< Mateo 11 >
1 Nangyari nang matapos tagubilinan ni Jesus ang labingdalawa niyang alagad, umalis siya mula doon upang magturo at mangaral sa kanilang mga lungsod.
και εγενετο οτε ετελεσεν ο ιησουσ διατασσων τοισ δωδεκα μαθηταισ αυτου μετεβη εκειθεν του διδασκειν και κηρυσσειν εν ταισ πολεσιν αυτων
2 Ngayon, nang marinig ni Juan mula sa bilangguan ang mga bagay tungkol sa mga gawa ng Cristo, nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad
ο δε ιωαννησ ακουσασ εν τω δεσμωτηριω τα εργα του χριστου πεμψασ δυο των μαθητων αυτου
3 at sinabi nito sa kaniya, “Ikaw na nga ba Ang Darating o mayroon pang ibang tao na dapat naming hanapin?”
ειπεν αυτω συ ει ο ερχομενοσ η ετερον προσδοκωμεν
4 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at iulat ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig.
και αποκριθεισ ο ιησουσ ειπεν αυτοισ πορευθεντεσ απαγγειλατε ιωαννη α ακουετε και βλεπετε
5 Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, nakapaglalakad ang mga lumpo, ang mga may ketong ay nagiging malinis, ang mga bingi ay nakaririnig nang muli, ang mga patay ay muling binuhay, at ang mga mahihirap ay nasabihan na tungkol sa mabuting balita.
τυφλοι αναβλεπουσιν και χωλοι περιπατουσιν λεπροι καθαριζονται και κωφοι ακουουσιν νεκροι εγειρονται και πτωχοι ευαγγελιζονται
6 At pinagpala ang sinumang hindi makahahanap ng katitisuran sa akin.”
και μακαριοσ εστιν οσ εαν μη σκανδαλισθη εν εμοι
7 Habang nagtungo ang mga lalaking ito sa kanilang daan, sinimulang sabihin ni Jesus sa mga tao ang tungkol kay Juan, “Ano ang nilabas ninyo sa ilang para makita—isang tambo na inaalog-alog ng hangin?
τουτων δε πορευομενων ηρξατο ο ιησουσ λεγειν τοισ οχλοισ περι ιωαννου τι εξηλθετε εισ την ερημον θεασασθαι καλαμον υπο ανεμου σαλευομενον
8 Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang lalaki na nakasuot ng malambot na kasuotan? Totoo nga, ang nagsusuot lamang ng ganoong kasuotan ay iyong naninirahan sa bahay ng mga hari.
αλλα τι εξηλθετε ιδειν ανθρωπον εν μαλακοισ ιματιοισ ημφιεσμενον ιδου οι τα μαλακα φορουντεσ εν τοισ οικοισ των βασιλειων εισιν
9 Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo at mas higit pa sa isang propeta.
αλλα τι εξηλθετε ιδειν προφητην ναι λεγω υμιν και περισσοτερον προφητου
10 Siya itong sinasabi sa naisulat, 'Tingnan ninyo, ipadadala ko ang aking mensahero na mauuna sa iyo na siyang maghahanda ng iyong daan.'
ουτοσ γαρ εστιν περι ου γεγραπται ιδου εγω αποστελλω τον αγγελον μου προ προσωπου σου οσ κατασκευασει την οδον σου εμπροσθεν σου
11 Sinasabi ko sa inyo, totoo nga na sa lahat ng mga ipinanganak ng mga babae, walang nakahihigit kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak na tao sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa sa kaniya.
αμην λεγω υμιν ουκ εγηγερται εν γεννητοισ γυναικων μειζων ιωαννου του βαπτιστου ο δε μικροτεροσ εν τη βασιλεια των ουρανων μειζων αυτου εστιν
12 Mula sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagdurusa sa karahasan at sapilitan itong kinukuha ng mga taong mararahas.
