< Marcos 15 >
1 Maagang-maaga pa nagtipon-tipon na ang mga punong pari kasama ang mga nakatatanda at mga eskriba, at ang buong Konseho ng Sanedrin. Pagkatapos ay iginapos nila si Jesus at inilabas siya. Ipinasa nila siya kay Pilato.
ᎩᎳᏉᏃ ᎢᏴᏛ ᏭᎩᏨᏅ ᏄᏂᎬᏫᏳᏒ ᎠᏥᎸ-ᎠᏁᎶᎯ, ᎠᎴ ᏧᎾᏛᏐᏅᎯ, ᎠᎴ ᏗᏃᏪᎵᏍᎩ, ᎠᎴ ᏂᎦᏛ ᏗᏂᎳᏫᎩ ᎤᎾᎵᏃᎮᎸ ᎤᎾᎸᎴ ᏥᏌ, ᎠᎴ ᎤᎾᏘᎾᏫᏛᎮᎢ, ᎠᎴ ᏆᎴᏗ ᏫᏚᏂᏲᎯᏎᎴᎢ.
2 Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” Sinagot niya siya, “Kung iyan ang sinasabi mo.”
ᏆᎴᏗᏃ ᎤᏛᏛᏁ ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎴᎢ, ᏂᎯᏍᎪ ᏣᎬᏫᏳᎯ ᎠᏂᏧᏏ ᎤᎾᏤᎵᎦ? ᎤᏁᏨᏃ ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎴᎢ, ᏰᎵᏉ ᏂᏫ.
3 Nagpalabas ang mga punong pari ng maraming mga bintang laban kay Jesus.
ᏄᏂᎬᏫᏳᏒᏃ ᎠᏥᎸ-ᎠᏁᎶᎯ ᎤᏣᏖ ᏧᏓᎴᏅᏛ ᎬᏭᎯᏍᏗᏍᎨᎢ.
4 Tinanong siya muli ni Pilato, “Wala ka bang maibibigay na kasagutan? Nakikita mo ba kung ilan ang mga inilalabas nilang mga bintang laban sa iyo?”
ᏆᎴᏗᏃ ᏔᎵᏁ ᎤᏛᏛᏁ ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎢ; ᏝᏍᎪ ᎪᎱᏍᏗ ᏯᏗᎭ? ᎬᏂᏳᏉ ᎤᏣᏘ ᏧᏓᎴᏅᏛ ᎠᏂᏃᎮᎭ ᎨᏣᏡᏗᎭ.
5 Ngunit hindi na muling sinagot ni Jesus si Pilato, at dahil doon, namangha siya.
ᎠᏎᏃ ᏥᏌ ᎠᏏ ᎥᏝ ᎪᎱᏍᏗ ᏯᏗᏍᎨᎢ; ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᏆᎴᏗ ᎤᏍᏆᏂᎪᏎᎢ.
6 Ngayon sa panahon ng pista, kadalasang nagpapalaya si Pilato ng isang bilanggo, isang bilanggong hiniling nila.
ᏓᎾᎵᏍᏓᏴᎲᏍᎬᏃ ᎢᏳᎢ ᏓᏲᎯᏎᎮ ᎠᏏᏴᏫ ᎠᏴᎩ, ᎾᏍᎩᏉ ᎠᏂᏔᏲᎭ.
7 Doon, sa kulungan kasama sa mga manghihimagsik, kabilang sa mga mamamatay tao na kasapi sa rebelyon, ay isang lalaking nagngangalang Barabas.
ᎠᏏᏴᏫᏃ ᎡᎮ ᏆᎳᏆ ᏧᏙᎢᏛ ᎾᏍᎩ ᎢᏧᎳᎭ ᏕᎨᎦᎸᎡ ᎬᏩᎵᎪᏁᎸᎯ ᎤᎾᏓᏑᏰᏛ ᎤᎾᎵᏖᎸᏅᎯ, ᎾᏍᎩ ᎤᎾᏓᎸᎯ ᎨᏎ ᎾᎯᏳ ᎤᎾᏓᏑᏰᏛ ᎤᎾᎵᏖᎸᏅᎢ.
8 Pumunta ang maraming tao kay Pilato at nagsimula silang humiling sa kaniya na gawin niya ang ginagawa niya noong mga nakaraang panahon.
ᎤᏂᏣᏘᏃ ᎠᏍᏓᏯ ᎤᎾᎵᏍᏕᎢ, ᎤᎾᎴᏅᎮ ᎤᏂᏔᏲᎴ ᎾᏍᎩᏯ ᏂᏚᏛᏁᎸ ᏧᏩᎫᏔᏅᏒ ᎢᏧᏛᏁᏗᏱ.
