< Marcos 12 >
1 Pagkatapos nagsimulang magturo sa kanila si Jesus ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang tao na gumawa ng ubasan, binakuran ang paligid nito, at gumawa ng hukay para sa pisaan ng ubas. Nagtayo siya ng toreng bantayan at pagkatapos ay pinaupahan niya ang ubasan sa mga katiwala ng ubas. Pagkatapos ay naglakbay siya.
And he began to discourse with them in parables. A certain man planted a vinery, and surrounded it with an enclosure, and dug in it a wine-press, and built in it a tower, and gave it to be held by husbandmen, and journeyed.
2 Sa tamang panahon, ipinadala niya ang kaniyang lingkod sa mga tagapag-alaga ng ubas upang tanggapin mula sa kanila ang ilan sa mga bunga ng ubasan.
And he sent to the husbandmen his servant in the time to receive the fruits of the vinery.
3 Ngunit kinuha nila siya, binugbog at pinalayas na walang dalang anuman.
But they beat him, and sent him away empty.
4 Muli siyang nagpadala sa kanila ng iba pang lingkod, sinugatan nila ito sa ulo at ipinahiya.
He sent to them again another servant; and also that one they stoned, and bruised him, and sent him away with dishonour.
5 Nagpadala siya ng isa pa, at pinatay rin nila ito. Ganito din ang pakikitungo nila sa mga iba pa, binugbog ang ilan at pinapatay ang iba.
And he sent again another, and him they killed; and many other servants he sent, and of them they beat, (and) of them they killed.
6 Mayroon pa siyang isang taong maipapadala, ang pinakamamahal niyang anak. Siya ang pinakahuling taong ipinadala niya sa kanila. Sinabi niya, “Igagalang nila ang aking anak.”
But at last having one son, the beloved, he sent him to them; for he said, Now will they be confounded by my son.
7 Ngunit sinabi ng mga katiwala sa isa't isa, “Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at mapapasaatin ang kaniyang mana.”
But those husbandmen said among themselves, This is the heir; come let us kill him, and the inheritance will be ours.
8 Dinakip nila siya, pinatay at ipinatapon sa labas ng ubasan.
And they took and killed him, and cast him without from the vinery.
9 Kaya, ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Darating siya at papatayin ang mga katiwala ng ubas at ibibigay ang ubasan sa iba.
What therefore shall the Lord of the vinery do? He will come, destroy those labourers, and will give the vinery to others.
10 Hindi ba ninyo nababasa ang kasulatang ito? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo, ang naging batong-panulukan.
And also that scripture have you not read, The stone which the builders rejected is become the head of the corner?
11 Mula ito sa Panginoon at kamangha-mangha ito sa ating mga mata.”'
from the Lord is this done, and it is wondrous in our eyes.
12 Nais nilang hulihin si Jesus ngunit natakot sila sa maraming tao, sapagkat alam nilang sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Kaya iniwan nila siya at umalis.
And they sought to apprehend him, but feared from the people: for they knew that concerning themselves he had spoken this parable. And he left them, and went.
13 Pagkatapos, nagpadala sila sa kaniya ng ilan sa mga Pariseo at mga tauhan ni Herodes upang bitagin siya sa pamamagitan ng mga salita.
And they sent to him men from the Sophree and from the house of Herodes, that they should ensnare him in discourse.
14 Nang makarating sila, sinabi nila sa kaniya, “Guro, alam namin na wala kayong pakialam sa saloobin ninuman at hindi kayo nagpapakita ng pagpanig sa pagitan ng mga tao. Tunay na iyong itinuturo ang daan ng Diyos. Naaayon ba sa kautusan na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi? Kailangan ba kaming magbayad o hindi?”
And they came and questioned him: Malphona, we know that thou art true, and that thou bearest not care for man: for thou regardest not the person of the sons of man, but in truth the way of Aloha thou teachest: Is it lawful to give headmoney to Caesar, or not?
