< Marcos 13 >

1 Habang si Jesus ay naglalakad papalayo mula sa templo, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, “Guro, tingnan mo ang kamangha-manghang mga bato at mga gusali!”
Na rĩrĩa Jesũ oimaga hekarũ-inĩ, ũmwe wa arutwo ake akĩmwĩra atĩrĩ, “Mũrutani, ta rora! Mahiga maya kaĩ nĩ manene-ĩ! Kaĩ nyũmba ici nĩ thaka-ĩ!”
2 Sinabi niya sa kaniya, “Nakikita ba ninyo ang naglalakihang mga gusali na ito? Walang isa mang bato ang matitira sa ibabaw ng kapwa bato, ang lahat ay maguguho.”
Nake Jesũ akĩmũcookeria atĩrĩ, “Nĩũrona nyũmba ici nene ũũ? Gũtirĩ ihiga o na rĩmwe rĩa maya rĩgaakorwo rĩrĩ igũrũ wa rĩrĩa rĩngĩ; mothe nĩmakamomorwo.”
3 Nang umupo siya sa Bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang sarilinan nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,
Rĩrĩa Jesũ aikarĩte thĩ kĩrĩma-inĩ kĩa Mĩtamaiyũ angʼetheire hekarũ-rĩ, Petero na Jakubu na Johana na Anderea makĩmũũria marĩ keheri-inĩ atĩrĩ,
4 “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan na ang lahat na ito ay malapit nang mangyari?”
“Ta twĩre, maũndũ macio mageekĩka rĩ? Na kĩmenyithia atĩ maũndũ macio marĩ hakuhĩ gwĩkĩka nĩ kĩrĩkũ?”
5 Nagsimulang magsalita si Jesus sa kanila, “Mag- ingat kayo na walang sinuman ang magligaw sa inyo.
Nake Jesũ akĩmeera atĩrĩ, “Mwĩmenyagĩrĩrei mũtikanaheenio nĩ mũndũ o na ũrĩkũ.
6 Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako siya,' at ililigaw nila ang karamihan.
Andũ aingĩ nĩ magooka na rĩĩtwa rĩakwa makiugaga atĩrĩ, ‘Niĩ nĩ niĩ Kristũ,’ na nĩmakaheenia andũ aingĩ.
7 Kapag nakarinig kayo ng mga digmaan, at mga balita ng digmaan, huwag kayong mag-alala; dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
Rĩrĩa mũkaigua mbaara na mũhuhu wa mbaara mũtikanamake. Maũndũ ta macio no nginya mekĩke, no rĩrĩ, ithirĩro ti rĩkinyu.
8 Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak.
Rũrĩrĩ nĩrũgookĩrĩra rũrĩa rũngĩ, na ũthamaki ũũkĩrĩre ũthamaki ũrĩa ũngĩ. Nĩgũkaagĩa na ithingithia kũndũ na kũndũ, o na kũgĩe ngʼaragu. Maũndũ maya nĩ kĩambĩrĩria kĩa ruo ta rwa mũndũ-wa-nja akĩrũmwo.
9 Maging mapagbantay kayo. Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at kayo ay bubugbugin sa mga sinagoga. Haharap kayo sa mga hari at mga gobernador alang-alang sa akin, bilang isang patotoo sa kanila.
“No inyuĩ-rĩ, ikaragai mwĩiguĩte. Nĩmũkaneanwo kũrĩ ciama cia athuuri na mũhũũrwo iboko thĩinĩ wa thunagogi. Nĩmũkarũgama mbere ya aathani na athamaki nĩ ũndũ wakwa, mũtuĩke aira akwa kũrĩ o.
10 Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa.
Naguo Ũhoro-ũrĩa-Mwega no nginya wambe ũhunjio kũrĩ ndũrĩrĩ ciothe.
11 Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu.
Rĩrĩa rĩothe mũkaanyiitwo mũtwarwo mũgaciirithio, mũtikanetange mũgĩĩciiria ũrĩa mũkoiga. Inyuĩ mũkoiga o ũrĩa mũkaahotithio hĩndĩ ĩyo, nĩgũkorwo ti inyuĩ mũgaakorwo mũkĩaria, no nĩ Roho mũtheru.
