< Lucas 14 >

1 Nangyari sa isang Araw ng Pamamahinga, nang pumunta si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo upang kumain ng tinapay, na minamanmanan nila si Jesus.
Et factum est cum intraret Jesus in domum cujusdam principis pharisæorum sabbato manducare panem, et ipsi observabant eum.
2 Masdan ito, doon sa kaniyang harapan ay may isang lalaking nagdurusa dahil sa pamamanas.
Et ecce homo quidam hydropicus erat ante illum.
3 Tinanong ni Jesus ang mga dalubhasa sa kautusan ng Judio at ang mga Pariseo, “Naaayon ba sa batas na magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?”
Et respondens Jesus dixit ad legisperitos et pharisæos, dicens: Si licet sabbato curare?
4 Ngunit nanatili silang tahimik. Kaya hinawakan siya ni Jesus, pinagaling siya at pinaalis.
At illi tacuerunt. Ipse vero apprehensum sanavit eum, ac dimisit.
5 Sinabi niya sa kanila, “Sino sa inyo ang may isang lalaking anak o isang baka na kapag mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, ang hindi kaagad mag-aahon sa kaniya?”
Et respondens ad illos dixit: Cujus vestrum asinus, aut bos in puteum cadet, et non continuo extrahet illum die sabbati?
6 Hindi sila nakapagbigay ng sagot sa mga bagay na ito.
Et non poterant ad hæc respondere illi.
7 Nang mapansin ni Jesus kung paano pinili ng mga inanyayahan ang mga upuang pandangal, nagsabi siya ng isang talinghaga, sinasabi sa kanila,
Dicebat autem et ad invitatos parabolam, intendens quomodo primos accubitus eligerent, dicens ad illos:
8 “Kapag inanyayahan ka ng isang tao sa isang kasalan, huwag kang umupo sa mga upuang pandangal dahil maaaring may isang taong naanyayahan na mas pinararangalan kaysa sa iyo.
Cum invitatus fueris ad nuptias, non discumbas in primo loco, ne forte honoratior te sit invitatus ab illo.
9 Kapag dumating ang taong nag-anyaya sa inyong dalawa, sasabihin niya sa iyo, 'Ibigay mo sa taong ito ang iyong upuan,' at sa kahihiyan lilipat ka sa kababababaang dako.
Et veniens is, qui te et illum vocavit, dicat tibi: Da huic locum: et tunc incipias cum rubore novissimum locum tenere.
10 Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, pumunta ka at umupo sa kababababaang dako, upang kung dumating ang taong nag-anyaya sa iyo, maaari niyang sabihin sa iyo, 'Kaibigan, lumipat ka sa mas mataas.' At ikaw ay mapararangalan sa harapan ng lahat ng kasalo mo sa hapag.
Sed cum vocatus fueris, vade, recumbe in novissimo loco: ut, cum venerit qui te invitavit, dicat tibi: Amice, ascende superius. Tunc erit tibi gloria coram simul discumbentibus:
11 Sapagkat ang bawat nagmamataas ay maibababa at siya na nagpapakababa ay maitataas.
quia omnis, qui se exaltat, humiliabitur: et qui se humiliat, exaltabitur.
12 Sinabi rin ni Jesus sa taong nag-anyaya sa kaniya, “Kapag naghanda ka ng pananghalian o hapunan, huwag mong anyayahan ang iyong mga kaibigan, o ang iyong mga kapatid, o ang iyong mga kamag-anak o ang mga mayayaman mong kapit-bahay, sapagkat maaari ka din nilang anyayahan at ikaw ay mababayaran.
Dicebat autem et ei, qui invitaverat: Cum facis prandium, aut cœnam, noli vocare amicos tuos, neque fratres tuos, neque cognatos, neque vicinos divites: ne forte te et ipsi reinvitent, et fiat tibi retributio;
13 Ngunit kapag ikaw ay maghahanda ng salu-salo, anyayahan mo ang mga mahihirap, ang mga lumpo, ang mga pilay, at ang mga bulag,
sed cum facis convivium, voca pauperes, debiles, claudos, et cæcos:
14 at ikaw ay pagpapalain dahil hindi ka nila mababayaran. Sapagkat ikaw ay mababayaran sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”
et beatus eris, quia non habent retribuere tibi: retribuetur enim tibi in resurrectione justorum.
15 Nang marinig ng isa sa mga taong kasalo ni Jesus ang mga bagay na ito, sinabi niya kay Jesus, “Pinagpala siya na kakain ng tinapay sa kaharian ng Diyos!”
Hæc cum audisset quidam de simul discumbentibus, dixit illi: Beatus qui manducabit panem in regno Dei.
16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “May isang taong naghanda ng malaking hapunan at inanyayahan ang marami.
At ipse dixit ei: Homo quidam fecit cœnam magnam, et vocavit multos.
17 Nang maihanda na ang hapunan, inutusan niya ang kaniyang utusan na sabihin sa mga naanyayahan, 'Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.'
Et misit servum suum hora cœnæ dicere invitatis ut venirent, quia jam parata sunt omnia.
