< Marcos 9 >

1 At sinabi niya sa kanila, “Totoo itong sasabihin ko sa inyo, mayroong ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan.”
Yesu ma gun we “kadudure kani ma buka, aye ashi me sa wa turi abame wada donkino me iwono ba wadi ku iri akura ugomo Asere nan ugwardang umeme.
2 At makalipas ang anim na araw, sinama ni Jesus si Pedro, Santiago at Juan na umakyat sa mataas na bundok, na sila lang ang naroon. Pagkatapos, nagbago ang kaniyang anyo sa kanilang harapan.
Sa tiye utasi ta aka Yesu ma zauka Bitrus, Yakubu nan Yohana ma han we uzalan. A hira aginome madusa ma gamirka uzina umeme a hira aweme.
3 Ang kaniyang kasuotan ay kumikinang nang napakaliwanag, labis na maputi, mas maputi kaysa sa anumang pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito.
Tirunga ti me me dusa ti cukuno ti rum sa adake abati nan iri mum ba.
4 Pagkatapos ay nagpakita sa kanila si Elias kasama si Moises, at nakikipag-usap sila kay Jesus.
Wa dusa wa iri Iliya nan Musa wa suro, wa iri we wazi nigo me nan Yesu.
5 Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto kaya hayaan mo kaming gumawa ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”
Bitrus ma dusa ma poki anyo ma gun Yesu unudungura ya wuna uri ti cukuno abame na ti barka madanga mataru: hu u'inde, Musa cangi u'inde nan Iliya u'inde.
6 (Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.)
Bitrus madusa ma diri imum ibuka. Vat uwe ana nigoo ni Yesu me wa kunna biyau.
7 Isang ulap ang dumating at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang boses ang nagmula sa ulap, “Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya.”
Ni wiri ni dusa ni korso we. Wa kunna ni myira anyimo aniwiri me ni gusa”vanaa um ma zigene me kunna ni tize time”.
8 Biglang, nang sila ay lumingon sa paligid, wala silang ibang nakitang kasama nila kundi si Jesus lamang.
Daki adodonkino ba, wa dusa daki wa kuri wa ira unu ba, wa iri Yesu mani cas ma turi nan we.
9 Habang sila ay bumababa ng bundok, inutusan niya na walang sinuman ang kanilang pagsasabihan kung ano ang kanilang nakita, hanggang ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa patay.
Uganiya wa zini utuno usuro uzala me, madusa ma gwarika we kati wa ka buka uye ba imum me sa wa ira ba, sai Vanaa unu bu ma hira usuro iwono.
10 Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili, ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig sabihin ng “bumangon mula sa patay.”
Barki anime daki wa ka buka uye ba. wa cukuno ubasa imum acece awe ani cas, iri mum sa wa meki igizo ace aweme “nyanini usuro iwono?”
11 Siya ay tinanong nila, “Bakit sinasabi ng mga eskriba na dapat maunang dumating si Elias?”
wa iki me gu nyanini ya wu anu rusa wa buki agiIliya mani madi tubi u aye?
12 Sinabi niya sa kanila, “Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman?
Ba ma kabirka ma gun we Iliya ma tubi u'aye barki ma barka timum.”Ani nyanini ya wu anyertike agi vanaa unuu madi ribe ijasi”
13 Ngunit sinasabi ko sa inyo na si Elias ay dumating na at ginawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa kaniya, tulad ng sinasabi ng kasulatan tungkol sa kaniya.”
Ba Yesu ma gu Iliya mamu aye, ma e wa wuzi me imum sa ya wu urii, gusi imum me tize tu ugomo asere ta buka ani ce ni meme.
14 At nang makabalik sila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo ang mga eskriba sa kanila.
Sa wa ze a hira ukasu anu tarsa uyesu, wa e wa iri ni'ori na nu gwardan, anu rusa wadi ku zini inmatara acece awe me.
15 At nang makita nila si Jesus, namangha ang lahat ng mga tao at kaagad nagsipagtakbuhan papunta sa kaniya upang siya ay batiin.
Sa wa ira Yesu wa dusa wa kunna biyau kan, wa sumi waka kem me.
16 Tinanong niya ang kaniyang mga alagad, “Ano ang inyong pinagtatalunan sa kanila?”
Madusa ma iki anu tarsa umeme abanga imum sa wazini matara nan we a hira a nyanini?
17 Sinagot siya ng isa sa mga taong naroroon, “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki, mayroon siyang espiritu na pumipigil sa kaniya na makapagsalita,
Uye anyimo ani ori ma kabirkame magu unu dungura ma aye unu saam um ahira awe me mazan unu ukuni wa gbergene sa ingi wa hira daki maka rusi tize ba.
