< Marcos 5 >
1 Dumating sila sa kabilang dako ng dagat, sa rehiyon ng Geraseno.
他们来到海那边格拉森人的地方。
2 At nang bumababa si Jesus sa bangka, agad may isang lalaking may maruming espiritu ang pumunta sa kaniya mula sa mga libingan.
耶稣一下船,就有一个被污鬼附着的人从坟茔里出来迎着他。
3 Ang lalaki ay nakatira sa mga libingan. Wala nang makapagpigil sa kaniya, kahit pa kadena.
那人常住在坟茔里,没有人能捆住他,就是用铁链也不能;
4 Ilang ulit na siyang ginapos gamit ang mga tanikala at kadena. Sinisira niya ang mga kadena at winawasak niya ang kaniyang mga tanikala. Walang sinuman ang may lakas na supilin siya.
因为人屡次用脚镣和铁链捆锁他,铁链竟被他挣断了,脚镣也被他弄碎了;总没有人能制伏他。
5 Bawat gabi at araw sa mga libingan at sa mga bundok, sumisigaw siya at sinusugatan niya ang kaniyang sarili ng mga matatalas na bato.
他昼夜常在坟茔里和山中喊叫,又用石头砍自己。
6 Nang nakita niya si Jesus sa malayo, tumakbo siya sa kaniya at yumuko sa kaniyang harapan.
他远远地看见耶稣,就跑过去拜他,
7 Sumigaw siya nang may malakas na boses, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa Diyos mismo, huwag mo akong pahirapan.”
大声呼叫说:“至高 神的儿子耶稣,我与你有什么相干?我指着 神恳求你,不要叫我受苦!”
8 Sapagkat sinasabi niya sa kaniya, “Lumabas ka sa lalaking ito, ikaw na maruming espiritu.”
是因耶稣曾吩咐他说:“污鬼啊,从这人身上出来吧!”
9 At tinanong niya ito, “Ano ang pangalan mo?” At sumagot siya, “Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami.”
耶稣问他说:“你名叫什么?”回答说:“我名叫‘群’,因为我们多的缘故”;
10 Paulit-ulit siyang nakiusap sa kaniya na huwag silang papuntahin sa labas ng rehiyon.
就再三地求耶稣,不要叫他们离开那地方。
11 Ngayon may malaking kawan ng baboy ang naroon na kumakain sa burol,
在那里山坡上,有一大群猪吃食;
12 at nagmakaawa sila sa kaniya, na sinasabi, “Papuntahin mo kami sa mga baboy, hayaan mo kaming pumasok sa kanila.”
鬼就央求耶稣说:“求你打发我们往猪群里,附着猪去。”
13 Kaya pinayagan niya ang mga ito, lumabas ang mga masamang espiritu at pumasok sa mga baboy, at nagtakbuhan sila patungo sa matarik na burol papunta sa dagat, halos dalawang libong baboy ang nalunod sa dagat.
耶稣准了他们,污鬼就出来,进入猪里去。于是那群猪闯下山崖,投在海里,淹死了。猪的数目约有二千。
14 At tumakbo ang mga nagpapakain sa mga baboy at ipinamalita sa lungsod at sa mga karatig-pook kung ano ang nangyari. At maraming tao ang pumunta upang makita kung ano ang nangyari.
放猪的就逃跑了,去告诉城里和乡下的人。众人就来,要看是什么事。
15 Pagkatapos ay pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking sinapian ng demonyo— na may Pulutong—na nakaupo, nakabihis, at nasa kaniyang tamang kaisipan, at sila ay natakot.
他们来到耶稣那里,看见那被鬼附着的人,就是从前被群鬼所附的,坐着,穿上衣服,心里明白过来,他们就害怕。
16 Sinabi sa kanila ng mga nakakita ng nangyari sa lalaking sinapian ng demonyo kung ano ang nangyari sa kaniya at gayon din ang tungkol sa mga baboy.
看见这事的,便将鬼附之人所遇见的和那群猪的事都告诉了众人;
17 At nagsimula silang nagmakaawa sa kaniya na umalis sa kanilang rehiyon.
众人就央求耶稣离开他们的境界。
18 At nang sumasakay na siya sa bangka, nakiusap sa kaniya ang lalaking sinaniban ng demonyo kung maaari siyang sumama sa kaniya.
耶稣上船的时候,那从前被鬼附着的人恳求和耶稣同在。
19 Ngunit hindi siya pumayag dito, subalit sinabi niya sa kaniya, “Umuwi ka sa iyong bahay at sa mga kasama mo, at sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iyo at kung paano ka niya kinahabagan.”
耶稣不许,却对他说:“你回家去,到你的亲属那里,将主为你所做的是何等大的事,是怎样怜悯你,都告诉他们。”
20 Kaya siya ay umalis at nagsimulang ihayag ang mga dakilang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya sa Decapolis at ang lahat ay namangha.
那人就走了,在低加坡里传扬耶稣为他做了何等大的事,众人就都希奇。
21 At nang si Jesus ay muling tumawid sa kabilang dako, maraming mga tao ang pumalibot sa kaniya sa bangka, sapagkat siya ay nasa tabing dagat.
