< Marcos 4 >
1 Muli siyang nagsimulang mangaral sa tabi ng dagat. At nagtipun-tipon ang napakaraming tao sa paligid niya, kaya sumakay siya sa bangka na nasa dagat at naupo. Ang mga tao ay nasa tabi ng dagat sa dalampasigan.
耶稣又在海边教导众人,很多人赶来聆听。他走上海中的一条船,坐下来,民众则都站在岸上聆听。
2 At tinuruan niya sila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga, at sinabi niya sa kanila sa kaniyang pagtuturo,
他用了很多比喻故事进行讲授:
3 “Makinig kayo, lumabas ang manghahasik upang maghasik.
他说:“听着!有一个农夫要出去撒种,
4 Habang siya ay naghahasik, mayroong mga binhing napunta sa daan at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito.
有的种子落在路旁,被过来的小鸟吃掉了。
5 Ang ibang mga binhi ay napunta sa mabatong lupa na kung saan ang lupa ay kakaunti lamang. Agad silang tumubo dahil hindi malalim ang lupa nito.
有的落在泥土稀薄、石头众多的土地上,在浅薄的土层上,种子很快发芽。
6 Ngunit nang sumikat ang araw, nalanta ang mga ito at dahil wala silang ugat natuyo ang mga ito.
但太阳一出来,就把它晒干了,因为没有实根而枯萎。
7 Ang ibang mga binhi ay napunta sa tinikan. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito, at hindi ito nakapamunga ng kahit isang butil.
有的种子落在荆棘丛,荆棘长出来后,把它挤住,它无法结出果实。
8 Napunta sa matabang lupa ang ibang binhi at nagkabutil habang lumalago at dumarami, at may nagkabutil ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisangdaan”.
那些落在肥沃土壤中的种子,就会繁茂成长,结出果实,是原来的 30 倍、 60 倍甚至 100 倍之多。
9 At sinabi niya, “Sinuman ang may taingang pandinig, makinig!”
你若有耳可聆听,就听听我所说的讲述。”
10 Nang nag-iisa na si Jesus, nagtanong ang mga malalapit sa kaniya kasama ang Labindalawa tungkol sa talinghaga.
耶稣独自一人的时候,始终跟随他的十二门徒和其他人走过来,询问这些比喻的意义。
11 Sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo ang hiwaga ng kaharian ng Diyos. Ngunit sa ibang nasa labas ang lahat ay mga talinghaga,
耶稣对他们说:“上帝之国的奥秘,只给你们知道,但对于外人只会讲述比喻。因为
12 nang sa gayon, kapag sila ay tumingin, oo titingin sila, ngunit hindi sila makakakita, at kapag sila ay nakinig, oo makaririnig sila, ngunit hindi sila makauunawa, o kundi sila ay manumbalik at patatawarin sila ng Diyos.”
他们纵使看见了也不会领悟,听见了也不会明白。不然他们就会找到我,获得原谅。”
13 At sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo naiintindihan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo maiintindihan ang iba pang mga talinghaga?
耶稣问他们:“你们理解这个故事吗?如果不理解,又如何明白其他故事呢?
14 Ang manghahasik ay naghasik ng salita.
农夫所撒的种子就是福音。
15 Ang ilan sa mga ito ay ang nahulog sa tabi ng daan, kung saan ang salita ay naihasik. At nang marinig nila ito, agad na dumating si Satanas upang alisin ang salitang naitanim sa kanila.
落在路旁的种子,就是人们在听福音,撒旦立刻出现,把撒在其心里的福音夺走。
16 At ang iba ay ang mga naitanim sa mabatong lupa, nang makarinig sila ng salita, agad nila itong tinatanggap nang may kagalakan.
撒在石地上的种子,代表人听了福音后立刻欢喜接受,
17 At hindi sila nakapag-ugat kaya sila nakatiis lang ng maikling panahon. At dumating ang mga pagdurusa o pag-uusig dahil sa salita at agad silang nadapa.
但道并未在他们心中落根,只是暂时停留,一旦遇到患难和迫害,他们很快就会沦陷。
18 At ang iba naman ay naihasik sa tinikan. Narinig nila ang salita at tinanggap ito,
撒在荆棘中的种子则指另一些人,他们虽然听了福音,
19 ngunit ang mga alalahanin sa mundo, ang pandaraya ng kayamanan at ang pagnanasa sa iba pang mga bagay ay pumasok at nasakal ang salita, at ito ay hindi nakapamunga. (aiōn )
但现世的忧虑、对财富的迷恋和种种的欲望不断滋生,把福音挤出去,结不出果实。 (aiōn )
20 At mayroon namang naihasik sa matabang lupa. Narinig nila ang salita at tinanggap ito at nakapamunga: may tatlumpu, may animnapu, at may isangdaan.”
