< Lucas 12 >

1 Samantala, nang ang libu-libong mga tao ay nagkatipon-tipon, na halos ang bawat isa ay nagkakatapak-tapakan, sinimulan muna niyang sabihin sa kaniyang mga alagad, “Mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo, na ang pagkukunwari.
Între timp, după ce s-a adunat o mulțime de multe mii de oameni, încât se călcau în picioare unii pe alții, a început să spună mai întâi ucenicilor Săi: “Feriți-vă de drojdia fariseilor, care este ipocrizia.
2 Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat, at walang lihim ang hindi malalaman.
Dar nu este nimic ascuns care să nu fie descoperit, nici ascuns care să nu fie cunoscut.
3 Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong.
De aceea, tot ce ați spus în întuneric va fi auzit la lumină. Ceea ce ați spus la ureche în încăperile interioare va fi proclamat pe acoperișurile caselor.
4 Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos iyon, ay wala na silang magagawa.
“Vă spun, prietenii mei, să nu vă temeți de cei ce ucid trupul, și după aceea nu mai au ce să facă.
5 Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya. (Geenna g1067)
Ci vă voi avertiza de cine trebuie să vă temeți. Temeți-vă de cel care, după ce a ucis, are puterea de a arunca în Gheenă. Da, vă spun, temeți-vă de el. (Geenna g1067)
6 Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos.
“Nu se vând cinci vrăbii cu două monede de assaria? Nici una dintre ele nu este uitată de Dumnezeu.
7 Ngunit kahit ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat. Huwag matakot. Higit kayong mas mahalaga kaysa sa maraming maya.
Dar până și firele de păr de pe capul vostru sunt toate numărate. De aceea nu vă temeți. Voi sunteți mai valoroși decât multe vrăbii.
8 Sinasabi ko sa inyo, ang bawat taong kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos,
“Vă spun că pe oricine Mă va mărturisi înaintea oamenilor, Fiul Omului îl va mărturisi și înaintea îngerilor lui Dumnezeu;
9 ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.
iar cine Mă va tăgădui în fața oamenilor, va fi tăgăduit și în fața îngerilor lui Dumnezeu.
10 Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin.
Oricine va rosti un cuvânt împotriva Fiului Omului va fi iertat, dar cei care blasfemiază împotriva Duhului Sfânt nu vor fi iertați.
11 Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin,
Când vă vor aduce în fața sinagogilor, a conducătorilor și a autorităților, nu vă îngrijorați cum sau ce veți răspunde sau ce veți spune;
12 dahil ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.
pentru că Duhul Sfânt vă va învăța în același ceas ce trebuie să spuneți.”
13 At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”,
Unul din mulțime I-a zis: “Învățătorule, spune fratelui meu să împartă cu mine moștenirea.”
14 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?”
Iar el i-a zis: “Omule, cine m-a pus pe mine judecător sau arbitru peste tine?”
15 At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
El le-a zis: “Luați seama! Păstrați-vă departe de lăcomie, căci viața unui om nu constă în abundența lucrurilor pe care le posedă”.
16 Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga, na nagsasabi, “Ang bukid ng isang mayamang tao ay umani ng masagana,
Și le-a spus o pildă, zicând: “Pământul unui om bogat producea din belșug.
17 at nangatwiran sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Ano ang aking gagawin, dahil wala na akong paglagyan ng aking mga ani?'
El se gândea în sinea lui și zicea: “Ce voi face, pentru că nu am loc să-mi depozitez recolta?”
18 Sinabi niya, 'Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at tatayuan ko ng mas malalaki at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at iba pang mga ari-arian.
El a zis: “Iată ce voi face. Îmi voi dărâma hambarele, voi construi altele mai mari și acolo îmi voi depozita tot grâul și toate bunurile mele.
19 Sasabihin ko sa aking kaluluwa, “Kaluluwa, marami kang mga ari-arian na naitago sa maraming taon. Magpahinga ng mabuti, kumain, uminom, at magpakasaya.'”
