人子的兆头要显在天上,地上的万族都要哀哭。他们要看见人子,有能力,有大荣耀,驾着天上的云降临。
31 Susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta, at titipunin nila ang lahat ng kaniyang hinirang mula sa apat na mga hangin, mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabilang dulo.
他要差遣使者,用号筒的大声,将他的选民,从四方,从天这边到天那边,都招聚了来。”
32 Pag-aralan ninyo ang aral mula sa puno ng igos. Kapag nananariwa na ang mga sanga at nagdadahon na ito, alam na ninyo na malapit na ang tag-araw.
“你们可以从无花果树学个比方:当树枝发嫩长叶的时候,你们就知道夏天近了。
33 Gayun din naman, kung makikita ninyo ang lahat ng mga ito, dapat malaman ninyo na malapit na siya, nasa tarangkahan na.
这样,你们看见这一切的事,也该知道人子近了,正在门口了。
34 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang salinlahing ito ay hindi lilipas hanggang mangyari ang lahat ng ito.
我实在告诉你们,这世代还没有过去,这些事都要成就。
35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.
天地要废去,我的话却不能废去。”
36 Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon, walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, ni ang Anak, tanging ang Ama lamang.
“但那日子,那时辰,没有人知道,连天上的使者也不知道,子也不知道,惟独父知道。
37 Katulad sa kapanahunan ni Noe, ganoon din ang pagparito ng Anak ng Diyos.
挪亚的日子怎样,人子降临也要怎样。
38 Dahil katulad sa mga araw bago ang baha, sila ay nagkainan at nag-inuman, nag-aasawa at pinahintulutan ang mga anak nila na mag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa arka,
当洪水以前的日子,人照常吃喝嫁娶,直到挪亚进方舟的那日;
39 at wala silang kaalam-alam hanggang sa dumating ang baha at kinuha silang lahat—ganoon din sa pagparito ng Anak ng Tao.
不知不觉洪水来了,把他们全都冲去。人子降临也要这样。
40 Sa panahong iyon ay may dalawang tao na nasa bukid — ang isa ay kukunin at ang isa naman ay maiiwan.
那时,两个人在田里,取去一个,撇下一个。
41 Dalawang babae ang naggigiling sa gilingan — ang isa ay kukunin at ang isa naman ay maiiwanan.
两个女人推磨,取去一个,撇下一个。
42 Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.
所以,你们要警醒,因为不知道你们的主是哪一天来到。
43 Ngunit alamin ninyo ito, kung alam lang sana ng amo ng tahanan kung anong oras darating ang magnanakaw, nagbantay sana siya at hindi niya hinayaang mapasukan ang kaniyang bahay.
家主若知道几更天有贼来,就必警醒,不容人挖透房屋;这是你们所知道的。
44 Kaya kailangang maghanda kayo, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.
所以,你们也要预备,因为你们想不到的时候,人子就来了。”
45 Kaya sino ang matapat, matalino na utusan na pinagkatiwalaan ng kaniyang amo sa kaniyang sambahayan, upang magbigay ng kanilang pagkain sa tamang panahon?
“谁是忠心有见识的仆人,为主人所派,管理家里的人,按时分粮给他们呢?
46 Pinagpala ang utusan na iyon, na maratnan ng kaniyang among gumagawa nito sa kaniyang pagdating.
主人来到,看见他这样行,那仆人就有福了。
47 Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ipamamahala ng amo sa kaniya ang lahat ng kaniyang ari-arian.
我实在告诉你们,主人要派他管理一切所有的。
48 Ngunit kung may masamang utusan na magsasabi sa puso niya, 'Naantala ang aking amo,'
倘若那恶仆心里说:‘我的主人必来得迟’,
49 at nagsimulang mamalo ng kapwa niyang utusan, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasingero,
就动手打他的同伴,又和酒醉的人一同吃喝。
50 darating ang amo ng bahay na iyon sa araw na hindi inaasahan ng utusan, sa oras na hindi niya alam.
在想不到的日子,不知道的时辰,那仆人的主人要来,
51 Hahatiin siya sa dalawa ng kaniyang amo at gagawin ang kaniyang kapalaran katulad ng sasapitin ng mga mapagkunwari, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.
重重地处治他,定他和假冒为善的人同罪;在那里必要哀哭切齿了。”

< Mateo 24 >