18 Silang lahat ay pare-parehong nagsimulang magdahilan. Sabi ng una sa kaniya, 'Bumili ako ng bukid at kinakailangan kong umalis at tingnan ito.' Pakiusap ipagpaumanhin mo ako.'
Et cœperunt simul omnes excusare. Primus dixit ei: Villam emi, et necesse habeo exire, et videre illam: rogo te, habe me excusatum.
19 At sinabi naman ng isa, 'Bumili ako ng limang pares na baka, at pupunta ako upang subukan ang mga ito. Pakiusap ipagpaumanhin mo ako.'
Et alter dixit: Juga boum emi quinque, et eo probare illa: rogo te, habe me excusatum.
20 At sabi naman ng isang lalaki, 'Kakakasal ko pa lamang sa aking asawa, at kaya hindi ako makakadalo.'
Et alius dixit: Uxorem duxi, et ideo non possum venire.
21 Dumating ang utusan at sinabi sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Pagkatapos, nagalit ang panginoon ng bahay at sinabi sa kaniyang utusan, 'Bilisan mo, pumunta ka sa mga kalye at sa mga daanan ng lungsod at dalhin mo dito ang mga mahihirap, ang mga bulag, at ang mga pilay.'
Et reversus servus nuntiavit hæc domino suo. Tunc iratus paterfamilias, dixit servo suo: Exi cito in plateas et vicos civitatis: et pauperes, ac debiles, et cæcos, et claudos introduc huc.
22 Sinabi ng utusan, 'Panginoon, ang iyong iniutos ay nagawa na, ngunit mayroon pa ring silid.'
Et ait servus: Domine, factum est ut imperasti, et adhuc locus est.
23 Sinabi ng panginoon sa utusan, 'Pumunta ka sa mga kalsada at sa mga bakuran at pilitin mo silang pumasok, upang mapuno ang aking bahay.
Et ait dominus servo: Exi in vias, et sæpes: et compelle intrare, ut impleatur domus mea.
24 Sapagkat sinasabi ko sa iyo, wala sa mga taong naunang naanyayahan ang makakatikim ng aking hapunan.'”
Dico autem vobis quod nemo virorum illorum qui vocati sunt, gustabit cœnam meam.
25 Ngayon maraming tao ang sumasama sa kaniya, at bumaling siya at sinabi sa kanila,
Ibant autem turbæ multæ cum eo: et conversus dixit ad illos:
26 “Kung sinuman ang lumapit sa akin at hindi namumuhi sa kaniyang sariling ama, ina, asawa, anak, mga kapatid—oo, at pati ang kaniyang sariling buhay—hindi siya maaaring maging alagad ko.
Si quis venit ad me, et non odit patrem suum, et matrem, et uxorem, et filios, et fratres, et sorores, adhuc autem et animam suam, non potest meus esse discipulus.
27 Ang sinumang hindi magbubuhat ng kaniyang sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
Et qui non bajulat crucem suam, et venit post me, non potest meus esse discipulus.
28 Sapagkat sino sa inyo, ang naghahangad na magtayo ng isang tore, ang hindi muna mauupo at bibilangin ang gastos upang kuwentahin kung nasa kaniya ang mga kailangan niya upang ito ay tapusin?
Quis enim ex vobis volens turrim ædificare, non prius sedens computat sumptus, qui necessarii sunt, si habeat ad perficiendum,
29 Kung hindi, kapag nagtayo siya ng pundasyon at hindi ito natapos, sisimulan siyang kutyain ng lahat ng mga makakakita nito,
ne, posteaquam posuerit fundamentum, et non potuerit perficere, omnes qui vident, incipiant illudere ei,
30 sinasabi, 'Ang taong ito ay nagsimulang magtayo at hindi niya natapos.'
dicentes: Quia hic homo cœpit ædificare, et non potuit consummare?
31 O anong hari, sa kaniyang pagpunta upang sagupain sa digmaan ang isa pang hari, ang hindi muna mauupo at hihingi ng payo kung kaya ba niya kasama ang sampung libong tao na labanan ang isa pang hari na dumarating laban sa kaniya na may kasamang dalawampung libong tao?
Aut quis rex iturus committere bellum adversus alium regem, non sedens prius cogitat, si possit cum decem millibus occurrere ei, qui cum viginti millibus venit ad se?
32 At kung hindi, habang malayo pa ang hukbo na iyon, magpapadala siya ng kinatawan at hihingi ng mga kailangan sa pagkakasundo.
Alioquin adhuc illo longe agente, legationem mittens rogat ea quæ pacis sunt.
33 Kaya, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman sa inyo na hindi magsusuko ng lahat ng nasa kaniya.
Sic ergo omnis ex vobis, qui non renuntiat omnibus quæ possidet, non potest meus esse discipulus.
34 Ang asin ay mabuti, ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano ito magiging maalat muli?
Bonum est sal: si autem sal evanuerit, in quo condietur?
35 Ito ay wala nang pakinabang sa lupa o kahit pa sa tumpok ng dumi. Itinatapon ito. Siya na may tainga upang makarinig, makinig.”
Neque in terram, neque in sterquilinium utile est, sed foras mittetur. Qui habet aures audiendi, audiat.

< Lucas 14 >