12 Ipasakamay ng isang kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang isang ama naman ang kaniyang anak. Ang mga anak ay lalaban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
“Mũndũ nĩagakunyanĩra mũrũ wa nyina ooragwo, na ithe wa mũndũ akunyanĩre mwana wake, o na ciana nĩikaremera aciari a cio na imoragithie.
13 Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makatitiis hanggang sa wakas, ang taong iyon ay maliligtas.
Andũ othe nĩmakamũmena nĩ ũndũ wakwa, no ũrĩa ũgaakirĩrĩria nginya hĩndĩ ya mũthia nĩakahonoka.
14 Kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na lagim na nakatayo kung saan ito hindi dapat nakatayo (intindihin ng bumabasa), tumakas papunta sa mga bundok ang mga nasa Judea,
“Rĩrĩa mũkoona kĩrĩa kĩrĩ thaahu na gĩa kũrehe ihooru kĩarũgama harĩa gĩtagĩrĩirwo nĩ kũrũgama-rĩ, (ũrĩa ũrathoma nĩamenye ũhoro ũcio), hĩndĩ ĩyo arĩa marĩ Judea nĩmoorĩre irĩma-inĩ.
15 ang mga nasa bubungan ay huwag ng bumaba pa sa loob ng bahay, o magdala ng ano pa man mula doon,
Mũndũ ũrĩa wothe ũgaakorwo arĩ nyũmba yake igũrũ ndakanaharũrũke kana atoonye kũruta kĩndũ nyũmba.
16 at ang mga nasa bukirin ay huwag ng umuwi upang kunin ang kanilang balabal.
Nake mũndũ ũrĩa ũgaakorwo arĩ mũgũnda ndagacooke mũciĩ kũgĩĩra nguo ciake.
17 Ngunit aba silang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng mga sanggol sa mga panahong iyon!
Kaĩ atumia arĩa magaakorwo marĩ na nda na arĩa magaakorwo makĩongithia hĩndĩ ĩyo nĩmagakorwo marĩ na haaro-ĩ!
18 Ipanalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng tag-lamig.
Hooyagai Ngai atĩ maũndũ macio matikanakinye hĩndĩ ya heho,
19 Sapagkat magkakaroon ng matinding kahirapan na wala pang kagaya mula nang simula, nang likhain ng Diyos ang daigdig hanggang sa ngayon at wala nang mangyayari pa na katulad nito.
nĩ ũndũ matukũ macio gũgaakorwo na mĩnyamaro ĩtarĩ yoneka ĩngĩ tayo kuuma kĩambĩrĩria rĩrĩa Ngai ombire thĩ nginya rĩu, na gũtikoneka ĩngĩ tayo.
20 Maliban na lang kung paiksiin ng Panginoon ang mga araw, walang sinuman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na mga pinili niya, paiiksiin niya ang bilang ng mga araw.
Tiga Mwathani anyihanyiihirie matukũ macio, gũtirĩ mũndũ ũngĩgatigara. No tondũ wa andũ ake arĩa aamũre, matukũ macio nĩmagakuhĩhio.
21 At kung may nagsabi sa inyong, 'Tingnan ninyo, nandito ang Cristo!' o 'Tingnan ninyo, nandito siya' huwag ninyo itong paniwalaan.
Hĩndĩ ĩyo mũndũ o na ũrĩkũ angĩkamwĩra atĩrĩ, ‘Kristũ arĩ haha!’ kana amwĩre atĩrĩ, ‘Kristũ arĩ haarĩa!’ mũtikanetĩkie ũhoro ũcio.
22 Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at bulaang mga propeta at magbibigay ng mga himala at kababalaghan upang linlangin, kung maaari, maging ang mga hinirang.
Nĩgũkorwo Kristũ a maheeni na anabii a maheeni nĩmakeyumĩria monanie morirũ na maringe ciama nĩguo mahĩtithie andũ arĩa aamũre, korwo no kũhoteke.
23 Maging mapagbantay kayo! Ngayon pa lang ay sinabi ko na ang mga bagay na ito sa inyo.
Nĩ ũndũ ũcio-rĩ, ikaragai mwĩiguĩte tondũ nĩndamwĩra maũndũ mothe mbere ya ihinda rĩtanakinya.