18 at nagiging sanhi ito ng kaniyang pangingisay at ibinabagsak siya nito, bumubula ang kaniyang bibig, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ito sa kaniya ngunit hindi nila ito magawa.”
Uganiyasa wa hira uke reki me adizi make matoti gusi desa ma wono ufukum umeki ususo anyo ameme ma meki uyadka ahini madi ku cukuno gagan. Ma vovi anutarsa uweme tari wa suso me ni wa ye wa siziki we.
19 Sinagot sila ni Jesus, “Salinlahing walang pananampalataya, hanggang kailan ba ako kailangang manatili kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin.”
Ma dusa ma gun we anu zatu ukuna utize unu maya unu maya uni indi cukuno nan shi aneni indi kunna urunta ushi me aye ni me ahira am.
20 Dinala nila ang batang lalaki sa kaniya. Nang makita ng espiritu si Jesus, kaagad siya nitong pinangisay. Natumba ang bata sa lupa at bumula ang bibig.
Wa dusa en invanaa me a hira ameme. Sa ugberge me wa ira Yesu, ma dusa ma reki vanaa me adizi, vanaa me ma dusa ma toti gusi ma wono ufukum unu suso anyo ameme.
21 Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, “Gaano na siya katagal na ganito?” Sinabi ng ama, “Mula pagkabata.
Yesu ma iki aco avanaa me uganiya sa vanaa ma zika unu koni me? Aco me gu ma ukoni wa tubisi dati ma daza vanaa uneze.
22 Madalas siyang tinatapon nito sa apoy o sa tubig at sinubukan siya nitong patayin. Kung may magagawa kang kahit ano, kaawaan mo kami at tulungan mo kami.”
Vat uganiya sa imum me ya hira iki reki me anyimo ura nani anyimo amei gusi idi hu me. Inki uda ke uwuzi iri mum, kusu benkum kunna ugogoni uru.
23 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “'Kung may magagawa'? Ang lahat ay magagawa sa mga naniniwala.”
Yesu iki me,”nani udi hem”? vat imum iwuna ini ahira adesa ma hem.
24 Agad na sumigaw ang ama ng bata at nagsabi, “Naniniwala ako! Tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!”
Aco avanaa ma dusa ma kabirka “ma hem benkum unu zati urusa um”.
25 Nang makita ni Jesus ang mga tao na tumatakbo papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang espiritu at sinabi, “Ikaw pipi at binging espiritu, inuutusan kita, lumabas ka at huwag nang bumalik pa sa kaniya.”
Sa Yesu ma ira ni'ori na gbardan unu sum u aye ahira aweme ba Yesu ma gbarika ugbergene neme ma”hu bibe bi gbas nan bi uzatu ukunna, ma gunna hu suro amatara kini me kati ukuri uribe anyimo ameme ba.
26 Sumigaw ito at matinding pinangisay ang bata at pagkatapos ay lumabas. Nagmukhang parang isang patay ang bata kaya marami ang nagsabi, “Patay na siya.”
Ma dusa ma wu uhunu ma reki vanaa madi ku suri. vanaa ma toti gusi desa ma wono anu wa tunguno ugusa vanaa me wono.
27 Ngunit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at ibinangon siya, at tumayo ang batang lalaki.
Yesu ma meki tari ti yeze, vanaa ma dusa ma tonno.
28 Nang pumasok si Jesus sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad ng sarilinan. “Bakit hindi namin iyon mapalayas?”
Sa Yesu ma ribe anyimo akura anu tarsa umeme wa e wa kem me nihunzi ya iki “nyanini ya wuna daki haru ta rusa ugberne me ba?”
29 Sinabi niya sa kanila, “Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.”
Yesu ma kabirka ma gu”ugberne madake ma suri sarki birigara ba”.
30 Umalis sila mula roon at dumaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng kahit sino kung nasaan sila,
Wa suri wa meki nibaba wa aki Ugalili, Yesu daki nyarsi uye ma rusi sa wa rani ba.
31 sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao, at siya ay papatayin nila. Kung siya ay pinatay na, babangon siyang muli pagkalipas ng tatlong araw.”
Abinime wa cukuno mazi unu dungura anu tarsa umeme ma buki we “adi nya vanna unu atari ta nuu wadi hu me, inki ma wono anyimo tiye ti taru”.
32 Ngunit hindi nila naintindihan ang pahayag na ito, at natakot silang tanungin siya.
Anu tarsa umeme daki wa rusi imum me sa mazini boo me ba, wadusa wa kunna biyau bi iko ume.
33 At dumating sila sa Capernaum. At nang siya ay nasa loob ng bahay, tinanong niya sila, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?”
Anyimo atanu tiwe me sa wa biki Ukafanum. Sa wa ciki anyimo akura, ma iki anu tarsa umeme magu “nyanini iba zina unu gamara me una me”?
