< Lucas 1 >
1 Marami ang sumubok na ayusin ang salaysay tungkol sa lahat ng bagay na naganap sa amin kalagitnaan,
如你所知,很多人都曾试图用文字记录我们参与的成就。
2 na gaya ng binigay nila sa amin, sila na sa simula pa ay naging saksi at mga lingkod ng mensahe.
他们所记录的证据,来自最早见证和传递上帝讯息之人。
3 Sa akin din naman, nang nasiyasat ko nang mabuti ang lahat ng pangyayaring ito mula pa noong simula—sa tingin ko ay mabuti na isulat ko ang mga ito ayon sa kanilang pagkasunod-sunod—pinakatanyag na Teopilo.
由于我从始至终都参与其中,所以应该可以准确无误地撰写所发生的一切。
4 Nang sa gayon ay malaman mo ang katotohanan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
敬爱的提阿非罗们,我之所以这么做,是为了让你们确认自己所学之道完全值得信赖。
5 Sa mga araw ni Herodes, na hari ng Judea, may isang pari na nagngangalang Zacarias na nagmula sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay nagmula sa mga babaeng anak ni Aaron, at ang kaniyang pangalan ay Elisabet.
希律担任犹太王的那段时间,亚比雅班里有一位名叫撒迦利亚的祭司,他妻子以利沙伯是亚伦的后人。
6 Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon.
他们的一举一动都遵循上帝正道,严格遵守主所立下的一切诫命规条。
7 Ngunit wala silang anak, sapagkat si Elisabet ay baog, at silang dalawa ay matanda na sa panahong ito.
但他们没有孩子,因为以利沙伯无法生育,而且二人都年岁已高。。
8 Ngayon ay nangyari na si Zacarias ay nasa presensiya ng Diyos, gumagawa ng mga tungkulin bilang pari sa kapanahunan ng kaniyang pangkat.
有一天,撒迦利亚按照排班的时间履行作为上帝祭司的职责,
9 Ayon sa nakaugaliang paraan ng pagpili kung sinong pari ang maglilingkod, siya ay pinili sa pamamagitan ng sapalaran upang makapasok sa templo ng Panginoon at upang siya ay makapagsunog ng insenso.
照惯例抽签后,他被选中进入主的神庙上香。
10 Napakaraming tao ang nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso.
在烧香的过程,众人都在外面祈祷。
11 Ngayon, isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya at tumayo sa kanang bahagi ng altar ng insenso.
这时天使向撒迦利亚显化,立于香坛的右侧。
12 Si Zacarias ay nasindak nang makita niya ito, labis ang pagkatakot niya.
撒迦利亚见状颇感惊慌,非常害怕。
13 Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya “Huwag kang matakot Zacarias, sapagkat ang iyong panalangin ay pinakinggan. Ipagbubuntis ng asawa mong si Elisabet ang iyong anak na lalaki. Juan ang ipapangalan mo sa kaniya.
天使说:“撒迦利亚,别害怕,上帝听到了你的祈求。你妻子以利沙伯将为你生下一子,你将为他起名为约翰。
14 Magkakaroon ka ng kagalakan at saya, at marami ang matutuwa sa pagsilang sa kaniya.
这孩子会为你带来欢喜和快乐,许多人都会来庆祝他的降生。
15 Sapagkat siya ay magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o matapang na inumin, at siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.
他将成为主面前的尊者,滴酒不沾,未降生之前便有圣灵附体。
16 At maraming tao sa bayan ng Israel ang mapapanumbalik sa Panginoon na kanilang Diyos.
他将带领众多以色列人,回到主、也就是他们的上帝身边。
17 Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias. Gagawin niya ito upang mapanumbalik ang puso ng mga ama sa mga anak, upang ang mga hindi sumusunod ay mamuhay sa karunungan ng mga matuwid. Gagawin niya ito upang ihanda para sa Panginoon, ang mga taong inihanda na para sa kaniya.”
他将以以利亚的圣灵和力量走在前,劝说父亲们关爱自己的儿女,规劝悖逆之人走正道,让民众准备好迎接主。”
18 Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko malalaman ito? Sapagkat ako ay matanda na at ang aking asawa ay may pataw na ng maraming taon.”