9 Sinagot sila ni Pilato at sinabi, “Gusto ba niyong palayain ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?”
ᏆᎴᏗᏃ ᏚᏁᏤᎴ ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎢ, ᎢᏣᏚᎵᏍᎪ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᎠᏂᏧᏏ ᎤᎾᏤᎵᎦ ᏗᏳᏲᎯᏎᏗᏱ.
10 Dahil alam niyang dahil sa inggit ng mga punong pari kay Jesus kung kaya siya ay ipinasa sa kaniya.
ᎠᎦᏔᎮᏰᏃ ᎾᏍᎩ ᏄᏂᎬᏫᏳᏒ ᎠᏥᎸ-ᎠᏁᎶᎯ ᎠᏅᏳᏤᎲᏉ ᏅᏗᎦᎵᏍᏙᏗᏍᎬ ᏕᎬᏩᏲᏒᎢ.
11 Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang maraming tao para isigaw na si Barabas ang dapat palayain.
ᎠᏎᏃ ᏄᏂᎬᏳᏒ ᎠᏥᎸ-ᎠᏁᎶᎯ ᏄᏅᏂᏌᏁ ᎤᏂᏣᏘ ᏴᏫ, ᎾᏍᎩ ᏆᎳᏆ ᎤᏂᏔᏲᏍᏗᏱ ᏧᏲᎯᏎᏗᏱ.
12 Sinagot silang muli ni Pilato at sinabing, “Ano ngayon ang gagawin ko sa Hari ng mga Judio?”
ᏆᎴᏗᏃ ᏔᎵᏁ ᎤᏁᏨ, ᎯᎠ ᏂᏚᏪᏎᎴᎢ, ᎦᏙᏃ ᎢᏣᏚᎵ ᏥᏴᏁᏗᏱ ᎾᏍᎩ Ꮎ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᎠᏂᏧᏏ ᎤᎾᏤᎵᎦ ᏤᏦᏎᎭ?
13 Sumigaw silang muli, “Ipako siya sa krus!”
ᏔᎵᏁᏃ ᎤᏁᎷᏁᎢ ᎯᏯᏛᎥᎦ ᎤᎾᏛᏁᎢ.
14 Sinabi sa kanila ni Pilato, “Anong kasalanan ang ginawa niya?” Ngunit mas lalo nilang isinigaw, “Ipako siya sa krus.”
ᏆᎴᏗᏃ ᎯᎠ ᏂᏚᏪᏎᎴᎢ, ᎦᏙᏃ, ᎦᏙ ᎤᏍᏗ ᎤᏲ ᏚᎸᏫᏍᏓᏁᎸ? ᎠᏎᏃ ᎤᏟᏉ ᎢᏯᏍᏓᏯ ᎤᏁᎷᏁᎢ, ᎯᏯᏛᎥᎦ, ᎤᎾᏛᏁᎢ.
15 Gusto ni Pilato na malugod ang mga tao kaya pinalaya niya si Barabas sa kanila. Hinampas niya si Jesus at ibinigay siya upang maipako sa krus.
ᏆᎴᏗᏃ ᎣᏏᏳ ᎤᏰᎸᏎ ᎣᏍᏛ ᏧᏓᏅᏓᏗᏍᏙᏗᏱ ᎤᏂᏣᏘ, ᏚᏲᎯᏎᎴ ᏆᎳᏆ, ᏥᏌᏃ ᎤᎵᎥᏂᎸ ᏚᏲᏎ ᎠᎦᏛᏗᏱ.
16 Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo (ng kwartel), at tinawag nila ang buong hukbo ng mga kawal.
ᎠᏂᏯᏫᏍᎩᏃ ᎬᏩᏘᎾᏫᏛᎮ ᏫᎬᏩᏴᏔᏁ ᎤᎬᏫᏳᎯᏱ ᎠᏓᏁᎸᎢ ᎾᏍᎩ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᏣᏥᎳᏫᏤᏗᏱ, ᏂᎦᏛᏃ ᏑᎾᏓᏡᎩ ᏫᏚᏂᏯᏅᎮᎢ.
17 Nilagyan nila si Jesus ng balabal na kulay lila, at gumawa sila ng isang koronang gawa sa tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo.