落在肥沃土壤里的种子,就是人在听到福音后真正接受它,就会结出比原来多 30 倍、 60 倍、甚至 100 倍之多的果实。”
21 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket o sa ilalaim ng higaan? Dadalhin ninyo ito sa loob at ilalagay sa lagayan ng lampara.
耶稣又对他们说:“人们在点灯之后,不会将其放在水桶或床下,而是会将其放在灯台上。
22 Sapagkat walang itinatago na hindi maihahayag at walang lihim na hindi maibubunyag.
所有隐藏之事最终都会显现,所有秘密都会被公开。
23 Sinuman ang may taingang pandinig, makinig.
有耳朵可以倾听之人,就要听我所说的讲述!”
24 Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan ninyong mabuti ang inyong naririnig, ang panukat na inyong ginagamit ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo.
耶稣又对他们说:“要留心你们听到的,因为你们用什么标准衡量别人,上帝就会用什么标准衡量你们,完全相同。
25 Dahil sinumang mayroon ay pagkakalooban ng higit pa, at sinumang wala, kukunin maging ang anumang nasa kaniya.”
如果你已经理解,就会得到更多,如果无法理解,现在拥有的也会失去。”
26 At sinabi niya, “Ang kaharian ng Diyos ay tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi sa lupa.
耶稣说:“上帝的王国就像一个人在地里撒种,
27 Sa gabi siya ay natutulog at sa umaga siya ay bumabangon, at ang binhi ay sumisibol at tumutubo, ngunit hindi niya alam kung paano.
他夜里睡觉,白天醒来,日复一日,但并不知道种子如何发芽生长。
28 Ang lupa sa sarili niya ay namumunga ng butil: una ang sibol, sunod ang mga tangkay, sunod ang mga hinog na butil sa tangkay.
大地生长作物是自然而为,先长苗,后吐穗,然后穗上结满了谷粒。
29 At kapag nahinog na ang butil, agad niyang ipinadadala ang panggapas sapagkat dumating na ang anihan.”
谷粒成熟后就到了收获时节,农夫用镰刀将其割下。
30 At sinabi niya, “Saan natin maihahambing ang kaharian ng Diyos, o anong talinghaga ang magagamit natin upang maipaliwanag ito?
我们可以将上帝的王国比做什么?可以用什么比喻来形容它呢?
31 Ito ay katulad ng buto ng mustasa na kapag ito ay itinanim, ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga buto sa daigdig.
它好像一粒芥菜种,比所有种子都小,
32 Gayunpaman, kapag ito ay naitanim, tumutubo ito at nagiging pinakamalaki sa lahat ng mga tanim sa bukirin at nagkakaroon ito ng malalaking sanga, kaya ang mga ibon sa himpapawid ay nakakapamugad sa lilim nito.
种子在种下后开始生长,长成的样子却比其他作物都大,它的大枝叶甚至吸引天空的飞鸟在它的树荫下栖息。”
33 Ipinangaral niya ang salita sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang katulad nito, hanggang sa kaya nilang maunawaan,
耶稣用了许多这样的比喻,按照人们能够理解的方式讲述故事。
34 at hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ngunit kapag siya ay nag-iisa na lamang, ipinapaliwanag niya ang lahat sa kaniyang sariling mga alagad.
事实上,他在公开讲道的时候仅使用比喻。只有单独和门徒在一起时,他才会把一切解释给他们听。
35 Kinagabihan, nang araw ding iyon, sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabilang dako.”
当天黄昏,耶稣对门徒说:“我们到海那边去吧。”
36 Kaya iniwan nila ang maraming tao na isinama nila si Jesus dahil nakasakay na siya sa bangka. Mayroon ding ibang mga bangkang sumama sa kaniya.
门徒们离开民众,跟着耶稣走上船,还有其他的船跟随他们。
37 Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig.
忽然海上刮起狂风,波浪不断拍打船身,船上积满了水。
38 Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, “Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay?
耶稣却在船尾靠着垫子睡着了。门徒把他叫醒说:“老师,我们就要淹死了,你不担心吗?”
39 At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan.
耶稣醒来,命令风停止;又对海浪说:“不要出声!安静吧!”风立刻停止,世界平静下来。。
40 At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?”
然后耶稣问他们:“你们为什么如此害怕?怎么对我这么没有信心?”
41 Lubha silang natakot at sinabi nila sa isa't isa, “Sino ba talaga siya, dahil maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”
门徒心生敬畏,彼此问到:“他到底是谁?连风和海浪都听他的!”