撒迦利亚问天使:“我要如何相信这一切?我老了,我妻子也是一把年纪。”
19 Ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Ako si Gabriel na nakatayo sa presensiya ng Diyos. Ako ay inutusan upang makipag-usap sa iyo, upang iparating sa iyo ang mabuting balita.
天使回答:“我是上帝面前的加百列,奉命向你传话,告诉你这个好消息。
20 Masdan mo, magiging pipi ka, hindi ka makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito. Ito ay dahil sa hindi ka naniwala sa aking mga salita na matutupad ito sa tamang panahon.”
但你并不相信我所说的一切,所以你会失语,直到我所言之事成真,你才能开口说话。”
21 Ngayon ay inaantay ng mga tao si Zacarias. Sila ay nagulat sapagkat siya ay labis na gumugol ng panahon sa loob ng templo.
众人正在外面等候撒迦利亚,见他迟迟未从神庙出来,很是奇怪。
22 Ngunit nang siya ay lumabas, hindi siya makapagsalita sa kanila. Naisip ng mga tao na nagkaroon siya ng pangitain habang siya ay nasa loob ng templo. Patuloy siyang gumagawa ng mga senyas sa kanila at nanatiling hindi makapagsalita.
但他出来时却真的失语了,无法讲话,只能打手势。于是众人意识到刚才在神庙中出现了神迹。
23 Dumating ang panahon na natapos ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, umalis siya at bumalik sa kaniyang bahay.
他完成自己的职责后便回了家。
24 Pagkatapos ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay nagbuntis. Siya ay nanatili sa kaniyang bahay sa loob ng limang buwan. Sinabi niya,
几天后,他妻子以利沙伯果真怀孕,在家中待了五个月。
25 “Ito ang ginawa ng Panginoon sa akin nang tiningnan niya ako nang may biyaya upang tanggalin ang aking kahihiyan sa harapan ng ibang tao.”
她说:“这一切是主的旨意,他这样待我,便是要让我不再在世人面前感到羞辱。”
26 Ngayon sa kaniyang ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod sa Galilea na ang pangalan ay Nazaret,
在怀孕的第六个月,上帝派天使加百列来到加利利的拿撒勒镇,现身在一个名叫玛利亚的少女面前。
27 sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa lalaking nagngangalang Jose. Siya ay kabilang sa angkan ni David at ang pangalan ng birhen ay Maria.
玛利亚当时已与一位名叫约瑟夫的男人订婚。
28 Siya ay lumapit sa kaniya at sinabi, “Binabati kita, ikaw ay lubos na pinagpala! Ang Panginoon ay nasa iyo.”
天使向她问候,然后对她说“你很幸运,主与你同在。”
29 Ngunit siya ay lubhang naguluhan sa kaniyang sinabi at siya ay namangha kung anong uri ng pagbati ito.
玛利亚对此颇感困惑,不知道这问候到底意味着什么。
30 Sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Maria, dahil ikaw ay nakatanggap ng biyaya sa Diyos.”
天使说:“玛利亚,不要怕!因为上帝已对你施以恩典。
31 At makikita mo, ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki. Tatawagin mo ang kaniyang pangalan na 'Jesus'.
你将怀孕生子,那婴儿将起名叫耶稣。
32 Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David.
他将成为一位伟人,被称为至高上帝之子,上帝将把向其赐予祖先大卫的王位,
33 Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.” (aiōn )
他将永远统治雅各的家园,他的王国将永续存在。” (aiōn )
34 Sinabi ni Maria sa anghel, “Paano mangyayari ito, yamang hindi pa naman ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki?”
玛利亚问天使:“但这怎能可能?我还是处女。”
35 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
天使回答:“圣灵将降临于你,至高上帝将笼罩于你。那即将诞下的婴儿生而神圣,将被称为上帝之子。
36 At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog.
甚至连你的亲戚以利沙伯都怀孕了,人们说那女人无法生育,现在怀胎已有六个月。
37 Sapagkat walang hindi kayang gawin ang Diyos.”
对于上帝而言,一切皆有可能。”
38 Sinabi ni Maria, “Tingnan mo, ako ay babaeng lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong mensahe.” At iniwan na siya ng anghel.