24 Ngunit pagkatapos ng matinding kahirapan sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim at ang buwan ay hindi na magliliwanag,
“No ihinda-inĩ rĩu, thuutha wa maũndũ macio ma mĩnyamaro, “‘riũa nĩrĩkagĩa nduma, naguo mweri ndũkaara;
25 ang mga bituwin ay mahuhulog mula sa langit at ang kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig.
njata nacio nĩikaagũa kuuma igũrũ, namo maahinya ma igũrũ nĩmakenyenyio.’
26 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap taglay ang dakila nitong kapangyarihan at kaluwalhatian.
“Hĩndĩ ĩyo andũ nĩ makoona Mũrũ wa Mũndũ agĩũka arĩ thĩinĩ wa matu, arĩ na hinya mũingĩ mũno o na riiri.
27 Pagkatapos ipapadala niya ang kaniyang mga anghel upang tipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo, mula sa mga dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.
Nake nĩagatũma araika ake macookanĩrĩrie andũ ake arĩa aamũre kuuma mĩena ĩna ĩrĩa yumaga rũhuho, o na kuuma ituri ciothe cia thĩ na cia igũrũ.
28 Matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos. Sa oras na maging malambot ang sanga nito at magsimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit nang dumating ang tag-araw.
“Na rĩrĩ, mwĩrutei na mũkũyũ: Rĩrĩa honge ciaguo ciarĩkia gũthundũra na ciaruta mathangũ-rĩ, nĩmũmenyaga atĩ hĩndĩ ya riũa ĩrĩ hakuhĩ.
29 Gayon din, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alam ninyong malapit na siyang darating, malapit sa mga tarangkahan.
Ũguo noguo, rĩrĩa mũkoona maũndũ macio magĩĩkĩka mũkaamenya ihinda rĩrĩ hakuhĩ, rĩrĩ o mũromo-inĩ.
30 Totoo ang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito hanggang hindi nangyayari ang lahat ng mga ito.
Ngũmwĩra atĩrĩ na ma, rũciaro rũrũ rũtigaathira nginya maũndũ macio mothe makaahingio.
31 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas.
Igũrũ na thĩ nĩigathira, no ciugo ciakwa itigathira.
32 Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakakaalam, maging ang mga anghel sa langit o maging ang Anak, tanging ang Ama lamang.
“Gũtirĩ mũndũ o na ũrĩkũ ũũĩ ũhoro wa mũthenya ũcio kana ithaa rĩu, o na araika a igũrũ matiũĩ, o na Mũriũ ndooĩ, tiga Ithe wiki!
33 Maging handa kayo! Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung sa anong oras ito.
Ikaragai mwĩiguĩte! Ikaragai mwĩhũgĩte! Mũtiũĩ rĩrĩa ihinda rĩu rĩgaakinya.
34 Katulad ito ng isang lalaking naglakbay: umalis siya sa bahay niya at ipinagkatiwala sa kaniyang mga lingkod ang pamamahala sa kaniyang bahay, ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain. At inutusan niya ang tagapagbantay na manatiling gising.
Gũkahaana ta mũndũ ũgũthiĩ rũgendo ũrĩa atigaga egaĩra ndungata ciake irorage mũciĩ, o ndungata akamĩhe wĩra wayo, na agatiga atha mũikaria wa mũrango o nake aikarage ehũũgĩte.
35 Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga.
“Nĩ ũndũ ũcio, ikaragai mwĩiguĩte tondũ mũtiũĩ rĩrĩa mwene mũciĩ agacooka, kana agooka hwaĩ-inĩ, kana ũtukũ gatagatĩ, kana ngũkũ ĩkĩgamba, o na kana gũgĩthererũka.
36 Kung bigla siyang dumating, huwag ninyong hayaan na madatnan niya kayong natutulog.
O rĩrĩa angĩũka-rĩ, mũtikanareke amũkore mwĩrigĩtwo.
37 Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo!”
Ũguo ngũmwĩra, noguo ngwĩra andũ othe, atĩrĩ, ‘Ikaragai mwĩiguĩte’.”

< Marcos 13 >