< Marcos 1 >

1 Ito ang simula ng ebanghelyo tungkol kay Jesu-Cristo, na Anak ng Diyos.
神的儿子,耶稣基督福音的起头。
2 Katulad ng nasusulat sa aklat ni Isaias na propeta, “Tingnan mo, ipapadala ko ang aking taga-pamalita na mauuna sa iyo, ang maghahanda ng iyong daan.
正如先知以赛亚书上记着说: 看哪,我要差遣我的使者在你前面, 预备道路。
3 Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Ituwid ang kaniyang daraanan.'”
在旷野有人声喊着说: 预备主的道, 修直他的路。
4 Dumating si Juan na nagbabautismo sa ilang at nangangaral tungkol sa bautismo ng pagsisisi alang-alang sa kapatawaran ng mga kasalanan.
照这话,约翰来了,在旷野施洗,传悔改的洗礼,使罪得赦。
5 Ang buong bansa ng Judea at lahat ng taga-Jerusalem ay pumunta sa kaniya. Sila ay binautismuhan niya sa Ilog ng Jordan, na nagtatapat ng kanilang mga kasalanan.
犹太全地和耶路撒冷的人都出去到约翰那里,承认他们的罪,在约旦河里受他的洗。
6 Nakasuot si Juan ng balabal gawa sa balahibo ng kamelyo at sinturong balat sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain siya ng mga balang at pulot- pukyutan.
约翰穿骆驼毛的衣服,腰束皮带,吃的是蝗虫、野蜜。
7 Nangaral siya at sinabi, “Mayroong darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na yumuko para kalasin man lang ang tali ng kaniyang sandalyas.
他传道说:“有一位在我以后来的,能力比我更大,我就是弯腰给他解鞋带也是不配的。
8 Binautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu.”
我是用水给你们施洗,他却要用圣灵给你们施洗。”
9 Nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret sa Galilea at siya ay binautismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan.
那时,耶稣从加利利的拿撒勒来,在约旦河里受了 约翰的洗。
10 Nang si Jesus ay umahon sa tubig, nakita niya na bumukas ang langit at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tulad ng kalapati.
他从水里一上来,就看见天裂开了,圣灵仿佛鸽子,降在他身上。
11 At isang tinig ang nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak. Ako ay labis na nalulugod sa iyo.”
又有声音从天上来,说:“你是我的爱子,我喜悦你。”
12 At agad-agad, sapilitan siyang pinapunta ng Espiritu sa ilang.
圣灵就把耶稣催到旷野里去。
13 Nanatili siya sa ilang sa loob ng apatnapung araw na tinutukso ni Satanas. Kasama niya ang mababangis na hayop at pinaglingkuran siya ng mga anghel.
他在旷野四十天,受撒但的试探,并与野兽同在一处,且有天使来伺候他。
14 Ngayon matapos madakip si Juan, dumating si Jesus sa Galilea na nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos,
约翰下监以后,耶稣来到加利利,宣传 神的福音,
15 at sinasabi, “Ang panahon ay naganap na, at ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Magsisi kayo at maniwala sa ebanghelyo.”
说:“日期满了, 神的国近了。你们当悔改,信福音!”
16 At habang dumadaan siya sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya si Simon at Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda.
耶稣顺着加利利的海边走,看见西门和西门的兄弟安得烈在海里撒网;他们本是打鱼的。
17 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”
耶稣对他们说:“来跟从我,我要叫你们得人如得鱼一样。”
18 At kaagad na iniwan nila ang mga lambat at sumunod sa kaniya.
他们就立刻舍了网,跟从了他。
19 Habang si Jesus ay naglalakad papalayo, nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo at Juan na kapatid nito, sila ay nasa bangka na nagkukumpuni ng mga lambat.
耶稣稍往前走,又见西庇太的儿子雅各和雅各的兄弟约翰在船上补网。
20 Agad silang tinawag ni Jesus at iniwan nila ang kanilang amang si Zebedeo sa bangka kasama ang mga binayarang katulong at sumunod sila sa kaniya.
耶稣随即招呼他们,他们就把父亲 西庇太和雇工人留在船上,跟从耶稣去了。
21 At nakarating sila sa Capernaum at sa Araw ng Pamamahinga, agad na pumunta si Jesus sa sinagoga at nagturo.
到了迦百农,耶稣就在安息日进了会堂教训人。
22 Namangha sila sa kaniyang pagtuturo sapagkat siya ay nagtuturo katulad ng isang taong may kapangyarihan at hindi tulad ng mga eskriba.
众人很希奇他的教训;因为他教训他们,正像有权柄的人,不像文士。
23 Noon din ay may isang lalaki sa kanilang sinagoga na may masamang espiritu, at sumigaw siya,
在会堂里,有一个人被污鬼附着。他喊叫说:
24 na nagsasabi, “Ano ang kinalaman namin sa iyo, Jesus ng Nazaret? Pumarito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos!”