Voi spune sufletului meu: “Suflete, ai multe bunuri depozitate de mulți ani. Ia-ți liniștea, mănâncă, bea și fii vesel!””'”.
20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, 'Hangal na tao, ang iyong kaluluwa ay kukunin ngayong gabi, at ang mga bagay na iyong inihanda, kanino mapupunta ang mga ito?
Dar Dumnezeu i-a zis: “Nebunule, în seara aceasta ți se cere sufletul tău. Lucrurile pe care le-ai pregătit — ale cui vor fi?”
21 Ganyan ang isang tao na nag-iipon ng kayamanan para sa kaniyang sarili at hindi mayaman para sa Diyos.”
Așa este cel care își strânge comori pentru sine și nu este bogat față de Dumnezeu.”
22 Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabahala tungkol sa inyong buhay—kung ano ang inyong kakainin, o tungkol sa inyong katawan—kung ano ang inyong susuotin.
Și a zis ucenicilor Săi: “De aceea vă spun: Nu vă îngrijorați pentru viața voastră, ce veți mânca, nici pentru trupul vostru, ce veți purta.
23 Sapagkat ang buhay ay mas higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay mas higit kaysa sa mga damit.
Viața este mai mult decât mâncarea, iar trupul este mai mult decât îmbrăcămintea.
24 Isipin ninyo ang mga uwak, hindi sila naghahasik o umaani. Wala silang bodega o kamalig, ngunit sila ay pinapakain ng Diyos. Gaano na lamang kayo kahalaga kaysa sa mga ibon!
Gândiți-vă la corbi: ei nu seamănă, nu seceră, nu au depozit sau hambar, și Dumnezeu îi hrănește. Cât de mult mai valoroși sunteți voi decât păsările!
25 At sino sa inyo ang sa pag-aalala ay makapagdaragdag ng kahit isang kubit sa haba ng kaniyang buhay?
Care dintre voi, fiind neliniștit, poate adăuga un cot la înălțimea sa?
26 Kung gayon na hindi ninyo magawa ang kahit pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababahala sa ibang mga bagay?
Dacă deci nu sunteți în stare să faceți nici măcar cele mai mici lucruri, de ce vă îngrijorați pentru restul?
27 Isipin ninyo ang mga liryo—kung paano sila lumalaki. Sila ay hindi nagtatrabaho o ni nagsusulid man lang. Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagdamit na tulad ng isa sa mga ito.
Gândiți-vă la crini, cum cresc ei. Ei nu se trudesc, nici nu se învârt; totuși vă spun că nici măcar Solomon, în toată slava lui, nu era îmbrăcat ca unul dintre aceștia.
28 Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid, na nananatili ngayon, at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kayo na kaniyang dadamitan, O kayong mga maliit ang pananampalataya!
Dar dacă așa îmbracă Dumnezeu iarba de pe câmp, care astăzi există, iar mâine este aruncată în cuptor, cu cât mai mult vă va îmbrăca pe voi, cei cu puțină credință?
29 Huwag hanapin kung ano ang inyong kakainin, at kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong mabahala.
“Nu căutați ce veți mânca și ce veți bea, și nu vă îngrijorați.
30 Dahil ang mga bagay na ito ang hinahanap ng lahat ng mga bansa sa mundo, at alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito.
Căci neamurile lumii caută toate aceste lucruri, dar Tatăl vostru știe că voi aveți nevoie de ele.
31 Ngunit hanapin ang kaniyang kaharian, at ang lahat ng bagay na ito ay maidadagdag sa inyo.
Ci căutați Împărăția lui Dumnezeu și toate aceste lucruri vi se vor adăuga.
32 Huwag matakot, maliit na kawan, dahil ang inyong Ama ay lubos na nalulugod na ibigay sa inyo ang kaharian.
“Nu vă temeți, turmă mică, căci Tatăl vostru a binevoit să vă dea Împărăția.
33 Ipagbili ang inyong mga ari-arian at ibigay ito sa mahihirap. Gumawa kayo ng inyong mga sariling mga pitaka na hindi nasisira—mga kayamanan sa kalangitan na hindi nawawala, na hindi nilalapitan ng magnanakaw, at hindi sinisira ng tanga.
