< Mateo 13 >

1 Sa araw na iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabi ng dagat.
Mũthenya o ro ũcio-rĩ, Jesũ nĩoimire nyũmba agĩthiĩ agĩikara thĩ hũgũrũrũ-inĩ cia iria.
2 May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.
Ikundi cia andũ aingĩ mũno ikĩũngana harĩa aarĩ nginya ĩgĩtũma atoonye gatarũ na agĩikara thĩ thĩinĩ wayo, nao andũ acio othe makĩrũgama hũgũrũrũ-inĩ cia iria.
3 At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, “Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik.
Nake akĩmaruta maũndũ maingĩ na ngerekano, akĩmeera atĩrĩ: “Mũrĩmi nĩoimagarire akahure mbeũ ciake.
4 Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.
Na rĩrĩa aahuraga mbeũ icio-rĩ, imwe ikĩgũa mũkĩra-inĩ wa njĩra, nacio nyoni igĩũka ĩgĩcirĩa.
5 Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa.
Ingĩ ikĩgũa rũnyanjara-inĩ kũrĩa gũtaarĩ na tĩĩri mũingĩ. Nacio ikĩmera o narua tondũ tĩĩri ndwarĩ mũriku.
6 Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito.
Na hĩndĩ ĩrĩa riũa rĩarire, rĩgĩcina mĩmera ĩyo, nayo ĩkĩũma tondũ ndĩarĩ na mĩri.
7 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito.
Na mbeũ ingĩ ikĩgũa mĩigua-inĩ, nayo mĩigua ĩgĩkũra, ĩgĩthararia mbeũ icio rĩrĩa ciamerire.
8 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu.
Ingĩ nacio ikĩgũa tĩĩri-inĩ ũrĩa mũnoru, ikĩgĩa na maciaro imwe ĩgĩciara maita igana, iria ingĩ igĩciara maita mĩrongo ĩtandatũ, na iria ingĩ igĩciara maita mĩrongo ĩtatũ ma iria ciahaandirwo.
9 Ang may taingang pandinig, ay makinig.”
Ũrĩa ũrĩ na matũ ma kũigua, nĩaigue.”
10 Dumating ang mga alagad at sinabi kay Jesus, “Bakit mo kinakausap ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga?”
Nao arutwo ake magĩũka kũrĩ we, makĩmũũria atĩrĩ, “Waragĩria andũ na ngerekano nĩkĩ?”
11 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
Nake akĩmacookeria atĩrĩ, “Inyuĩ nĩmũheetwo ũmenyo wa kũmenya hitho cia ũthamaki wa igũrũ, no-o matiheetwo.
12 Dahil kung sinuman ang mayroon na ay higit pang mabibigyan at siya ay magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinuman na wala, kukunin sa kaniya maging ang tanging mayroon siya.
Ũrĩa wothe ũrĩ na indo nĩakoongererwo nyingĩ aingĩhie makĩria. Nake ũrĩa wothe ũtarĩ, nĩagatuunywo o na kĩrĩa arĩ nakĩo.
13 Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa.
Gĩkĩ nĩkĩo gĩtũmaga ndĩmaarĩrie na ngerekano: “Nĩ ũndũ o na gũkorwo nĩmoonaga-rĩ, mationaga; o na gũkorwo nĩmaiguaga-rĩ, matiiguaga kana makamenya.
14 Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
Nĩo makinyĩirwo nĩ ũhoro ũrĩa warathirwo nĩ mũnabii Isaia, rĩrĩa oigire atĩrĩ: “‘Kũigua mũgũtũũra mũiguaga, no mũtikaamenya ũndũ; kuona mũgũtũũra muonaga, no mũtigakuũkĩrwo.
15 Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay naging mapurol, at hirap sila sa pakikinig, at ipinikit nila ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita sa kanilang mga mata, o makarinig sa kanilang mga tainga, o makaintindi sa kanilang mga puso, upang sila ay babalik muli at sila ay aking pagagalingin.'
“‘Nĩgũkorwo ngoro cia andũ aya nĩ ngingitaru; matũ mao matiiguaga, na nĩmahingĩte maitho mao. Tondũ maahota kuona na maitho mao, na maigue na matũ mao, o na ngoro ciao igĩe na ũmenyo, manjookerere, na niĩ ndĩmahonie.’
16 Ngunit pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito ay nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito ay nakakarinig.
No kũrathimwo nĩ maitho manyu tondũ nĩmoonaga, na matũ manyu tondũ nĩmaiguaga.
