< Marcos 7 >
1 Nagtipon-tipon sa paligid niya ang mga Pariseo at ilang mga eskriba na nanggaling sa Jerusalem.
Hessafe guye Parsawetinne Yerusalameppe yida issi issi Xafeteti Yesusa gaxa yuyi adhidi
2 At nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumain ng tinapay na madungis ang kanilang mga kamay; na hindi nahugasan
Yesusa kalizaytappe bagayti mecetonta qita kushera kath mishin be7ida.
3 (Dahil ang mga Pariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain hanggang hindi sila naghuhugas ng maigi ng kanilang mga kamay; pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga nakatatanda.
Parsawetinne kasse cimma Aydude asati kasse dere woga naganas kushe lo7othi mecetonta kath mi eretena.
4 Tuwing nanggagaling sa pamilihan ang mga Pariseo, hindi sila kumakain hanggang hindi sila nakapaligo. At marami pang ibang mga patakaran ang mahigpit nilang sinusunod, kasama na rito ang paghuhugas ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan.)
Giya bi simikkokka bolla meceti geyonta dishe kath mi eretena. Hesathokka wancakka, ottokka, sanekka, zin7iza hithekka mecha malata hara wogatakka naagetes.
5 Tinanong ng mga Pariseo at ng mga eskriba si Jesus, “Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad, sapagkat kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?”
Parsawetinne Xafeti Yesusa “nena kalizayti kasse awata wogamala duss agidi aazas kushe mecetonta kath mizo?” gidi oychidees.
6 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Malinaw na sinabi ng propetang Isaias ang tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, isinulat niya, 'Pinaparangalan ako ng mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit malayo ang kanilang puso sa akin.
Izikka istas “Isayasay qodheppe qomo bagan haniza inte gish (haysi derey ba metershan tana bonches woznay gidikko tappe hakidees.
7 Walang laman ang pagsasamba na inaalay nila sa akin, itinuturo nila ang mga patakaran ng mga tao bilang kanilang doktrina.'
Tas mela hada goynytes; issta timirteykka assi wothida woga xala) gidi yotida tuma.” gidees.
8 Tinalikuran ninyo ang kautusan ng Diyos at mahigpit ninyong pinanghahawakan ang kaugalian ng mga tao.”
Xoossa woga agidi assi wothida woga nagetees.
9 At sinabi niya sa kanila, “Madali ninyong tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang inyong kaugalian!
Qassekka “inte wogas giidi Xoossa woga inte agagiza cincatetha ooggey intes dees.
10 Sapagkat sinabi ni Moises, 'Igalang ninyo ang inyong ama at ina,' at 'Ang sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama at ina ay tiyak na mamamatay.'
Ays gikko Musey ne ayone ne aawa boncha; ba ayone ba aawa cayizadey mulekka hayqo gides.
11 Ngunit sinasabi ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kaniyang ama at ina, “Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban,”' (ibig sabihin, 'Ibinigay sa Diyos') -
Shin inte qasse issi uray ba aawa woykko ba ayyo inte tappe demmanas koshiza mado ta Xoossas immadis gikko
12 kung gayon hindi na ninyo siya pinapayagang gumawa ng kahit na ano para sa kaniyang ama at ina.
inte qasse hayssaddey ba aawaskka ba ayyeys hara aykokka othana mala koyekista.
13 Pinapawalang-bisa ninyo ang kautusan ng Diyos dahil sa mga ipinasa ninyong mga kaugalian. At marami pang mga bagay na katulad nito ang ginagawa ninyo.”
Hessa gish inte woga nagana gidi Xoossa qaala lamista. Hesantakka milatiza darota othista.” gides.
14 Tinawag niyang muli ang maraming tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito.
Qassekka Yesusay asa beekko xeygidi “wurikka ta giza siyitene wozinan wothitte.
15 Walang kahit anumang pumapasok sa tao ang makakapagpadungis sa kaniya. Ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya.”
Kareppe ulo gido gelidi ass tunisiza issi miishika deena. Harappekka asse tunisizay kethawappe gede kare keziza misha.
16 (Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, hayaang marinig niya.)
Siyiza haythi dizay siyo” gidees.
17 Ngayon nang iniwan ni Jesus ang maraming tao at pumasok sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad tungkol sa talinghaga.
Izi asa karen agidi keth gelin iza kalizayti izi yotida lemusoza birshech Yesusa oychida.
18 Sinabi ni Jesus, “Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan? Hindi ba ninyo alam na kahit anong pumasok sa isang tao mula sa labas, ito ay hindi makapagpapadungis sa kaniya,
Izikka ista intesikka yoy gellene? Kareppe gelidi asse tunisiza mishi azikka deena.
19 dahil hindi ito maaaring mapunta sa kaniyang puso kung hindi sa kaniyang sikmura at lalabas ito patungo sa palikuran.” Dahil sa pahayag na ito, ginawang malinis ni Jesus ang lahat ng mga pagkain.
Kareppe gelizay gede wozinan gidonta; dugge qantha gido geles qasse heppe izade asatethappe gede kare kezes.” Yesusay hessa giday assi miza kathi wurikka gesh gididaysa qoncisanasa.
