< Lucas 22 >
1 Ngayon, papalapit na ang Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskwa.
逾越節的無酵節近了。
2 Pinag-usapan ng mga punong pari at mga eskriba kung paano nila ipapapatay si Jesus, sapagkat natatakot sila sa mga tao.
司祭長及經師設法要怎麼消除耶穌,因為他們害怕百姓。
3 Pumasok si Satanas kay Judas Iscariote, isa sa Labindalawa.
那時,撒旦進了那名叫依斯加略的猶達斯的心中,他本是十二人中之一。
4 Nagpunta si Judas at nakipag-usap sa mga punong pari at mga kapitan tungkol sa kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila.
他去同司祭長及聖殿警官商議,怎麼把耶穌交給他們。
5 Nagalak sila, at nakipagkasundong bibigyan siya ng pera.
他們不勝欣喜,就約定給他銀錢;
6 Sumang-ayon siya, at naghanap ng pagkakataon upang madala niya si Jesus sa kanila malayo sa maraming mga tao.
他應允了,遂尋找機會,當群眾不在的時候,把耶穌交給他們。
7 Dumating ang araw ng tinapay na walang pampaalsa, na kung saan kailangang ialay ang kordero ng Paskwa.
無酵節日到了,這一天,應宰殺逾越節羔羊。
8 Isinugo ni Jesus sina Pedro at Juan, at sinabi, “Pumunta kayo at maghanda ng hapunang Pampaskua upang ito ay ating kainin.”
耶穌打發伯多祿和若望說:「你們去為我們預備要吃的逾越節晚餐吧!
9 Tinanong nila sa kaniya, “Saan mo kami gustong gumawa ng mga paghahanda?”
他問他們說:「你願意我們在那裏預備﹖」
10 Sinagot niya sila, “Makinig kayo, kapag nakapasok na kayo sa lungsod, may isang lalaking sasalubong sa inyo na may isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay kung saan siya papasok.
祂回答說:「注意! 你們進城,必一個拿水罐的人與你們相遇,你們就跟著他,到他所進的那一家,
11 Pagkatapos, sabihin ninyo sa panginoon ng bahay 'Ipinapatanong ng Guro sa iyo, “Nasaan ang silid pampanauhin, kung saan kami kakain ng aking mga alagad sa araw ng Paskwa?'”
對那家的主人說:「師傅問你:我同我的們徒吃逾越節晚餐的客房在哪裡﹖
12 Ipapakita niya sa inyo ang malaki at maayos na silid sa itaas. Doon ninyo gawin ang mga paghahanda.
那人必指給你們一間鋪設好了的寬大樓廳;你們就在那裡準備。
13 Kaya pumunta sila, at nakita ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang hapunang Pampaskwa.
他們去了,所遇見的,正如耶穌對他們所說的一樣;他們便預備了逾越節晚餐。
14 Nang dumating ang panahon, umupo siya kasama ang mga apostol.
到了時候,耶穌就入席,宗徒也同祂一起。
15 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, “Labis kong ninais na makasalo kayo sa Pista ng Paskwang ito bago ako magdusa.
耶穌對他們說:「我渴望而又渴望,在我受難以前,同你們吃這一次逾越節晚餐。
16 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi ko na ito kakaining muli, hanggang sa matupad ito sa kaharian ng Diyos.”
我告訴你們:非等到它在天主的國內成全了,我決不再吃它。」
17 Pagkatapos, kumuha si Jesus ng isang kopa, at nang makapagpasalamat, sinabi niya, “Kunin ninyo ito at ibahagi ito sa isa't isa.
耶穌接過杯來,祝謝了說:「你們把這杯拿去,彼此分著喝吧!
18 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos.”
我告訴你們:從今以後,非等到天主的國來臨了,我決不再喝這葡萄汁了。」
19 Pagkatapos, kinuha niya ang tinapay at nang makapagpasalamat, hinati-hati niya ito, at ibinigay sa kanila, sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
耶穌拿起餅來,祝謝了,擘開,遞給他們說:「這是我的身體,為你們而捨棄的。你們應行此禮,為念我。」
20 Kinuha niya ang tasa sa parehong paraan pagkatapos ng hapunan, sinasabi, “Ang tasang ito ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa inyo.
