< Lucas 7 >

1 Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga taong nakikinig, pumunta siya sa Capernaum.
Bayan da Yesu ya gama fadar dukan abubuwan da zai fadi a jin kunnen dukan mutanen, sai ya shiga Kafarnahum.
2 Isang alipin ng senturion, na mahalaga sa kaniya ang may malubhang sakit at nasa bingit na ng kamatayan.
Bawan wani jarumi, wanda yake kauna, ba shi da lafiya har ma ya kusa mutuwa.
3 Ngunit nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus, nagsugo ang senturion sa kaniya ng mga nakatatanda ng mga Judio upang pakiusapan siya na pumunta at iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin.
Amma da ya ji labarin Yesu, jarumin ya aiki wadansu dattawan Yahudawa, ya ce a roki Yesu ya zo ya ceci bawansa daga mutuwa.
4 Nang malapit na sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya, na nagsasabi, “Karapat-dapat na gawin mo ito sa kaniya,
Sa'adda su ka zo kusa da Yesu, su ka roke shi da gaske, cewa, “Wannan ya isa ka yi masa haka,
5 dahil mahal niya ang aming bansa, at isa siya sa nagtayo ng sinagoga para sa amin.”
saboda shi mai kaunar kasar mu ne, kuma shi ne ya gina mana majami'a.
6 Kaya si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang lakad kasama nila. Ngunit nang malapit na siya sa bahay, ang senturion ay nagpadala ng mga kaibigan para sabihin sa kaniya, “Panginoon, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan sa aking tahanan.
Sai Yesu ya tafi tare da su. Amma sa'adda ya zo kusa da gidan mutumin, jarumin ya aiki abokansa su ka ce da shi, “Ubangiji kada ka damu domin ni ban isa ka zo gida na ba.
7 Sa dahilang ito, hindi ko rin inisip na karapat-dapat ako na humarap man lamang sa iyo, magbigay lang kayo ng salita at gagaling na ang aking alipin.
Shi ya sa na ga ban isa in zo wurinka ba, ka yi magana kadai bawa na kuwa zai warke.
8 Sapagkat ako rin ay isang tao na itinalaga sa ilalim ng isang may kapangyarihan at may mga kawal sa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka,' pupunta siya roon, at sa isa naman, 'Halika,' at lumalapit siya, at sa aking alipin, 'Gawin mo ito,' ginagawa niya ito.''
Gama ni ma mutum ne mai iko, ina da sojoji karkashina. Ina iya cewa da wannan, 'Ka je' sai ya tafi, in kuma ce da wani 'ka zo' sai ya zo, in kuma ce da bawa na, 'Yi kaza,' sai ya yi.”
9 Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha sa kaniya, at habang humarap sa mga maraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong kalaking pananampalataya kahit na sa Israel.”
Sa'adda Yesu ya ji haka, ya yi mamakin mutumin, ya juya wajen taron da su ke biye da shi, ya ce, “Na gaya maku, ko a cikin Isra'ila ban sami wani mai bangaskiya irin wannan ba”
10 Pagkatapos, bumalik sa bahay ang mga isinugo at natagpuang magaling na ang alipin.
Daga nan wadanda a ka aika, suka dawo gida suka tarar da bawan cikin koshin lafiya.
11 Ilang panahon pagkatapos nito, nangyari na si Jesus ay naglakbay sa lungsod na tinatawag na Nain. Ang kaniyang mga alagad ay sumama sa kaniya kasama ang maraming mga tao.
Wani lokaci bayan wannan, ya zama Yesu yana tafiya wani gari da ake kira Na'im. Almajiransa su na tare da shi, da kuma taron mutane masu yawa.
12 Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.
Sa'adda ya kusa da kofar garin, sai ga wani matacce ana dauke da shi. Kuma shi kadai ne da a wurin mahaifiyarsa. Ita kuwa gwauruwa ce, mutane da dama daga cikin gari suna tare da ita.
13 Pagkakita sa kaniya, ang Panginoon ay labis na nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Huwag kang umiyak.”
Da ganin ta, sai Ubangiji ya cika da tausayi a game da ita ya ce da ita, “Kada ki yi kuka.”
14 Pagkatapos lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay, at ang mga nagdadala ay napatigil. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
Sai ya zo ya taba makarar, sai masu dauke da shi su ka tsaya. Ya ce 'Saurayi na ce ma ka ka tashi.”
15 Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.
Sai mataccen ya tashi ya fara yin magana. Sai Yesu ya ba mahaifiyar danta.
16 At silang lahat ay nadaig ng takot. Nagpatuloy silang nagpuri sa Diyos, na nagsasabi, “Isang dakilang propeta ang nakasama natin” at “Tiningnan ng Diyos ang kaniyang mga tao.”
Sai tsoro ya kama su duka. Su ka kama yabon Allah, su na cewa, “An ta da wani annabi mai girma a cikinmu” kuma “Allah ya dubi mutanensa.”
17 Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa buong Judea at sa lahat ng kalapit na mga rehiyon.
