< Lucas 9 >
1 Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit.
Yesuusi tammanne nam77u hawaareta baakko xeegidi, tuna ayyaanata kessana melanne hargge ubbaa pathana mela wolqqanne maata immis.
2 Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.
Xoossaa kawotethaabaa markkattanaadanne hargganchchota pathanaada kiittis.
3 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdadala ng anuman para sa inyong paglalakbay—maging tungkod, o pitaka, o tinapay o salapi—ni magdala ng dalawang panloob na tunika.”
I enttako, “Xam77a gidin ogoro gidin kathi gidin miishe gidin laammi ma77iya afila gidin oges gidi aykkoka oykkofite.
4 Saanmang bahay kayo pumasok, manatili kayo doon hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.
He katamaappe hintte keyana gakkanaw imathatethan hintte gelidasuwan gam77ite.
5 Para naman sa mga hindi tatanggap sa inyo, kung kayo ay aalis sa lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.”
Oonikka hinttena mokkonna ixxiko he katamaappe keyishe enttaw markka gidana mela hintte tohuwan de7iya bana pittidi keyite.”
6 Pagkatapos sila ay umalis at pumunta sa mga nayon, ipinapahayag ang magandang balita at nagpapagaling ng mga tao sa lahat ng dako.
Enttika kiitettidayssada keyidi Wonggelaa odishenne dumma dumma gutatan hargganchchota pathishe aadhdhidosona.
7 At ngayon, narinig ni Herodes na tetrarka ang tungkol sa lahat ng mga nangyayari at siya ay lubhang nabahala, sapagkat sinasabi ng iba na si Juan na Tagapagbautismo ay nabuhay muli mula sa kamatayan,
Galiila biittaa haariya Heroodisi Yesuusi oothidabaa ubbaa si7ida wode dagammis. Ays giikko, issi issi asati Yohaannisi hayqoppe denddonna aggenna yaagosona.
8 at sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sabi ng iba na isa sa mga sinaunang propeta ang muling nabuhay.
Baggati, “Eeliyaasi qonccis” goosona; harati qassi, “Beni nabetappe issoy hayqoppe denddis” yaagidi odettoosona.
9 Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan, ngunit patungkol kanino itong mga bagay na naririnig ko?” At sinubukan ni Herodes na gumawa ng paraan upang makita si Jesus.
Shin Heroodisi, “Yohaannisa qoodhiya ta qanxisada wodhas. Yaatin, hayssatho yaagettidi iyabaa odettey, I oonee?” yaagidi ba ayfen be7anaw koyees.
10 Nang bumalik ang mga isinugo ni Jesus, sinabi nila sa kaniya ang lahat ng kanilang mga ginawa. Pagkatapos, isinama niya sila sa isang lungsod na tinatawag na Betsaida.
Tammanne nam77u hawaareti guye simmi yidi, entti oothidabaa ubbaa Yesuusas odidosona. I enttana ekkidi Beetesayda katamaappe gaxa efis.
11 Ngunit narinig ito ng mga tao at sumunod sa kaniya, at sila ay tinanggap niya, at siya ay nagsalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling ang mga nangailangan ng kagalingan.
Shin daro asay Yesuusa gideyssa eridi iya kaallidosona. I entta mokki ekkidi Xoossaa kawotethaabaa tamaarssis; paxanaw koyeyssatakka pathis.
12 Nang patapos na ang araw, lumapit sa kaniya ang Labindalawa at sinabi, “Pauwiin mo na ang mga tao upang sila ay makapunta sa mga kalapit na nayon at kabukiran upang makapaghanap ng matutuluyan at makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na lugar.”
Sa7i omarssiya wode tammanne nam77u hawaareti iyaakko shiiqidi, “Nu de7ey bazzo biitta gidiya gisho asay dumma dumma gutatanne katamata bidi, kathinne aqiyaso koyana mela asaa moyza” yaagidosona.
13 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sinabi nila, “Ang mayroon po tayo ay hindi hihigit sa limang tinapay at dalawang isda, maliban na lamang kung kami ay bibili ng pagkain para sa mga taong ito.
Shin I, “Enttaw miyabaa hintte immite” yaagis. Entti, “Nuus de7ey ichchashu uythinne nam77u molo gidiya gisho, ha asaas gidiya kathi nuuni bidi shammonna ixxiko gidenna” yaagidosona.
14 Mayroong nasa limanlibong lalaki ang naroon. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila sa grupong may tiglilimampung bilang.”
He bessan ichchashu mukulu gidiya addeti de7oosona. Yesuusi ba tamaaretakko, “Ishataman ishataman shaakki shaakki asaa utisite” yaagis.