Vindeți ce aveți și dați daruri celor nevoiași. Făceți-vă poșete care nu îmbătrânesc, o comoară în ceruri care nu se strică, de care nu se apropie niciun hoț și pe care nu o distruge molia.
34 Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.
Căci unde este comoara voastră, acolo va fi și inima voastră.
35 Isuksok ninyo ang inyong mahabang damit sa inyong sinturon, at panatilihing nag-aapoy ang inyong mga ilawan,
“Să vă îmbrăcați la brâu și să vă aprindeți lămpile.
36 at maging katulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang amo na bumalik mula sa kasalan, upang kung siya ay bumalik at kumatok, agad nilang bubuksan ang pinto para sa kaniya.
Să fiți ca niște oameni care pândesc pe stăpânul lor când se întoarce de la nuntă, pentru ca, atunci când vine și bate la ușă, să-i deschidă îndată.
37 Pinagpala ang mga lingkod na iyon, na masusumpungan ng amo na nagbabantay sa kaniyang pagbabalik. Totoo, sinasabi ko sa inyo na isusuksok niya ang mahaba niyang damit sa kaniyang sinturon, pauupuin sila para sa pagkain, at lalapit at pagsisilbihan sila.
Fericiți sunt acei slujitori pe care Domnul îi va găsi veghind când va veni. Mai mult ca sigur vă spun că se va îmbrăca, îi va face să se culce și va veni să le slujească.
38 Kung ang amo ay dadating sa pangalawang pagbantay sa gabi o kahit sa pangatlong pagbantay at nakita silang handa, pinagpala ang mga lingkod na iyon.
Ei vor fi binecuvântați dacă va veni în a doua sau a treia gardă și îi va găsi așa.
39 Dagdag pa nito alamin ninyo ito, na kung alam ng amo ang oras ng pagdating ng magnanakaw, hindi niya hahayaang mapasok ang kaniyang tahanan.
Dar să știți că, dacă stăpânul casei ar fi știut la ce oră va veni hoțul, ar fi vegheat și nu ar fi permis să i se spargă casa.
40 Maging handa din, dahil hindi niyo alam ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao.”
De aceea și voi fiți gata, căci Fiul Omului vine într-un ceas în care nu vă așteptați.”
41 Sinabi ni Pedro, “Panginoon, sa amin mo lamang ba sinasabi ang talinghagang ito o para rin sa lahat?”
Petru I-a zis: “Doamne, ne spui nouă pilda aceasta, sau tuturor?”
42 Sinabi ng Panginoon, “Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon?
Și Domnul a zis: “Cine este administratorul credincios și înțelept, pe care îl va pune stăpânul său peste casa lui, ca să le dea partea lor de mâncare la vremea potrivită?
43 Pinagpala ang lingkod na iyon, na masusumpungan ng kaniyang panginoon na gumagawa niyan sa kaniyang pagdating.
Ferice de acel slujitor pe care stăpânul său îl va găsi făcând așa când va veni.
44 Totoong sinasabi ko sa inyo na siya ay gagawing tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian.
Adevărat vă spun că îl va pune peste tot ce are.
45 Ngunit kung sinasabi ng lingkod na iyon sa kaniyang puso, “Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon,' at sinimulan niyang bugbugin ang mga lalaki at babaeng lingkod, at kakain at iinom, at malalasing,
Dar dacă robul acela zice în inima lui: “Domnul meu întârzie să vină” și începe să bată pe slujitorii și pe slujnice, să mănânce, să bea și să se îmbete,
46 ang panginoon ng lingkod na iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya ay pagpipira-pirasuhin at magtatalaga siya ng lugar para sa kaniya kasama ang mga hindi tapat.
atunci stăpânul robului acela va veni într-o zi în care nu-l așteaptă și într-un ceas pe care nu-l știe, îl va tăia în două și-i va pune partea lui cu cei necredincioși.
