< Lucas 2 >

1 Ngayon sa mga araw na iyon, nangyari na si Cesar Agustus ay naglabas ng isang batas na nag-uutos na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo.
У ті дні вийшов наказ від Кесаря Августа зробити перепис усього населення.
2 Ito ang unang sensus na ginawa habang si Cirenio ang gobernador ng Syria.
Це був перший перепис за правління Квірінія Сирією.
3 Kaya pumunta ang bawat isa sa kaniyang sariling bayan upang mailista para sa sensus.
І всі пішли записатися, кожний до свого міста.
4 Si Jose ay umalis din mula sa lungsod ng Nazaret sa Galilea at naglakbay papunta sa Betlehem na bayan ng Judea na kilala bilang lungsod ni David, dahil siya ay kaapu-apuhan mula sa pamilya ni David.
Пішов також і Йосиф із Галілеї, з міста Назарета, в Юдею, у місто Давида, що зветься Віфлеєм, бо він походив із дому та роду Давида.
5 Pumunta siya doon upang magpalista kasama si Maria na nakatakdang ikasal sa kaniya at kasalukuyang nagdadalang tao.
Він пішов записатися разом із Марією, своєю нареченою, що була вагітна.
6 At nangyari nang habang sila ay naroroon, dumating ang oras para ipanganak niya ang kaniyang sanggol.
І сталося так, що коли вони були там, настав їй час народити.
7 Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, ang kaniyang panganay na anak, at maayos niya itong binalot ng pirasong tela. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa sabsaban dahil wala nang bakanteng silid para sa kanila sa bahay-panuluyan.
І народила вона Сина, свого Первістка, і сповила Його, і поклала в ясла, бо не було для них місця в гостьовій кімнаті.
8 Sa rehiyon ding iyon, may mga pastol na naninirahan sa parang at nagbabantay sa kanilang mga kawan ng tupa sa gabi.
Були ж у тій місцевості пастухи, які стояли в полі й охороняли вночі свою отару.
9 Biglang lumitaw sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila at lubha silang natakot.
Аж ось ангел Господа з’явився біля них, і слава Господня засіяла навколо, і великий страх охопив їх.
10 Pagkatapos, sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot, sapagkat ako ay may dala sa inyong mabuting balita na magbibigay ng lubos na kagalakan sa lahat ng tao.
І промовив до них ангел: «Не бійтеся! Я приніс вам добру звістку, яка буде великою радістю для всього народу!
11 Ngayong araw, isang tagapagligtas ang ipinanganak para sa inyo sa lungsod ni David! Siya si Cristo ang Panginoon!
Сьогодні в місті Давида народився вам Спаситель – Христос Господь!
12 Ito ang palatandaan na maibibigay sa inyo, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng pirasong tela na nakahiga sa isang sabsaban.”
І ось вам знак: знайдете сповите Немовля, Яке лежатиме в яслах».
13 Kasama ng anghel, biglang may malaking bilang ng hukbong makalangit na nagpupuri sa Diyos, at sinasabi,
І раптом разом з ангелом з’явилося численне небесне військо, яке прославляло Бога, кажучи:
14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan, at nawa ay magkaroon ng kapayapaan dito sa lupa sa mga tao na kaniyang kinalulugdan.”
«Слава Богу на небесах, а на землі мир людям, в яких перебуває Його добра воля!»
15 At nangyari nang umalis ang mga anghel mula sa kanila patungong langit, sinabi ng mga pastol sa bawat isa, “Tayo na pumunta sa Betlehem, at tingnan ang bagay na ito na nangyari na ipinaalam ng Panginoon sa atin”.
Коли ангели повернулися на небо, пастухи почали говорити один одному: «Ходімо до Віфлеєма й побачимо, що там сталося, про що Господь сповістив нас».
16 Sila ay nagmadaling pumunta doon at natagpuan sina Maria at Jose, at nakita ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
І пішли вони швидко [до Віфлеєма] й знайшли Марію, Йосифа й Немовля, покладене в ясла.
17 Pagkatapos nilang makita ito, ipinaalam nila sa mga tao kung ano ang sinabi sa kanila tungkol sa batang ito.
Побачивши їх, вони розповіли все, що їм було сказано про Цю Дитину.
18 Lahat ng nakarinig nito ay namangha sa sinabi sa kanila ng mga pastol.
Усі, хто чув, дивувалися тому, що розповідали пастухи про Нього.
19 Ngunit laging iniisip ni Maria ang lahat ng bagay na kaniyang narinig, iniingatan ang mga ito sa kaniyang puso.
Марія ж зберігала всі ці слова у своєму серці та роздумувала над ними.
20 Bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng kanilang narinig at nakita, tulad ng sinabi sa kanila.
І повернулись пастухи, прославляючи та вихваляючи Бога за все те, що почули й побачили, і за те, що все було так, як їм було сказано.
21 Noong ikawalong araw at siyang panahon para tuliin ang sanggol, pinangalanan nila siyang Jesus, ang pangalan na ibinigay ng anghel bago pa siya ipinagbuntis.
Восьмого дня, коли настав час обрізати [Дитя], назвали Його Ісус – саме так, як оголосив ангел ще до Його зачаття в утробі.
22 Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon.
І коли, за Законом Мойсея, закінчилися дні очищення, принесли Його до Єрусалима, щоб представити перед Господом,
23 Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon.”
як написано в Законі Господа: «Кожен первісток чоловічої статі має бути посвячений Господу».
24 Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato.”
За Законом Господа вони мали також принести жертву: «Дві горлиці або двох молодих голубів».
25 Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya.
Був тоді в Єрусалимі чоловік, на ім’я Симеон. Він був чоловіком праведним та благочестивим, чекав на утіху Ізраїлю, і Дух Святий був на ньому.
