< Lucas 6 >

1 Ngayon ay nangyari na sa Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay naglalakad sa triguhan at ang kaniyang mga alagad ay nangunguha ng mga uhay, ang mga ito ay kinikiskis sa kanilang mga palad at kinakain ang mga butil.
Առաջին ամսուան երկրորդ Շաբաթ օրը՝ ինք կ՚անցնէր արտերու մէջէն, եւ իր աշակերտները ցորենի հասկեր փրցնելով՝ իրենց ձեռքերուն մէջ կը շփէին ու կ՚ուտէին:
2 Ngunit sinabi ng ibang mga Pariseo, “Bakit kayo gumagawa ng isang bagay na labag sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?”
Փարիսեցիներէն ոմանք ըսին անոնց. «Ինչո՞ւ կ՚ընէք ինչ որ արտօնուած չէ ընել Շաբաթ օրերը»:
3 Sumagot si Jesus sa kanila na sinabi, “Hindi man lamang ba ninyo nabasa ang tungkol sa ginawa ni David nang siya ay magutom, siya at ang kaniyang mga kasamang kalalakihan?
Յիսուս պատասխանեց անոնց. «Չէ՞ք կարդացեր Դաւիթի ըրածը, երբ ինք եւ իրեն հետ եղողները անօթեցան.
4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kinuha ang tinapay na handog at kumain ng ilan sa mga ito, at ibinigay din ang ilan sa kaniyang mga kasamang kalalakihan para kainin, kahit na ayon sa batas mga pari lamang ang pwedeng kumain.”
ի՛նչպէս մտաւ Աստուծոյ տունը, առաւ առաջադրութեան հացերը ու կերաւ, նաեւ տուաւ իրեն հետ եղողներուն. ո՛չ մէկուն արտօնուած էր ուտել զանոնք՝ բացի քահանաներէն»:
5 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
Եւ ըսաւ անոնց. «Մարդու Որդին տէրն է նաեւ Շաբաթին»:
6 Nangyari sa ibang Araw ng Pamamahinga na siya ay pumunta sa sinagoga at nagturo sa mga tao doon. Isang tao ang naroon na tuyot ang kanang kamay.
Ուրիշ Շաբաթ օր մըն ալ մտաւ ժողովարանը եւ կը սորվեցնէր: Հոն մարդ մը կար՝ որուն աջ ձեռքը չորցած էր:
7 Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagmamanman sa kaniya upang makita kung si Jesus ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang sila ay makahanap ng dahilan upang siya ay paratangan na gumagawa ng masama.
Դպիրներն ու Փարիսեցիները կը հսկէին իր վրայ՝ տեսնելու թէ պիտի բուժէ՛ զայն Շաբաթ օրը, որպէսզի ամբաստանութեան առիթ մը գտնեն իրեն դէմ:
8 Ngunit alam niya kung ano ang kanilang iniisip at sinabi niya sa tao na may tuyot na kamay, “Tumayo ka, at pumunta ka dito sa gitna ng lahat.” Kung kaya't ang tao ay tumayo at pumaroon.
Իսկ ինք՝ գիտնալով անոնց մտածումները՝ ըսաւ այն մարդուն, որուն ձեռքը չորցած էր. «Ոտքի՛ ելիր, կայնէ՛ մէջտեղը»: Ան ալ ելաւ ու կայնեցաւ:
9 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Itinatanong ko sa inyo, naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga, ang magligtas ng buhay o sirain ito?”
Ուստի Յիսուս ըսաւ անոնց. «Ձեզի բան մը հարցնեմ. “Շաբաթ օրը ո՞րը արտօնուած է, բարի՞ք ընել՝ թէ չարիք ընել, անձ մը փրկե՞լ՝ թէ կորսնցնել”»:
10 Pagkatapos ay tumingin siya sa kanilang lahat at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Ginawa nga niya at ang kaniyang kamay ay nanumbalik sa dati.