Wannan labari na Yesu, ya ba zu a cikin dukan Yahudiya da yankuna da su ke kewaye.
18 Sinabi kay Juan ng mga alagad niya ang lahat ng mga bagay na ito.
Almajiran Yahaya suka gaya masa dukan wadannan abubuwa.
19 Pagkatapos ay tinawag ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sila ay pinapunta sa Panginoon upang sabihin, “Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pa bang iba na aming hahanapin?”
Sai Yahaya ya kira biyu daga cikin almajiransa, ya aike su wurin Ubangiji, suka ce da shi, “Kai ne mai zuwan nan, ko akwai wani wanda za mu saurari zuwansa?”
20 Nang malapit na sila kay Jesus, sinabi ng mga lalaki, “Kami ay ipinadala ni Juan na Tagapag-bautismo sa iyo upang sabihin, 'Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pang ibang tao na aming hahanapin?”'
Sa'adda suka zo kusa da Yesu, sai mutanen suka ce, “Yahaya Mai Baftisma, ya aiko mu, mu tambaya, “Kai ne mai zuwan nan, ko akwai wani wanda za mu saurari zuwansa?”
21 Sa oras na iyon siya ay nagpagaling ng maraming tao mula sa pagkakasakit at mga paghihirap at mula sa mga masamang espiritu, at maraming mga bulag ang kaniyang binigyan ng paningin.
A cikin wannan lokaci, ya warkar da mutane da yawa daga cututtuka da matsaloli da miyagun ruhohi. Makafi da yawa sun sami ganin gari.
22 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kapag nakaalis na kayo, ibalita ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay nabuhay, at ibinabahagi ang magandang balita sa mga taong mahihirap.
Yesu, ya amsa ya ce masu, “Bayan kun tafi, ku ba Yohanna rahoton abin da ku ka ji da abin da ku ka gani. Makafi suna ganin gari, guragu suna tafiya, ana kuma tsarkake kutare. Kurame suna ji, ana tayar da matattu, ana gaya wa matalauta labari mai dadi.
23 Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa.”
Mai albarka ne mutumin da ya tsaya a kan ba da gaskiya gare ni saboda ayukan da na ke yi.”
24 Pagkatapos nang umalis ang mga tagapagbalita ni Juan, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa maraming tao tungkol kay Juan, “Ano ang ipinunta ninyo sa disyerto upang makita, isang tambo na inaalog ng hangin?
Bayan da mutanen da Yahaya ya aiko suka tafi, Yesu ya fara yi wa taron magana game da Yahaya. “Me ku ka tafi ku gani a cikin hamada, ciyawa wadda iska ta ke girgizawa?
25 Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang taong nakadamit ng marilag na kasuotan? Tingnan ninyo, ang mga taong nagsusuot ng marilag na damit at namumuhay sa karangyaan ay nakatira sa palasyo ng mga hari.
Amma me ku ka tafi domin ku gani, mutum mai saye da tufafi masu taushi? Duba mutanen da su ke saye da tufafi masu daraja, kuma suna rayuwa cikin jin dadi suna fadar sarakuna.
26 Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
Amma me ku ka tafi domin ku gani, annabi ne? I, ina gaya ma ku, ya ma fi annabi.
27 Siya ang tinutukoy sa nasusulat, 'Tingnan mo, aking ipinapadala ang aking mensahero na mauuna sa iyo, na siyang maghahanda sa iyong daraanan bago ka dumating.'
Wannan shine wanda aka rubuta a kansa, “Duba, ina aika manzo na a gabanka, wanda za ya shirya maka hanya a gabanka.
28 Sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae, walang mas hihigit kay Juan, ngunit ang pinakamababang tao sa kaharian ng Diyos ay mas higit pa sa kaniya.”
Ina gaya maku, a cikin wadanda mata suka haifa, ba wanda ya fi Yahaya girma. Duk da haka, wanda ya fi kankanta a mulkin Allah, ya fi shi girma.
29 Nang marinig ito ng lahat ng tao, kabilang ang mga maniningil ng buwis, ipinahayag nila na ang Diyos ay matuwid. Sila ay kabilang sa mga nabautismuhan sa bautismo ni Juan.
Sa'anda dukan mutane suka ji haka, har da ma su karbar haraji, suka shaida Allah mai adalci ne. Su na cikin wadanda Yahaya ya yi wa baftisma.
30 Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusan ng mga Judio, na hindi niya nabautismuhan, ay tinanggihan ang karunungan ng Diyos para sa kanilang mga sarili.
Amma Farisawa da wadanda su ke kwararru a cikin shari'ar Yahudawa, wadanda ba shi ne ya yi masu baftisma ba, suka yi watsi da hikimar Allah don kansu.
31 “Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila?
Sa'annan Yesu ya ce, “Da me zan kamanta mutanen wannan zamani? Da me suka yi kama?
32 Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.'
Suna kama da yaran da suke wasa a kasuwa, wadanda suke magana da junansu suna cewa, “Mun yi maku busa, ba ku yi rawa ba. Mun yi makoki, ba ku yi kuka ba.”
