< Lucas 7 >
1 Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga taong nakikinig, pumunta siya sa Capernaum.
επει δε επληρωσεν παντα τα ρηματα αυτου εισ τασ ακοασ του λαου εισηλθεν εισ καπερναουμ
2 Isang alipin ng senturion, na mahalaga sa kaniya ang may malubhang sakit at nasa bingit na ng kamatayan.
εκατονταρχου δε τινοσ δουλοσ κακωσ εχων εμελλεν τελευταν οσ ην αυτω εντιμοσ
3 Ngunit nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus, nagsugo ang senturion sa kaniya ng mga nakatatanda ng mga Judio upang pakiusapan siya na pumunta at iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin.
ακουσασ δε περι του ιησου απεστειλεν προσ αυτον πρεσβυτερουσ των ιουδαιων ερωτων αυτον οπωσ ελθων διασωση τον δουλον αυτου
4 Nang malapit na sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya, na nagsasabi, “Karapat-dapat na gawin mo ito sa kaniya,
οι δε παραγενομενοι προσ τον ιησουν παρεκαλουν αυτον σπουδαιωσ λεγοντεσ οτι αξιοσ εστιν ω παρεξει τουτο
5 dahil mahal niya ang aming bansa, at isa siya sa nagtayo ng sinagoga para sa amin.”
αγαπα γαρ το εθνοσ ημων και την συναγωγην αυτοσ ωκοδομησεν ημιν
6 Kaya si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang lakad kasama nila. Ngunit nang malapit na siya sa bahay, ang senturion ay nagpadala ng mga kaibigan para sabihin sa kaniya, “Panginoon, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan sa aking tahanan.
ο δε ιησουσ επορευετο συν αυτοισ ηδη δε αυτου ου μακραν απεχοντοσ απο τησ οικιασ επεμψεν προσ αυτον ο εκατονταρχοσ φιλουσ λεγων αυτω κυριε μη σκυλλου ου γαρ ειμι ικανοσ ινα υπο την στεγην μου εισελθησ
7 Sa dahilang ito, hindi ko rin inisip na karapat-dapat ako na humarap man lamang sa iyo, magbigay lang kayo ng salita at gagaling na ang aking alipin.
διο ουδε εμαυτον ηξιωσα προσ σε ελθειν αλλ ειπε λογω και ιαθησεται ο παισ μου
8 Sapagkat ako rin ay isang tao na itinalaga sa ilalim ng isang may kapangyarihan at may mga kawal sa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka,' pupunta siya roon, at sa isa naman, 'Halika,' at lumalapit siya, at sa aking alipin, 'Gawin mo ito,' ginagawa niya ito.''
και γαρ εγω ανθρωποσ ειμι υπο εξουσιαν τασσομενοσ εχων υπ εμαυτον στρατιωτασ και λεγω τουτω πορευθητι και πορευεται και αλλω ερχου και ερχεται και τω δουλω μου ποιησον τουτο και ποιει
9 Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha sa kaniya, at habang humarap sa mga maraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong kalaking pananampalataya kahit na sa Israel.”
ακουσασ δε ταυτα ο ιησουσ εθαυμασεν αυτον και στραφεισ τω ακολουθουντι αυτω οχλω ειπεν λεγω υμιν ουτε εν τω ισραηλ τοσαυτην πιστιν ευρον
10 Pagkatapos, bumalik sa bahay ang mga isinugo at natagpuang magaling na ang alipin.
και υποστρεψαντεσ οι πεμφθεντεσ εισ τον οικον ευρον τον ασθενουντα δουλον υγιαινοντα
11 Ilang panahon pagkatapos nito, nangyari na si Jesus ay naglakbay sa lungsod na tinatawag na Nain. Ang kaniyang mga alagad ay sumama sa kaniya kasama ang maraming mga tao.
και εγενετο εν τω εξησ επορευετο εισ πολιν καλουμενην ναιν και συνεπορευοντο αυτω οι μαθηται αυτου ικανοι και οχλοσ πολυσ
12 Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.