玛利亚说:“我听你的,随时准备服侍上帝,愿你所言的事情发生在我身上。”于是天使便离开了。
39 Pagkatapos, si Maria ay gumayak noong mga araw na iyon at nagmadaling pumunta sa maburol na bahagi ng lupain, sa isang lungsod sa Judea.
稍后,玛利亚准备了一下便急忙赶去犹太山地的一座城市,
40 Siya ay pumunta sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet.
来到撒迦利亚的家。她走进屋向以利沙伯问安。
41 At nangyari nga nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, lumukso ang bata sa kaniyang sinapupunan at si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu.
听见玛利亚的问候,以利沙伯腹中的婴儿立刻开始跳动,表达着喜悦。圣灵注入了以利沙伯的体内,
42 Ang kaniyang tinig ay tumaas at nagsabi nang malakas, “Pinagpala ka sa lahat ng mga babae at Pinagpala din ang bunga ng iyong sinapupunan.
于是她高声说:“你是一位如此有福的女人,你腹中的婴儿能由你诞下,也是一种福气!
43 At bakit ito nangyari sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay kailangan pang pumunta sa akin?
我太荣幸了,我主之母能够造访我的寒舍。
44 Sapagkat tingnan mo, nang marinig ko ang iyong pagbati ay tumalon sa galak ang bata sa aking sinapupunan.
听到你问候的那一刻,我腹中的婴儿就欢喜跳跃。
45 At pinagpala ang siyang nanampalataya na mayroong katuparan ang mga bagay na ipinahayag sa kaniya mula sa Panginoon.”
你真荣幸,因为你已确信,主将把对你的承诺变为现实!”
46 Sinabi ni Maria, “Ang kaluluwa ko ay nagpupuri sa Panginoon,
玛利亚说:“赞美主!
47 at ang aking espiritu ay nagalak sa Diyos na aking tagapagligtas.”
上帝救世主让我如此欢喜,
48 Sapagkat siya ay tumingin sa kababaan ng kaniyang lingkod na babae. Kaya tingnan mo, mula ngayon ang lahat ng salinlahi ay tatawagin akong pinagpala.
因为我作为他的仆人,尽管身世卑微,他却决定垂青于我。今后万代都会认为我是获得赐福之人。
49 Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa akin, at ang kaniyang pangalan ay banal.
全能上帝对我做出伟大之举,他的名字如此神圣。
50 Ang kaniyang habag ay walang katapusan mula sa lahat ng salinlahi para sa mga nagpaparangal sa kaniya.
他的怜悯将在尊敬他的世界中传递。
51 Nagpakita siya ng lakas ng kaniyang mga bisig; ikinalat niya ang mga nagmamataas ng nilalaman ng kanilang mga puso.
他凭借其力量,击败了那些自作聪明之人。
52 Pinabagsak niya ang mga prinsipe mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga may mababang kalagayan.
他能够让位高权重之人跌落王位,让谦卑之人获得升华,
53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit ang mga mayayaman ay pinaalis niyang gutom.
他让饥肠辘辘之人饱餐美食,也让富足之人两手空空。
54 Nagkaloob siya ng tulong sa Israel na kaniyang lingkod, na gaya ng pag-alaala niya sa kaniyang pagpapakita ng habag
在他的帮助下,他的仆人以色列将永记他的怜悯, (aiōn )
55 (na sinabi niya sa ating mga ama) kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.” (aiōn )
正如他向我们先父、亚伯拉罕及其后裔所做的承诺。”
56 Nanatili si Maria kina Elisabet sa loob ng mga tatlong buwan at pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay.
玛利亚和以利沙伯同住了三个月,然后便返回自己的家。
57 Ngayon ay dumating ang panahon ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang lalaki.
以利沙伯终于诞下一名男婴。
58 Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na ang Panginoon ay nagpakita ng dakilang habag para sa kaniya, at sila ay nagalak kasama niya.
邻居和亲戚们得知主向她施以如此善意,便和她一同庆祝。
59 Ngayon ay nangyari sa ikawalong araw na tuliin nila ang sanggol. Tatawagin sana nila siyang “Zacarias” mula sa pangalan ng kaniyang ama,
到了第八天,他们前来为孩子行割礼,打算让他随父亲的名字叫撒迦利亚。
60 ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi; siya ay tatawaging Juan.”
