< Mateo 17 >

1 Makalipas ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at si Juan na kaniyang kapatid at sila ay dinala niya sa isang mataas na bundok nang sila lang.
Et post dies sex assumit Jesus Petrum, et Jacobum, et Joannem fratrem ejus, et ducit illos in montem excelsum seorsum:
2 Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.
et transfiguratus est ante eos. Et resplenduit facies ejus sicut sol: vestimenta autem ejus facta sunt alba sicut nix.
3 Masdan ito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.
Et ecce apparuerunt illis Moyses et Elias cum eo loquentes.
4 Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, mabuti na kami ay narito. Kung nais ninyo, gagawa ako dito ng tatlong pagsisilungan—isa para sa inyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias.”
Respondens autem Petrus, dixit ad Jesum: Domine, bonum est nos hic esse: si vis, faciamus tria tabernacula, tibi unum, Moysi unum, et Eliæ unum.
5 Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya.”
Adhuc eo loquente, ecce nubes lucida obumbravit eos. Et ecce vox de nube, dicens: Hic est Filius meus dilectus, in quo mihi bene complacui: ipsum audite.
6 Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot.
Et audientes discipuli ceciderunt in faciem suam, et timuerunt valde.
7 Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, “Tumayo kayo at huwag kayong matakot.”
Et accessit Jesus, et tetigit eos: dixitque eis: Surgite, et nolite timere.
8 At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.
Levantes autem oculos suos, neminem viderunt, nisi solum Jesum.
9 Nang pababa na sila sa bundok, inutos ni Jesus sa kanila, na nagsasabi, “Huwag ninyong ipagsabi sa sinuman ang pangitaing ito hanggang ang Anak ng Tao ay muling ibangon mula sa mga patay.”
Et descendentibus illis de monte, præcepit eis Jesus, dicens: Nemini dixeritis visionem, donec Filius hominis a mortuis resurgat.
10 Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na sinasabi, “Bakit sinasabi ng mga eskriba na kailangan daw munang dumating si Elias?”
Et interrogaverunt eum discipuli, dicentes: Quid ergo scribæ dicunt, quod Eliam oporteat primum venire?
11 Sumagot si Jesus at sinabi, “Totoo na darating si Elias at aayusin ang lahat ng mga bagay.
At ille respondens, ait eis: Elias quidem venturus est, et restituet omnia.
12 Ngunit sinasabi ko sa inyo, si Elias ay dumating na, ngunit siya ay hindi nila nakilala. Sa halip, ginawa nila ang nais nilang gawin sa kaniya. Sa gayon ding paraan, ang Anak ng Tao ay magdurusa rin sa kanilang mga kamay.”
Dico autem vobis, quia Elias jam venit, et non cognoverunt eum, sed fecerunt in eo quæcumque voluerunt. Sic et Filius hominis passurus est ab eis.
13 At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan na Tagapagbautismo.
Tunc intellexerunt discipuli, quia de Joanne Baptista dixisset eis.
14 Pagbalik nila sa kinaroroonan ng mga tao, lumapit ang isang tao at lumuhod sa kaniyang harapan, at sinabi,
Et cum venisset ad turbam, accessit ad eum homo genibus provolutus ante eum, dicens:
15 “Panginoon, mahabag kayo sa aking anak na lalaki, sapagkat siya ay may epilepsiya at lubhang nahihirapan. Sapagkat madalas siyang nahuhulog sa apoy o sa tubig.
Domine, miserere filio meo, quia lunaticus est, et male patitur: nam sæpe cadit in ignem, et crebro in aquam.
16 Dinala ko siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila siya mapagaling.
Et obtuli eum discipulis tuis, et non potuerunt curare eum.
17 Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong salinlahi na walang pananampalataya at mga baluktot, hanggang kailan ba ako mananatili kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin.”
Respondens autem Jesus, ait: O generatio incredula, et perversa, quousque ero vobiscum? usquequo patiar vos? Afferte huc illum ad me.
18 Sinaway siya ni Jesus at umalis ang demonyo sa kaniya. Gumaling ang bata sa oras ding iyon.
Et increpavit illum Jesus, et exiit ab eo dæmonium, et curatus est puer ex illa hora.
19 Pagkatapos nito sarilinang lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Bakit hindi namin ito mapalayas?”
Tunc accesserunt discipuli ad Jesum secreto, et dixerunt: Quare nos non potuimus ejicere illum?
20 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo.
Dixit illis Jesus: Propter incredulitatem vestram. Amen quippe dico vobis, si habueritis fidem sicut granum sinapis, dicetis monti huic: Transi hinc illuc, et transibit, et nihil impossibile erit vobis.
21 (Ngunit hindi mapapalayas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa panalangin at pag-aayuno.)
Hoc autem genus non ejicitur nisi per orationem et jejunium.
22 Habang sila ay nanatili sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao.
Conversantibus autem eis in Galilæa, dixit illis Jesus: Filius hominis tradendus est in manus hominum:
23 At siya ay papatayin nila, at mabubuhay siya sa ikatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng kaniyang mga alagad.
et occident eum, et tertia die resurget. Et contristati sunt vehementer.
24 Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga lalaking naningil ng kalahating siklo ng buwis at sinabi, “Nagbabayad ba ng kalahating siklo ng buwis ang iyong guro?”
Et cum venissent Capharnaum, accesserunt qui didrachma accipiebant ad Petrum, et dixerunt ei: Magister vester non solvit didrachma?
25 Sinabi niya, “Oo.” Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, “Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?”
Ait: Etiam. Et cum intrasset in domum, prævenit eum Jesus, dicens: Quid tibi videtur Simon? reges terræ a quibus accipiunt tributum vel censum? a filiis suis, an ab alienis?
26 Nang sinabi ni Pedro, “Sa mga dayuhan,” sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung ganoon hindi kasama ang kanilang mamamayan sa pagbabayad.
Et ille dixit: Ab alienis. Dixit illi Jesus: Ergo liberi sunt filii.
27 Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo.”
Ut autem non scandalizemus eos, vade ad mare, et mitte hamum: et eum piscem, qui primus ascenderit, tolle: et aperto ore ejus, invenies staterem: illum sumens, da eis pro me et te.

< Mateo 17 >