17 Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maraming mga propeta at mga taong matuwid ang ninais na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila ito nakita. Ninais nila na marinig ang mga bagay na inyong mga naririnig, ngunit hindi nila ito napakinggan.
Tondũ ngũmwĩra atĩrĩ na ma, anabii na andũ aingĩ athingu nĩmerirĩirie kuona maũndũ marĩa mũrona no-o matiamonire, na nĩmerirĩirie kũigua maũndũ marĩa mũraigua no matiamaiguire.
18 Ngayon, makinig kayo sa talinghaga ng manghahasik.
“Nĩ ũndũ ũcio, ta iguai ngĩtaarĩria ũhoro wa ngerekano ĩyo ya mũhuri wa mbeũ:
19 Kapag mapakinggan ng sinuman ang salita ng kaharian ngunit hindi ito nauunawaan, darating ang masama at nanakawin ang mga binhi na naihasik sa kaniyang puso. Ito ay ang binhi na naihasik sa tabi ng daan.
Hĩndĩ ĩrĩa mũndũ o wothe aigua ndũmĩrĩri ya ũthamaki na akaaga kũmĩmenya-rĩ, hĩndĩ ĩyo ũrĩa mũũru okaga akamũtunya kĩrĩa kĩhaande ngoro-inĩ yake. Ĩno nĩyo mbeũ ĩrĩa yahurirwo mũkĩra-inĩ wa njĩra.
20 Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak.
Ũrĩa wamũkĩrire mbeũ ĩrĩa yagũire rũnyanjara-inĩ nĩ mũndũ ũrĩa ũiguaga kiugo, na o rĩmwe agakĩamũkĩra arĩ na gĩkeno.
21 Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
No tondũ ndarĩ mĩri-rĩ, aikaraga o kahinda kanini. Hĩndĩ ĩrĩa thĩĩna woka, kana kwagĩa na kĩnyariirano nĩ ũndũ wa kiugo-rĩ, agagĩtiganĩria o narua.
22 Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga. (aiōn g165)
Nake ũrĩa wamũkagĩra mbeũ ĩrĩa yagũire mĩigua-inĩ-rĩ, nĩ mũndũ ũrĩa ũiguaga kiugo, no mĩhangʼo ya mũtũũrĩre ũyũ, na kũheenererio nĩ ũtonga, igagĩthararia, ikagiria kĩgĩe na maciaro. (aiōn g165)
23 Siya na naihasik sa mabuting lupa ay siyang nakarinig sa salita at nakaunawa dito. Siya ang tunay na namumunga at nagpapayabong nito; ang ilan ay namunga ng tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tig-tatatlumpu.”
No ũrĩa wamũkĩrire mbeũ ĩrĩa yagũire tĩĩri-inĩ ũrĩa mũnoru-rĩ, nĩ mũndũ ũrĩa ũiguaga kiugo, na agakĩmenya. Nake agaciara maciaro, ũmwe akaruta maita igana, ũngĩ maita mĩrongo ĩtandatũ, na ũngĩ maita mĩrongo ĩtatũ ma mbeũ ĩrĩa yahaandĩtwo.”
24 Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid.
Ningĩ Jesũ akĩmahe ngerekano ĩngĩ, akĩmeera atĩrĩ: “Ũthamaki wa igũrũ ũhaana ta mũndũ ũrĩa wahaandire mbeũ njega mũgũnda wake.
25 Ngunit habang tulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik din ng mga damo kasama ng mga trigo saka umalis.
No rĩrĩa andũ othe maakomete-rĩ, thũ yake ĩgĩũka, ĩkĩhura itindiĩ thĩinĩ wa ngano, na ĩgĩĩthiĩra.
26 Nang sumibol ang mga dahon at namunga ay lumitaw din ang mga damo.
Hĩndĩ ĩrĩa ngano yamerire na igĩciara-rĩ, hĩndĩ ĩyo itindiĩ o narĩo rĩkĩonekana.
27 Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?'
“Ndungata cia mwene mũgũnda igĩũka kũrĩ we, ikĩmwĩra atĩrĩ, ‘Mwathi witũ, githĩ ndwahaandire mbeũ njega mũgũnda waku? Kaĩ itindiĩ rĩkiumĩte kũ?’
28 Sinabi niya sa kanila, 'Ginawa ito ng isang kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang puntahan namin at bunutin ang mga ito?'
“Agĩcookia atĩrĩ, ‘Nĩ mũndũ ũrĩ ũthũ na niĩ wekire ũguo.’ “Ndungata icio ikĩmũũria atĩrĩ, ‘Nĩũkwenda tũthiĩ, tũkarĩmunye?’
