< Lucas 9 >
1 Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit.
Իր տասներկու աշակերտները հաւաքելով՝ զօրութիւն ու իշխանութիւն տուաւ անոնց բոլոր դեւերուն վրայ, եւ ախտերը բժշկելու:
2 Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.
Ու ղրկեց զանոնք՝ որ քարոզեն Աստուծոյ թագաւորութիւնը եւ բժշկեն հիւանդները:
3 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdadala ng anuman para sa inyong paglalakbay—maging tungkod, o pitaka, o tinapay o salapi—ni magdala ng dalawang panloob na tunika.”
Ըսաւ անոնց. «Ճամբորդութեան համար ոչի՛նչ առէք, ո՛չ գաւազան եւ ո՛չ պարկ, ո՛չ հաց եւ ո՛չ դրամ. ո՛չ ալ կրկին բաճկոն ունեցէք՝՝:
4 Saanmang bahay kayo pumasok, manatili kayo doon hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.
Որո՛ւ տուն որ մտնէք՝ հո՛ն մնացէք, ապա անկէ մեկնեցէք:
5 Para naman sa mga hindi tatanggap sa inyo, kung kayo ay aalis sa lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.”
Իսկ անոնք որ չեն ընդունիր ձեզ, երբ դուրս ելլէք այդ քաղաքէն՝ թօթուեցէ՛ք ձեր ոտքերուն փոշին անգամ, իբր վկայութիւն անոնց դէմ»:
6 Pagkatapos sila ay umalis at pumunta sa mga nayon, ipinapahayag ang magandang balita at nagpapagaling ng mga tao sa lahat ng dako.
Անոնք ալ մեկնեցան եւ գիւղէ գիւղ կը շրջէին, ամէնուրեք աւետարանելով ու բուժելով:
7 At ngayon, narinig ni Herodes na tetrarka ang tungkol sa lahat ng mga nangyayari at siya ay lubhang nabahala, sapagkat sinasabi ng iba na si Juan na Tagapagbautismo ay nabuhay muli mula sa kamatayan,
Հերովդէս չորրորդապետը՝ անոր բոլոր կատարածներուն մասին լսելով՝ տարակոյսի մէջ էր, որովհետեւ ոմանք ըսած էին.
8 at sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sabi ng iba na isa sa mga sinaunang propeta ang muling nabuhay.
«Յովհաննէս մեռելներէն յարութիւն առաւ», եւ ոմանք. «Եղիա յայտնուեցաւ», իսկ ուրիշներ ալ. «Նախկին մարգարէներէն մէկը յարութիւն առաւ»:
9 Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan, ngunit patungkol kanino itong mga bagay na naririnig ko?” At sinubukan ni Herodes na gumawa ng paraan upang makita si Jesus.
Հերովդէս ըսաւ. «Յովհաննէսը ե՛ս գլխատեցի, իսկ ո՞վ պիտի ըլլայ ասիկա՝ որուն մասին այսպիսի բաներ կը լսեմ»: Ու կը ջանար տեսնել զայն:
10 Nang bumalik ang mga isinugo ni Jesus, sinabi nila sa kaniya ang lahat ng kanilang mga ginawa. Pagkatapos, isinama niya sila sa isang lungsod na tinatawag na Betsaida.
Առաքեալները վերադարձան, ու պատմեցին անոր՝ ինչ որ ըրին. եւ առնելով զանոնք՝ մէկդի քաշուեցաւ ամայի տեղ մը, քաղաքի մը քով՝ որուն անունը Բեթսայիդա էր:
11 Ngunit narinig ito ng mga tao at sumunod sa kaniya, at sila ay tinanggap niya, at siya ay nagsalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling ang mga nangailangan ng kagalingan.
Երբ բազմութիւնները գիտցան՝ անոր հետեւեցան: Ինք ալ զանոնք ընդունելով՝ կը խօսէր անոնց Աստուծոյ թագաւորութեան մասին, եւ կը բժշկէր անո՛նք՝ որ բուժումի պէտք ունէին:
12 Nang patapos na ang araw, lumapit sa kaniya ang Labindalawa at sinabi, “Pauwiin mo na ang mga tao upang sila ay makapunta sa mga kalapit na nayon at kabukiran upang makapaghanap ng matutuluyan at makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na lugar.”
Երբ օրը սկսաւ մթննալ՝ տասներկուքը մօտեցան եւ ըսին անոր. «Արձակէ՛ բազմութիւնը, որպէսզի երթան շրջակայ գիւղերն ու արտերը, իջեւանին եւ ուտելիք գտնեն, որովհետեւ հոս ամայի տեղ մըն ենք»:
13 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sinabi nila, “Ang mayroon po tayo ay hindi hihigit sa limang tinapay at dalawang isda, maliban na lamang kung kami ay bibili ng pagkain para sa mga taong ito.