Եւ շուրջը նայելով՝ բոլորին վրայ, ըսաւ անոր. «Երկարէ՛ ձեռքդ»: Ան ալ այնպէս ըրաւ, ու անոր ձեռքը առողջացաւ միւսին պէս:
11 Ngunit sila ay napuno ng galit, at sila ay nag-usap-usap kung ano ang maari nilang gawin kay Jesus.
Իսկ անոնք լեցուեցան մոլեգնութեամբ, եւ կը խօսէին իրարու հետ՝ թէ ի՛նչ ընեն Յիսուսի:
12 Nangyari sa mga araw na iyon na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. Siya ay patuloy na nanalangin sa Diyos ng buong gabi.
Այդ օրերը՝ լեռը գնաց աղօթելու, եւ ամբողջ գիշերը անցուց Աստուծոյ աղօթելով:
13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa, na tinawag din niyang “mga apostol.”
Առտուն՝ կանչեց իր աշակերտները, եւ ընտրեց անոնցմէ տասներկու հոգի, ու առաքեալ անուանեց զանոնք.-
14 Ang pangalan ng mga apostol ay sina Simon (na kaniya ring pinangalanang Pedro) at ang kaniyang kapatid na si Andres, Santiago, Juan, Felipe, Bartolome,
Սիմոնը՝ որ Պետրոս ալ անուանեց, եւ անոր եղբայրը՝ Անդրէասը, Յակոբոսն ու Յովհաննէսը,
15 Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na tinawag na Masigasig,
Փիլիպպոսը եւ Բարթողոմէոսը, Մատթէոսն ու Թովմասը, Ալփէոսեան Յակոբոսը եւ Նախանձայոյզ կոչուած Սիմոնը,
16 Judas na anak ni Santiago at Judas Iscariote na siyang naging taksil.
Յակոբոսի եղբայրը՝ Յուդան, ու Իսկարիովտացի Յուդան՝ որ մատնիչ եղաւ:
17 Pagkatapos, si Jesus ay bumaba mula sa bundok kasama sila at tumayo sa patag na lugar. Naroon ang napakaraming bilang ng kaniyang mga alagad, ganoon din ang malaking bilang ng tao na mula sa Judea at Jerusalem at mula sa dalampasigan ng Tiro at Sidon.
Անոնց հետ իջնելով՝ տափարակ տեղ մը կայնեցաւ, ինչպէս նաեւ իր աշակերտներուն խումբը եւ ժողովուրդի մեծ բազմութիւն մը՝ ամբողջ Հրէաստանէն, Երուսաղէմէն, ու Տիւրոսի եւ Սիդոնի ծովեզերքէն.
18 Sila ay dumating upang makinig sa kaniya at para gumaling sa kanilang mga karamdaman. Ang mga taong binabagabag ng mga maruming espiritu ay pinagaling din.
անոնք եկած էին մտիկ ընելու անոր խօսքերը, ու բուժուելու իրենց ախտերէն: Անմաքուր ոգիներէն տանջուողներն ալ եկան եւ բժշկուեցան:
19 Ang lahat ng napakaraming tao ay sinusubakan siyang hipuin dahil ang kapangyarihang magpagaling ay lumalabas mula sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat.
Ամբողջ բազմութիւնը կը ջանար դպչիլ իրեն, որովհետեւ զօրութիւն կ՚ելլէր իրմէ ու բոլորը կը բժշկէր:
20 Pagkatapos ay tumingin siya sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos.
Այն ատեն աչքերը բարձրացուց դէպի իր աշակերտները եւ ըսաւ. «Երանի՜ ձեզի՝ աղքատներուդ, որովհետեւ ձերն է Աստուծոյ թագաւորութիւնը:
21 Pinagpala kayo na nagugutom ngayon, sapagkat kayo ay mapupuno. Pinagpala kayo na tumatangis ngayon sapagkat kayo ay tatawa.