ᎩᎦᎨᏃ ᎬᏩᏄᏪᎡᎢ, ᎠᎴ ᎠᎵᏍᏚᎶ ᏧᏣᏲᏍᏗ ᎪᏢᏔᏅᎯ ᎤᏂᏍᏕᏲᏅ, ᎾᏍᎩ ᎤᏂᏍᏚᎶᏔᏁᎢ.
18 Nagsimula silang saluduhan siya at sinabi, “Mabuhay, Hari ng mga Judio!”
ᎠᎴ ᎤᎾᎴᏅᎮ ᎠᏂᏲᎵᎮᎢ, ᎢᏨᏲᎵᎦ, ᏣᎬᏫᏳᎯ ᎠᏂᏧᏏ ᎤᎾᏤᎵᎦ, ᎠᎾᏗᏍᎨᎢ.
19 Hinampas nila ang kaniyang ulo ng tambo at dinuraan siya. Nagluhod-luhuran silang nagpakita ng paggalang sa kaniya.
ᎠᏍᎪᎵᏃ ᏕᎬᏩᏂᎮ ᎦᎾᏍᏓ ᎬᏗ, ᎠᎴ ᏕᎬᏩᎵᏥᏍᏆᏍᎨᎢ, ᎠᎴ ᏓᎾᎵᏂᏆᏅᎥᏍᎨ ᎬᏩᏓᏙᎵᏍᏓᏁᎮᎢ.
20 Nang matapos nila siyang kutyain, tinanggal nila mula sa kaniya ang balabal na kulay lila at inilagay sa kaniya ang kaniyang mga damit, at pagkatapos inilabas siya upang ipako sa krus.
ᎤᎾᏕᎰᏔᏃᏅᏃ, ᎬᏩᏄᏪᏎ ᎩᎦᎨᎢ, ᎠᎴ ᎤᏩᏒ ᏧᏄᏬ ᏕᎬᏩᏄᏬᎡᎢ, ᎠᎴ ᏫᎬᏩᏘᏅᏍᏔᏁ ᎬᏩᏛᏗᏱ.
21 Pinilit nilang tumulong ang isang taong dumaan na galing sa bukid na nagngangalang Simon na taga-Cirene (ang ama ni Alejandro at Rufo); pinilit nila siyang pasanin ang krus ni Jesus.
ᎩᎶᏃ ᎢᏳᏍᏗ ᏌᏩᏂ ᏧᏙᎢᏛ ᏌᎵᏂ ᎡᎯ ᎠᎢᏎᎢ, ᏙᏗᎦᎶᎨᏒ ᏅᏓᏳᎶᏒᎯ, ᎾᏍᎩ ᎡᎵᎩ ᎠᎴ ᎷᏆᏏ ᎤᏂᏙᏓ, ᎾᏍᎩ ᎤᏤᎵ ᏧᏓᎿᎭᏩᏛ ᎤᏪᏅᏍᏗᏱ ᏄᏅᏁᎴᎢ.
22 Dinala si Jesus ng mga kawal sa lugar na kung tawagin ay Golgotha (na ang ibig sabihin ay, Lugar ng Bungo).
ᎪᎵᎦᏓᏃ ᏚᏙᎥ ᏫᎬᏩᏘᏅᏔᏁᎢ, ᎾᏍᎩ ᎠᏁᏢᏔᏅᎯ ᎨᏒ ᎤᏍᏆᎷᎪ ᎦᏛᎦ.
23 Inalok nila siya ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ito ininom.
ᎬᏩᏁᏁᎴᏃ ᎤᏗᏔᏍᏗ ᎩᎦᎨᎠᏗᏔᏍᏗ ᎻᎳ ᎠᏑᎵ; ᎠᏎᏃ ᎥᏝ ᏳᏁᎩᏎᎢ.
24 Ipinako nila siya at pinaghati-hatian ang kaniyang kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran upang malaman kung anong parte ng kasuotan ang makukuha ng bawat kawal.
ᎿᎭᏉᏃ ᏓᏓᎿᎭᏩᏍᏛ ᎬᏩᏛᏅ ᎤᏂᏯᏙᎴ ᏧᏄᏬᎢ, ᎤᎾᏎᏒᎮ ᎤᎾᏙᎴᎰᎯᏍᏗᏱ ᎾᏍᎩ ᎠᏂᏏᏴᏫᎭ ᏧᏂᏁᏒᏍᏗ ᎨᏒᎢ.
25 Ikatlong oras na nang siya ay ipinako nila.
ᏐᎣᏁᎳᏃ ᎢᏳᏟᎶᏛ ᎧᎳᏩᏗᏒ ᎨᏎᎢ, ᎠᎴ ᎬᏩᏛᏁᎢ.