Ըսաւ անոնց. «Դո՛ւք անոնց կերակուր տուէք»: Անոնք ալ ըսին. «Մենք հինգ նկանակէն ու երկու ձուկէն աւելի բան չունինք, եթէ չերթանք այդ ամբողջ ժողովուրդին համար կերակուր չգնենք»:
14 Mayroong nasa limanlibong lalaki ang naroon. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila sa grupong may tiglilimampung bilang.”
(Արդարեւ հինգ հազարի չափ այր մարդիկ կային: ) Ըսաւ իր աշակերտներուն. «Նստեցուցէ՛ք ատոնք՝ յիսունական շարքերով»:
15 At ginawa nila iyon at lahat ng mga tao ay umupo.
Այդպէս ըրին, ու բոլորն ալ նստեցուցին:
16 Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at habang nakatingin sa langit, pinagpasalamatan niya ang mga ito, at pinagpira-piraso, at ibinigay niya ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
Ինք ալ առաւ այդ հինգ նկանակներն ու երկու ձուկերը, դէպի երկինք նայելով՝ օրհնեց զանոնք, կտրեց ու տուաւ աշակերտներուն, որպէսզի հրամցնեն բազմութեան:
17 Silang lahat ay nakakain at nabusog, at ang mga tira sa mga pagkain ay pinulot at napuno ang labindalawang basket.
Կերան, բոլորն ալ կշտացան, եւ վերցնելով աւելցած բեկորները՝ տասներկու կողով լեցուցին:
18 Nangyari nga, na habang siya ay mag-isang nananalangin, kasama ang kaniyang mga alagad, at sila ay kaniyang tinanong na sinasabi, “Ano ang sinasabi ng maraming tao kung sino ako?”
Երբ ինք առանձին կ՚աղօթէր, աշակերտները իրեն հետ էին, եւ հարցուց անոնց. «Բազմութիւնները ինծի համար ի՞նչ կ՚ըսեն, ո՞վ եմ»:
19 Sumagot sila at nagsabi, “Si Juan na Tagapagbautismo, ngunit ang iba ay nagsasabing ikaw ay si Elias, ang iba ay nagsasabing isa ka sa mga propeta mula noong unang panahon na nabuhay muli.”
Անոնք ալ պատասխանեցին. «Ոմանք՝ Յովհաննէս Մկրտիչը, ուրիշներ՝ Եղիան, ուրիշներ ալ՝ նախկին մարգարէներէն մէկը, որ յարութիւն առած է»:
20 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro at sinabi, “Ang Cristo na nagmula sa Diyos.”
Ինք ըսաւ անոնց. «Իսկ դո՛ւք ի՞նչ կ՚ըսէք, ո՞վ եմ»: Պետրոս պատասխանեց. «Աստուծոյ Քրիստո՛սը»:
21 Ngunit nagbigay siya ng babala sa kanila, binilin sa kanila ni Jesus na huwag nila itong ipagsabi sa kahit kaninuman,
Յիսուս ազդարարեց անոնց, ու պատուիրեց որ ո՛չ մէկուն ըսեն այս բանը:
22 sinasabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming bagay at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, mga punong-pari at mga eskriba, at siya ay papatayin, at sa ikatlong araw ay bubuhayin muli.
Եւ ըսաւ. «Պէտք է որ մարդու Որդին շատ չարչարանքներ կրէ, մերժուի երէցներէն, քահանայապետներէն եւ դպիրներէն, սպաննուի ու յարութիւն առնէ երրորդ օրը»:
23 Sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung sinuman ang may gustong sumunod sa akin, kailangan niyang tanggihan ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw, at sumunod sa akin.
Եւ կ՚ըսէր բոլորին. «Եթէ մէկը ուզէ գալ իմ ետեւէս՝ թող ուրանայ ինքզինք, ամէն օր վերցնէ իր խաչը ու հետեւի ինծի.
24 Sinumang sumubok na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay maliligtas ito.
որովհետեւ ո՛վ որ ուզէ փրկել իր անձը՝ պիտի կորսնցնէ զայն, իսկ ո՛վ որ կորսնցնէ իր անձը՝ ինծի համար, պիտի փրկէ զայն:
25 Ano ang mapapala ng tao kung makamit niya ang buong mundo, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang kaniyang sarili?