15 Ngunit batid ni Jesus ang kanilang pagkukunwari at sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng denario upang matingnan ko ito.”
shall we give, or shall we not give? But he knew their deceit, and said to them, Why do you tempt me? bring me the dinara, (that) I may see it.
16 Nagdala sila ng isa kay Jesus. Sinabi niya sa kanila, “Kaninong larawan at tatak ito?” Sumagot sila, “Kay Cesar.”
And they brought it to him. He said to them, Of whom (is) this image and writing? And they said, Of Caesar.
17 Sinabi ni Jesus, “Ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” Namangha sila sa kaniya.
Jeshu said to them, Of Caesar give to Caesar, and of Aloha to Aloha. And they were astonished at him.
18 Pagkatapos pumunta sa kaniya ang mga Saduceo na nagsasabing walang pagkabuhay muli. Tinanong nila siya na nagsasabi,
AND the Zadukoyee came to him, those who say that (there is) no resurrection; and they questioned him, saying,
19 “Guro, sumulat si Moises para sa atin, 'Kung namatay ang kapatid na lalaki ng isang lalaki at maiwan niya ang asawa, ngunit walang anak, kailangang kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng mga anak para sa kaniyang kapatid.'
Malphona, Musha has written for us, That if the brother of a man die, and leave a wife, and leave not children, his brother shall take his wife and raise up seed unto his brother.
20 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki; ang una ay nakapangasawa at pagkatapos ay namatay na walang naiwang anak.
Seven brethren there were. The first took a wife, and died, and left not seed.
21 Pagkatapos kinuha siya upang mapangasawa ng ikalawa at namatay na walang naiwang anak. At gayundin ang ikatlo.
And the second took her, and died, and he also left not seed: and the third likewise.
22 At walang naiwang anak ang pito. Sa huli namatay din ang babae.
And the seven of them took her, and did not leave seed: last of all died also that woman.
23 Sa muling pagkabuhay, kapag sila ay bumangon muli, sino ang kaniyang magiging asawa? Gayong napangasawa niya ang lahat ng pitong magkakapatid.”
In the resurrection therefore, whose from them shall she be the wife? for the seven of them had her.
24 Sinabi ni Jesus, “Hindi ba ito ang dahilan kaya kayo nagkakamali, dahil hindi ninyo nalalaman ang kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos?
Jeshu saith to them, Do you not on this account err, because you know not the scripture, nor the power of Aloha?
25 Sapagkat kapag bumangon sila mula sa mga patay, hindi na sila mag-aasawa o makapag-aasawa, ngunit katulad sila ng mga anghel sa langit.
For when they rise from the dead, they take not wives, neither are wives (given) unto husbands; but as the angels that are in heaven are they.
26 Ngunit tungkol sa mga patay na ibinangon, hindi ba ninyo nabasa sa Aklat ni Moises, sa salaysay tungkol sa mababang punong kahoy, kung paano nangusap sa kaniya ang Diyos at sinabi, 'Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob?'
But concerning the dead, that they rise: have you not read in the book of Musha, how from the bush Aloha said to him, I am the God of Abraham, and the God of Ishok, and the God of Jacub?
27 Hindi siya ang Diyos ng mga patay, ngunit ng mga buhay. Nagkakamali kayo.
And Aloha is not of the dead, but of the living. You therefore do greatly err.
28 Isa sa mga eskriba ang nagpunta at nakarinig sa kanilang pag-uusap, nakita niyang mahusay silang sinagot ni Jesus. Tinanong niya ito, “Ano ang pinakamahalagang kautusan sa lahat?”
AND one from the Sophree approached and heard how they disputed, and, perceiving that he had well rendered to them the answer, inquired of him, Which is the first commandment of all?
29 Sumagot si Jesus, “Ang pinakamahalagang kautusan ay, 'Makinig kayo, Israel, ang Panginoong ating Diyos, ang Panginoon ay iisa.