ωσ δε ηγγισεν τη πυλη τησ πολεωσ και ιδου εξεκομιζετο τεθνηκωσ υιοσ μονογενησ τη μητρι αυτου και αυτη χηρα και οχλοσ τησ πολεωσ ικανοσ συν αυτη
13 Pagkakita sa kaniya, ang Panginoon ay labis na nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Huwag kang umiyak.”
και ιδων αυτην ο κυριοσ εσπλαγχνισθη επ αυτη και ειπεν αυτη μη κλαιε
14 Pagkatapos lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay, at ang mga nagdadala ay napatigil. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
και προσελθων ηψατο τησ σορου οι δε βασταζοντεσ εστησαν και ειπεν νεανισκε σοι λεγω εγερθητι
15 Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.
και ανεκαθισεν ο νεκροσ και ηρξατο λαλειν και εδωκεν αυτον τη μητρι αυτου
16 At silang lahat ay nadaig ng takot. Nagpatuloy silang nagpuri sa Diyos, na nagsasabi, “Isang dakilang propeta ang nakasama natin” at “Tiningnan ng Diyos ang kaniyang mga tao.”
ελαβεν δε φοβοσ παντασ και εδοξαζον τον θεον λεγοντεσ οτι προφητησ μεγασ εγηγερται εν ημιν και οτι επεσκεψατο ο θεοσ τον λαον αυτου
17 Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa buong Judea at sa lahat ng kalapit na mga rehiyon.
και εξηλθεν ο λογοσ ουτοσ εν ολη τη ιουδαια περι αυτου και εν παση τη περιχωρω
18 Sinabi kay Juan ng mga alagad niya ang lahat ng mga bagay na ito.
και απηγγειλαν ιωαννη οι μαθηται αυτου περι παντων τουτων
19 Pagkatapos ay tinawag ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sila ay pinapunta sa Panginoon upang sabihin, “Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pa bang iba na aming hahanapin?”
και προσκαλεσαμενοσ δυο τινασ των μαθητων αυτου ο ιωαννησ επεμψεν προσ τον ιησουν λεγων συ ει ο ερχομενοσ η αλλον προσδοκωμεν
20 Nang malapit na sila kay Jesus, sinabi ng mga lalaki, “Kami ay ipinadala ni Juan na Tagapag-bautismo sa iyo upang sabihin, 'Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pang ibang tao na aming hahanapin?”'
παραγενομενοι δε προσ αυτον οι ανδρεσ ειπον ιωαννησ ο βαπτιστησ απεσταλκεν ημασ προσ σε λεγων συ ει ο ερχομενοσ η αλλον προσδοκωμεν
21 Sa oras na iyon siya ay nagpagaling ng maraming tao mula sa pagkakasakit at mga paghihirap at mula sa mga masamang espiritu, at maraming mga bulag ang kaniyang binigyan ng paningin.
εν αυτη δε τη ωρα εθεραπευσεν πολλουσ απο νοσων και μαστιγων και πνευματων πονηρων και τυφλοισ πολλοισ εχαρισατο το βλεπειν
22 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kapag nakaalis na kayo, ibalita ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay nabuhay, at ibinabahagi ang magandang balita sa mga taong mahihirap.
και αποκριθεισ ο ιησουσ ειπεν αυτοισ πορευθεντεσ απαγγειλατε ιωαννη α ειδετε και ηκουσατε οτι τυφλοι αναβλεπουσιν χωλοι περιπατουσιν λεπροι καθαριζονται κωφοι ακουουσιν νεκροι εγειρονται πτωχοι ευαγγελιζονται
23 Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa.”
και μακαριοσ εστιν οσ εαν μη σκανδαλισθη εν εμοι
24 Pagkatapos nang umalis ang mga tagapagbalita ni Juan, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa maraming tao tungkol kay Juan, “Ano ang ipinunta ninyo sa disyerto upang makita, isang tambo na inaalog ng hangin?