Քանի որ մարդ ի՞նչ օգուտ կ՚ունենայ, եթէ շահի ամբողջ աշխարհը բայց կորսնցնէ ինքզինք, կամ տուժէ:
26 Ang sinuman na ikakahiya ako at ang aking mga salita, siya din ay ikakahiya ng Anak ng Tao kapag siya ay dumating na nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
Որովհետեւ ո՛վ որ ամօթ սեպէ զիս եւ իմ խօսքերս դաւանիլը, մարդու Որդին ալ ամօթ պիտի սեպէ զայն դաւանիլը՝ երբ գայ իր ու Հօր եւ սուրբ հրեշտակներուն փառքով:
27 Ngunit katotohanang sinasabi sa inyo, mayroong iba sa inyong nakatayo dito, na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang kaharian ng Diyos.”
Բայց ճշմա՛րտապէս կը յայտարարեմ ձեզի. “Հոս կայնողներէն կան ոմանք՝ որ մահ պիտի չհամտեսեն, մինչեւ որ տեսնեն Աստուծոյ թագաւորութիւնը”»:
28 At nangyari, pagkalipas ng mga walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, dinala niya sina Pedro, Juan, at Santiago, at umakyat ng bundok upang manalangin.
Այս խօսքերէն գրեթէ ութ օր ետք՝ առնելով Պետրոսը, Յովհաննէսն ու Յակոբոսը՝ լեռը ելաւ աղօթելու:
29 Habang siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha, ang kaniyang damit ay naging puti at nagniningning.
Մինչ կ՚աղօթէր, իր երեսին տեսքը փոխուեցաւ, եւ իր պատմուճանը ճերմակ ու փայլուն եղաւ:
30 Masdan ito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya! Sila ay sina Moises at Elias
Եւ ահա՛ երկու մարդիկ կը խօսակցէին իրեն հետ. անոնք֊ Մովսէսն ու Եղիան,
31 na nag-anyong maluwalhati. Nagsalita sila patungkol sa kaniyang paglisan na malapit na niyang maisakatuparan sa Jerusalem.
փառքով երեւցած, եւ կը խօսէին անոր այս կեանքէն մեկնումին մասին, որ պիտի իրագործուէր Երուսաղէմի մէջ:
32 Ngayon, si Pedro at ang kaniyang mga kasama ay mahimbing na natutulog. Ngunit nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya.
Պետրոս ու անոր հետ եղողները քունով ծանրացած էին. երբ արթնցան, տեսան անոր փառքը եւ այդ երկու մարդիկը՝ որ անոր քով կեցած էին:
33 At nangyari nga, habang ang mga lalaki ay papalayo na kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, mabuti at nandito kami at marapat na magtayo kami ng tatlong kanlungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Hindi niya naintindihan kung ano ang kaniyang mga sinasabi.
Երբ անոնք զատուեցան անոր քովէն, Պետրոս ըսաւ Յիսուսի. «Վարդապե՛տ, լաւ է որ կենանք հոս եւ շինենք երեք վրան, մէկը՝ քեզի, մէկը՝ Մովսէսի ու մէկը՝ Եղիայի». որովհետեւ չէր գիտեր թէ ի՛նչ կը խօսէր:
34 Pagkatapos, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may ulap na dumating at nililiman sila; at sila ay natakot habang sila ay napapalibutan ng ulap.
Մինչ այսպէս կը խօսէր, ամպ մը եկաւ եւ հովանի եղաւ անոնց վրայ. ու երբ անոնք ամպին տակ մտան՝ վախցան:
35 Isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang aking Anak na pinili. Makinig kayo sa kaniya.”
Ձայն մը եկաւ ամպէն՝ ըսելով. «Ա՛յս է իմ սիրելի Որդիս, անո՛ր մտիկ ըրէք»:
36 Nang matapos ang tinig, mag-isa na si Jesus. Sila ay tumahimik, at sa mga araw na iyon ay wala silang pinagsabihan sa mga bagay na kanilang nakita.
Երբ լսեցին այդ ձայնը՝ Յիսուս մինակ մնաց: Իրենք ալ լուռ կեցան, եւ այդ օրերը ո՛չ մէկուն բան մը պատմեցին իրենց տեսածներէն:
37 At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao.
Հետեւեալ օրը, երբ անոնք լեռնէն վար իջան, մեծ բազմութիւն մը դիմաւորեց զայն:
38 Masdan ito, mayroong isang ama na sumisigaw mula sa maraming tao na nagsasabi, “Guro, nagmamakaawa ako na tingnan ninyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ay nag-iisa kong anak.
