< Mateo 22 >

1 At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi,
Then Iesus answered, and spake vnto them againe in parables, saying,
2 “Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki.
The kingdome of heauen is like vnto a certaine King which maried his sonne,
3 Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta.
And sent foorth his seruants, to call them that were bidde to the wedding, but they woulde not come.
4 At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, 'Sabihin sa mga naanyayahan, “Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.'
Againe hee sent foorth other seruants, saying. Tell them which are bidden, Beholde, I haue prepared my dinner: mine oxen and my fatlings are killed, and all thinges are readie: come vnto the mariage.
5 Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo.
But they made light of it, and went their wayes, one to his farme, and another about his marchandise.
6 Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, pinahiya at pinatay sila.
And the remnant tooke his seruants, and intreated them sharpely, and slewe them.
7 Subalit nagalit ang hari. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.
But when the King heard it, he was wroth, and sent foorth his warriers, and destroyed those murtherers, and burnt vp their citie.
8 At sinabi niya sa kaniyang mga utusan, 'Ang kasal ay handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat.
Then saide hee to his seruants, Truely the wedding is prepared: but they which were bidden, were not worthy.
9 Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan at anyayahan ninyo kung gaano karaming tao ang inyong matatagpuan sa salu-salo sa kasal.'
Go ye therefore out into the high wayes, and as many as ye finde, bid them to the mariage.
10 At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
So those seruantes went out into the hie wayes, and gathered together all that euer they found, both good and bad: so the wedding was furnished with ghestes.
11 Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan.
Then the King came in, to see the ghestes, and sawe there a man which had not on a wedding garment.
12 Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
And he sayd vnto him, Friend, how camest thou in hither, and hast not on a wedding garment? And he was speachlesse.
13 At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Gapusin ang kamay at paa ng taong ito, at ihagis siya sa kadiliman sa labas, kung saan doon ay may pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.'
Then sayd the King to the seruants, Binde him hand and foote: take him away, and cast him into vtter darkenes: there shalbe weeping and gnashing of teeth.
14 Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”
For many are called, but fewe chosen.
15 At umalis ang mga Pariseo at nagbalak kung papaanong mabitag nila si Jesus sa kaniyang sariling salita.
Then went the Pharises and tooke counsell how they might tangle him in talke.
16 At pinadala nila ang kanilang mga alagad sa kaniya, kasama ang mga tagasunod ni Herodes. Sinabi nila kay Jesus, “Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan, at nagtuturo sa pamamaraan ng Diyos ng may katotohanan. At wala kayong pakialam sa sinasabi nang sinuman, at hindi nagpapakita ng pagtatangi sa mga tao.
And they sent vnto him their disciples with the Herodians, saying, Master, we knowe that thou art true, and teachest the way of God truely, neither carest for any man: for thou considerest not the person of men.
17 Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?”
Tell vs therefore, how thinkest thou? Is it lawfull to giue tribute vnto Cesar, or not?
18 Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, “Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari?
But Iesus perceiued their wickednes, and sayd, Why tempt ye me, ye hypocrites?
19 Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi.” Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya.
Shewe me the tribute money. And they brought him a peny.
20 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaninong mukha at pangalan ang narito?”
And he sayde vnto them, Whose is this image and superscription?
21 Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”
They sayd vnto him, Cesars. Then sayd he vnto them, Giue therefore to Cesar, the things which are Cesars, and giue vnto God, those things which are Gods.
22 Nang mapakinggan nila ito, namangha sila. At iniwan nila siya at umalis sila.
And when they heard it, they marueiled, and left him, and went their way.
23 Sa araw na iyon ilan sa mga Saduseo na mga nagsasabi na walang muling pagkabuhay ay pumunta sa kaniya. Tinanong nila siya,
The same day the Sadduces came to him (which say that there is no resurrection) and asked him,
24 na nagsasabi, “Guro, sinabi ni Moises na, 'Kung ang tao ay mamatay, na walang anak, kailangang pakasalan ng kapatid niya ang kaniyang asawa at magkaroon ng anak alang-alang sa kaniyang kapatid.'
