< Lucas 2 >
1 Ngayon sa mga araw na iyon, nangyari na si Cesar Agustus ay naglabas ng isang batas na nag-uutos na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo.
He wode Roome biittan de7iya asay ubbay taybettana melanne sunthay xaafettana mela kawoy Awugisxoosi kiittis.
2 Ito ang unang sensus na ginawa habang si Cirenio ang gobernador ng Syria.
Hessika Qerenoosi Soore biittaa aysiya wode oosettida koyro taybuwa.
3 Kaya pumunta ang bawat isa sa kaniyang sariling bayan upang mailista para sa sensus.
Hessa gisho, issi issi asi ba sunthaa xaafettanaw ba yelettida biittaa bis.
4 Si Jose ay umalis din mula sa lungsod ng Nazaret sa Galilea at naglakbay papunta sa Betlehem na bayan ng Judea na kilala bilang lungsod ni David, dahil siya ay kaapu-apuhan mula sa pamilya ni David.
Yoosefikka Dawite keethaafenne yaraappe gidida gisho, Galiila Naazirete katamaappe denddidi Dawite katama gidida Yihuda Beeteleme bis.
5 Pumunta siya doon upang magpalista kasama si Maria na nakatakdang ikasal sa kaniya at kasalukuyang nagdadalang tao.
Bishe, yelanaw wodey wurida I oychchi wothida, Mayraamira wolla xaafettanaw bis.
6 At nangyari nang habang sila ay naroroon, dumating ang oras para ipanganak niya ang kaniyang sanggol.
Entti yan de7ishin iw yelo wodey gakkis.
7 Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, ang kaniyang panganay na anak, at maayos niya itong binalot ng pirasong tela. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa sabsaban dahil wala nang bakanteng silid para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Ba bayra na7aa yelasu. Curqqara xaaxada imathi aqiyason bessi dhayida gisho daran mehe muziya gonggen zin77isasu.
8 Sa rehiyon ding iyon, may mga pastol na naninirahan sa parang at nagbabantay sa kanilang mga kawan ng tupa sa gabi.
He gadiyan qamma dorssa wudiya naagishe karen aqiya henthanchchoti de7oosona.
9 Biglang lumitaw sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila at lubha silang natakot.
Godaa kiitanchchoy hassayonna yidi entta matan eqqis. Godaa bonchchoy entta yuushuwan poo7is; enttika wolqqaama yashshi yayyidosona.
10 Pagkatapos, sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot, sapagkat ako ay may dala sa inyong mabuting balita na magbibigay ng lubos na kagalakan sa lahat ng tao.
Shin kiitanchchoy, “Yayyofite hekko asaa ubbaas gidiya gita ufayssaa mishirachchuwa ekkada yas.
11 Ngayong araw, isang tagapagligtas ang ipinanganak para sa inyo sa lungsod ni David! Siya si Cristo ang Panginoon!
Hessika, Dawite kataman ashsheyssi hinttew hachchi yelettis. I Godaa Kiristtoosa.
12 Ito ang palatandaan na maibibigay sa inyo, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng pirasong tela na nakahiga sa isang sabsaban.”
Zoqale na7ay curqqara xaaxettidi gonggen zin77idayssa hintte demmana; hessika hinttew malla gido” yaagis.
13 Kasama ng anghel, biglang may malaking bilang ng hukbong makalangit na nagpupuri sa Diyos, at sinasabi,
Qopponna daro salo kiitanchchoti kiitanchchuwura issife qonccidi,
14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan, at nawa ay magkaroon ng kapayapaan dito sa lupa sa mga tao na kaniyang kinalulugdan.”
“Bonchchoy Xoossaas dhoqqa saluwan, saroy biitta bolla Xoossay dosiya asaas gido” yaagidi galatidosona.
15 At nangyari nang umalis ang mga anghel mula sa kanila patungong langit, sinabi ng mga pastol sa bawat isa, “Tayo na pumunta sa Betlehem, at tingnan ang bagay na ito na nangyari na ipinaalam ng Panginoon sa atin”.
Kiitanchchoti enttafe shaakettidi saluwa keyidaappe guye henthanchchoti, “Ane Goday nuus qonccisidabaanne hanidabaa be7anaw Beeteleme boos” yaagidosona.
