< Lucas 10 >
1 Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan.
А потом изабра Господ и других седамдесеторицу, и посла их по два и два пред лицем својим у сваки град и у место куда хтеде сам доћи.
2 Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin, ngunit ang manggagawa ay kakaunti. Kaya nga madaliing manalangin sa Panginoon ng ani, upang magpadala siya ng manggagawa sa kaniyang ani.
А рече им: Жетва је дакле велика, а посленика мало; него се молите Господару од жетве да изведе посленике на жетву своју.
3 Humayo kayo sa inyong lakad. Tingnan, Sinusugo ko kayo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo.
Идите; ето ја вас шаљем као јагањце међу вукове.
4 Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, lalagyang panglakbay, ni mga sandalyas, at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
Не носите кесе ни торбе ни обуће, и никога не поздрављајте на путу.
5 Anumang mga bahay na inyong tutuluyan, una ninyong sabihin, 'Magkaroon nawa ng kapayapaan sa bahay na ito.'
У коју год кућу уђете најпре говорите: Мир кући овој.
6 Kung ang isang taong payapa ay naroon, ang inyong kapayapaan ay mapapasakaniya, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa iyo.
И ако дакле буде онде син мира, остаће на њему мир ваш; ако ли не буде, вратиће се к вама.
7 Manatili kayo sa bahay na iyon, kumain at uminom ng anumang ibigay nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.
А у оној кући будите, и једите и пијте шта у њих има; јер је посленик достојан своје плате; не прелазите из куће у кућу.
8 Sa lungsod na inyong tutuluyan, at kayo ay tinanggap, kumain kayo ng anumang ihain sa inyong harapan,
И у који год град дођете и приме вас, једите шта се донесе пред вас.
9 at pagalingin ninyo ang may sakit na naroroon. Sabihin niyo sa kanila, 'Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.'
И исцељујте болеснике који су у њему, и говорите им: Приближи се к вама царство Божије.
10 Ngunit sa anumang mga lungsod na inyong pupuntahan, at hindi nila kayo tinanggap, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin,
И у који год град дођете и не приме вас, изишавши на улице његове реците:
11 'Kahit ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa ay aming pinupunasan laban sa inyo! Ngunit alamin ito, ang kaharian ng Diyos ay malapit na.'
И прах од града вашег који је прионуо за нас отресамо вам; али ово знајте да се приближи к вама царство Божије.
12 Sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, higit na mapagtitiisan ang Sodoma kaysa sa lungsod na iyon.
Кажем вам да ће Содому бити лакше у онај дан неголи граду оном.
13 Aba sa inyo, Corazin! Aba sa inyo Betsaida! Kung ang makapangyarihang mga gawa na nagawa sa inyo ay nagawa sa Tiro at Sidon, matagal na sana silang nagsisi, na nakaupo sa telang magaspang at sa mga abo.
Тешко теби, Хоразине! Тешко теби, Витсаидо! Јер да су у Тиру и у Сидону била чудеса што су била у вама, давно би се у врећи и у пепелу седећи покајали.
14 Ngunit mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa panahon ng paghuhukom kaysa sa inyo.
Али Тиру и Сидону биће лакше на суду него вама.
15 Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades. (Hadēs )
И ти, Капернауме! Који си се до небеса подигао до пакла ћеш пропасти. (Hadēs )
16 Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin, at ang tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.”
Ко вас слуша мене слуша; и ко се вас одриче мене се одриче; а ко се мене одриче, одриче се Оног који је мене послао.
17 Bumalik ang pitumpu na may kagalakan, nagsasabing, “Panginoon, kahit ang mga demonyo ay nagpasakop sa amin sa iyong pangalan.”
Вратише се пак седамдесеторица с радости говорећи: Господе! И ђаволи нам се покоравају у име Твоје.
18 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat.
А Он им рече: Ја видех сотону где спаде с неба као муња.
19 Tingnan, binigyan ko kayo ng kapangyarihan na tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang makapananakit sa inyo sa anumang paraan.
Ево вам дајем власт да стајете на змије и на скорпије и на сваку силу непријатељску, и ништа вам неће наудити.
20 Gayon pa man huwag kayong magalak lamang sa mga ito, na ang mga espiritu ay sumusunod sa inyo, ngunit higit na magalak na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.”
Али се томе не радујте што вам се духови покоравају, него се радујте што су ваша имена написана на небесима.
21 Sa parehong oras na iyon, siya ay nagalak nang lubusan sa Banal na Espiritu, at sinabi, “Pinupuri kita, O Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at nakakaunawa, at ipinahayag ang mga ito sa mga walang muwang, tulad ng mga maliliit na bata. Oo, Ama, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyong paningin.”
У тај час обрадова се Исус у духу и рече: Хвалим Те, Оче, Господе неба и земље, што си ово сакрио од премудрих и разумних, а казао си простима. Да, Оче, јер је тако била воља Твоја.
22 ''Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak, at kanino man na naisin ng Anak na ipahayag siya.”
И окренувши се к ученицима рече: Све је мени предао Отац мој, и нико не зна ко је Син осим Оца, ни ко је Отац осим Сина, и ако Син хоће коме казати.