33 Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.'
Haka, Yahaya ya zo, bai ci gurasa ba, bai sha ruwan inabi ba, amma ku ka ce, 'Aljani ne yake mulkinsa.
34 Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!'
Dan Mutum, ya zo, yana ci, yana sha, amma, kuka ki shi, kuna cewa dubi mutum mai hadama, mai shan ruwan inabi da yawa, abokin masu karbar haraji da masu zunubi!
35 Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak.”
Amma hikimar Allah tana shaidar dukan 'yayanta.”
36 Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain.
Wata rana wani Bafarise, ya roki Yesu ya je ya ci abinci tare da shi. Bayan da Yesu ya shiga gidan Bafarisen, ya zauna a teburi domin ya ci abinci.
37 Masdan ito, may isang babae sa lungsod na makasalan. Nalaman niya na si Jesus ay nakasandal sa hapagkainan sa bahay ng Pariseo, at nagdala siya ng isang alabastro ng pabango.
Sai ga wata mace mai zunubi, ta fito daga cikin birni. Sa'anda ta ji labari Yesu yana gidan Bafarisen, domin ya ci abinci. Ta dauki tandun mai na alabastar mai kamshi.
38 Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
Ta tsaya kusa da Yesu tana kuka. Ta fara jika kafafunsa da hawayenta, tana shafe kafafunsa da gashin kanta. Tana yi wa kafafunsa sumba, tana shafe su da turare.
39 Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”
Sa'anda Bafarisen da ya gaiyaci Yesu, ya ga haka, sai ya yi tunani a cikin ransa, da cewa, “In da wannan mutum annabi ne, da ya gane ko wacce irin mace ce, wannan da take taba shi, ita mai zunubi ce.”
40 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” Sinabi niya, “Sabihin mo, Guro!”
Yesu ya amsa ya ce masa, “Siman, ina so in gaya maka wani abu.” Ya ce, “malam sai ka fadi!”
41 Sinabi ni Jesus, “May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram. Ang isa ay may utang ng limang daang denaryo, at ang isa ay may utang ng limampung denaryo.
Yesu ya ce, “wani mutum mai ba da bashi yana bin wadansu mutane su biyu kudi, yana bin dayan sule dari, dayan kuma yana bin sa sule hamsin.
42 Dahil sila ay walang pera na pangbayad, sila ay pareho niyang pinatawad. Kaya, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa kanya?”
Da yake ba su da kudin da za su iya biyan sa, sai ya yafe masu, su duka biyu. A cikin su biyu, wanne ne zai fi nuna kauna ga wannan mutum?”
43 Sinagot siya ni Simon at sinabi, “Sa palagay ko ay ang pinatawad niya nang lubos.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong paghatol.”
Siman ya amsa ya ce, “Ina tsammani wanda ya yafe wa kudi da yawa.” Yesu ya amsa ya ce masa, “Ka shari'anta dai dai.”
44 Humarap si Jesus sa babae at sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo itong babae. Ako ay pumasok sa iyong bahay. Hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa, ngunit siya, ay binasa niya ang aking mga paa sa pamamagitan ng kaniyang mga luha, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok.
Yesu ya juya wajen matar, ya ce da Siman, “Ka ga matan nan. Na shiga gidanka. Ba ka ba ni ruwa domin kafafuna ba, amma ita ta ba ni, da hawayenta ta wanke kafafuna, ta kuma shafe su da gashin kanta.
45 Hindi mo ako binigyan ng isang halik, ngunit siya, mula nang ako ay dumating, ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa.
Kai ba ka yi ma ni sumba ba, amma ita ta yi, tun sa'adda na shigo nan ba ta dena sumbatar kafafuna ba.
46 Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo, ngunit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa.
Kai ba ka shafe kai na da mai ba, amma ita ta shafe kafafuna da turare.
47 Dahil dito, sinasabi ko sa iyo na siya na may maraming kasalanan at pinatawad nang lubos, ay nagmahal din nang lubos. Ngunit siya na pinatawad lamang nang kaunti, ay nagmamahal lamang nang kaunti.”
Saboda haka, ita wadda ta ke da zunubi da yawa ta bayar da mai yawa, ta kuma nuna kauna mai yawa. Amma shi wanda aka gafarta wa kadan, ya kuma nuna kauna kadan.”
48 At sinabi niya sa babae, “Napatawad na ang iyong mga kasalanan.”
Daga nan sai ya ce mata, “An gafarta zunubanki.”
49 Ang mga magkakasamang nakasandal sa hapag kainan, nagsimulang magsalita sa kanilang mga sarili, “Sino ito na nagpapatawad pa ng mga kasalanan?”
Wadanda su ke a nan zaune tare da shi suka fara magana da junansu, “Wanene wannan wanda har yake gafarta zunubai?
50 At sinabi ni Jesus sa babae, “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa.”
Sai Yesu ya ce da matar, “Bangaskiyarki ta cece ki. Ki tafi da salama.”

< Lucas 7 >