< Mateo 20 >

1 Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang nagmamay-ari ng lupain, na lumabas ng maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan.
國好比一個家主,清晨出去為自己的葡萄園僱工人。
2 Pagkatapos niyang makipagsundo sa mga manggagawa sa isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya sila sa kaniyang ubasan.
他與工人約定一天一個「德納」,就派他們到葡萄園去了。
3 Lumabas siya muli sa dakong alas nuwebe noong umagang iyon at nakita niya ang ibang mga manggagawa na nakatayong walang ginagawa sa pamilihan.
約在第三時辰,又出去,看見另有些人在街上閒站著,
4 Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta rin kayo sa ubasan, at kung ano ang nararapat sa inyo ay ibibigay ko.' At sila ay pumunta upang magtrabaho.
就對他們說:你們也到我的葡萄園裏去吧!凡照公義該給的,我必給你們。
5 Lumabas siyang muli nang mag-aalas dose ng tanghali at muli nang mag-aalas tres ng hapaon, at ganoon din ang ginawa niya.
他們就去了。約在第六和在第九時辰,他又出去,也照樣做了。
6 At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?'
約在第十二時辰,他又出去,看見還有些人站在那裏,就對他們說:為什麼你們站在這裏整天閒著?
7 Sinabi nila sa kaniya, 'Sapagka't wala ni isang umupa sa amin,' Sinabi niya sa kanila, 'Kayo rin ay pumunta sa ubasan.'
他們對他說:因為沒有人僱我們。他給他們說:你們也到我的葡萄園裏去吧!
8 At nang sumapit ang gabi, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang tagapangasiwa, 'Tawagin ang mga manggagawa at ibigay ang kanilang sahod, mula sa nahuli hanggang sa nauna.'
到了晚上,葡萄園的主人對他的管事人說:你叫他們來,分給他們工資,由最後的開始,直到最先的。
9 At nang ang mga manggagawa na inupahan nang mag-aalas singko ay dumating, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denaryo.
那些約在第十一時辰來的人,每人領了一個「德納」。
10 At nang ang mga naunang manggagawa ay dumating, inisip nila na higit na marami ang kanilang tatanggapin, subalit bawat isa sa kanila ay tumanggap rin ng tig-iisang denaryo.
那些最先僱來的,心想自己必會多領,但他們也只領了一個「德納」。
11 At nang matanggap nila ang kanilang mga sahod, sila ay nagreklamo tungkol sa may-ari ng ubasan.
他們一領了,就抱怨家主,
12 Sabi nila, 'Ang mga huling manggagawang ito ay isang oras lang na nagtrabaho, ngunit ipinantay mo sila sa amin, sa amin na nagdala ng pasan sa buong araw at sa nakakasunog na init.'
說:這些最後僱的人,不過工作了一個時辰,而你竟把他們與我們這整天受苦受熱的,同等看待。
13 Subalit sumagot ang may-ari ng ubasan at nagsabi sa isa sa kanila, 'Kaibigan, wala akong nagawang mali sa iyo, Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo?
他答覆其中的一個說:朋友!我並沒有虧負你,你不是和我議定了一個「德納」嗎?
14 Tanggapin mo ang para sa iyo at humayo ka. Kagalakan ko ang magbigay sa mga nahuling mga manggagawa na inupahan katulad ng sa inyo.
拿你的走吧!我願意給這最後來的和給你的一樣。
15 Hindi ba marapat sa akin na gawin kung ano ang nais kong gawin sa aking mga pag-aari?' O ang iyong mata ay masama dahil ako ay mabuti?
難道不許我拿我所有的財物,行我所願意的嗎?或是因為我好,你就眼紅嗎?
16 Kaya nga ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna.”
這樣,最後的,將成為最先的,最先的將成為最後的。」
17 Habang si Jesus ay patungo sa Jerusalem, ang labindalawa ay isinama niya at habang nasa daan sinabi niya sa kanila,
耶穌上耶路撒冷去,暗暗把十二個門徒帶到一邊,在路上對他們說:
18 “Tingnan ninyo, aakyat tayo patungo sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga punong mga pari at mga eskriba. At siya ay hahatulan nila ng kamatayan
「看,我們上耶路撒冷去,人子要被交於司祭和經師,他們要定的死罪;
19 at ibibigay sa mga Gentil upang siya ay kutyain, paluin, at ipako siya sa krus. Ngunit sa ikatlong araw siya ay babangunin.