26 Sinulat nila sa isang karatula ang bintang laban sa kaniya, “Ang Hari ng mga Judio.”
ᎦᎸᎳᏗᏢᏃ ᎪᏪᎴ ᏄᏍᏛ ᎠᎫᎢᏍᏛᎢ, ᎯᎠ ᏂᎬᏁᎢ, ᎤᎬᏫᏳᎯ ᎠᏂᏧᏏ ᎤᎾᏤᎵᎦ.
27 Kasama niyang ipinako sa krus ang dalawang magnanakaw, isa sa kanan niya, at isa sa kaliwa.
ᎢᏧᎳᎭᏃ ᏕᎨᎦᏛᏁ ᎠᏂᏔᎵ ᏗᎾᏓᎾᏌᎲᏍᎩ; ᎠᏏᏴᏫ ᎠᎦᏘᏏᏗᏢ, ᏐᎢᏃ ᎠᎦᏍᎦᏂ ᎢᏗᏢ.
28 (At naisakatuparan ang Kasulatan na nagsasabing: At siya ay ibinilang sa mga suwail.)
ᎪᏪᎸᏃ ᎤᏙᎯᏳᏁᎢ, ᎯᎠ ᏥᏂᎦᏪᎭ, ᎤᏂᏍᎦᏅᏨᎯ ᎨᎦᏎᎸ ᎠᎦᏠᏯᏍᏔᏅᎩ.
29 Ininsulto siya ng mga taong dumaraan, umiiling ang kanilang mga ulo at sinasabi, “Oy! Ikaw na wawasak sa templo at magtatayo muli nito sa loob ng tatlong araw,
ᎠᏂᎶᏍᎩᏃ ᎦᎬᏩᏐᏢᏗᏍᎨᎢ, ᎠᎴ ᏓᎾᎵᏍᏛᏂᎮ ᎯᎠ ᎾᏂᏪᏍᎨᎢ, Ᏺ, ᎤᏛᏅ-ᏗᎦᎳᏫᎢᏍᏗᏱ ᎯᏲᏍᏗᏍᎩ, ᎠᎴ ᏦᎢᏉᏉ ᎢᎦ ᎯᏱᎵᏙᎯ ᎭᏁᏍᎨᏍᎩ,
30 iligtas mo ang iyong sarili at bumaba ka mula sa krus!”
ᏨᏒ ᎭᎵᏍᏕᎸ, ᎠᎴ ᎡᎭᏠᎠᎯ ᏓᏓᎿᎭᏩᏍᏛᎢ.
31 Sa ganoong paraan din ay kinukutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba, at sinabi, “Iniligtas niya ang iba, ngunit hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili.
ᎾᏍᎩᏯ ᎾᏍᏉ ᏄᏂᎬᏫᏳᏒ ᎠᏥᎸ ᎠᏁᎶᎯ ᎠᎴ ᏗᏃᏪᎵᏍᎩ ᎬᏩᏕᎰᏗᏍᎬ, ᎯᎠ ᏂᏓᎾᏓᏪᏎᎮᎢ, ᏅᏩᎾᏓᎴ ᏓᏍᏕᎵᏍᎬᎩ; ᎤᏩᏒ ᎥᏝ ᏴᎬᎵᏍᏕᎸ.
32 Hayaan nating bumaba mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, nang makita natin at mapaniwala tayo.” Pati ang mga kasama niyang nakapako sa krus ay nilalait rin siya.
ᎦᎶᏁᏛ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᎢᏏᎵ ᎤᎾᏤᎵᎦ ᎿᎭᏉ ᏩᏠᎠᎯ ᏓᏓᎿᎭᏩᏍᏛᎢ, ᎾᏍᎩ ᎣᎩᎪᏩᏛᏗᏱ ᎠᎴ ᎣᎪᎯᏳᏗᏱ. ᎠᎴ ᎾᏍᎩ ᎢᏧᎳᎭ ᏗᎨᎦᏛᏅᎯ ᎦᎬᏩᏐᏢᏕᎢ.
33 Sa ika-anim na oras, nagdilim ang buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras.
ᏔᎳᏚᏃ ᎢᏳᏟᎶᏛ ᎤᎵᏰᎢᎶᎸ ᎤᎵᏏᎲᏎ ᏂᎬᎾᏛ ᎾᎿᎭᎦᏙᎯ, ᏦᎢ ᎢᏳᏟᎶᏛ ᎢᏯᏍᏘ.
