< Mateo 13 >

1 Sa araw na iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabi ng dagat.
那一天,耶穌從家裏出來,坐在海邊上,
2 May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.
有許多群眾集合到衪跟前,衪只得上船坐下,群眾都站在岸上。
3 At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, “Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik.
衪就用比喻給他們講論了許多事,說:「看,有個撒種的出去撒種;
4 Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.
他撒種的時候,有的落在路旁,飛鳥來把它吃了。
5 Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa.
有的落在石頭裏,那裏沒有多少土壤,因為所有的土壤不深,即刻發了芽;
6 Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito.
但太陽一出來,就被曬焦;又因為沒有根,就枯乾了。
7 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito.
有的落在荊棘中,荊棘長起來,便把它們窒息了。
8 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu.
有的落在好地裏,就了實:有一百倍的,有六十倍的,有三十倍的。
9 Ang may taingang pandinig, ay makinig.”
有耳的,聽吧!
10 Dumating ang mga alagad at sinabi kay Jesus, “Bakit mo kinakausap ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga?”
門徒前來對衪說:「為什麼你用比喻對他們講話﹖」
11 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
耶穌回答他們說:「因為天國的奧妙,是給你們知道,並不是給他們知道。
12 Dahil kung sinuman ang mayroon na ay higit pang mabibigyan at siya ay magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinuman na wala, kukunin sa kaniya maging ang tanging mayroon siya.
因為凡有的,還要給他,使他富足;但是沒有的,連他所有的,也要由他奪去。
13 Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa.
為此,我用比喻對他們講話,是因為他們看,卻看不見;聽,卻聽不見,也不了解;
14 Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
這樣正應驗了依撒依亞先知的預言說:『你們聽是聽,但不了解;看是看,但不明白,
15 Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay naging mapurol, at hirap sila sa pakikinig, at ipinikit nila ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita sa kanilang mga mata, o makarinig sa kanilang mga tainga, o makaintindi sa kanilang mga puso, upang sila ay babalik muli at sila ay aking pagagalingin.'
因為這百姓的心遲純了,耳朵難以聽見,他們閉了眼睛,免得眼睛看見,耳朵聽見,心裏了解而轉變,而要我醫好他們。』
16 Ngunit pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito ay nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito ay nakakarinig.
但你們的眼睛有福,因為看得見,你們的耳朵有福,因為聽得見。
17 Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maraming mga propeta at mga taong matuwid ang ninais na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila ito nakita. Ninais nila na marinig ang mga bagay na inyong mga naririnig, ngunit hindi nila ito napakinggan.
我實在告訴你們:有許多先知和義人相看你們所看見的,而沒有看到;想聽你們所聽到的,而沒有聽到。
18 Ngayon, makinig kayo sa talinghaga ng manghahasik.
那麼你們聽這撒種的比喻吧!
19 Kapag mapakinggan ng sinuman ang salita ng kaharian ngunit hindi ito nauunawaan, darating ang masama at nanakawin ang mga binhi na naihasik sa kaniyang puso. Ito ay ang binhi na naihasik sa tabi ng daan.
凡聽天國的話,而不了解的,那惡者就來把撒在他心裏的奪去;這是指那撒在路旁的。
20 Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak.
那撒在石頭地裏的,即是指人聽了話,立刻高興接受;
21 Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
但在人裏沒有根,不能持久,一旦為這話發生了艱難和迫害,就立刻跌倒了。
22 Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga. (aiōn g165)
那撒在荊棘中的,即是指人了聽了話,卻有世俗的焦慮和財富的迷惑,把話蒙往了,結不出果實 (aiōn g165)
23 Siya na naihasik sa mabuting lupa ay siyang nakarinig sa salita at nakaunawa dito. Siya ang tunay na namumunga at nagpapayabong nito; ang ilan ay namunga ng tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tig-tatatlumpu.”
那撒在好地裏的,即是指那聽了而了解的人,他當然結實,有結一百倍的,有結六十倍的,有結三十倍的。」
24 Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid.
耶穌給他們另設了一個比喻說:「天國好像一個人,在自己田裏撒了好種子;
25 Ngunit habang tulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik din ng mga damo kasama ng mga trigo saka umalis.
但人在睡覺的時候,他的仇人來,在麥子中間撒上莠子,就走了。
26 Nang sumibol ang mga dahon at namunga ay lumitaw din ang mga damo.
苖在長起來,抽出穗的時候,莠子也顯出來子。
27 Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?'
家主的僕人,就來對他說:主人!你百是在你田裏撒了好種子嗎﹖那麼從哪裏來了莠子﹖
28 Sinabi niya sa kanila, 'Ginawa ito ng isang kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang puntahan namin at bunutin ang mga ito?'
主人對他說:這是仇人做的。僕人對他說:那麼,你願我們把莠子收集起來嗎。
29 Sinabi ng may-ari ng lupa, 'Huwag, sapagkat kapag binunot ninyo ang mga damo, baka mabunot niyo din ang mga trigo kasama nito.