26 Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay bago niya makita ang Cristo ng Panginoon.
І було відкрито йому Духом Святим, що він не бачитиме смерті, поки не побачить Христа Господнього.
27 Isang araw, siya ay pumunta sa templo sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Nang dinala ng mga magulang ang bata na si Jesus upang gawin para sa kaniya ang nakaugaliang hinihingi ng kautusan,
[Керований] Духом, він прийшов у Храм, і коли батьки принесли Дитину Ісуса, щоб зробити з Ним за звичаєм Закону,
28 tinanggap siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig, at nagpuri sa Diyos at sinabi,
він узяв Його на руки, благословив Бога та промовив:
29 “Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod nang may kapayapaan, Panginoon, ayon sa iyong salita.
«А зараз, Владико, відпусти раба Твого з миром, за словом Твоїм,
30 Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas
бо побачили очі мої спасіння Твоє,
31 na iyong inihanda sa paningin ng lahat ng tao.
яке Ти приготував перед обличчям усіх народів,
32 Siya ay liwanag para sa paghahayag sa mga Gentil at kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel.”
світло одкровення для язичників і славу народу Твого Ізраїлю».
33 Ang ama at ina ng bata ay namangha sa mga bagay na sinabi tungkol sa kaniya.
Батько та мати [Ісуса] дивувалися сказаному про Нього.
34 Pagkatapos ay pinagpala sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata, “Makinig kang mabuti! Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel at para sa tanda na tututulan.
Симеон же благословив їх та сказав Марії, матері Його: «Ось Цей призначений для падіння й піднесення багатьох в Ізраїлі, Він буде знаком протиріччя,
35 Gayundin, isang espada ang tatagos sa iyong sariling kaluluwa, upang ang mga iniisip ng maraming puso ay maihayag.
так що думки багатьох сердець розкриються. І навіть душу твою пройме меч».
36 Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa,
Була там і пророчиця Анна, дочка Фануїла, з роду Ашера; вона дожила до глибокої старості. Зі своїм чоловіком вона прожила сім років від одруження,
37 at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw.
а потім стала вдовою, їй було вісімдесят чотири роки. Вона не відходила від Храму, постом та молитвою служила вдень і вночі.
38 Sa oras ding iyon, lumapit siya sa kanila at nagsimulang magpasalamat sa Diyos. Siya ay nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
Прийшовши в той час, вона прославляла Бога і всім, хто чекав на визволення Єрусалима, говорила про Нього.
39 Nang matapos nila ang lahat ng dapat nilang gawin na naaayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayan na Nazaret.
І коли виконали все згідно із Законом Господа, повернулися до Галілеї, до свого міста Назарета.
40 Ang bata ay lumaki at naging malakas, lumalawak sa karunungan at ang biyaya ng Diyos ay nasa kaniya.
Дитина ж росла та зміцнювалась, сповнюючись мудрістю, і благодать Божа була на Ній.
41 Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taon-taon para sa Pista ng Paskwa.
Кожного року батьки Ісуса ходили до Єрусалима на свято Пасхи.
42 Nang siya ay labindalawang taong gulang, sila ay muling umakyat para sa nakaugaliang panahon para sa pista.
Коли виповнилося Йому дванадцять років, Він, за звичаєм, пішов разом із ними.
43 Pagkatapos nilang manatili sa buong bilang ng araw para sa pista, nagsimula na silang umuwi. Ngunit ang batang Jesus ay nanatili sa Jerusalem at ito ay hindi alam ng kaniyang mga magulang.
Коли ж закінчилися дні [свята] і всі поверталися додому, Хлопчик Ісус залишився в Єрусалимі, а батьки Його не знали про це.
44 Inakala nila na siya ay nasa pangkat na kasama nilang naglalakbay, kaya sila ay nagpatuloy ng isang araw sa paglalakbay. Pagkatapos ay nagsimula silang hanapin siya sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Вони думали, що Він іде разом з іншими. Пройшовши день дороги, вони почали шукати Його серед родичів та знайомих.
45 Nang siya ay hindi nila matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at sinimulang hanapin siya roon.
І, не знайшовши, повернулися до Єрусалима шукати Його.
46 At nangyari nga na makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila siya sa loob ng templo na nakaupo sa gitna ng mga guro, nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila ng mga katanungan.
Через три дні знайшли Його в Храмі, де Він сидів серед учителів, слухав їх та розпитував.
47 Lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at sa kaniyang mga kasagutan.
Усі, хто Його чув, дивувалися Його розуму та відповідям.
48 Nang siya ay nakita nila, nagulat sila. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, “Anak, bakit mo kami pinakitunguhan ng ganito? Makinig ka, ako at ang iyong ama ay nag-aalala na naghahanap sa iyo.”
Побачивши Його, вони здивувались, і мати промовила до Нього: ―Дитино, чому Ти так вчинив із нами? Ось Твій батько і я з хвилюванням шукали Тебе.
49 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na narito sa bahay ng aking Ama?”
Але Він відповів їм: ―Чому ви шукали Мене? Хіба ви не знали, що Мені треба бути в тому, що належить Моєму Отцю?
50 Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon.
Але вони не зрозуміли слів, які Він їм сказав.
51 Pagkatapos, siya ay sumama sa kanila pabalik sa kanilang tahanan sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na ito sa kaniyang puso.
Після цього вони повернулися до Назарета, і Він слухався їх. Мати Його зберігала всі ці слова у своєму серці.
52 At si Jesus ay patuloy na lumaki sa karunungan at pangangatawan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.
Ісус же зростав мудрістю, ростом і благодаттю у Бога та людей.

< Lucas 2 >