Բազմութենէն մարդ մը գոչեց. «Վարդապե՛տ, կ՚աղերսե՜մ քեզի, նայէ՛ որդիիս, քանի որ իմ մէկ հատիկս է:
39 Sinasaniban siya ng isang espiritu, at bigla siyang sumisigaw, kaya siya ay nangingisay na bumubula ang bibig. Pahirapan itong umalis sa kaniya, lubha siyang sinasaktan nito kapag ito ay umaalis.
Ահա՛ ոգի մը կը բռնէ զինք, ինք ալ յանկարծ կ՚աղաղակէ. ոգին զինք ցնցելով կը փրփրցնէ, ու հազիւ կը հեռանայ իրմէ՝ ջախջախելով զինք:
40 Nagmakaawa ako sa iyong mga alagad na piliting palabasin ito sa kaniya, ngunit hindi nila magawa.”
Աղերսեցի քու աշակերտներուդ՝ որ դուրս հանեն զայն, բայց չկրցան»:
41 Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong mga hindi nananampalataya at masamang salinlahi, gaano katagal ko kailangang manatili sa inyo at pagtiisan kayo? Dalhin mo dito ang iyong anak.”
Յիսուս պատասխանեց. «Ո՛վ անհաւատ ու խոտորեալ սերունդ, մինչեւ ե՞րբ ձեզի հետ պիտի ըլլամ եւ ձեզի հանդուրժեմ: Հո՛ս բեր որդիդ»:
42 Habang lumalapit ang batang lalaki ay ihinagis siya ng demonyo pababa at pinangisay nang marahas. Ngunit sinaway ni Jesus ang maruming espiritu, at pinagaling ang batang lalaki, at ibinalik siya sa kaniyang ama.
Երբ կը մօտենար, դեւը գետին զարկաւ զայն ու սաստիկ ցնցեց:
43 Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
Իսկ Յիսուս սաստեց անմաքուր ոգին, բժշկեց պատանին եւ տուաւ զայն իր հօր:
44 “Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.”
Բոլորը կ՚ապշէին Աստուծոյ մեծամեծ գործերուն վրայ: Մինչ բոլորն ալ կը սքանչանային Յիսուսի բոլոր ըրածներուն վրայ, ան ըսաւ իր աշակերտներուն. «Դուք այս խօսքերը ձեր մի՛տքը պահեցէք՝՝, որովհետեւ մարդու Որդին պիտի մատնուի մարդոց ձեռքը»:
45 Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.
Բայց անոնք չէին հասկնար այս խօսքը, եւ անոնցմէ ծածկուած էր՝ որպէսզի չըմբռնեն. ու կը վախնային հարցնել իրեն այդ խօսքին մասին:
46 Pagkatapos, isang pagtatalo ang nagsimula sa kanila tungkol sa kung sino ang magiging lubos na dakila.
Մտածում մըն ալ ծագեցաւ անոնց մէջ, թէ արդեօք ո՛վ է մեծագոյնը իրենց մէջ:
47 Ngunit nang malaman ni Jesus ang kanilang mga pangangatwiran sa kanilang mga puso, kumuha siya ng isang bata at nilapit sa kaniyang tabi,
Յիսուս ըմբռնելով անոնց սիրտին մտածումը՝ առաւ մանուկ մը, կայնեցուց զայն իր քով,
48 at sinabi sa kanila, “Kung sinuman ang tumanggap sa isang maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, siya rin ay tumatanggap sa akin, at kung sinuman ang tumatanggap sa akin, siya rin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin. Dahil kung sinuman ang pinakamababa sa inyong lahat ay siyang dakila.”
ու ըսաւ անոնց. «Ո՛վ որ կ՚ընդունի այս մանուկը իմ անունովս՝ զի՛ս կ՚ընդունի, եւ ո՛վ որ զիս կ՚ընդունի՝ զիս ղրկո՛ղը կ՚ընդունի. որովհետեւ ա՛ն որ ամենէն պզտիկն է ձեր բոլորին մէջ, անիկա՛ պիտի ըլլայ մեծը»:
49 Sumagot si Juan at sinabi, “Panginoon, may nakita kaming isang tao na nagpapalayas ng demonyo gamit ang iyong pangalan at pinigilan namin siya sapagkat siya ay hindi sumusunod sa atin.”
Յովհաննէս ըսաւ. «Վարդապե՛տ, մէկը տեսանք որ դեւեր կը հանէր քու անունովդ, եւ արգիլեցինք զայն՝ քանի որ մեզի չի հետեւիր»:
50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag ninyo siyang pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay kasama ninyo.”