47 Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami.
Robul acela care știa voia stăpânului său și nu s-a pregătit și nici nu a făcut ce voia el, va fi bătut cu multe lovituri,
48 Ngunit ang hindi nakakaalam, at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa pagbugbog, ay mabubugbog nang kaunti. Ang lahat ng binigyan ng marami, marami din ang hihingiin sa kaniya, at ang pinagkatiwalaan ng marami, marami ang hihingiin nila sa kaniya.
dar cel care nu știa și a făcut lucruri vrednice de lovituri va fi bătut cu puține lovituri. Cui i s-a dat mult, i se va cere mult; și cui i s-a încredințat mult, i se va cere mai mult.
49 Pumarito ako upang magbaba ng apoy sa mundo, at ninanais ko na ito ay magningas.
“Am venit să arunc foc pe pământ. Aș vrea să fie deja aprins.
50 Ngunit mayroon akong bautismo na kailangang danasin, at labis akong namimighati hanggang sa ito ay matapos!
Dar eu am un botez cu care trebuie să fiu botezat și cât de mult mă chinui până când se va împlini!
51 Iniisip ba ninyo na ako ay naparito upang magdala ng kapayapaan sa mundo? Hindi, sinasabi ko sa inyo, sa halip ay pagkabaha-bahagi.
Credeți că am venit să dau pace pe pământ? Vă spun că nu, ci mai degrabă dezbinare.
52 Dahil mula ngayon may lima sa isang tahanan na magkakabaha-bahagi—tatlong tao laban sa dalawa at dalawang tao laban sa tatlo.
Căci, de acum înainte, într-o casă vor fi cinci dezbinați, trei împotriva a doi și doi împotriva a trei.
53 Sila ay magkakabaha-bahagi, ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama; ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina; ang biyenan na babae laban sa manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenan na babae.
Vor fi dezbinați: tatăl împotriva fiului și fiul împotriva tatălui; mama împotriva fiicei și fiica împotriva mamei sale; soacra împotriva nurorii și nora împotriva soacrei.”
54 Sinasabi din ni Jesus sa napakaraming tao, “Kung nakikita ninyong namumuo ang ulap sa kanluran, agad ninyong sinasabi, 'May ulan na paparating', at gayon ang nangyayari.
Și a zis mulțimilor: “Când vedeți un nor ridicându-se dinspre apus, îndată ziceți: “Vine o ploaie”, și așa se întâmplă.
55 At kung iihip ang hangin sa timog, sinasabi ninyo, 'Magkakaroon ng matinding init,' at ito ay nangyayari.
Când suflă un vânt de sud, voi spuneți: “Va fi o căldură toridă”, și așa se întâmplă.
56 Mga mapagkunwari, alam ninyo kung paano ipakahulugan ang anyo ng mundo at kalangitan, ngunit paanong hindi ninyo alam bigyang-kahulugan ang kasalukuyang panahon?
Voi, ipocriților! Voi știți să interpretați aspectul pământului și al cerului, dar cum se face că nu interpretați acest timp?
57 Bakit hindi ninyo hatulan kung ano ang tama para sa inyong mga sarili?
“De ce nu judecați voi înșivă ce este drept?
58 Sapagkat kung ikaw ay pupunta sa harapan ng hukom kasama ang iyong kaaway, sa daan ay sikapin mong ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa kaniya upang hindi ka niya kaladkarin sa hukom, upang hindi ka dalhin ng hukom sa opisyal at hindi ka ilagay ng opisyal sa bilangguan.
Căci, atunci când mergi cu potrivnicul tău înaintea magistratului, încearcă cu sârguință pe drum să te eliberezi de el, ca nu cumva să nu te târască la judecător, iar judecătorul să te predea ofițerului și acesta să te arunce în închisoare.
59 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalaya mula doon hanggang mabayaran mo ang kahuli-hulihang salapi.”
Îți spun că nu vei ieși nicidecum de acolo până când nu vei plăti până la ultimul bănuț.”

< Lucas 12 >