16 Sila ay nagmadaling pumunta doon at natagpuan sina Maria at Jose, at nakita ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
Enttika ellesidi bidosona. Mayraamo, Yoosefanne zoqale na7aa gonggen zin77idayssa be7idosona.
17 Pagkatapos nilang makita ito, ipinaalam nila sa mga tao kung ano ang sinabi sa kanila tungkol sa batang ito.
Be7i simmidi na7abaa enttaw odettoyssa, qonccisidi he bessan de7iya asaas markkattidosona.
18 Lahat ng nakarinig nito ay namangha sa sinabi sa kanila ng mga pastol.
Hessa si7ida ubbay henthanchchoti odidayssan malaalettidosona.
19 Ngunit laging iniisip ni Maria ang lahat ng bagay na kaniyang narinig, iniingatan ang mga ito sa kaniyang puso.
Mayraama hanidabaa ubbaa ba wozanan qoppashe de7asu.
20 Bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng kanilang narinig at nakita, tulad ng sinabi sa kanila.
Henthanchchoti enttaw odettidayssada hanin be7idosona. Hessa gisho, bantta si7idabaasinne be7idaba ubbaas Xoossaa bonchchishenne galatishe simmidosona.
21 Noong ikawalong araw at siyang panahon para tuliin ang sanggol, pinangalanan nila siyang Jesus, ang pangalan na ibinigay ng anghel bago pa siya ipinagbuntis.
Hosppuntha qamman, qaxxaro wodey gakkin, I qanthatanaappe sinthe kiitanchchoy wothida sunthan Yesuusa geetettis.
22 Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon.
Muse woga mela entta geeshshatetha wodey polettidaappe guye Yoosefaranne Mayraamira yooga na7aa bantta Godaas immanaw Yerusalaame bidosona.
23 Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon.”
Hessika, Godaa wogan, “Adde gidida bayra na7i ubbay Godaas dummattidayssa gido” geetettidi xaafettidayssa polanaassa.
24 Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato.”
Qassi Godaa wogan, nam77u kuraachcho woykko holle yarshshanaw efidosona.
25 Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya.
He wode geeshshinne ammanora mino gidida Simoona geetettiya asi Yerusalaamen de7ees. I Isra7eeleta atotethaa naagishe de7ees. Geeshsha Ayyaanaykka iya bolla de7ees.
26 Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay bago niya makita ang Cristo ng Panginoon.
Qassi Kiristtoosa be7onna hayqqonnayssa Geeshsha Ayyaanay iyaw qonccisin eridi de7ees.
27 Isang araw, siya ay pumunta sa templo sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Nang dinala ng mga magulang ang bata na si Jesus upang gawin para sa kaniya ang nakaugaliang hinihingi ng kautusan,
I he gallas Ayyaanay kaalethin Xoossa Keethi bis. Na7aa aayeranne aawara wogaa polanaw yooga na7aa Yesuusa ekkidi gelida wode,
28 tinanggap siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig, at nagpuri sa Diyos at sinabi,
Simooni mokki ekkidi na7aa idimmidi,
29 “Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod nang may kapayapaan, Panginoon, ayon sa iyong salita.
“Godaw ne taw gelida qaala mela, ha77i ne aylliya saron moyza.
30 Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas
Ta ayfey asaa ubbaa sinthan ne giigisida,
31 na iyong inihanda sa paningin ng lahat ng tao.
ne ashuwa be7is.
32 Siya ay liwanag para sa paghahayag sa mga Gentil at kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel.”
Hessika kawotethata ubbaas, Xoossaa ogiya qonccisiya poo7o, ne asaa Isra7eeleskka bonchcho” yaagidi Xoossaa galatis.
33 Ang ama at ina ng bata ay namangha sa mga bagay na sinabi tungkol sa kaniya.
Yoosefaranne Mayraamira iyaw odettidaban malaalettidosona.
34 Pagkatapos ay pinagpala sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata, “Makinig kang mabuti! Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel at para sa tanda na tututulan.
Simooni entta anjjis. Aaye Mayraamikko, “Hekko daro asaa wozanaa qofay qonccana mela, Isra7eelen de7iya darotas entta kunddethaasinne dendduwas Xoossan doorettis.
35 Gayundin, isang espada ang tatagos sa iyong sariling kaluluwa, upang ang mga iniisip ng maraming puso ay maihayag.
Qassi eqetteyssatas malla gidana. Ne shemppuwarakka qassi mashshi aadhdhana” yaagis.