απελθοντων δε των αγγελων ιωαννου ηρξατο λεγειν τοισ οχλοισ περι ιωαννου τι εξεληλυθατε εισ την ερημον θεασασθαι καλαμον υπο ανεμου σαλευομενον
25 Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang taong nakadamit ng marilag na kasuotan? Tingnan ninyo, ang mga taong nagsusuot ng marilag na damit at namumuhay sa karangyaan ay nakatira sa palasyo ng mga hari.
αλλα τι εξεληλυθατε ιδειν ανθρωπον εν μαλακοισ ιματιοισ ημφιεσμενον ιδου οι εν ιματισμω ενδοξω και τρυφη υπαρχοντεσ εν τοισ βασιλειοισ εισιν
26 Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
αλλα τι εξεληλυθατε ιδειν προφητην ναι λεγω υμιν και περισσοτερον προφητου
27 Siya ang tinutukoy sa nasusulat, 'Tingnan mo, aking ipinapadala ang aking mensahero na mauuna sa iyo, na siyang maghahanda sa iyong daraanan bago ka dumating.'
ουτοσ εστιν περι ου γεγραπται ιδου εγω αποστελλω τον αγγελον μου προ προσωπου σου οσ κατασκευασει την οδον σου εμπροσθεν σου
28 Sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae, walang mas hihigit kay Juan, ngunit ang pinakamababang tao sa kaharian ng Diyos ay mas higit pa sa kaniya.”
λεγω γαρ υμιν μειζων εν γεννητοισ γυναικων προφητησ ιωαννου του βαπτιστου ουδεισ εστιν ο δε μικροτεροσ εν τη βασιλεια του θεου μειζων αυτου εστιν
29 Nang marinig ito ng lahat ng tao, kabilang ang mga maniningil ng buwis, ipinahayag nila na ang Diyos ay matuwid. Sila ay kabilang sa mga nabautismuhan sa bautismo ni Juan.
και πασ ο λαοσ ακουσασ και οι τελωναι εδικαιωσαν τον θεον βαπτισθεντεσ το βαπτισμα ιωαννου
30 Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusan ng mga Judio, na hindi niya nabautismuhan, ay tinanggihan ang karunungan ng Diyos para sa kanilang mga sarili.
οι δε φαρισαιοι και οι νομικοι την βουλην του θεου ηθετησαν εισ εαυτουσ μη βαπτισθεντεσ υπ αυτου
31 “Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila?
τινι ουν ομοιωσω τουσ ανθρωπουσ τησ γενεασ ταυτησ και τινι εισιν ομοιοι
32 Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.'
ομοιοι εισιν παιδιοισ τοισ εν αγορα καθημενοισ και προσφωνουσιν αλληλοισ και λεγουσιν ηυλησαμεν υμιν και ουκ ωρχησασθε εθρηνησαμεν υμιν και ουκ εκλαυσατε
33 Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.'
εληλυθεν γαρ ιωαννησ ο βαπτιστησ μητε αρτον εσθιων μητε οινον πινων και λεγετε δαιμονιον εχει
34 Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!'
εληλυθεν ο υιοσ του ανθρωπου εσθιων και πινων και λεγετε ιδου ανθρωποσ φαγοσ και οινοποτησ φιλοσ τελωνων και αμαρτωλων
35 Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak.”
και εδικαιωθη η σοφια απο των τεκνων αυτησ παντων
36 Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain.
ηρωτα δε τισ αυτον των φαρισαιων ινα φαγη μετ αυτου και εισελθων εισ την οικιαν του φαρισαιου ανεκλιθη
37 Masdan ito, may isang babae sa lungsod na makasalan. Nalaman niya na si Jesus ay nakasandal sa hapagkainan sa bahay ng Pariseo, at nagdala siya ng isang alabastro ng pabango.