Երանի՜ ձեզի՝ որ հիմա անօթի էք, որովհետեւ պիտի կշտանաք: Երանի՜ ձեզի՝ որ հիմա կու լաք, որովհետեւ պիտի խնդաք:
22 Pinagpala kayo kung kayo ay kinamumuhian ng mga tao at kung kayo ay ihinihiwalay at itinuturing ang inyong pangalan na masama alang-alang sa Anak ng Tao.
Երանի՜ ձեզի՝ երբ մարդիկ ատեն ձեզ, ու երբ զատեն ձեզ իրենց ընկերութենէն, նախատեն եւ վարկաբեկեն ձեր անունը՝ մարդու Որդիին պատճառով:
23 Magalak sa araw na iyon at tumalon sa galak sapagkat tiyak na kayo ay may dakilang gantimpala sa langit, sapagkat ang kanilang mga ninuno ay pinakitunguhan ang mga propeta sa ganoon ding paraan.
Ուրախացէ՛ք այդ օրը ու ցնծացէ՛ք, քանի որ ձեր վարձատրութիւնը շատ է երկինքը. արդարեւ իրենց հայրերը նո՛յնպէս կ՚ընէին մարգարէներուն:
24 Ngunit aba kayo na mayayaman! Sapagkat natanggap na ninyo ang inyong ginhawa.
Բայց վա՜յ ձեզի՝ հարուստներուդ, որովհետեւ ունեցա՛ծ էք ձեր մխիթարութիւնը:
25 Aba kayo na busog ngayon! Sapagkat kayo ay magugutom. Aba kayo na tumatawa ngayon! Sapagkat kayo ay magdadalamhati at tatangis.
Վա՜յ ձեզի՝ որ կուշտ էք, որովհետեւ պիտի անօթենաք. վա՜յ ձեզի՝ որ հիմա կը խնդաք, որովհետեւ պիտի սգաք ու լաք:
26 Aba kayo kung ang lahat ng tao ay nagsasabi ng mabuti tungkol sa inyo! Sapagkat pinakisamahan ng kanilang mga ninuno ang mga bulaang propeta sa ganoon ding paraan.
Վա՜յ ձեզի՝ երբ մարդիկ լաւ խօսին ձեր մասին, որովհետեւ իրենց հայրերը ա՛յդպէս կ՚ընէին սուտ մարգարէներուն»:
27 Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.
«Բայց կը յայտարարեմ ձեզի՝ որ մտիկ կ՚ընէք. “Սիրեցէ՛ք ձեր թշնամիները, բարի՛ք ըրէք ձեզ ատողներուն,
28 Pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga umaapi sa inyo.
օրհնեցէ՛ք ձեզ անիծողները, աղօթեցէ՛ք ձեզ պախարակողներուն համար:
29 Sa sumasampal sa iyong pisngi, ialok mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may kumuha ng iyong panlabas na damit, huwag mong ipagkait pati na ang iyong panloob na tunika.
Եթէ մէկը զարնէ այտիդ, մի՛ւսն ալ մօտեցուր անոր. եթէ առնէ հանդերձդ քեզմէ, մի՛ արգիլեր որ առնէ բաճկոնդ ալ:
30 Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may kumuha ng isang bagay na pag-aari mo, huwag mong hingiin sa kaniya na ibalik ito sa iyo.
Տո՛ւր ամէն մարդու՝ որ քեզմէ կ՚ուզէ, ու քու բաներդ առնողէն մի՛ պահանջեր զանոնք:
31 Kung anuman ang nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang dapat ninyong gawin sa kanila.
Ի՛նչպէս կ՚ուզէք որ մարդիկ ընեն ձեզի, նո՛յնպէս ալ դուք ըրէք անոնց:
32 Kung ang minamahal lamang ninyo ay ang mga taong nagmamahal sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalan ay minamahal din ang mga nagmamahal sa kanila.