Յիսուս ըսաւ անոր. «Մի՛ արգիլէք, որովհետեւ ա՛ն որ մեզի հակառակ չէ, մեր՝՝ կողմէն է»:
51 Nangyari ng habang papalapit na ang kaniyang pag-akyat sa langit, lubos niyang inihanda ang kaniyang sarili na pumunta sa Jerusalem.
Երբ իր աշխարհէն վերանալու ժամանակը հասաւ՝՝, հաստատապէս որոշեց՝՝ Երուսաղէմ երթալ:
52 Nagpadala siya ng mga mensahero bago siya pumunta, at sila ay pumunta at nakarating sa isang Samaritanong bayan upang maghanda para sa kaniya.
Եւ իր առջեւէն ղրկեց պատգամաւորներ, որոնք երբ գացին՝ մտան Սամարացիներուն մէկ գիւղը, որպէսզի պատրաստութիւն տեսնեն իրեն համար:
53 Ngunit siya ay hindi tinanggap ng mga tao roon, sapagkat nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.
Բայց չընդունեցին զայն, որովհետեւ անոր երեսը դէպի Երուսաղէմ ուղղուած էր:
54 Pagkatapos, nang makita ito ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, nais mo bang iutos naming bumaba ang apoy mula sa langit at puksain sila?”
Երբ իր աշակերտները՝ Յակոբոս ու Յովհաննէս՝ տեսան ասիկա, ըսին անոր. «Տէ՛ր, կ՚ուզե՞ս որ ըսենք, որպէսզի երկինքէն կրակ իջնէ եւ սպառէ զանոնք, ինչպէս Եղիա ալ ըրաւ»:
55 Ngunit hinarap niya sila at sinaway sila.
Դարձաւ ու յանդիմանեց զանոնք՝ ըսելով. «Չէք գիտեր թէ ի՛նչ հոգիի տէր էք.
56 Pagkatapos, sila ay pumunta sa ibang nayon.
որովհետեւ մարդու Որդին եկաւ ո՛չ թէ մարդոց անձերը կորսնցնելու, հապա՝ փրկելու՝՝»: Եւ ուրիշ գիւղ մը գացին:
57 Habang sila ay papunta sa kanilang daraanan, may nagsabi sa kaniya, “Ako ay susunod sa iyo saan ka man pumunta.”
Երբ անոնք ճամբան կ՚երթային, մէկը ըսաւ անոր. «Տէ՛ր, պիտի հետեւիմ քեզի՝ ո՛ւր որ երթաս»:
58 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang malatagan ng kaniyang ulo.”
Յիսուս ըսաւ անոր. «Աղուէսները որջեր ունին, ու երկինքի թռչունները՝ բոյներ, բայց մարդու Որդին տե՛ղ մը չունի՝ ուր հանգչեցնէ իր գլուխը»:
59 At sinabi niya sa isa pang tao, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sinabi niya, “Panginoon, hayaan mong ilibing ko muna ang aking ama.”
Ուրիշի մըն ալ ըսաւ. «Հետեւէ՛ ինծի»: Իսկ ան ըսաւ. «Տէ՛ր, արտօնէ՛ ինծի, որ նախ երթամ՝ թաղեմ հայրս»:
60 Ngunit sumagot siya sa kaniya, “Hayaan ninyo ang patay na maglibing sa sarili nilang mga patay, ngunit kayo ay humayo at ipahayag sa lahat ng dako ang kaharian ng Diyos.”
Յիսուս ըսաւ անոր. «Թո՛ղ մեռելներուն՝ թաղել իրենց մեռելները, իսկ դուն գնա՛ ու քարոզէ՛ Աստուծոյ թագաւորութիւնը»:
61 Isa pang tao naman ay nagsabi din, “Ako ay susunod sa iyo, Panginoon, ngunit hayaan mo muna akong magpaalam sa kanila na nasa aking bahay.”
Ուրիշ մըն ալ ըսաւ. «Տէ՛ր, պիտի հետեւիմ քեզի. բայց արտօնէ՛ որ նախ հրաժեշտ առնեմ տանս մէջ եղողներէն»:
62 Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Walang sinumang naglagay ng kaniyang mga kamay sa araro at tumitingin sa likuran, ang karapat-dapat para sa kaharian ng Diyos.”
Յիսուս ըսաւ անոր. «Ո՛չ մէկը՝ որ կը դնէ ձեռքը մաճին վրայ ու ետեւ կը նայի՝ յարմար է Աստուծոյ թագաւորութեան»: