< Mateo 23 >
1 Pagkatapos nito, nagsalita si Jesus sa maraming tao at sa kaniyang mga alagad.
Tedaj reče Jezus ljudstvu in učencem svojim,
2 Sinabi niya, “Ang mga eskriba at mga Pariseo ay umuupo sa upuan ni Moises.
Govoreč: Na Mojzesov stol so se usedli pismarji in Farizeji.
3 Kaya kung ano man ang iutos nila na gawin ninyo, gawin at sundin ninyo ang mga bagay na ito. Ngunit huwag ninyong tularan ang mga gawa nila, dahil nagsasabi sila ngunit hindi naman nila ginagawa.
Vse torej, karkoli vam rekó izpolnjevati, izpolnjujte in delajte. Po njih delih pa ne delajte; ker govoré, pa ne delajo.
4 Totoo nga, nagbibigkis sila ng mga mabibigat na mga pasanin na mahirap dalhin, at ipinapasan nila sa balikat ng mga tao. Ngunit sila mismo ay hindi gagalaw ng iisang daliri upang buhatin nila ang mga ito.
Vežejo namreč težke in neprenosljive butare; in nakladajo jih ljudém na pleča: a s svojim prstom jih ne té ganiti.
5 Lahat ng mga gawa nila, ginawa nila upang makita ng mga tao. Sapagkat pinapalawak nila ang mga pilakterya nila at pinalalaki nila ang mga laylayan ng kanilang mga damit.
Vsa svoja dela pa delajo, da jih vidijo ljudjé. Razširjajo si namreč napise, in delajo velike robove oblačilom svojim.
6 Gusto nilang umupo sa mga pangunahing lugar ng mga pista at sa mga pangunahing upuan sa sinagoga,
In ljubijo prve prostore na gostijah, in prve stole po shajališčih,
7 at mga natatanging pagbati sa mga pamilihan at tawagin silang, “Rabi” ng mga tao.
In pozdrave po ulicah, in da jih ljudjé imenujejo: Rabi! Rabi!
8 Ngunit hindi kayo dapat tawagin na 'Rabi', sapagkat iisa lang ang guro ninyo, at lahat kayo ay magkakapatid.
Vi se pa ne imenujte rabi; kajti eden je vaš mojster, Kristus: vsi vi ste pa bratje.
9 At huwag ninyong tawagin na ama ang kahit sinuman sa lupa dahil iisa lang ang inyong Ama at siya ay nasa langit.
In ne imenujte na zemlji nikogar očeta svojega; kajti eden je vaš oče, kteri je na nebesih.
10 At hindi rin dapat kayong tawagin na 'guro' dahil iisa lang ang inyong guro, ang Cristo.
Ne imenujte se tudi ne učenike; kajti eden je vaš učenik, Kristus.
11 Ngunit ang pinakadakila sa inyo ay siyang maging tagapaglingkod sa inyo.
A kdor je največi med vami, bodi vam služabnik.
12 Kung sinuman ang nagtataas sa kaniyang sarili ay ibababa. At kung sinumang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay itataas.
Kdor se pa povišuje, ponižal se bo; in kdor se ponižuje, povišal se bo.
13 Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinarhan ninyo ang kaharian ng langit sa mga tao. Kayo nga mismo ay hindi pumapasok at hindi rin ninyo pinayagan yung ibang papasok pa lamang.
Gorjé pa vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da zapirate nebeško kraljestvo pred ljudmí; vi namreč ne greste va-nj, in tudi tistim, kteri hočejo, ne puščate vniti.
14 (Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaeng balo habang nagpapakita kayo ng mahabang panalangin.)
Gorjé vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da požirate vdovam hiše, in na videz dolgo molite: za to boste prejeli ostrejo sodbo.
15 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalakbay ninyo ang karagatan at lupain upang makahikayat ng isang mananampalataya. At kung maging mananampalataya na siya, dalawang beses ninyo siyang ginawang anak ng impyerno na katulad ninyo mismo. (Geenna )
Gorjé vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da prehodite morje in zemljo, da pridobite enega, kteri se pojudi; in ko se je pojudil, naredite iž njega peklenskega sinú, dvakrat hujega od sebe. (Geenna )
16 Aba kayo, kayong mga bulag na tagapaggabay, kayo na nagsasabi, 'Kung ipanumpa ng ninuman ang templo, balewala lang iyon. Ngunit kung ipanumpa ninuman ang ginto sa templo, nakagapos siya sa kaniyang panunumpa.'
Gorjé vam, slepi vodniki! kteri pravite: Če priseže kdo pri tempeljnu, to ni nič; če pa priseže kdo pri tempeljnovem zlatu, kriv je.
17 Kayong mga hangal na bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang templo kung saan iniaalay ang ginto sa Diyos?
Bebci in slepci! Kaj pa je več, zlato, ali tempelj, kteri posvečuje zlato?
18 At, 'Kung ipanumpa ninuman ang altar, balewala lang iyon. Subalit kung ipanumpa ninuman ang handog na nasa altar, nakagapos siya sa kaniyang panunumpa.'
In; Če priseže kdo pri oltarji, to ni nič; če pa priseže kdo pri daru, ki je na njem, kriv je.
19 Kayong mga bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang kaloob o ang altar kung saan iniaalay ang kaloob sa Diyos?
Bebci in slepci! Kaj pa je več, dar, ali oltar, kteri posvečuje dar?