Եթէ սիրէք ձեզ սիրողները, ի՞նչ շնորհք կ՚ունենաք. որովհետեւ մեղաւորնե՛րն ալ կը սիրեն զիրենք սիրողները:
33 Kung sa mga taong gumawa sa inyo ng mabuti lamang kayo gumagawa ng mabuti, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalanan ay ganoon din ang ginagawa.
Եթէ բարիք ընէք ձեզի բարիք ընողներուն, ի՞նչ շնորհք կ՚ունենաք. որովհետեւ մեղաւորնե՛րն ալ նոյն բանը կ՚ընեն:
34 Kung ang inyong pinapahiraman lamang ay ang mga tao na inaasahan ninyong magbibigay ng mga ito pabalik sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan at umaasang iyon ding halaga ang muling matatanggap.
Եթէ փոխ տաք այնպիսի մարդոց՝ որոնցմէ յոյս ունիք վերստանալու, ի՞նչ շնորհք կ՚ունենաք. որովհետեւ մեղաւորնե՛րն ալ փոխ կու տան մեղաւորներուն, որպէսզի վերստանան նոյն չափով:
35 Ngunit mahalin ninyo ang inyong kaaway at gawin ang mabuti sa kanila. Pahiramin ninyo sila na hindi kailanman nag-aalala kung may babalik pa sa inyo at ang inyong gantimpala ay magiging dakila. Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya mismo ay mabuti sa mga taong hindi marunong magpasalamat at masasama.
Հապա դուք՝ սիրեցէ՛ք ձեր թշնամիները ու բարի՛ք ըրէք, փո՛խ տուէք՝ առանց փոխարէնը բան մը սպասելու, եւ ձեր վարձատրութիւնը շատ պիտի ըլլայ ու Ամենաբարձրին որդիները պիտի ըլլաք, որովհետեւ ան քաղցր է ապերախտներուն ու չարերուն հանդէպ:
36 Maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.
Ուրեմն արգահատո՛ղ եղէք, ինչպէս ձեր Հայրն ալ արգահատող է”»:
37 Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag magparusa at hindi kayo parurusahan. Patawarin ninyo ang iba at kayo ay patatawarin.
«Մի՛ դատէք՝ ու պիտի չդատուիք. մի՛ դատապարտէք՝ եւ պիտի չդատապարտուիք. ներեցէ՛ք՝ ու պիտի ներուի ձեզի:
38 Magbigay sa iba at ito ay maibibigay sa inyo. Labis-labis na halaga—siksik, liglig at umaapaw—ang ibubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat kung anumang batayan ng panukat ang inyong ginamit sa pagsukat, iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo.”
Տուէ՛ք՝ եւ պիտի տրուի ձեզի. լաւ չափով՝ կոխուած, ցնցուած, լեփլեցուն պիտի տրուի ձեր գոգը. քանի որ պիտի չափուի ձեզի ա՛յն չափով՝ որով դուք կը չափէք»:
39 At sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga. “Maaari bang gabayan ng isang bulag ang kapwa bulag? Kung gagawin niya ito, kapwa sila mahuhulog sa hukay, hindi ba?
Առակ մըն ալ ըսաւ անոնց. «Կոյրը կրնա՞յ առաջնորդել կոյրը. միթէ երկո՛ւքն ալ փոսը պիտի չիյնա՞ն:
40 Ang isang alagad ay hindi higit kaysa sa kaniyang guro, ngunit ang bawat isa na ganap na sinanay ay magiging kagaya ng kaniyang guro.
Աշակերտը իր վարդապետէն գերիվեր չէ. բայց ամէն կատարեալ աշակերտ՝ իր վարդապետին պէս պիտի ըլլայ:
41 At bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang troso sa iyong sariling mata?
Ինչո՞ւ կը տեսնես եղբօրդ աչքին մէջի շիւղը, ու չես նշմարեր քու աչքիդ մէջի գերանը:
42 Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, hayaan mong tanggalin ko ang maliit na dayami na nasa iyong mata,' kung ikaw mismo ay hindi nakikita ang troso sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa iyong mata, at nang sa gayon ay malinaw kang makakakita para alisin ang piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid.
