< Marcos 13 >
1 Habang si Jesus ay naglalakad papalayo mula sa templo, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, “Guro, tingnan mo ang kamangha-manghang mga bato at mga gusali!”
І коли Він виходив із храму, говорить Йому один із учнів Його: „Подивися, Учителю — яке́ то каміння та що́ за будівлі!“
2 Sinabi niya sa kaniya, “Nakikita ba ninyo ang naglalakihang mga gusali na ito? Walang isa mang bato ang matitira sa ibabaw ng kapwa bato, ang lahat ay maguguho.”
Ісус же до нього сказав: „Чи ти бачиш великі будинки оці? — Не зали́шиться тут навіть камінь на камені, який не зруйнується!“
3 Nang umupo siya sa Bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang sarilinan nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,
Коли ж Він сидів на Оливній горі, проти храму, питали Його насамоті Петро, і Яків, і Іван, і Андрій:
4 “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan na ang lahat na ito ay malapit nang mangyari?”
„Скажи нам, коли станеться це? І яка буде озна́ка, коли все те ви́конатись має?“
5 Nagsimulang magsalita si Jesus sa kanila, “Mag- ingat kayo na walang sinuman ang magligaw sa inyo.
Ісус же почав промовляти до них: „Стережіться, щоб вас хто не звів.
6 Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako siya,' at ililigaw nila ang karamihan.
Бо багато-хто при́йдуть в Ім'я́ Моє, кажучи: „Це Я“. І зведу́ть багатьо́х.
7 Kapag nakarinig kayo ng mga digmaan, at mga balita ng digmaan, huwag kayong mag-alala; dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
І як про ві́йни почуєте ви, і про воєнні чутки́, — не лякайтесь, бо статись належить тому́ “. Та це ще не кінець.
8 Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak.
„Бо повстане наро́д на наро́д, і царство на царство“, будуть землетруси місця́ми, буде голод. Це поча́ток терпінь породільних.
9 Maging mapagbantay kayo. Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at kayo ay bubugbugin sa mga sinagoga. Haharap kayo sa mga hari at mga gobernador alang-alang sa akin, bilang isang patotoo sa kanila.
Пильнуйте ж самі, бо вас на суди видаватимуть, і бичуватимуть вас у синагогах, і поведуть до правителів та до царів ради Мене, на сві́дчення їм.
10 Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa.
Але перше Єва́нгелія мусить бути наро́дам усім проповідувана.
11 Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu.
Коли ж видадуть вас і поведуть, — не турбуйтеся заздалегі́дь, що́ вам говорити, — а що́ дане вам буде тієї години, то те говоріть: бо не ви промовлятимете, але Дух Святий.
12 Ipasakamay ng isang kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang isang ama naman ang kaniyang anak. Ang mga anak ay lalaban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
І видасть на смерть брата брат, а ба́тько — дитину. І „діти повстануть навпроти батьків“, — і їм смерть заподіють.
13 Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makatitiis hanggang sa wakas, ang taong iyon ay maliligtas.
І за Ім'я́ Моє будуть усі вас нена́видіти. А хто витерпить аж до кінця, той буде спасе́ний!
14 Kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na lagim na nakatayo kung saan ito hindi dapat nakatayo (intindihin ng bumabasa), tumakas papunta sa mga bundok ang mga nasa Judea,
Коли ж ви побачите ту „гидоту спусто́шення“, — що про неї звіщав пророк Даниїл, — що вона залягла́, де не слід, — хто читає, нехай розуміє, — тоді ті, хто в Юдеї, нехай в го́ри втікають.
15 ang mga nasa bubungan ay huwag ng bumaba pa sa loob ng bahay, o magdala ng ano pa man mula doon,
І хто на покрівлі, нехай той не сходить, і нехай не входить узяти щось із дому свого́.
16 at ang mga nasa bukirin ay huwag ng umuwi upang kunin ang kanilang balabal.
І хто на полі, — хай назад не вертається взяти одежу свою.
17 Ngunit aba silang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng mga sanggol sa mga panahong iyon!
Горе ж вагітним і тим, хто годує грудьми́, у ті дні!
18 Ipanalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng tag-lamig.
Моліться ж, щоб не трапилося це зимою!