36 Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa,
Qassi Aseere yaraappe gidida Faanu7ela na7iya Haanna geetettiya nabey de7awusu. Iyakka daro cimasu. Iya ba koyro azinaara laappun laythi de7asu.
37 at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw.
I azinay hayqqin hosppun tammanne oyddu laythi gidana gakkanaw qammanne gallas pacey baynna woosaninne xooman Xoossa Keethan haggaazasu.
38 Sa oras ding iyon, lumapit siya sa kanila at nagsimulang magpasalamat sa Diyos. Siya ay nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
Iya he saatiyan bada Xoossaa galatasu; Yerusalaame wozetethaa naagiya ubbaas yooga na7abaa markkattasu.
39 Nang matapos nila ang lahat ng dapat nilang gawin na naaayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayan na Nazaret.
Yoosefaranne Mayraamira Godaa higgiyan kiitettida woga ubbaa polidaappe guye Galiila biittan de7iya bantta katama Naazirete simmidosona.
40 Ang bata ay lumaki at naging malakas, lumalawak sa karunungan at ang biyaya ng Diyos ay nasa kaniya.
Na7ay diccishenne minnishe bis. Cinccatethan kumis; Xoossaa aadho keehatethay iya bolla de7ees.
41 Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taon-taon para sa Pista ng Paskwa.
Yoosefaranne Mayraamira Faasikka Baale bonchchanaw laythan laythan Yerusalaame boosona.
42 Nang siya ay labindalawang taong gulang, sila ay muling umakyat para sa nakaugaliang panahon para sa pista.
Yesuusas tammanne nam77u laythi gidiya wode kase meezetidayssada baaliya bonchchanaw bidosona.
43 Pagkatapos nilang manatili sa buong bilang ng araw para sa pista, nagsimula na silang umuwi. Ngunit ang batang Jesus ay nanatili sa Jerusalem at ito ay hindi alam ng kaniyang mga magulang.
Baaliya bonchchidaappe guye soo simmiya wode na7ay Yesuusi Yerusalaamen attis. Shin Yoosefaranne Mayraamira I Yerusalaamen attoyssa eribookkona.
44 Inakala nila na siya ay nasa pangkat na kasama nilang naglalakbay, kaya sila ay nagpatuloy ng isang araw sa paglalakbay. Pagkatapos ay nagsimula silang hanapin siya sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
I soo simmiya asaara wolla de7iya daanin entti issi gallasa oge bidosona. I baynnayssa eridaappe guye bantta dabbotanne laggeta matan koyidosona.
45 Nang siya ay hindi nila matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at sinimulang hanapin siya roon.
I yan dhayin koyishe guye Yerusalaame gakkanaw bidosona.
46 At nangyari nga na makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila siya sa loob ng templo na nakaupo sa gitna ng mga guro, nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila ng mga katanungan.
Heedzu gallasappe guye Xoossa Keethan asttamaareta giddon uttidi enttabaa si7ishenne entta oychchishe de7ishin demmidosona.
47 Lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at sa kaniyang mga kasagutan.
Iya si7iya ubbay iya akeekaninne zaaruwan malaalettidosona.
48 Nang siya ay nakita nila, nagulat sila. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, “Anak, bakit mo kami pinakitunguhan ng ganito? Makinig ka, ako at ang iyong ama ay nag-aalala na naghahanap sa iyo.”
Soo asay iya demmida wode malaalettidosona. Iya aayiyakka, “Ta na7aw, ays nuna hayssada oothadii? Ne aawaranne taara nena koyishe un77ettida” yaagasu.
49 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na narito sa bahay ng aking Ama?”
Yesuusi enttako, “Tana ays koyeetii? Ta, ta aawa keethan daanaw besseyssa erekketii” yaagis.
50 Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon.
Shin I enttako gidabaa entti akeekibookkona.
51 Pagkatapos, siya ay sumama sa kanila pabalik sa kanilang tahanan sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na ito sa kaniyang puso.
Hessafe guye, enttara issife Naazirete katama bis. Enttaw kiitettishe de7is. Iya aayiya he ubbaa ba wozanan wothada naagasu.
52 At si Jesus ay patuloy na lumaki sa karunungan at pangangatawan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.
Yesuusi, cinccatethan, geesaninne teematethan Xoossaa sinthaninne asa sinthan diccis.