20 Kaya kung ipanumpa ninuman ang altar, ipanumpa niya ito at ang lahat ng mga naroon.
Kdor torej priseže pri oltarji, prisega pri njem in pri vsem, kar je na njem.
21 At kung ipanumpa ninuman ang templo, ipanumpa niya ito at sa kaniya na nakatira doon.
In kdor priseže pri nebu, prisega pri njem in pri tistem, kteri sedí na njem.
22 At kung ipanumpa ninuman ang langit, ipanumpa niya ang trono ng Diyos at sa kaniya na nakaupo roon.
In kdor priseže pri tempeljnu, prisega pri njem in pri tistem, kteri prebiva v njem.
23 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng mga yerbabuena, anis at kumin, ngunit hindi ninyo ginagawa ang mas mahalagang mga bagay tungkol sa batas - katarungan, kahabagan at pananampalataya. Subalit dapat sanang gawin ninyo ang mga ito at huwag pabayaang gawin ang iba.
Gorjé vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da dajete desetino od mete, in kopra, in kumine, opustili ste pa, kar je najvažneje v postavi: sodbo in milost in vero. To je bilo treba storiti, in onega ne opustiti.
24 Kayong mga bulag na tagagabay, kayong mga nagsasala ng mga niknik ngunit nilulunok ang kamelyo!
Slepi vodniki! kteri ocejate komarja, kamelo pa požirate.
25 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit sa loob puno ang mga ito ng pangingikil at kalabisan.
Gorjé vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da čistite sklenico in skledo zunej, znotrej ste pa polni ropa in nepravičnosti.
26 Ikaw bulag na Pariseo, linisin mo muna ang loob ng tasa at pinggan upang ang labas ay magiging malinis din.
Slepi Farizej! očisti poprej sklenico in skledo znotrej, da boste tudi zunej čisti
27 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat tulad kayo ng mga mapuputing puntod na nilinis na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at lahat ng karumihan.
Gorjé vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da ste podobni pobeljenim grobom, kteri se zdé zunej lepi, znotrej so pa polni mrtvaških kosti in vse nesnage.
28 Gayon din, kayo rin sa panlabas ay matuwid sa paningin ng mga tao, ngunit sa loob ay puno kayo ng pagkukunwari at mga katampalasanan.
Tako se kažete tudi vi ljudém zunej pravične, znotrej ste pa polni hinavstva in hudobije.
29 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat gumagawa kayo ng mga puntod ng mga propeta at pinalamutian ang mga puntod ng mga matuwid.
Gorjé vam, pismarji in Farizeji, hinavci! da zidate prerokom grobe, in lepšate pravičnim spomenike,
30 Sinasabi ninyo na, 'Kung nabuhay kami sa kapanahunan ng aming mga ama, hindi kami sasali sa pag-ula ng dugo ng mga propeta.'
In pravite: Da smo bili v dnéh očetov svojih, ne bi bili njih deležniki bili pri krvi prerokov.
31 Sa gayon kayo mismo ang nagpapatotoo na kayo ay mga anak ng mga pumatay sa mga propeta.
Tako pričate sami zoper sebe, da ste sinovih teh, kteri so pomorili preroke.
32 Pinupuno rin ninyo ang mga kota ng kasalanan ng inyong mga ama.
In vi ste napolnili mero očetov svojih.
33 Kayong mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang hatol sa impyerno? (Geenna )
Kače! gadja zalega! kako boste ubežali sodbi peklenskega ognja? (Geenna )
34 Kaya, tingnan ninyo, magsusugo ako ng mga propeta, mga pantas, at mga eskriba. Ang iba sa kanila ay papatayin ninyo at ipapako sa krus. At yung iba sa kanila hahagupitin ninyo sa mga sinagoga ninyo at hahabulin ninyo sila saang lungsod man sila.
Za to, glej, pošiljam jaz k vam preroke in modre in pismarje; in nektere od njih boste pomorili in razpeli na križ, in nektere od njih boste po shajališčih svojih bičali, in preganjali od mesta do mesta.
35 Ang kalabasan ay mapapasainyo ang lahat ng mga dugo ng mga matuwid na inula sa lupa, mula sa dugo ni Abel na matuwid hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa gitna ng santuwaryo at altar.
Da pride na vas vsa pravična kri, ktera se je prelila na zemlji, od krvi pravičnega Abeljna noter do krvi Zaharija Baruhijevega sina, kterega ste umorili med tempeljnom in oltarjem.
36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, lahat ng mga ito ay mangyayari sa salin-lahing ito.
Resnično vam pravim: Vse to bo prišlo na ta rod.
37 Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon!
Jeruzalem, Jeruzalem, kteri ubijaš preroke in kamenjuješ tiste, kteri so k tebi poslani! Kolikrat sem hotel zbrati otroke tvoje, kakor zbira kokoš piščeta svoja pod peruti, in niste hoteli.
38 Tingnan ninyo, maiwan na sa inyo ang bahay ninyo na napabayaan.
Glej, zapušča vam se hiša vaša pusta.
39 Sapagkat sasabihin ko sa inyo, Magmula ngayon hindi na ninyo ako makikita hanggang sa sasabihin ninyong, “Pinagpala ang darating sa pangalan ng Panginoon.”
Kajti resnično vam pravim: Ne boste me videli odslej, dokler ne rečete: Blagoslovljen, kteri gre v imenu Gospodovem!