19 Sapagkat magkakaroon ng matinding kahirapan na wala pang kagaya mula nang simula, nang likhain ng Diyos ang daigdig hanggang sa ngayon at wala nang mangyayari pa na katulad nito.
Будуть бо ті дні такою „скорбо́тою, що її не було з первопо́чину світу“, що його Бог створив, „аж досі“, і не буде.
20 Maliban na lang kung paiksiin ng Panginoon ang mga araw, walang sinuman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na mga pinili niya, paiiksiin niya ang bilang ng mga araw.
І коли б Госпо́дь не вкоротив тих днів, — не спаслася б ніяка люди́на; але ради ви́браних, кого вибрав, укороти́в Він ті дні.
21 At kung may nagsabi sa inyong, 'Tingnan ninyo, nandito ang Cristo!' o 'Tingnan ninyo, nandito siya' huwag ninyo itong paniwalaan.
Тоді ж, як хто скаже до вас: „Ото, Христос тут“, „Ото там“, — не йміть віри.
22 Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at bulaang mga propeta at magbibigay ng mga himala at kababalaghan upang linlangin, kung maaari, maging ang mga hinirang.
Бо повстануть христи́ неправдиві, і неправдиві пророки, і будуть чинити озна́ки та чу́да, щоб спокуси́ти, як можна, і ви́браних.
23 Maging mapagbantay kayo! Ngayon pa lang ay sinabi ko na ang mga bagay na ito sa inyo.
Але ви стережіться! Я сказав вам усе напере́д.
24 Ngunit pagkatapos ng matinding kahirapan sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim at ang buwan ay hindi na magliliwanag,
Але за тих днів, по скорбо́ті отій, „сонце затьми́ться, і місяць не дасть свого світла.
25 ang mga bituwin ay mahuhulog mula sa langit at ang kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig.
і зо́рі спада́тимуть з неба, і сили небесні пору́шаться.
26 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap taglay ang dakila nitong kapangyarihan at kaluwalhatian.
І побачать тоді „Сина Лю́дського, що йтиме на хмарах“із великою поту́гою й славою.
27 Pagkatapos ipapadala niya ang kaniyang mga anghel upang tipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo, mula sa mga dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.
І тоді Він пошле Анголів і зберуть Його ви́браних „від вітрі́в чотирьо́х, від кра́ю землі до крайнеба“.
28 Matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos. Sa oras na maging malambot ang sanga nito at magsimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit nang dumating ang tag-araw.
Від дерева ж фіґового навчіться при́кладу: коли віття його вже розпу́кується, і кинеться листя, то знаєте, що близько літо.
29 Gayon din, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alam ninyong malapit na siyang darating, malapit sa mga tarangkahan.
Так і ви: коли тільки побачите, що діється це, то знайте, що близько, — під дверима.
30 Totoo ang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito hanggang hindi nangyayari ang lahat ng mga ito.
Поправді кажу́ вам: не пере́йде цей рід, аж усе оце станеться!
31 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas.
Небо й земля промину́ться, але не мину́ться слова́ Мої!
32 Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakakaalam, maging ang mga anghel sa langit o maging ang Anak, tanging ang Ama lamang.
Про день же той чи про годину не знає ніхто: ні анголи́ на небі, ні Син, — тільки Отець.
33 Maging handa kayo! Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung sa anong oras ito.
Уважайте, чува́йте й моліться: бо не знаєте, коли час той настане!
34 Katulad ito ng isang lalaking naglakbay: umalis siya sa bahay niya at ipinagkatiwala sa kaniyang mga lingkod ang pamamahala sa kaniyang bahay, ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain. At inutusan niya ang tagapagbantay na manatiling gising.
Як той чоловік, що від'їхав, і залиши́в свій дім, і дав рабам своїм вла́ду й кожному працю свою, а воротаре́ві звелів пильнувати.
35 Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga.
Тож пильнуйте, — не знаєте бо, коли при́йде пан дому: уве́чорі, чи опі́вночі, чи як півні співатимуть, чи ра́нком.
36 Kung bigla siyang dumating, huwag ninyong hayaan na madatnan niya kayong natutulog.
Щоб вас не застав, що спите́, коли ве́рнеться він несподі́вано.
37 Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo!”
А що вам Я кажу́, те всім Я кажу́: Пильнуйте!“