耶稣坐船又渡到那边去,就有许多人到他那里聚集;他正在海边上。
22 At isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating, at nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan.
有一个管会堂的人,名叫睚鲁,来见耶稣,就俯伏在他脚前,
23 Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, “Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay.”
再三地求他,说:“我的小女儿快要死了,求你去按手在她身上,使她痊愈,得以活了。”
24 Kaya sumama siya sa kaniya at sumunod sa kaniya ang napakaraming tao at sila ay nag-uumpukan sa palibot niya.
耶稣就和他同去。 有许多人跟随拥挤他。
25 Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon.
有一个女人,患了十二年的血漏,
26 Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala.
在好些医生手里受了许多的苦,又花尽了她所有的,一点也不见好,病势反倒更重了。
27 Narinig niya ang mga balita tungkol kay Jesus. Kaya pumunta siya sa kaniyang likuran habang siya ay naglalakad sa gitna ng maraming tao, at hinawakan niya ang kaniyang balabal.
她听见耶稣的事,就从后头来,杂在众人中间,摸耶稣的衣裳,
28 Sapagkat iniisip niya, “Kung mahawakan ko man lang kahit ang kaniyang damit, ako ay gagaling.”
意思说:“我只摸他的衣裳,就必痊愈。”
29 Nang mahawakan niya siya, tumigil ang pagdurugo, at naramdaman niya sa kaniyang katawan na siya ay gumaling na sa kaniyang paghihirap.
于是她血漏的源头立刻干了;她便觉得身上的灾病好了。
30 At agad napansin ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya. At lumingon siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humawak sa aking damit?”
耶稣顿时心里觉得有能力从自己身上出去,就在众人中间转过来,说:“谁摸我的衣裳?”
31 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, “Nakita mo ang napakaraming taong nag-uumpukan sa paligid mo, at sasabihin mong 'Sino ang humawak sa akin?”
门徒对他说:“你看众人拥挤你,还说‘谁摸我’吗?”
32 Ngunit si Jesus ay tumingin sa paligid upang malaman kung sino ang may gawa nito.
耶稣周围观看,要见做这事的女人。
33 Nang nalaman ng babae ang nangyari sa kaniya, natakot siya at nanginig. Lumapit siya at nagpatirapa sa kaniyang harapan at sinabi ang buong katotohanan.
那女人知道在自己身上所成的事,就恐惧战兢,来俯伏在耶稣跟前,将实情全告诉他。
34 Sinabi niya sa kaniya, “Anak, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Umuwi ka nang may kapayapaan at gumaling ka sa iyong karamdaman.”
耶稣对她说:“女儿,你的信救了你,平平安安地回去吧!你的灾病痊愈了。”
35 Habang siya ay nagsasalita, ilang tao mula sa pinuno ng sinagoga ang dumating at nagsabi, “Patay na ang iyong anak. Bakit mo pa aabalahin ang Guro?”
还说话的时候,有人从管会堂的家里来,说:“你的女儿死了,何必还劳动先生呢?”
36 Ngunit nang marinig ni Jesus ang kanilang sinabi, sinabi niya sa pinuno ng sinagoga, “Huwag kang matakot, maniwala ka lang.”
耶稣听见所说的话,就对管会堂的说:“不要怕,只要信!”
37 Hindi niya pinayagan ang kahit sino na sumama sa kaniya maliban kay Pedro, Santiago, at Juan na kapatid ni Santiago.
于是带着彼得、雅各,和雅各的兄弟约翰同去,不许别人跟随他。
38 Nakarating sila sa bahay ng pinuno nang sinagoga at nakita niya ang kaguluhan, napakaraming iyakan at pagtangis.
他们来到管会堂的家里;耶稣看见那里乱嚷,并有人大大地哭泣哀号,
39 Nang pumasok siya sa bahay, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak? Ang bata ay hindi patay kundi natutulog.”
进到里面,就对他们说:“为什么乱嚷哭泣呢?孩子不是死了,是睡着了。”
40 Siya ay pinagtawanan nila, ngunit pinalabas niya silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at maging ang mga kasama niya, at pumunta sila kung saan naroroon ang bata.
他们就嗤笑耶稣。耶稣把他们都撵出去,就带着孩子的父母和跟随的人进了孩子所在的地方,
41 Kinuha niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya, “Talitha koum,” na ang ibig sabihin ay “Batang babae, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
就拉着孩子的手,对她说:“大利大,古米!”(翻出来就是说:“闺女,我吩咐你起来!”)
42 Agad na tumayo ang bata at naglakad (sapagkat siya ay labindalawang taon). At kaagad labis silang namangha.
那闺女立时起来走。他们就大大地惊奇;闺女已经十二岁了。
43 Mahigpit niya silang pinagbilinan na walang dapat makaalam ng tungkol dito. At inutusan niya sila na bigyan ang bata ng makakain.
耶稣切切地嘱咐他们,不要叫人知道这事,又吩咐给她东西吃。