και ιδου γυνη εν τη πολει ητισ ην αμαρτωλοσ επιγνουσα οτι ανακειται εν τη οικια του φαρισαιου κομισασα αλαβαστρον μυρου
38 Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
και στασα παρα τουσ ποδασ αυτου οπισω κλαιουσα ηρξατο βρεχειν τουσ ποδασ αυτου τοισ δακρυσιν και ταισ θριξιν τησ κεφαλησ αυτησ εξεμασσεν και κατεφιλει τουσ ποδασ αυτου και ηλειφεν τω μυρω
39 Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”
ιδων δε ο φαρισαιοσ ο καλεσασ αυτον ειπεν εν εαυτω λεγων ουτοσ ει ην προφητησ εγινωσκεν αν τισ και ποταπη η γυνη ητισ απτεται αυτου οτι αμαρτωλοσ εστιν
40 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” Sinabi niya, “Sabihin mo, Guro!”
και αποκριθεισ ο ιησουσ ειπεν προσ αυτον σιμων εχω σοι τι ειπειν ο δε φησιν διδασκαλε ειπε
41 Sinabi ni Jesus, “May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram. Ang isa ay may utang ng limang daang denaryo, at ang isa ay may utang ng limampung denaryo.
δυο χρεωφειλεται ησαν δανειστη τινι ο εισ ωφειλεν δηναρια πεντακοσια ο δε ετεροσ πεντηκοντα
42 Dahil sila ay walang pera na pangbayad, sila ay pareho niyang pinatawad. Kaya, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa kanya?”
μη εχοντων δε αυτων αποδουναι αμφοτεροισ εχαρισατο τισ ουν αυτων ειπε πλειον αυτον αγαπησει
43 Sinagot siya ni Simon at sinabi, “Sa palagay ko ay ang pinatawad niya nang lubos.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong paghatol.”
αποκριθεισ δε ο σιμων ειπεν υπολαμβανω οτι ω το πλειον εχαρισατο ο δε ειπεν αυτω ορθωσ εκρινασ
44 Humarap si Jesus sa babae at sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo itong babae. Ako ay pumasok sa iyong bahay. Hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa, ngunit siya, ay binasa niya ang aking mga paa sa pamamagitan ng kaniyang mga luha, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok.
και στραφεισ προσ την γυναικα τω σιμωνι εφη βλεπεισ ταυτην την γυναικα εισηλθον σου εισ την οικιαν υδωρ επι τουσ ποδασ μου ουκ εδωκασ αυτη δε τοισ δακρυσιν εβρεξεν μου τουσ ποδασ και ταισ θριξιν τησ κεφαλησ αυτησ εξεμαξεν
45 Hindi mo ako binigyan ng isang halik, ngunit siya, mula nang ako ay dumating, ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa.
φιλημα μοι ουκ εδωκασ αυτη δε αφ ησ εισηλθον ου διελιπεν καταφιλουσα μου τουσ ποδασ
46 Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo, ngunit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa.
ελαιω την κεφαλην μου ουκ ηλειψασ αυτη δε μυρω ηλειψεν μου τουσ ποδασ
47 Dahil dito, sinasabi ko sa iyo na siya na may maraming kasalanan at pinatawad nang lubos, ay nagmahal din nang lubos. Ngunit siya na pinatawad lamang nang kaunti, ay nagmamahal lamang nang kaunti.”
ου χαριν λεγω σοι αφεωνται αι αμαρτιαι αυτησ αι πολλαι οτι ηγαπησεν πολυ ω δε ολιγον αφιεται ολιγον αγαπα
48 At sinabi niya sa babae, “Napatawad na ang iyong mga kasalanan.”
ειπεν δε αυτη αφεωνται σου αι αμαρτιαι
49 Ang mga magkakasamang nakasandal sa hapag kainan, nagsimulang magsalita sa kanilang mga sarili, “Sino ito na nagpapatawad pa ng mga kasalanan?”
και ηρξαντο οι συνανακειμενοι λεγειν εν εαυτοισ τισ ουτοσ εστιν οσ και αμαρτιασ αφιησιν
50 At sinabi ni Jesus sa babae, “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa.”
ειπεν δε προσ την γυναικα η πιστισ σου σεσωκεν σε πορευου εισ ειρηνην