34 Ngunit sila ay tahimik. Sapagkat habang sila ay nasa daan nakikipagtalo sila sa isa't isa kung sino ang pinakadakila sa kanila.
Wa cukuno tik daki wa buka imum ba. Tize me sa waa zini, matara mani acece aweme agi aveni unu dang.
35 Umupo siya at tinawag ang Labindalawa nang magkakasama, at sinabi niya sa kanila, “Kung sino man ang nais mauna, dapat siyang maging huli sa lahat at maging tagapaglingkod ng lahat.”
Sa ma cukuno ba ma titi anu tarsa umeme ukirau nan ware. Ma gun we vat desa ma nyara ma cukuno unu dang, m adi cukuno una dumo ma kuri ma cukuno urere.
36 Kumuha siya ng isang maliit na bata at pinaupo sa kanilang kalagitnaan. Binuhat niya ito at sinabi sa kanila,
Ma yeze vanaa atii awe me. Ma inta ani kira ni meme ma gu.”
37 “Sinumang tumanggap sa isang batang katulad nito sa aking pangalan ay tumanggap din sa akin, at kung sinuman ang tumanggap sa akin, hindi lamang ako ang tinanggap niya, kundi maging ang nagsugo sa akin.”
Vat desa ma kaba vanaa ugeme anyimo ani za nim ma kaba mi mani, desa ma kabam daki ma kaba mi mani isisi im ba, ma kaba desa ma tumum mani.
38 Sinabi ni Juan sa kaniya, “Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa iyong pangalan at pinatigil namin siya, dahil hindi siya sumusunod sa atin.”
Yohana ma gun me unu udungura, ta ira uye unu karsa agbergene in niza ni weme, haru be ta karti me, barki mada tarsa duru ba.
39 Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang patigilin, sapagkat walang sinuman ang gagawa ng dakilang bagay sa pangalan ko at pagkatapos ay magsasalita ng anumang masama tungkol sa akin.
Yesu ma kabirka magu” kati i karti me ba barki vat desa ma wuza katuma ka dangdang anyimo ani za nim mada buka imum izenze ani ce nim ba”.
40 Sinumang hindi laban sa atin ay sumasa atin,
Vat desa ma zo me ini shina nan haru ba ma cukuno mazi nigome nan haru.
41 Sinumang magbigay sa inyo ng isang tasa ng tubig upang inumin dahil kabilang kayo kay Cristo, totoong sinasabi ko sa inyo, hindi mawawala ang kaniyang gantimpala.
Desa ma nya meini masa barki hu wa asere mani ma buka shi mada dira me ba.
42 Ang sinumang nagiging dahilan na madapa ang isa sa mga bata na ito na naniniwala sa akin, mas mabuti pa sa kaniya na talian ang kaniyang leeg ng malaking gilingang bato at itapon siya sa dagat.
Vat desa ma wuna a hanaa acinci ageme wa rizo idi wu ri atiri me unanzu iriri avingi me ani wiin niconco.
43 Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. (Geenna g1067)
Inki tari ti we me wuza we uwuzi imum be sa ida rizi me ba u yori tini. idi teki' akura ati gomo ta sere in tari ti inde ini guna u ribe anyimo ura in tari ̧tire. ura sa uda biso me ba. (Geenna g1067)
44 (kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay)
Ahira izom sa ida wijome ba ada bisome uraa me ba.
45 Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno. (Geenna g1067)
Inki ubuna uweme u wuza u wuza urizi u yori uni. Idi teki unu rii uribe uvenke aseser unu buna u inde unu guna u ribe u raa in ti buna ti re. (Geenna g1067)
46 (kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay.)
Ahira sa izom idi ri we sarki uwijo ada biso me uraa ahira me ba.
47 Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno, (Geenna g1067)
Inki nije ni we me ni wuza urizi ukari nini idi teki unu rii uribe ahira asere ini je ni inde ini uguna u ribe uraa inna je are. (Geenna g1067)
48 kung saan hindi namamatay ang kanilang mga uod at hindi namamatay ang apoy.
Ahira me sa izom nan ura wadi ri we sarki uwono.
49 Dahil ang lahat ay maasinan ng apoy.
Adi vingi anu zati u kunna tize ta Asere anyimo uraa rono u aye ugomo Asere.
50 Ang asin ay mabuti, ngunit kung mawala ang pagka-alat nito, paano mo ito mapapaalat muli? Taglayin ninyo ang asin sa inyong mga sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't-isa.”
Muhu mu rizi, inki ma corno me ada ke a barka muni? cukuno nin muhu macece ashi me, wuza nin ticukum ti urunta nan ni henu.

< Marcos 9 >