Jeshu saith to him, The first of all the commandments (is), Hear, Israel, The Lord our Aloha is one Lord:
30 Ibigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong kalakasan.'
and thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind, and with all thy strength: this is the first commandment.
31 Ito ang ikalawang kautusan, 'Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili.' Wala nang iba pang kautusang higit na dakila kaysa mga ito.”
And the second, which is like it, (is) that thou shalt love thy neighbour as thyself. Another commandment greater than these there is not.
32 Sinabi ng eskriba, “Mahusay, Guro! Tunay na nasabi ninyong iisa ang Diyos, at wala ng iba pa maliban sa kaniya.
That Sophra said to him, Well, Rabi, and truly hast thou spoken: for One there is and no other than He:
33 Ang ibigin siya nang buong puso, nang buong pang-unawa, nang buong kalakasan, at ang ibigin ang kapwa gaya ng sarili ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng mga susunuging mga alay at mga hain.”
and that a man love Him with all the heart, and with all the understanding, and with all the soul, and with all the strength, and that he love his neighbour as himself, is better than all burnt-offerings and sacrifices.
34 Nang makita ni Jesus na siya ay nagbigay ng matalinong kasagutan, sinabi niya sa kaniya, “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.” Matapos iyon walang sinumang nangahas magtanong kay Jesus ng anumang mga katanungan.
Jeshu, seeing that he had wisely returned the word, answered and said to him, Thou art not far from the kingdom of Aloha. And no man dared again to question him.
35 At tumugon si Jesus, habang nangangaral siya sa templo, sinabi niya, “Paano ito nasasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?
And Jeshu answered and said, while he taught in the temple, How say the Sophree that the Meshicha is son of David?
36 Si David mismo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagsabi, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanang kamay, hanggang magawa kong tapakan ng paa mo ang iyong mga kaaway.'
For David himself saith by the Spirit of Holiness, The Lord said to my Lord, Sit thou at my right hand, until I set thy adversaries a footstool beneath thy feet.
37 Mismong si David ay tinawag na Cristo ang 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?” Masayang nakinig sa kaniya ang napakaraming tao.
David therefore himself calleth him My Lord; and how is he then his son? And all the multitude heard him gladly.
38 Sa kaniyang pagtuturo, sinabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na nagnanais na maglakad ng may mahabang mga balabal at batiin sa mga pamilihan
And in his doctrine he said to them, Beware of the Sophree, who will to walk in long robes, and love the shaloma in public places,
39 at magkaroon ng mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at sa mga pangunahing lugar sa mga kapistahan.
and the chief seats in the congregations, and the head couches at suppers:
40 Kinakamkam din nila ang mga bahay ng mga balo at nananalangin sila ng mga mahahabang panalangin upang makita ng mga tao. Makatatanggap ang mga taong ito ng mas mabigat na parusa.”
they who devour the houses of widows, and for the occasion prolong their prayers: they shall receive the greater judgment.
41 Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera.
AND as Jeshu sat before the house of treasure, he beheld how the multitude cast money into the place of treasure; and many rich threw in much.
42 At dumating ang isang mahirap na balo at naglagay ng dalawang kusing na nagkakahalaga ng isang pera.
And there came a certain poor widow, and threw in two menin, which are a shemona.
43 At tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Mahalaga itong sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na balong ito ay nakapaglagay ng higit kaysa lahat ng nagbigay sa lalagyan ng kaloob
And Jeshu called to his disciples, and said to them, Amen I tell you, That this poor widow more than all the men who throw hath thrown into the house of treasure.
44 Sapagkat nagbigay ang lahat sa kanila mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang balong ito, sa kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng perang mayroon siya na kaniyang ikabubuhay.”
For all they from what is (super)abundant to them have thrown (in), but this from her deficiency all whatever she had; she hath thrown in her whole possession.