15 At ginawa nila iyon at lahat ng mga tao ay umupo.
Iya tamaareti, I kiittidayssada asaa utisidosona.
16 Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at habang nakatingin sa langit, pinagpasalamatan niya ang mga ito, at pinagpira-piraso, at ibinigay niya ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
I ichchashu uythaanne nam77u molota ekkidi, salo xeellidi, Xoossaa galatidi, meenthidi asaa ubbaa gathana mela ba tamaaretas immis.
17 Silang lahat ay nakakain at nabusog, at ang mga tira sa mga pagkain ay pinulot at napuno ang labindalawang basket.
Ubbay midi kallidosona. Enttafe attida tiifey tammanne nam77u gayta kumethi gidis.
18 Nangyari nga, na habang siya ay mag-isang nananalangin, kasama ang kaniyang mga alagad, at sila ay kaniyang tinanong na sinasabi, “Ano ang sinasabi ng maraming tao kung sino ako?”
Yesuusi ba xalaala woossishin, iya tamaareti iyaakko yidosona. I, “Asay tana oona goonaa?” gidi oychchis.
19 Sumagot sila at nagsabi, “Si Juan na Tagapagbautismo, ngunit ang iba ay nagsasabing ikaw ay si Elias, ang iba ay nagsasabing isa ka sa mga propeta mula noong unang panahon na nabuhay muli.”
Entti zaaridi “Issoti issoti, ‘Xammaqiya Yohaannisa, baggati Eliyaasa, harati qassi, beni nabetappe issoy hayqoppe denddis’ yaagosona” yaagidosona.
20 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro at sinabi, “Ang Cristo na nagmula sa Diyos.”
I zaaridi, “Yaatin hintte tana oona geeti” yaagis. Phexiroosi, “Neeni Xoossaafe kiitettida Kiristtoosa” yaagidi zaaris.
21 Ngunit nagbigay siya ng babala sa kanila, binilin sa kanila ni Jesus na huwag nila itong ipagsabi sa kahit kaninuman,
Yesuusi hayssa oodeskka odoppite gidi minthidi odis.
22 sinasabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming bagay at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, mga punong-pari at mga eskriba, at siya ay papatayin, at sa ikatlong araw ay bubuhayin muli.
Qassika Yesuusi, “Asa Na7ay daro metuwa ekkana. Biitta cimatan, kahine halaqatan, higge asttamaaretan aadhdhi imettana. Entti iya wodhana, shin I heedzantho gallas hayqoppe denddana” yaagis.
23 Sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung sinuman ang may gustong sumunod sa akin, kailangan niyang tanggihan ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw, at sumunod sa akin.
Yesuusi asaa ubbaako, “Tana kaallanaw koyey oonikka de7ikko bana kaddo, ba masqaliya gallas gallas tookkidi tana kaallo.
24 Sinumang sumubok na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay maliligtas ito.
Ba shemppiw ashshanaw koya ubbay iyo dhayssees, ba shemppiw ta gisho gidi dhayssiya oonikka iyo ashshees.
25 Ano ang mapapala ng tao kung makamit niya ang buong mundo, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang kaniyang sarili?
Asi alame ubbaa haaridi, gidoshin ba shemppiw dhayssiyabaa woykko qohiyabaa gidikko iya ay maaddii?
26 Ang sinuman na ikakahiya ako at ang aking mga salita, siya din ay ikakahiya ng Anak ng Tao kapag siya ay dumating na nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
Oonikka tananinne ta qaalan yeellatikko Asa Na7ay ba bonchchuwara hessadakka aawa bonchchuwaranne Geeshsha kiitanchchota bonchchuwara yaa wode iyan yeellatana.
27 Ngunit katotohanang sinasabi sa inyo, mayroong iba sa inyong nakatayo dito, na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang kaharian ng Diyos.”
Ta hinttew tuma odays; hayssan eqqidayssata giddofe Xoossaa kawotethaa be7onnashin hayqqonna asati de7oosona” yaagis.
28 At nangyari, pagkalipas ng mga walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, dinala niya sina Pedro, Juan, at Santiago, at umakyat ng bundok upang manalangin.
Yesuusi he oda odin, hosppun gallasappe guye, Phexiroosa, Yayqoobanne Yohaannisa baara ekkidi woossanaw deriya bolla keyis.
29 Habang siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha, ang kaniyang damit ay naging puti at nagniningning.
I woosa bolla de7ishin iya ayfe karey laamettis; afilaykka awa mela phoolidi booxis.
30 Masdan ito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya! Sila ay sina Moises at Elias
Nam77u asati, enttika Museranne Eliyaasara bonchchon qonccidi,
31 na nag-anyong maluwalhati. Nagsalita sila patungkol sa kaniyang paglisan na malapit na niyang maisakatuparan sa Jerusalem.