並且要把他給外邦人戲弄、鞭打、釘死;但第二天,他要復活。」
20 At ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo ay pumunta kay Jesus kasama ang kaniyang mga anak. Yumukod siya sa kaniyang harapan at humiling ng isang bagay sa kaniya.
那時,載伯德兒子的母親,同自己的兒子前來,叩拜耶穌,請求衪一件事。
21 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nais mong hilingin?” Sinabi niya sa kaniya, “Ipag-utos mo na ang aking dalawang anak ay makakaupo sa iyong kaharian, ang isa sa iyong dakong kanang kamay at ang isa naman ay sa iyong dakong kaliwang kamay,”
耶穌對她說:「妳要什麼? 」她回答說:「你叫我的這兩個兒子,在你王國內,一個坐在你的右邊,一個坐在你的左邊。」
22 Subalit sinagot siya ni Jesus at nagsabi, “Hindi ninyo alam kung ano ang iyong hinihiling. Kaya ba ninyong inumin ang tasa na aking iinumin?” Sinabi nila sa kaniya, “Kaya namin.”
耶穌回答說:「你們不知道你們所求的是什麼,你們能飲我將要飲的爵嗎? 」他們說:「我們能」
23 Sinabi niya sa kanila, “Ang aking tasa ay tunay ninyong inumin. Subalit ang pag-upo sa aking dakong kanang kamay at sa aking dakong kaliwang kamay ay hindi sa aking pagpapasya, ngunit ito ay para sa kanila na pinaghandaan ng aking Ama.”
耶穌對他們說:「我的爵你們固然要飲,但坐在右邊或左邊,不是我可以給的,而是我父給誰預備了,就給誰。」
24 At nang mapakinggan ito ng sampung mga alagad, labis silang hindi nasiyahan sa dalawang magkapatid.
那十個聽了,就惱怒他們兩兄弟。
25 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, “Alam ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay nanglulupig sa kanila, at ang mga mahahalagang mga tao sa kanila ay gumagamit ng kapangyarihan upang sundin sila.
耶穌叫過他們來說:「你們知道:外邦人有首長主宰他們,有大臣管轄他們。
26 Subalit hindi dapat mangyari ito sa inyo. Sa halip, ang sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo.
在你們中間卻不可這樣,誰若在你們中願意成為大的,就當作你們的僕役;
27 At ang sinumang nagnanais na maging una sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo.
誰若願意在你們中為首,就當作你們的奴僕。
28 Katulad ng Anak ng Tao hindi siya naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pangtubos sa marami.
就如人子來不是受服,而是服事人,並交出自己的生命,為大眾作贖價。」
29 Habang sila ay paalis mula sa Jerico, napaka-raming tao ang sumunod sa kaniya.
他們由耶里哥出來時,許多群眾跟隨耶穌。
30 At nakita nila ang dalawang bulag na lalaki na nakaupo sa daan. Nang marinig nila na si Jesus ay dumaraan, sila ay sumigaw at nagsabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin.”
有兩個瞎子坐在路旁,聽說耶穌路過,就喊叫說:「主,達味之子,可憐我們吧!」民眾責斥他們,
31 Subalit sinaway sila ng mga tao, sinabihan sila na tumahimik. Ngunit, lalo silang nagsisisigaw ng malakas at nagsabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin.”
他們不要作聲;他們反而更喊叫說:「主,達味之子,可憐我們吧!」
32 At huminto si Jesus at tinawag sila at nagsabi, “Ano ang nais ninyong gawin ko sa inyo?”
耶穌就站住,叫過他們來,說:「你們願意我給你們做什麼? 」
33 Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, na ang aming mga mata ay mabuksan.”
他們回答說:「主,叫我們的眼睛開開吧!
34 At si Jesus, na nakadama ng pagkahabag, hinipo ang kanilang mga mata. Agad agad ay natanggap nila ang kanilang paningin at sumunod sa kaniya.
耶穌動了慈心,摸了他們的眼睛;他們就立刻看見了,也跟著衪去了。

< Mateo 20 >