23 Nang humarap siya sa mga alagad, sinabi niya nang bukod, “Pinagpala ang mga nakakakita sa mga bagay na nakikita ninyo.
И окренувши се к ученицима насамо рече: Благо очима које виде шта ви видите.
24 Sinasabi ko sa inyo, maraming mga propeta at mga hari na hinangad na makita ang mga bagay na inyong nakikita, at hindi nila ito nakita, at marinig ang mga bagay na inyong naririnig, at hindi nila narinig.”
Јер вам кажем да су многи пророци и цареви желели видети шта ви видите, и не видеше; и чути шта ви чујете, и не чуше.
25 Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?” (aiōnios )
И гле, устаде један законик и кушајући Га рече: Учитељу! Шта ћу чинити да добијем живот вечни? (aiōnios )
26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nakasulat sa kautusan? Paano mo ito binabasa?”
А Он му рече: Шта је написано у закону? Како читаш?
27 Sumagot na nagsabi siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
А он одговарајући рече: Љуби Господа Бога свог свим срцем својим, и свом душом својом, и свом снагом својом, и свом мисли својом, и ближњег свог као самог себе.
28 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong sinabi. Gawin mo ito, at mabubuhay ka.”
Рече му пак: Право си одговорио; то чини и бићеш жив.
29 Ngunit ang guro na naghahangad na na bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, “At sino ang aking kapwa?”
А он хтеде да се оправда, па рече Исусу: А ко је ближњи мој?
30 Sumagot na nagsabi si Jesus, “May isang tao na bumaba sa Jerico mula sa Jerusalem. Nahulog siya sa kamay ng mga magnanakaw, na sumamsam sa kaniyang mga ari-arian, at binugbog siya, at iniwan siyang halos patay na.
А Исус одговарајући рече: Један човек силажаше из Јерусалима у Јерихон, па га ухватише хајдуци, који га свукоше и изранише, па отидоше, оставивши га пола мртва.
31 Nagkataon na may isang pari ang bumaba sa daang iyon, at nang siya ay nakita nito, siya ay dumaan sa kabila ng daan.
А изненада силажаше оним путем некакав свештеник, и видевши га прође.
32 Gayon din naman sa isang Levita, nang siya ay dumating sa lugar at nakita siya, ay dumaan sa kabila ng daan.
А тако и Левит кад је био на ономе месту, приступи, и видевши га прође.
33 Ngunit isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya. Nang makita siya, siya ay nahabag.
А Самарјанин некакав пролазећи дође над њега, и видевши га сажали му се;
34 Lumapit siya sa kaniya at binendahan ang kaniyang mga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito. Sinakay siya sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-panuluyan, at inalagaan siya.
И приступивши зави му ране и зали уљем и вином; и посадивши га на своје кљусе доведе у гостионицу, и устаде око њега.
35 Nang sumunod na araw, siya ay kumuha ng dalawang denaryo, at ibinigay sa katiwala ng bahay-panuluyan, at sinabi, 'Alagaan mo siya at anumang magagastos mong labis, sa aking pagbalik, babayaran kita.'
И сутрадан полазећи извади два гроша те даде крчмару, и рече му: Гледај га, и шта више потрошиш ја ћу ти платити кад се вратим.
36 Sino sa tatlong ito, sa tingin mo, ang naging isang kapwa sa kaniya na nahulog sa mga magnanakaw?”
Шта мислиш, дакле, који је од оне тројице био ближњи ономе што су га били ухватили хајдуци?
37 Sinabi ng guro, “Ang nagpakita ng awa sa kaniya.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka at gayon din ang gawin mo.”
А он рече: Онај који се смиловао на њега. А Исус му рече: Иди, и ти чини тако.
38 Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay.
А кад иђаху путем и Он уђе у једно село, а жена нека, по имену Марта, прими Га у своју кућу.
39 Mayroon siyang isang kapatid na nagngangalang Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kaniyang salita.
И у ње беше сестра, по имену Марија, која и седе код ногу Исусових и слушаше беседу Његову.
40 Ngunit si Marta ay sobrang abala sa paghahanda ng pagkain. Lumapit siya kay Jesus, at sinabi, “Panginoon, pababayaan mo ba na iniwan ako ng aking kapatid na mag-isang maglingkod? Kaya sabihin mo sa kaniya na tulungan ako.”
А Марта се беше забунила како ће Га дочекати, и прикучивши се рече: Господе! Зар Ти не мариш што ме сестра моја остави саму да служим? Реци јој, дакле, да ми помогне.
41 Ngunit sumagot ang Panginoon at sinabi sa kaniya, “Marta, Marta, masyado kang abala tungkol sa maraming bagay,
А Исус одговарајући рече јој: Марта! Марта! Бринеш се и трудиш за много,
42 ngunit iisang bagay lamang ang kinakailangan. Pinili ni Maria kung ano ang pinakamabuti, na hindi makukuha mula sa kaniya.”
А само је једно потребно. Али је Марија добри део изабрала, који се неће узети од ње.