29 Sinabi ng may-ari ng lupa, 'Huwag, sapagkat kapag binunot ninyo ang mga damo, baka mabunot niyo din ang mga trigo kasama nito.
“Nake agĩcookia atĩrĩ, ‘Aca, tondũ mũkĩmunya itindiĩ rĩu, mwahota kũrĩmunyanĩria na ngano.
30 Hayaan lang silang parehong lumaki hanggang dumating ang anihan. Sa oras na nang pag-aani ay sasabihin ko sa mga tagapag-ani na, “Unahin ninyong bunutin ang mga damo at bigkisin ang mga ito at inyong sunugin samantalang ang mga trigo naman ay inyong ipunin sa aking kamalig.'””
Rekei ikũranĩre nginya hĩndĩ ya magetha. Hĩndĩ ĩyo-rĩ, nĩngeera agethi atĩrĩ: Ambai mũmunye itindiĩ na mũrĩohe itĩĩa, nĩguo rĩcinwo; mũcooke mũcookanĩrĩrie ngano, mũmĩige ikũmbĩ rĩakwa.’”
31 Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid.
Nĩamaheire ngerekano ĩngĩ, akĩmeera atĩrĩ: “Ũthamaki wa igũrũ ũtariĩ ta mbeũ ya karatarĩ, ĩrĩa mũndũ oire akĩhaanda mũgũnda wake.
32 Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito.”
O na akorwo mbeũ ĩyo nĩyo nini mũno kũrĩ mbeũ ciothe-rĩ, rĩrĩa yakũra, nĩĩnenehaga kũrĩ mĩmera ĩrĩa ĩngĩ ya mũgũnda na ĩgatuĩka mũtĩ, nacio nyoni cia rĩera-inĩ igooka igaaka itara honge-inĩ ciaguo.”
33 Muling nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang ito ay umalsa.”
Agĩcooka akĩmahe ngerekano o ĩngĩ, akĩmeera atĩrĩ: “Ũthamaki wa igũrũ ũhaana ta ndawa ya kũimbia mĩgate ĩrĩa mũndũ-wa-nja oire na akĩmĩtukania na mũtu mũingĩ o nginya mũtu ũcio wothe ũkĩimbio nĩyo.”
34 Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng talinghaga. At kung hindi sa pamamagitan ng talinghaga ay hindi siya nagsalita sa kanila.
Jesũ aaragĩria kĩrĩndĩ maũndũ macio mothe na ngerekano na ndaamaragĩria ũndũ o na ũmwe atekũhũthĩra ngerekano.
35 Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, “Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo.”
Nĩguo ũhoro ũrĩa waaririo na kanua ka mũnabii ũhinge rĩrĩa oigire atĩrĩ: “Ngaatumũra kanua gakwa njarie na ngerekano, nĩngaaria maũndũ marĩa matũire marĩ mahithe kuuma rĩrĩa thĩ yombirwo.”
36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid.”
Hĩndĩ ĩyo agĩtiga kĩrĩndĩ, agĩtoonya nyũmba. Arutwo ake magĩũka kũrĩ we, makĩmwĩra atĩrĩ, “Tũtaarĩrie ngerekano ya itindiĩ rĩrĩa rĩarĩ thĩinĩ wa mũgũnda.”
37 Sumagot si Jesus at sinabi, “Ang naghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao.
Nake akĩmacookeria atĩrĩ, “Ũrĩa wahaandire mbeũ njega nĩ Mũrũ wa Mũndũ.
38 Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama,
Mũgũnda nĩ thĩ, nayo mbeũ njega nĩcio ciana cia ũthamaki. Itindiĩ nĩ ciana cia ũrĩa mũũru,
39 at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel. (aiōn g165)
nayo thũ ĩrĩa ĩrĩhaandaga nĩ ũrĩa mũũru. Magetha nĩ ithirĩro rĩa mahinda maya, na agethi nĩ araika. (aiōn g165)
40 Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo. (aiōn g165)
“Nĩ ũndũ ũcio o ta ũrĩa itindiĩ rĩmunyagwo rĩgacinwo na mwaki-rĩ, ũguo noguo gũkahaana hĩndĩ ya ithirĩro rĩa mahinda maya. (aiōn g165)
41 Magpapadala ang Anak ng Tao ng kaniyang mga anghel at titipunin nila sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng bagay na sanhi ng kasalanan at ang mga gumagawa ng masama.
Mũrũ wa Mũndũ nĩagatũma araika ake, na nĩmakeheria maũndũ mothe marĩa marehaga mehia na andũ arĩa othe mekaga ũũru ũthamaki-inĩ wake.