Կամ ի՞նչպէս կրնաս ըսել եղբօրդ. “Եղբա՛յր, թո՛յլ տուր որ հանեմ աչքիդ մէջի շիւղը”, երբ դուն չես տեսներ քու աչքիդ մէջի գերանը: Կեղծաւո՛ր, նախ հանէ՛ քու աչքէդ գերանը, եւ ա՛յն ատեն յստակ պիտի տեսնես՝ հանելու համար եղբօրդ աչքին մէջի շիւղը»:
43 Sapagkat walang mabuting puno ang namumunga ng bulok na bunga, ni walang bulok na puno ang namumunga ng mabuting bunga.
«Արդարեւ չկայ լաւ ծառ մը՝ որ վատ պտուղ բերէ, ո՛չ ալ վատ ծառ մը՝ որ լաւ պտուղ բերէ.
44 Sapagkat ang bawat puno ay nakikilala sa uri ng kaniyang bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi umaani ng igos sa matinik na damo, ni hindi sila umaani ng ubas sa matinik na baging.
քանի որ իւրաքանչիւր ծառ կը ճանչցուի իր պտուղէն: Որովհետեւ փուշերէն թուզ չեն քաղեր, ու մորենիէն խաղող չեն կթեր:
45 Inilalabas ng mabuting tao ang kabutihan na nagmumula sa kayamanan ng kaniyang puso, at inilalabas ng masamang tao ang masama mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso. Sapagkat mula sa kasaganaan ng kaniyang puso, nagsasalita ang kaniyang bibig.
Բարի մարդը՝ բարութիւն կը բխեցնէ իր սիրտին բարի գանձէն, իսկ չար մարդը՝ չարիք կը բխեցնէ իր սիրտին չար գանձէն. քանի բերանը կը խօսի սիրտին լիութենէն»:
46 Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko?
«Ինչո՞ւ “Տէ՛ր, Տէ՛ր” կը կոչէք զիս, բայց չէք գործադրեր ինչ որ կ՚ըսեմ:
47 Ang bawat tao na lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at sinusunod ang mga ito, sasabihin ko sa inyo kung ano ang kaniyang katulad.
Ո՛վ որ կու գայ ինծի, կը լսէ իմ խօսքերս ու կը գործադրէ զանոնք, ցոյց տամ ձեզի թէ որո՛ւ կը նմանի:
48 Siya ay tulad ng isang tao na nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim sa lupa at itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato. Nang dumating ang baha, umagos ang malakas na tubig sa bahay ngunit hindi nito kayang yanigin dahil ito ay itinayo nang mahusay.
Ան կը նմանի տուն կառուցանող մարդու մը, որ փորեց, խորացաւ եւ հիմը դրաւ վէմի վրայ. երբ ողողում եղաւ՝ հեղեղը զարկաւ այդ տան բայց չկրցաւ սարսել զայն, որովհետեւ վէմի վրայ հիմնուած էր:
49 Ngunit ang tao na nakikinig sa aking mga salita at hindi ito sinusunod, siya ay tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na walang pundasyon. Nang umagos ang malakas na tubig sa bahay, agad-agad itong gumuho at ganap ang pagkasira ng bahay na iyon.
Իսկ ա՛ն որ կը լսէ իմ խօսքերս ու չի գործադրեր, կը նմանի մարդու մը, որ հողի վրայ տուն կառուցանեց՝ առանց հիմի. հեղեղը զարկաւ անոր եւ իսկոյն փլաւ, ու մեծ եղաւ այդ տան աւերումը»:

< Lucas 6 >