Yerusalaamen polettanaw de7iyabaa, hessika, I ha alamiyappe shaakettanabaa iyara odettoosona.
32 Ngayon, si Pedro at ang kaniyang mga kasama ay mahimbing na natutulog. Ngunit nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya.
Phexiroosanne iyara de7eyssata dhiskkoy efin, entti dhiskkofe barkkiya wode iya bonchchuwanne iyara eqqida nam77u asata be7idosona.
33 At nangyari nga, habang ang mga lalaki ay papalayo na kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, mabuti at nandito kami at marapat na magtayo kami ng tatlong kanlungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Hindi niya naintindihan kung ano ang kaniyang mga sinasabi.
Asati Yesuusappe shaakettidi baana hanishin, Phexiroosi Yesuusakko, “Godaw, hayssan gideyssi nuus ay mela lo77o! Issino new, issino Muses, issino Eliyaasas oothidi heedzu shaqara shaqaroos” yaagis. Shin I ay odettidaakko erenna.
34 Pagkatapos, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may ulap na dumating at nililiman sila; at sila ay natakot habang sila ay napapalibutan ng ulap.
I yaagidi odettishin shaaray yidi enttana kammis. Entti he shaara giddo gelishe babbidosona.
35 Isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang aking Anak na pinili. Makinig kayo sa kaniya.”
Shaara giddofe, “Ta doorida na7ay hayssa iya si7ite” yaagiya qaalay si7ettis.
36 Nang matapos ang tinig, mag-isa na si Jesus. Sila ay tumahimik, at sa mga araw na iyon ay wala silang pinagsabihan sa mga bagay na kanilang nakita.
He qaalay si7ettidaappe guye, Yesuusi barkka de7ishe benttis. He wode entti be7idabaa oodeskka odonna, bantta wozanan oykkidi si7i gidosona.
37 At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao.
Wonttethe entti deriyappe wodhdhiya wode daro asay yidi iyara gayttidosona.
38 Masdan ito, mayroong isang ama na sumisigaw mula sa maraming tao na nagsasabi, “Guro, nagmamakaawa ako na tingnan ninyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ay nag-iisa kong anak.
He wode asaa giddofe issi asi, “Asttamaariyaw, ta issi na7aa yada be7arkki.
39 Sinasaniban siya ng isang espiritu, at bigla siyang sumisigaw, kaya siya ay nangingisay na bumubula ang bibig. Pahirapan itong umalis sa kaniya, lubha siyang sinasaktan nito kapag ito ay umaalis.
Tuna ayyaanay qopponna oykkidi waasises; goppontto yegisidi qakerethees, asatethaa qohidi un77ethidi yeddees.
40 Nagmakaawa ako sa iyong mga alagad na piliting palabasin ito sa kaniya, ngunit hindi nila magawa.”
Ne tamaareti kessana mela woossas, shin entti dandda7ibookkona” yaagidi woossis.
41 Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong mga hindi nananampalataya at masamang salinlahi, gaano katagal ko kailangang manatili sa inyo at pagtiisan kayo? Dalhin mo dito ang iyong anak.”
Yesuusi, “Ammanoy baynna geella yeletethato, awude gakkanaw ta hinttera daane, hinttena dandda7anee? Ne na7aa bada haa ekkaya” yaagis.
42 Habang lumalapit ang batang lalaki ay ihinagis siya ng demonyo pababa at pinangisay nang marahas. Ngunit sinaway ni Jesus ang maruming espiritu, at pinagaling ang batang lalaki, at ibinalik siya sa kaniyang ama.
Na7aa ekkidi yaa wode tuna ayyaanay sa7an holi yeggidi kokkorssis. Shin Yesuusi tuna ayyaanaa hanqidi na7aappe kessis. Na7aakka na7aa aawas immis.
43 Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
Asay ubbay Xoossaa gita wolqqan malaalettidosona. Entti I oothidaban malaalettishin, Yesuusi ba tamaaretakko,
44 “Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.”
“Hayssa ta hinttew odeyssa loythi si7ite; Asa Na7ay morkketa kushen aadhdhi imettana” yaagis.
45 Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.
Shin I gidabay enttafe geemmida gisho, akeekibookkona. Hessa gisho, zaaridi oychchanaw babbidosona.
46 Pagkatapos, isang pagtatalo ang nagsimula sa kanila tungkol sa kung sino ang magiging lubos na dakila.
Yesuusa tamaareti, “Nu giddon gita gidanay oonee?” gidi palama oykkidosona.