晚餐以後,耶穌同樣拿起杯來,說:「這杯是用我為你們流出的血而立的新約。
21 Ngunit makinig kayo. Ang taong magkakanulo sa akin ay kasama ko ngayon sa hapag.
但是,看,負賣我者的手同我一起在桌子上。
22 Sapagkat ang Anak ng Tao ay mamamatay ayon sa itinakda. Ngunit sa aba sa taong iyon na magkakanulo sa kaniya!”
人子固然要依照所預定的離去,但那負賣人子的人是禍的。」
23 At nagsimula silang magtanong sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
他們便彼此相問,他們中那一個要做這事。
24 At nagkaroon din ng pagtatalo sa kanila tungkol sa kung sino sa kanila ang itinuturing na pinakadakila.
在他們中又起了爭論:他們中數著誰最大﹖
25 Sinabi niya sa kanila, “Ang mga hari ng mga Gentil ay may kapangyarihang pamunuan sila, at ang mga may kapangyarihan sa kanila ay tinawag na mga pinunong kagalang-galang.
耶穌給他們說:「外邦人有君王宰治他們,那有權管治他們的,稱為恩主;
26 Ngunit sa inyo ay hindi dapat maging tulad nito. Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ay maging katulad ng pinakabata. At ang pinakamahalaga sa inyo ay maging katulad ng isang naglilingkod.
但你們卻不要這樣:你們中最大的,要成為最小的;為領袖的,要成為服事人的。
27 Sapagkat sino ang mas dakila, ang taong nakaupo sa may hapag o ang siyang naglilingkod? Hindi ba ang taong nakaupo sa may hapag? Bagaman kasama ninyo ako bilang isang naglilingkod.
是誰大呢﹖是坐席的還是服事人的﹖不是坐席的嗎﹖可是我在你們中間卻像是服事人的。
28 Ngunit kayo ang mga nagpatuloy na kasama ko sa aking mga pagsubok.
在我的困難中,與我常常相偕的,就是你們。
29 Ibibigay ko sa inyo ang kaharian, katulad ng aking Ama na nagbigay sa akin ng kaharian,
所以我將王權給你們預備下,正如我父給我預備下了一樣;
30 upang kayo ay kumain at uminom sa aking mesa sa aking kaharian. At uupo kayo sa mga trono na hahatol sa labindalawang lipi ng Israel.
為使你們在我的國裏,一同在我筳席上吃喝,並坐在寶座上,審判以色列十二支派。
31 Simon, Simon, mag-ingat kayo, sapagkat hinihingi kayo ni Satanas upang salain kayo tulad ng trigo.
西滿,西滿,看,撒旦求得了許可,要篩他們樣篩麥子一樣。
32 Ngunit ipinanalangin kita, upang hindi humina ang iyong pananampalataya. At pagkatapos mong muling manumbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid.”
但是我己為你們祈求了,為叫你信德不致喪失,待你回頭以後,要堅固你弟兄。」
33 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.”
伯多祿向祂說:「主,我己經預備同你一起下獄,同去受死。」
34 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, hindi titilaok ang tandang sa araw na ito, bago mo ikaila ng tatlong beses na kilala mo ako.”
耶穌說:「伯多祿,我告訴你:今天雞未叫以前,你要二次說不認識我。」
35 At sinabi ni Jesus sa kanila. “Nang ipinadala ko kayo na walang pitaka, supot ng mga kakailanganin, o sapatos, nagkulang ba kayo ng kahit na ano?” At sumagot sila, “Hindi.”
然後又給他們說:「我以前派遺你們的時候,沒有帶錢囊、口袋及鞋,你們缺少了什麼沒有﹖」他們說:「什麼也沒有缺。」
36 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, siya na may pitaka, kunin niya ito, at maging ang supot ng pagkain. Ang walang espada ay dapat ipagbili niya ang kaniyang balabal at bumili ng isa.