34 Sa ika-siyam na oras, sumigaw si Jesus ng may malakas na boses, “Eloi, Eloi, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
ᏦᎢᏁ ᎢᏳᏟᎶᏛ ᎤᎵᏰᎢᎶᎸ ᏥᏌ ᎠᏍᏓᏯ ᎤᏪᎷᏁᎢ, ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎢ, ᎢᎶᎢ, ᎢᎶᎢ, ᎳᎹ ᏌᏆᏓᏂ? ᎾᏍᎩ ᎠᏁᏢᏔᏅᎯ ᎯᎠ ᏄᏍᏗ ᎦᏛᎦ, ᎠᏆᏁᎳᏅᎯ, ᎠᏆᏁᎳᏅᎯ, ᎦᏙᏃ ᎥᏍᏋᏕᎩ?
35 Narinig iyon ng ilan sa mga nakatayo na malapit sa kaniya at sinabing, “Tignan ninyo, tinatawag niya si Elias.”
ᎢᎦᏛᏃ ᎾᎥ ᎠᏂᏙᎾᎢ ᎤᎾᏛᎦᏅ, ᎯᎠ ᏄᏂᏪᏎᎢ, ᎬᏂᏳᏉ, ᎢᎳᏯ ᎠᏯᏂᎭ.
36 May isang tumakbo, naglagay ng maasim na alak sa espongha, inilagay ito sa isang tambong tungkod at ibinigay ito sa kaniya upang inumin. Sinabi ng lalaki, “Tingnan natin kung darating si Elias upang ibaba siya.”
ᎠᏎᏴᏫᏃ ᏚᏍᏆᎸᏔᏅ, ᎠᎴ ᏚᏬᎵ ᏧᏂᏦᏯᏍᏗ ᏭᎧᎵᎢᏍᏔᏅ, ᎠᎴ ᎦᎾᏍᏙᎯ ᎤᏪᏆᏔᏅ, ᎤᏁᏁᎸ ᎤᏗᏔᏍᏗ; ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎢ, ᎤᏁᎳᎩ, ᎢᏓᏙᎴᎰᎯ, ᏥᎪᏃ ᎢᎳᏯ ᏓᎦᎷᏥ ᏓᏳᏠᎥᏔᏂᎵ.
37 Pagkatapos ay sumigaw si Jesus ng may malakas na boses at namatay.
ᏥᏌᏃ ᎠᏍᏓᏯ ᎤᏪᎷᏅ, ᎤᎵᏍᏆᏕᎴᎢ.
38 Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba.
ᎠᏰᏙᎳᏛᏗᏃ ᎤᏛᏅ-ᏗᎦᎳᏫᎢᏍᏗᏱ ᎦᏛ ᎤᏓᏣᎦᎸᎮ ᏔᎵ ᏄᏓᏕᎢ, ᎦᎸᎳᏗ ᏅᏓᏳᏓᎴᏅᏛ ᎡᎳᏗ ᏩᏍᏗ.
39 At nang makita ng senturion na nakatayo at nakaharap kay Jesus na namatay siya sa ganitong paraan, sinabi niya, “Tunay ngang siya ang Anak ng Diyos.”
ᎠᏍᎪᎯᏧᏈᏃ ᏗᏘᏂᏙᎯ ᎠᎢᏗᏢ ᏧᏳᎪᏗ ᎦᏙᎩ, ᎤᏙᎴᎰᏒ ᎾᏍᎩ ᎤᏪᎷᏅᎢ, ᎠᎴ ᎤᎵᏍᏆᏕᎸᎢ, ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎢ, ᎤᏙᎯᏳᎯ ᎯᎠ ᎠᏍᎦᏯ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎤᏪᏥ ᎨᏎᎢ.
40 Mayroon ding mga babaing nakatingin sa malayo. Kabilang sa kanila ay sina Maria Magdalena, Maria (ang ina ni Santiago na nakababata at ni Jose), at si Salome.
ᎠᏂᎨᏴᏃ ᎾᏍᏉ Ꭸ ᎢᏴᏛ ᏙᏗᏂᎧᏁᎢ; ᎾᎿᎭᏃ ᎠᏁᎴ ᎺᎵ ᏑᎩᏕᎵ ᎡᎯ, ᎠᎴ ᎺᎵ ᏥᎻ ᎤᏍᏗ ᎠᎴ ᏦᏏ ᎤᏂᏥᎢ, ᎠᎴ ᏌᎶᎻ.