47 Ngunit nang malaman ni Jesus ang kanilang mga pangangatwiran sa kanilang mga puso, kumuha siya ng isang bata at nilapit sa kaniyang tabi,
Yesuusi entta wozanaa qofaa eridi yooga na7aa ba matan essidi,
48 at sinabi sa kanila, “Kung sinuman ang tumanggap sa isang maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, siya rin ay tumatanggap sa akin, at kung sinuman ang tumatanggap sa akin, siya rin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin. Dahil kung sinuman ang pinakamababa sa inyong lahat ay siyang dakila.”
“Ha yooga na7aa ta sunthan mokkiya oonikka tana mokkees, tana mokkey tana kiittidayssa mokkees, hintte ubbaafe guuxeyssi, I gita gidana” yaagis.
49 Sumagot si Juan at sinabi, “Panginoon, may nakita kaming isang tao na nagpapalayas ng demonyo gamit ang iyong pangalan at pinigilan namin siya sapagkat siya ay hindi sumusunod sa atin.”
Yohaannisi, “Godaw, issi asi ne sunthan tuna ayyaanata kessishin be7idi I nuura gidonna gisho diggida” yaagis.
50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag ninyo siyang pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay kasama ninyo.”
Yesuusi zaaridi, “Hinttera eqettonnayssi, I hintte bagga. Hessa gisho, iya diggofite” yaagis.
51 Nangyari ng habang papalapit na ang kaniyang pag-akyat sa langit, lubos niyang inihanda ang kaniyang sarili na pumunta sa Jerusalem.
Yesuusi salo biya wodey matattida gisho, Yerusalaame baanaw qanxidi denddis.
52 Nagpadala siya ng mga mensahero bago siya pumunta, at sila ay pumunta at nakarating sa isang Samaritanong bayan upang maghanda para sa kaniya.
Samaare biittan de7iya issi gutaa bidi, ubbabaa iyaw giigisana mela ase yaa kiittis.
53 Ngunit siya ay hindi tinanggap ng mga tao roon, sapagkat nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.
Shin I bey Yerusalaame gidiya gisho, entti iya mokki ekkibookkona.
54 Pagkatapos, nang makita ito ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, nais mo bang iutos naming bumaba ang apoy mula sa langit at puksain sila?”
Yesuusa tamaareti Yayqoobaranne Yohaannisara hessa be7idi, “Godaw, saloppe tami wodhdhidi entta mo gaana mela ne koyay” yaagidosona.
55 Ngunit hinarap niya sila at sinaway sila.
Shin Yesuusi guye simmi entta hanqettidi, “Hintte garssan aybi ayyaani de7iyakko hintte erekketa. Asa Na7ay ase ashshanaw yisippe attin dhayssanaassa gidenna” yaagis.
56 Pagkatapos, sila ay pumunta sa ibang nayon.
Yaappe denddidi hara guta bidosona.
57 Habang sila ay papunta sa kanilang daraanan, may nagsabi sa kaniya, “Ako ay susunod sa iyo saan ka man pumunta.”
Entti ogiyara bishin, issi asi, “Ne biyaso ubbaa ta kaallana” yaagis.
58 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang malatagan ng kaniyang ulo.”
Yesuusi zaaridi, “Workkanatas olli, salo kafotas keethi de7ees, shin Asa Na7ay ba huu7iya shemppisiyasoy baawa” yaagis.
59 At sinabi niya sa isa pang tao, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sinabi niya, “Panginoon, hayaan mong ilibing ko muna ang aking ama.”
Hankkuwako, “Neeni tana kaalla” yaagis. Shin uray, “Godaw, koyrottada ta aawa moogada yaana” yaagis.
60 Ngunit sumagot siya sa kaniya, “Hayaan ninyo ang patay na maglibing sa sarili nilang mga patay, ngunit kayo ay humayo at ipahayag sa lahat ng dako ang kaharian ng Diyos.”
Shin Yesuusi, “Hayqqidayssati hayqqidayssata moogana mela enttaw aggaaga; neeni bada Xoossaa kawotethaa sabbaka” yaagis.
61 Isa pang tao naman ay nagsabi din, “Ako ay susunod sa iyo, Panginoon, ngunit hayaan mo muna akong magpaalam sa kanila na nasa aking bahay.”
Qassi hara asi, “Godaw, ta nena kaallana, shin koyrottada ta soo asa sarothada yaana” yaagis.
62 Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Walang sinumang naglagay ng kaniyang mga kamay sa araro at tumitingin sa likuran, ang karapat-dapat para sa kaharian ng Diyos.”
Yesuusi zaaridi, “Koxe oykkidi guye xeelliya oonikka Xoossaa kawotethaas bessenna” yaagis.