耶穌向他們說:「可是如今,有錢囊的,應當帶著;有口袋的也一樣;沒有劍的,應當賣去自己的外衣,去賣一把。
37 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, kinakailangang matupad ang nasusulat tungkol sa akin, 'At itinuring siyang isa sa mga lumalabag sa batas.' Sapagkat natutupad na ang pahayag tungkol sa akin.”
我告訴你們:「經上所載:『祂被列於叛逆之中』的這句話,必要應驗在我身上,因為那有關我的事,快要終結。」
38 Kaya sinabi nila, “Panginoon, tingnan mo! Narito ang dalawang espada.” At sinabi niya sa kanila, “Tama na iyan.”
他們說:「主,看,這裏有兩把劍。」耶穌給他們說:「夠了! 」
39 Pagkatapos ng hapunan, pumunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo gaya ng madalas niyang ginagawa, at sumunod ang mga alagad sa kaniya.
耶穌出來,照常往橄欖上去,門徒也跟著去了。
40 Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ipanalangin ninyo na hindi kayo matukso.”
到了那地方,耶穌便給他們說:「你們應該祈禱,免得陷於誘感。」
41 Lumayo siya sa kanila sa di-kalayuan, at lumuhod siya at nanalangin,
遂離開他們,約有投石那麼遠,屈膝祈禱,
42 sinasabi, “Ama, kung nais mo, alisin mo sa akin ang tasang ito. Gayunman, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang mangyari.”
說:「父啊! 你如果願意,請給我免去這杯吧! 但不要隨我的意願,惟照你的意願成就吧! 」
43 Pagkatapos, isang anghel mula sa langit ang nagpakita sa kaniya, pinapalakas siya.
有一位天使,從天上顯現給祂,加強祂的力量。
44 Sa matinding paghihirap, nanalangin siya nang lalong taimtim, at ang kaniyang pawis ay naging tulad ng malalaking tulo ng dugo na nahuhulog sa lupa.
祂在極度恐慌中,祈禱越發懇切;祂的汗如同血珠滴在地上。
45 Nang tumayo siya mula sa kaniyang pananalangin, pumunta siya sa kaniyang mga alagad, at nakita niyang natutulog ang mga ito dahil sa kanilang pagdadalamhati,
祂從祈禱中起來,來到們徒那裏,看見他們都因憂悶睡著了,
46 at tinanong sila, “Bakit kayo natutulog?” Bumangon kayo at manalangin, nang hindi kayo pumasok sa tukso.”
就給他們說:「你們怎麼睡覺呢﹖起來祈禱吧! 免得陷於誘感。」
47 Habang siya ay nagsasalita, masdan ito, dumating ang maraming tao, kasama si Judas na isa sa Labindalawa na pinangungunahan sila. Lumapit siya kay Jesus upang siya ay halikan,
耶穌還說話的時候,來了一群人,那十二人之一,洺叫猶達斯的,走在他們前面;他走近了耶穌,要口親祂。
48 ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”
耶穌給他說:「猶達斯,你用口親來負賣人子嗎﹖
49 Nang makita ng mga nakapalibot kay Jesus ang nangyayari, sinabi nila, “Panginoon, lulusob na ba kami gamit ang tabak?”
耶穌左右的人一見要發生的事,就說:「主,我們可以用劍砍嗎﹖」
50 At isa sa kanila ang lumusob sa lingkod ng pinakapunong pari, at tinaga ang kaniyang kanang tainga.
他們中有一個人用劍砍了大司祭的僕人,把他的右耳削了下來。
51 Sinabi ni Jesus, “Tigilan na ninyo ito.” At hinawakan ni Jesus ang kaniyang tainga at pinagaling siya.
耶穌說道:「至此為止。」就摸了摸那人的耳朵,治好了他。
52 Sinabi ni Jesus sa mga punong pari, sa mga kapitan ng templo, at sa mga nakatatanda na dumating laban sa kaniya. “Nagpunta kayo na tila laban sa isang magnanakaw, na may dalang mga espada at mga pamalo?