απο δε των ημερων ιωαννου του βαπτιστου εωσ αρτι η βασιλεια των ουρανων βιαζεται και βιασται αρπαζουσιν αυτην
13 Sapagkat lahat ng mga propeta at ang kautusan ay patuloy na nagpapahayag hanggang kay Juan.
παντεσ γαρ οι προφηται και ο νομοσ εωσ ιωαννου προεφητευσαν
14 At kung nakahanda kayong tanggapin ito, ito ay si Elias na paparating.
και ει θελετε δεξασθαι αυτοσ εστιν ηλιασ ο μελλων ερχεσθαι
15 Ang may taingang pandinig ay makinig.
ο εχων ωτα ακουειν ακουετω
16 Saan ko dapat ihalintulad ang salinlahing ito? Tulad nito ay mga batang naglalaro sa may pamilihan, na nakaupo at tinatawag ang isa't isa
τινι δε ομοιωσω την γενεαν ταυτην ομοια εστιν παιδιοισ εν αγοραισ καθημενοισ και προσφωνουσιν τοισ εταιροισ αυτων
17 at magsasabi, 'Kami ay tumugtog ng plauta para sa inyo ngunit hindi kayo nagsayaw. Kami ay nagluksa ngunit hindi kayo tumangis.'
και λεγουσιν ηυλησαμεν υμιν και ουκ ωρχησασθε εθρηνησαμεν υμιν και ουκ εκοψασθε
18 Sapagkat dumating si Juan na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sasabihin nilang, 'May demonyo siya.'
ηλθεν γαρ ιωαννησ μητε εσθιων μητε πινων και λεγουσιν δαιμονιον εχει
19 Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nilang, 'Tingnan ninyo, siya ay napakatakaw na tao at lasenggero, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!' Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.”
ηλθεν ο υιοσ του ανθρωπου εσθιων και πινων και λεγουσιν ιδου ανθρωποσ φαγοσ και οινοποτησ τελωνων φιλοσ και αμαρτωλων και εδικαιωθη η σοφια απο των τεκνων αυτησ
20 At sinimulang sawayin ni Jesus ang mga lungsod kung saan nangyari ang karamihan sa mga makapangyarihan niyang gawa dahil sila ay hindi nagsisi.
τοτε ηρξατο ονειδιζειν τασ πολεισ εν αισ εγενοντο αι πλεισται δυναμεισ αυτου οτι ου μετενοησαν
21 “Sa aba mo, Korazin! Sa aba mo, Bethsaida! Kung ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, noon pa man nagsisi na sana sila sa pamamagitan ng sako at mga abo.
ουαι σοι χοραζιν ουαι σοι βηθσαιδα οτι ει εν τυρω και σιδωνι εγενοντο αι δυναμεισ αι γενομεναι εν υμιν παλαι αν εν σακκω και σποδω μετενοησαν
22 Ngunit mas mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.
πλην λεγω υμιν τυρω και σιδωνι ανεκτοτερον εσται εν ημερα κρισεωσ η υμιν
23 Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon. (Hadēs )
και συ καπερναουμ η εωσ του ουρανου υψωθεισα εωσ αδου καταβιβασθηση οτι ει εν σοδομοισ εγενοντο αι δυναμεισ αι γενομεναι εν σοι εμειναν αν μεχρι τησ σημερον (Hadēs )
24 Ngunit sinasabi ko sa iyo na mas magiging madali pa para sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa iyo.”
πλην λεγω υμιν οτι γη σοδομων ανεκτοτερον εσται εν ημερα κρισεωσ η σοι
25 Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata.
εν εκεινω τω καιρω αποκριθεισ ο ιησουσ ειπεν εξομολογουμαι σοι πατερ κυριε του ουρανου και τησ γησ οτι απεκρυψασ ταυτα απο σοφων και συνετων και απεκαλυψασ αυτα νηπιοισ
26 Oo, Ama, sapagkat ito ang labis na nakalulugod sa iyong paningin.
ναι ο πατηρ οτι ουτωσ εγενετο ευδοκια εμπροσθεν σου
27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.
παντα μοι παρεδοθη υπο του πατροσ μου και ουδεισ επιγινωσκει τον υιον ει μη ο πατηρ ουδε τον πατερα τισ επιγινωσκει ει μη ο υιοσ και ω εαν βουληται ο υιοσ αποκαλυψαι
28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
δευτε προσ με παντεσ οι κοπιωντεσ και πεφορτισμενοι καγω αναπαυσω υμασ
29 Dalhin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay mahinahon at may mapagpakumbabang puso at makakamit ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
αρατε τον ζυγον μου εφ υμασ και μαθετε απ εμου οτι πραοσ ειμι και ταπεινοσ τη καρδια και ευρησετε αναπαυσιν ταισ ψυχαισ υμων
30 Sapagkat madali ang aking pamatok at ang aking pasanin ay magaan.”
ο γαρ ζυγοσ μου χρηστοσ και το φορτιον μου ελαφρον εστιν