但以利沙伯说:“不要,他应该叫做约翰。”
61 Sinabi nila sa kaniya, “Wala pa ni isa sa iyong angkan ang tinawag sa ganyang pangalan.”
众人回答:“但你的亲戚中并没有这样的名字。”
62 Sumenyas sila sa kaniyang ama kung ano ang gusto niyang ipangalan sa kaniya.
他们通过手势询问孩子的父亲撒迦利亚,询问他的意见。
63 Humingi ang kaniyang ama ng isang sulatan at nagsulat siya, “Ang kaniyang pangalan ay Juan.” Silang lahat ay namangha dito.
撒迦利亚示意要写字。令众人诧异的是,他写下的是:“他就叫约翰。”
64 Agad nabuksan ang kaniyang bibig at napalaya ang kaniyang dila. Nagsalita at nagpuri sa Diyos.
忽然他再次开口说话了,开始赞美上帝。
65 Natakot ang lahat ng nakatira malapit sa kanila. Lahat ng mga bagay na ito ay kumalat sa lahat ng bahagi ng maburol na lupain ng Judea.
这一切让住在周围的人心生敬畏,这个消息很快就传遍整个犹太山地。
66 At ito ay itinago ng lahat ng nakarinig sa kanilang mga puso, na nagsasabi, “Ano kaya ang magiging kapalaran ng batang ito?” Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya.
众人听闻此事便思量它的含义:“这孩子将会成为怎样的人?”因为很显然,他对上帝而言非常特别。
67 Ang kaniyang amang si Zacarias ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagpahayag na nagsasabi,
婴儿的父亲撒迦利亚体内充满了圣灵,他预言道:
68 “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat tumulong siya at tinubos ang kaniyang mga tao.
“主就是以色列的上帝,他如此伟大,因为他降临到子民之中,为其赋予自由,
69 Itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ng kaniyang lingkod na si David, mula sa kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si David,
他向其仆人大卫的家族赐予伟大的救赎,
70 tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon. (aiōn )
正如他自古以来借由其神圣先知所传达的预言。 (aiōn )
71 Magdadala siya ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga galit sa atin.
他承诺拯救我们摆脱敌人,远离那些憎恨我们的人。
72 Gagawin niya ito upang ipakita ang habag sa ating mga ama at upang alalahanin ang kaniyang banal na kasunduan,
他怜悯我们的祖先,记得他的圣约,
73 ang pangako na kaniyang sinalita kay Abraham na ating ama.
那是他向我们的祖先亚伯拉罕所发誓言。
74 Siya ay nangako na kaniyang tutuparin sa atin, upang tayo, bilang mga pinalaya mula sa kamay ng lahat ng ating mga kaaway, ay makapaglingkod sa kaniya nang walang takot,
他让我们摆脱恐惧,从敌人手中拯救我们,
75 sa kabanalan at katuwiran sa kaniyang harapan sa lahat ng ating panahon.
这让我们可以毕生遵循正道并服侍于他。
76 Oo, at ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan, sapagkat ikaw ay mauuna sa Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daraanan, upang ihanda ang mga tao sa kaniyang pagdating,
尽管你现在只是一个婴儿,但却会被称为至高上帝的先知,因你将先于主之前,为他铺好道路,
77 upang magbigay kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
通过宽恕其子民的罪,传播救赎的讯息。
78 Mangyayari ito dahil sa dakilang habag ng ating Diyos, dahil dito ay dumarating sa atin ang pagsikat ng araw mula sa itaas,
蒙上帝对我们的关爱怜悯,天堂的黎明将降临照耀我们,
79 upang magliwanag sa kanila na nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Gagawin niya ito upang gabayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.”
照亮那些活在黑暗中、笼罩在死亡阴影中的人,引导我们走上平安之路。”
80 Ngayon ang bata ay lumaki at naging malakas sa espiritu, at siya ay nasa ilang hanggang sa kaniyang pagharap sa Israel.
这个叫做约翰的男孩逐渐长大,精神变得很强大。他一直住在荒野之中,等待在以色列人中公开露面的时机。