41 Nang siya ay nasa Galilea sumunod sila sa kaniya at pinaglingkuran siya. Marami ring mga kababaihan ang sumama sa kaniya sa Jerusalem.
ᎾᏍᎩ ᎾᏍᏉ ᎨᎵᎵ ᏤᏙᎮ ᎬᏩᏍᏓᏩᏗᏙᎮ ᎠᎴ ᎬᏩᏍᏕᎸᎯᏙᎮᎢ; ᎠᎴ ᎤᏂᏣᏖ ᏅᏩᎾᏓᎴ ᎠᏂᎨᏴ ᏥᎷᏏᎵᎻ ᏅᏓᎬᏩᏍᏓᏩᏙᎸᎯ.
42 Nang gumabi na, dahil ito ay araw ng Paghahanda, na ang araw bago ang Araw ng Pamamahinga,
ᎿᎭᏉᏃ ᎤᏒ ᏄᎵᏍᏔᏅ, ᎾᏍᎩ ᎠᏛᏅᎢᏍᏙᏗᏱ ᎨᏒ ᎢᏳᏍᏗ, ᎾᏍᎩ ᎤᎾᏙᏓᏈᏕᎾ ᎢᎦ ᎨᏒᎢ.
43 pumunta si Jose na taga-Arimatea doon. Isa siya sa mga iginagalang na kasapi ng Konseho na naghihintay sa Kaharian ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus.
ᏦᏩ ᎠᎵᎹᏗᏱ ᎡᎯ ᎠᏥᎸᏉᏗ ᏗᎦᎳᏫᎩ, ᎾᏍᎩ ᎾᏍᏉ ᎠᎦᏘᏰ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᎨᏒ ᎤᎷᎯᏍᏗᏱ, ᎾᏍᎩ ᎤᎷᏤᎢ, ᎠᎴ ᎾᏍᎦᎢᎲᎾ ᏭᏴᎴ ᏆᎴᏗᏱ, ᎠᎴ ᎤᏔᏲᎴ ᏥᏌ ᎠᏰᎸᎢ.
44 Namangha si Pilato nang malaman niyang patay na si Jesus. Ipinatawag niya ang senturion upang tanungin kung patay na nga si Jesus.
ᏆᎴᏗᏃ ᎤᏍᏆᏏᎪᏎ ᎤᏜᏓᏏᏛᎡᎮ ᎾᏞᎬ ᎤᏲᎱᏒᎢ; ᏭᏯᏅᎲᏃ ᎠᏍᎪᎯᏧᏈ ᏗᏘᏂᏙᎯ, ᎤᏛᏛᏁ, ᏰᎵᏍᎪ ᎪᎯᎩ ᎬᏩᏲᎱᏒᎯ, ᎤᏛᏁᎢ.
45 Nang malaman niya mula sa senturion na patay na nga siya, ibinigay na niya ang katawan ni Jesus kay Jose.
ᎬᏂᎨᏒᏃ ᏄᏩᏁᎸ ᎠᏍᎪᎯᏧᏈ ᏗᏘᏂᏙᎯ, ᏦᏩ ᏚᏲᎯᏎᎴ ᎠᏰᎸᎢ.
46 Bumili si Jose ng linong tela. Ibinaba niya siya mula sa krus, ibinalot siya sa linong tela, at ihinimlay siya sa isang libingan na tinapyas mula sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan.
ᎤᏩᏒᏃ ᎤᏏᏙᎵ ᏙᎴᏛ ᎠᏄᏬ, ᎠᎴ ᎤᏕᏒ ᎠᏰᎸᎢ, ᎠᎴ ᎠᏄᏬᎩᎯ ᏙᎴᏛ ᎤᏪᏣᏄᎳᏅ, ᎠᏤᎵᏍᏛ ᎤᏅᏁ ᎾᏍᎩ ᏅᏲᎯ ᎠᏍᎪᏒᎢ, ᎠᎴ ᏅᏯ ᎤᏪᏌᏆᎴᎴᎢ ᎠᏤᎵᏍᏛ ᎦᎶᎯᏍᏗᏱ ᎤᏁᎢ.
47 Nakita nila Maria Magdalena at ni Maria na ina ni Jose ang lugar kung saan inilibing si Jesus.
ᎺᎵᏃ ᎹᎩᏕᎵ ᎡᎯ, ᎠᎴ ᎺᎵ ᏦᏏ ᎤᏥ ᎤᏂᎪᎮ ᎾᎿᎭᎤᏂᏅᏅᎢ.