他卻說:不,免得你們收集莠子,把麥子休拔了出來。
30 Hayaan lang silang parehong lumaki hanggang dumating ang anihan. Sa oras na nang pag-aani ay sasabihin ko sa mga tagapag-ani na, “Unahin ninyong bunutin ang mga damo at bigkisin ang mga ito at inyong sunugin samantalang ang mga trigo naman ay inyong ipunin sa aking kamalig.'””
讓兩樣一起長到收割的時候好了;在收割時,我要對收割的人說:你們先收集莠子,把莠子捆成捆,好燃燒,把麥子卻收入我的倉庫裏。
31 Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid.
耶穌給他們另設一個比喻說:「天國好像一粒芥子,人把它撒在自己的田裏。
32 Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito.”
它固然是各樣種子裏最小的,但當它長起來,卻比各種蔬菜都大,竟成了樹甚至天上的飛鳥飛來,在它的枝上棲息。」
33 Muling nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang ito ay umalsa.”
衪又給他們講了一個比喻:「天國好像酵母,女人取來藏在三斗麵裏,直到全部發了酵。
34 Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng talinghaga. At kung hindi sa pamamagitan ng talinghaga ay hindi siya nagsalita sa kanila.
耶穌用比喻給群眾講解了這一切,不用比喻就不給他們講什麼;
35 Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, “Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo.”
這樣應驗了先知所說的話:『我要開口說比喻,要說出由創世以來的隱密事。』
36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid.”
那時,耶穌離開了群眾,來到家裏,衪的門徒就前來對衪說:「請把田間莠子的比喻給我們講解一下! 」
37 Sumagot si Jesus at sinabi, “Ang naghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao.
衪就回答說:「那撒好種子的,就是人子;
38 Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama,
田就是世界;好種子就是天國的子民,莠子就是邪惡的子民;
39 at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel. (aiōn g165)
那撒莠子的仇人,既是魔鬼;收薐時期,既是今世的終結;收割者既是天使。 (aiōn g165)
40 Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo. (aiōn g165)
就如將莠子收集起來,用火焚燒;在今事終結時也將是如此: (aiōn g165)
41 Magpapadala ang Anak ng Tao ng kaniyang mga anghel at titipunin nila sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng bagay na sanhi ng kasalanan at ang mga gumagawa ng masama.
人子要差遣衪的天使,由衪的國內,將一切使人跌倒的事,及作惡的人收集起來,
42 Itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
扔到火窯裏;在那裏要有哀號和切齒。
43 At ang mga matutuwid na tao ay magliliwanag tulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may taingang pandinig ay makinig.
那時,義人要在他們父的國裏,發光如同太陽。有耳的,聽罷!」
44 Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon.
「天國好像是藏在地裏的寶貝;人找到了,就把他藏起來,高興的去賣掉他所有的一切,買了那塊地。」
45 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas.
「天國又好像一個尋找完美珍珠的商人;
46 Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito.
他一找到一顆寶貴的珍珠,就去,賣掉他所有的一切,買了它。」
47 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba't ibang uri ng lamang dagat.
「天國又好像撒在海裏的網,網羅各種的魚。
48 Nang ito ay napuno, hinila ito ng mga mangingisda sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo sila at tinipon ang mga mabuting bagay sa mga lalagyan, ngunit kanilang itinapon ang mga bagay na walang pakinabang.
網一滿了,人就拉上岸來,坐下,撿好的,放在器皿裏;壞的,扔在外面。
49 Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid. (aiōn g165)
在今世的終結時,也將如此:天使要出去,把惡人由義人中分開, (aiōn g165)
50 Sila ay itatapon nila sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
把他們扔在火窯裏;在那裏要有哀號和切齒。
51 Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Oo.”
這一切你們都明白了嗎?」他們說:「是的」。
52 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
他就對他們說:「為此,凡成為天國門徒的經師,就好像一個家主,從他的寶庫裏,提出新的和舊的東西。」
53 At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
耶穌講完了這些比喻,就從那裏走了。
54 Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, “Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito?
他來到自己的家鄉,在會堂裏教訓人,以致人們都驚訝說:「這人從那裏得了這樣的智慧和奇能?
55 Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
這人不是那木匠的兒子嗎﹖他的母親不是叫瑪利亞,他的弟兄不是叫亞各伯,若瑟,西滿和猶達嗎?
56 At hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama din natin? Kaya saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?”
他的姊妹不是都在我們這裡嗎﹖那麼他的這一切是從那裏來的呢?」
57 Nasaktan sila nang dahil sa kaniya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan maliban sa kaniyang sariling bansa o sa kaniyang sariling pamilya.”
它們就對他起了反感。耶穌卻對他們說:「先知除了在自己的本鄉本家外,沒有不受尊敬的」
58 At hindi siya gumawa ng maraming himala doon dahil sa kawalan nila ng paniniwala.
他在那裏,因為他們不信,沒有多行奇能。

< Mateo 13 >