“拿撒勒人耶稣,我们与你有什么相干?你来灭我们吗?我知道你是谁,乃是 神的圣者。”
25 Sinaway ni Jesus ang demonyo at sinabi, “Tumahimik ka at lumabas ka sa kaniya!”
耶稣责备他说:“不要作声!从这人身上出来吧。”
26 At binagsak siya ng masamang espiritu, lumabas mula sa kaniya habang sumisigaw ng malakas.
污鬼叫那人抽了一阵风,大声喊叫,就出来了。
27 At ang lahat ng tao ay namangha, kaya nagtanungan sila sa isa't isa, “Ano ito? Bagong katuruan na may kapangyarihan? Nauutusan niya kahit ang mga masasamang espiritu at sumusunod naman ang mga ito sa kaniya!”
众人都惊讶,以致彼此对问说:“这是什么事?是个新道理啊!他用权柄吩咐污鬼,连污鬼也听从了他。”
28 At agad na kumalat sa lahat ng dako ang balita tungkol sa kaniya sa buong rehiyon ng Galilea.
耶稣的名声就传遍了加利利的四方。
29 At kaagad, nang lumabas sila sa sinagoga, pumunta sila sa tahanan ni Simon at Andres kasama sina Santiago at Juan.
他们一出会堂,就同着雅各、约翰,进了西门和安得烈的家。
30 Ngayon ang babaing biyenan ni Simon ay nakahigang nilalagnat, at agad nilang sinabi kay Jesus ang tungkol sa kaniya.
西门的岳母正害热病躺着,就有人告诉耶稣。
31 Kaya lumapit siya, hinawakan siya sa kamay at itinayo siya; nawala ang kaniyang lagnat at nagsimula siyang paglingkuran sila.
耶稣进前拉着她的手,扶她起来,热就退了,她就服事他们。
32 Nang gabing iyon, pagkatapos lumubog ng araw, dinala nila sa kaniya ang lahat ng may sakit at ang mga sinapian ng mga demonyo.
天晚日落的时候,有人带着一切害病的,和被鬼附的,来到耶稣跟前。
33 Ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pinto.
合城的人都聚集在门前。
34 Marami ang pinagaling niya na mayroong iba't ibang sakit at nagpalayas siya ng mga demonyo, ngunit hindi niya pinahintulutan ang mga demonyong magsalita dahil kilala siya ng mga ito.
耶稣治好了许多害各样病的人,又赶出许多鬼,不许鬼说话,因为鬼认识他。
35 Bumangon siya ng napaka-aga, habang madilim pa; umalis siya at pumunta sa isang lugar kung saan siya maaaring mapag-isa at nanalangin siya doon.
次日早晨,天未亮的时候,耶稣起来,到旷野地方去,在那里祷告。
36 Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama niyang naroon.
西门和同伴追了他去,
37 Natagpuan nila siya at sinabi sa kaniya, “Naghahanap ang lahat sa iyo.”
遇见了就对他说:“众人都找你。”
38 Sinabi niya, “Pumunta tayo sa ibang lugar, sa mga nakapaligid na mga bayan upang makapangaral din ako doon. Iyon ang dahilan kaya ako naparito.”
耶稣对他们说:“我们可以往别处去,到邻近的乡村,我也好在那里传道,因为我是为这事出来的。”
39 Pumunta siya sa lahat ng dako ng Galilea, nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
于是在加利利全地,进了会堂,传道,赶鬼。
40 Isang ketongin ang lumapit sa kaniya. Siya ay nagmamakaawa sa kaniya, lumuhod siya at sinabi sa kaniya, “Kung iyong nanaisin, maaari mo akong gawing malinis.”
有一个长大麻风的来求耶稣,向他跪下,说:“你若肯,必能叫我洁净了。”
41 Sa habag niya, iniabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, sinasabi sa kaniya, “Nais ko. Maging malinis ka.”
耶稣动了慈心,就伸手摸他,说:“我肯,你洁净了吧!”
42 Kaagad na nawala ang kaniyang ketong at siya ay naging malinis.
大麻风即时离开他,他就洁净了。
43 Mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus at agad siyang pinaalis.
耶稣严严地嘱咐他,就打发他走,
44 Sinabi niya sa kaniya, “Siguraduhin mong wala kang sasabihin sa kahit na sino, ngunit humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa pari at maghandog kung ano ang iniutos ni Moises para sa iyong pagkalinis, bilang patotoo sa kanila.”
对他说:“你要谨慎,什么话都不可告诉人,只要去把身体给祭司察看,又因为你洁净了,献上摩西所吩咐的礼物,对众人作证据。”
45 Ngunit siya ay umalis at sinimulang sabihin sa lahat, at labis na ikinalat ang nangyari, anupat si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan. Kaya siya ay nanatili sa mga ilang na lugar at pumupunta ang mga tao sa kaniya mula sa lahat ng dako.
那人出去,倒说许多的话,把这件事传扬开了,叫耶稣以后不得再明明地进城,只好在外边旷野地方。人从各处都就了他来。

< Marcos 1 >