42 Itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
Nĩmakamaikia thĩinĩ wa icua rĩa mwaki, kũrĩa gũgaakorwo kĩrĩro na kũhagarania magego.
43 At ang mga matutuwid na tao ay magliliwanag tulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may taingang pandinig ay makinig.
Hĩndĩ ĩyo arĩa athingu magaakenga ta riũa thĩinĩ wa ũthamaki wa Ithe wao. Ũrĩa ũrĩ na matũ nĩ aigue.
44 Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon.
“Ũthamaki wa igũrũ ũhaanaine na mũthiithũ wahithĩtwo mũgũnda. Na rĩrĩa mũndũ aawoonire, akĩũhitha rĩngĩ, na nĩ ũndũ wa ũrĩa akenete, agĩthiĩ akĩendia indo ciothe iria arĩ nacio akĩgũra mũgũnda ũcio.
45 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas.
“Ningĩ ũthamaki wa igũrũ ũhaanaine na mwonjorithia wacaragia ruru njega.
46 Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito.
Hĩndĩ ĩrĩa oonire ĩmwe ya thogora mũnene-rĩ, agĩthiĩ akĩendia indo ciake ciothe iria aarĩ nacio, akĩmĩgũra.
47 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba't ibang uri ng lamang dagat.
“O rĩngĩ, ũthamaki wa igũrũ ũhaanaine na neti ĩrĩa yaikirio iria-inĩ, nayo ĩgĩtega thamaki cia mĩthemba yothe.
48 Nang ito ay napuno, hinila ito ng mga mangingisda sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo sila at tinipon ang mga mabuting bagay sa mga lalagyan, ngunit kanilang itinapon ang mga bagay na walang pakinabang.
Hĩndĩ ĩrĩa yaiyũrire, ategi acio a thamaki makĩmĩguucia hũgũrũrũ-inĩ cia iria. Hĩndĩ ĩyo magĩikara thĩ, magĩthuura thamaki iria njega, magĩciĩkĩra ikabũ-inĩ, no iria njũru magĩcite.
49 Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid. (aiōn g165)
Ũguo nĩguo gũgaakorwo hĩndĩ ya ithirĩro rĩa mahinda maya. Araika nĩmagooka maamũranie arĩa aaganu kuuma kũrĩ arĩa athingu, (aiōn g165)
50 Sila ay itatapon nila sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
na maikie arĩa aaganu icua-inĩ rĩa mwaki, kũrĩa gũgaakorwo na kĩrĩro na kũhagarania magego.”
51 Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Oo.”
Jesũ akĩmooria atĩrĩ, “Nĩmwataũkĩrwo nĩ maũndũ macio mothe?” Magĩcookia atĩrĩ, “Ĩĩ, nĩtwataũkĩrwo.”
52 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
Akĩmeera atĩrĩ, “Nĩ ũndũ ũcio, mũrutani wa watho o wothe ũrĩa ũrutĩtwo ũhoro wa ũthamaki wa igũrũ-rĩ, ahaanaine na mwene nyũmba ũrĩa ũrutaga mũthiithũ-inĩ wake indo iria njerũ o na iria ngũrũ.”
53 At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
Nake Jesũ aarĩkia kũheana ngerekano icio-rĩ, akiuma kũu.
54 Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, “Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito?
Aakinya itũũra rĩa kwao-rĩ, akĩambĩrĩria kũrutana thunagogi-inĩ ciao, nao makĩgega. Makĩũrania atĩrĩ, “Mũndũ ũyũ arutĩte kũ ũũgĩ ũyũ na ciĩko ici cia hinya?
55 Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
Githĩ ũyũ ti we mũrũ wa mũtharamara? Githĩ rĩĩtwa rĩa nyina ti Mariamu, na githĩ ariũ a nyina ti Jakubu, na Jusufu, na Simoni, na Juda?
56 At hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama din natin? Kaya saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?”
Na githĩ aarĩ a nyina othe tũtirĩ nao? Mũndũ ũyũ akĩrutĩte maũndũ maya mothe kũ?”
57 Nasaktan sila nang dahil sa kaniya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan maliban sa kaniyang sariling bansa o sa kaniyang sariling pamilya.”
Nao makĩmũrega. No Jesũ akĩmeera atĩrĩ, “Kũndũ mũnabii ataheagwo gĩtĩĩo no itũũra-inĩ rĩake na gwake mũciĩ.”
58 At hindi siya gumawa ng maraming himala doon dahil sa kawalan nila ng paniniwala.
Nake ndaaringire ciama nyingĩ kũu, tondũ wa ũrĩa maagĩte gwĩtĩkia.

< Mateo 13 >