20 Sinabi niya, “Ang lumalabas sa tao ang siyang nakapagpapadungis sa kaniya.
Kalethidikka “asappe kezizazi asse tunises.
21 Dahil kung ano ang sinasaloob ng tao, na nanggaling sa kaniyang puso, lalabas ang masasamang pag-iisip, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay,
Assa wozina gidoppe kezizay iita qofata laymma ammone, kaysotethi, asse wodho laymeteth,
22 pangangalunya, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan.
yiqeteth, itateth, baletho, laymma kasse, qanateteth, asa sunth moro, otorotethinne, azala.
23 Ang lahat ng mga ito na masasama ay nanggagaling sa loob, at ito ang mga nakakapagpapadungis sa isang tao.”
Hayti iitta hanoti wuri asappe kezetesinne asse tunisetes” gides.
24 Tumayo siya mula doon at umalis papunta sa lupain ng Tiro at Sidon. Pumasok siya sa isang bahay at hindi niya nais na malaman ng kahit na sino na naroroon siya, ngunit hindi niya nagawang makapagtago.
Heeppe kezidi Xirosa giza dere bidees, hen issade keth gelidi izi hen dizaysa assi erontamala koydees. Gido atin izi hen iza dusay qotistanas danda7etibeyna.
25 Subalit may isang babae na may anak na babae na sinapian ng maruming espiritu, nang nakarinig ng tungkol sa kaniya ay agad-agad lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan.
Herakka issi tuna ayanay oykida qi na dizari aya Yesusay hen diza siyada izakko yada iza too bolla kundadus.
26 Ngayon ang babaing ito ay isang Griego na taga-Sirofenisa, ayon sa lahi. Nagmakaawa siya sa kaniya na palayasin ang demonyo sa kaniyang anak na babae.
Macashaya Ayhude gidonta Girike qaala hasa7iza macashi shin izi yeleta gadey Sirofinqe getetes. Izakka yesusay izi nayeppe tuna ayna kesana mala wosadus.
27 Sinabi niya sa kaniya, “Hayaang pakainin muna ang mga bata. Sapagkat hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso.”
Izikka zaridi izis “nayta qumma ekki kanas yeganas besonta gish koyro nayti mi kaleto” gides.
28 Ngunit sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, “Opo, Panginoon, kahit ang mga aso na nasa ilalim ng lamesa ay kumakain ng mumo ng mga bata.”
Izakka zarada “E Godo kanatikka madda matan de7idi nayta kusheppe gaden wodhidaysa meteskko” gadus.
29 Sinabi niya sa kaniya, “Dahil sa sinabi mo ito, malaya ka nang makakaalis. Lumayas na ang demonyo sa anak mong babae.”
Izikka “histiko neni hessa gida gish ba daydanthay ne nayeppe kezidees” gidees.
30 Bumalik ang babae sa kaniyang bahay at nakita ang bata na nakahiga sa higaan, at wala na ang demonyo.
Iza simadda so bishin naya daydanthay yedin paxada hixan zin7idaro demadus.
31 Pagkatapos ay muli siyang umalis mula sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon patungo sa Dagat ng Galilea, paakyat sa lupain ng Decapolis.
Hesafe Yesusay Xirosa bitappe dendidi Sidona gizasora adhidi Tammu katama gizasora kanthidi gede Galila abbakko gakidees.
32 At dinala sa kaniya ang isang taong bingi at nahihirapang magsalita, at nagmakaawa sila sa kaniya na ipatong niya ang kaniyang kamay sa lalaki.
Assay issi haytha tulene ayfe qoqe assi izakko he ekiyidi Yesusay iza bolla ba kushe wothanan mala wosida.
33 Inihiwalay niya siya mula sa maraming tao nang sarilinan at hinawakan niya ang kaniyang mga tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila.
Yesusaykka iza asappe shakki ekki bidi ba kushe biradhista adeza haythan gelithidees, qassekka cuchu cutidi addeza inxarsa bochidees.
34 Tumingala siya sa langit, at nagbuntong-hininga at sinabi sa kaniya, “Effata”, na ang ibig sabihin ay, “Bumukas ka!”
Pudde salo xelidine tokki shempidi “Efata” gides. Hesikka “Pogetta” gussa.
35 Agad bumukas ang kaniyang pandinig at napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila at malinaw na siyang nakapagsasalita.
Herakka addeza haythati pogetida, inxarsaykka birshetin geshi hasa7idees.
36 At ipinag-utos niya sa kanilang huwag itong ipagsabi sa kahit na sino. Ngunit habang lalo pa niya itong pinagbabawal, mas lalo nila itong inihahayag.
Yesusay hayssa be7idayti onaskka yotonta mala azaziddes, gido attin asay izi azazizdaysafe bollara kehi gujidi yotida.
37 Lubos silang namangha at sinasabi nilang, “Mahusay ang lahat ng kaniyang ginawa. Nagagawa niyang makarinig ang bingi at makapagsalita ang pipi.”
Derezikka woggappe athi malaletidi “Izi othidaysi wuri lo7o; tuleti siyanamala, mumeti hasa7anamala othides” gida.