Saying, Master, Moses sayd, If a man die, hauing no children, his brother shall marie his wife by the right of alliance, and raise vp seede vnto his brother.
25 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Ang panganay ay nag-asawa at namatay, at hindi nagkaanak. Iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalaki.
Nowe there were with vs seuen brethren, and the first maried a wife, and deceased: and hauing none yssue, left his wife vnto his brother.
26 At ang pangalawang kapatid na lalaki gayon din ang ginawa niya, at ang pangatlo, hanggang sa pampitong kapatid na lalaki.
Likewise also the second, and the third, vnto the seuenth.
27 Pagkatapos nilang lahat, namatay din ang babae.
And last of all the woman died also.
28 Ngayon sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya sa pitong magkakapatid? Sapagkat siya ay naging asawa nilang lahat.”
Therefore in the resurrection, whose wife shall she be of the seuen? for all had her.
29 Subalit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos.
Then Iesus answered, and sayd vnto them, Ye are deceiued, not knowing the Scriptures, nor the power of God.
30 Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa, o pag-aasawahin. Sa halip, sila ay katulad ng mga anghel sa langit.
For in the resurrection they neither marie wiues, nor wiues are bestowed in mariage, but are as the Angels of God in heauen.
31 Ngunit tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nababasa kung ano ang sinabi sa inyo ng Diyos, na nagsasabi,
And concerning the resurrection of the dead, haue ye not read what is spoken vuto you of God, saying,
32 'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob'? “Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kung hindi ng mga buhay.”
I am the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Iacob? God is not the God of the dead, but of the liuing.
33 Nang mapakinggan ito ng mga tao, sila ay namangha sa kaniyang katuruan.
And when the multitude heard it, they were astonied at his doctrine.
34 Subalit nang mapakinggan ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, nagtipuntipon sila.
But when the Pharises had heard, that he had put the Sadduces to silence, they assembled together.
35 Isa sa kanila na isang abogado ay nagtanong sa kaniya ng isang katanungan, upang subukin siya—
And one of them, which was an expounder of the Lawe, asked him a question, tempting him, and saying,
36 “Guro, alin ba ang pinakadakilang utos sa kautusan?”
Master, which is ye great commandement in the Lawe?
37 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.'
Iesus sayd to him, Thou shalt loue the Lord thy God with all thine heart, with all thy soule, and with all thy minde.
38 Ito ang dakila at unang kauutusan.
This is the first and the great commandement.
39 At ang pangalawang kautusan ay katulad nito— 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'
And the second is like vnto this, Thou shalt loue thy neighbour as thy selfe.
40 Dito sa dalawang mga kautusang ito nakasalalay ang buong kautusan at ang mga propeta.”
On these two commandements hangeth the whole Lawe, and the Prophets.
41 Ngayon habang ang mga Pariseo ay nagkakatipon pa rin, si Jesus ay nagtanong sa kanila ng katanungan.
While the Pharises were gathered together, Iesus asked them,
42 Sinabi niya, “Ano ang iniisip ninyo tungkol kay Cristo? Kaninong anak siya?” Sinabi nila sa kaniya, “Ang anak ni David.”
Saying, What thinke ye of Christ? whose sonne is he? They sayd vnto him, Dauids.
43 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Papaanong si David sa Espiritu ay tumawag sa kaniyang Panginoon, na nagsabi,
He sayd vnto them, How then doeth Dauid in spirit call him Lord, saying,
44 'Ang Panginoon ay nagsabi sa aking Panginoon, “Umupo ka sa dako ng aking kanang kamay, hanggang ang iyong mga kaaway ay maging tungtungan ng iyong mga paa.”'?”
The Lord sayd to my Lord, Sit at my right hand, till I make thine enemies thy footestoole?
45 Kung si David nga ay tinawag niya ang Cristo na 'Panginoon', paano siya naging anak ni David?”
If then Dauid call him Lord, howe is he his sonne?
46 Walang kahit isa na makasagot sa kaniya ng isang salita, at mula sa araw na iyon walang sinumang sumubok pang magtanong sa kaniya.
And none could answere him a worde, neither durst any from that day foorth aske him any moe questions.

< Mateo 22 >