耶穌對那些來到祂跟前的司祭長,和聖殿警官並長老說:「你們拿著刀劍棍棒出來,好像對付強盜嗎﹖
53 Nang kasama ko kayo araw-araw sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman.”
我天天同你們在聖殿裏的時候,,你們沒有下手拿我;但現在是你們的時候,是黑暗的權勢! 」
54 Dinakip siya, itinaboy siya palayo, at dinala sa bahay ng pinakapunong pari. Ngunit sumunod si Pedro sa di-kalayuan.
他們既拿住耶穌,就帶著解到大司祭的住它。伯多祿遠遠地跟著。
55 Pagkatapos nilang magpaningas ng apoy sa gitna ng patyo at sama-samang umupo, umupo si Pedro sa kanilang kalagitnaan.
他們在庭院中間生了火,一起環坐,伯多祿也坐在他們中間。
56 Nakita siya ng isang utusang babae habang nakaupo sa naiilawan ng apoy, at tinitigan siya nito at sinabi, “Kasama rin siya ng taong iyon.”
有一個使女看見他面對火光坐著,便定睛注視他說:「這個人也是同他一起的。」
57 Ngunit ikinaila ito ni Pedro, at sinabi, “Babae, hindi ko siya kilala.”
伯多祿否認說:「女人,我不認識他。」
58 Pagkaraan ng ilang sandali, nakita uli siya ng iba pang tao, at sinabi, “Isa ka rin sa kanila.” Ngunit sinabi ni Pedro, “Lalaki, hindi.”
過了不久,另一個人看見他說:「你也是他們中的。」伯多祿說:「你這個人,我不是! 」
59 Pagkatapos ng isang oras iginiit ng isa pang lalaki at sinabi, “Totoo na ang lalaking ito ay kasama niya, sapagkat siya ay taga-Galilea.”
約隔一個時辰,又有一個人肯定說:「這個人,確是同他一起的,因為他是加利肋亞人。」
60 Ngunit sinabi ni Pedro, “Lalaki, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At agad-agad, habang nagsasalita pa siya, tumilaok ang tandang.
伯多祿說:「你這個人! 我不慬你說的。」他還說話的時候,雞便叫了。
61 Lumingon ang Panginoon at tumingin kay Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon, nang sabihin niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang sa araw na ito, tatlong ulit mo akong ikakaila.”
主轉過身來,看了看伯多祿,伯多祿就想起主對他說的話來:「今天雞叫以前,你要三次不認我。」
62 Siya ay lumabas, tumangis si Pedro ng labis.
伯多祿一到外面,就慺慘地哭起來了。
63 Pagkatapos ay kinutya at hinampas si Jesus ng mga lalaking nagbabantay sa kaniya.
那些繫押耶穌的人,戲弄祂、打祂;
64 Pagkatapos siyang piringan, tinanong siya at sinabi, “Hulaan mo! Sino ang humampas sa iyo?”
又蒙起祂來,問祂說:「你猜一猜:是誰打你﹖」
65 Nagsalita pa sila ng maraming mga bagay laban kay Jesus, nilalapastangan siya.
他們還說了許多別的侮辱祂的話。
66 Kinaumagahan, nagtipun-tipon ang mga nakatatanda, ang mga punong pari at mga eskriba. Siya ay dinala nila sa Konseho,
天一亮,民間長老及司祭長並經師集合起來,把耶穌帶到他們的公議會裏,說:「
67 sinasabi “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kung sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala,
如果你是默西亞,就告訴我們吧! 」耶穌回答他們說:「即便我告訴你們,他們也不會相信。
68 at kung tanungin ko kayo, hindi kayo sasagot.
如果我問,他們也決不回答。
69 Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos.”
從今以後,人子要坐在大能者天主的右邊。」
70 Sinabi nilang lahat, “Kung gayon ikaw ang Anak ng Diyos?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinabi ninyo na ako nga.”
眾人於是說:「那麼,你就是天主子了﹖」耶穌對他們說:「你們說了,我就是。」
71 Sinabi nila, “Bakit pa natin kailangan ng isang saksi? Sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig.”
他們說:「我們何必還需要證據呢﹖我們親自從他的口中聽見了。」