< Levitico 9 >

1 Sa ikawalong araw tinawag ni Moises si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki at ang mga nakatatanda ng Israel.
В восьмой день призвал Моисей Аарона и сынов его и старейшин Израилевых
2 Sinabi niya kay Aaron, “Kumuha ka ng isang guya mula sa kawan para sa handog para sa kasalanan, at isang tupang lalaki na walang dungis para sa handog na susunugin, at ialay ang mga ito sa harap Yahweh.
и сказал Аарону: возьми себе из волов тельца в жертву за грех и овна во всесожжение, обоих без порока, и представь пред лице Господне;
3 Dapat makipag-usap ka sa bayan ng Israel at sabihin, 'Kumuha kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang guya at isang tupa, parehong isang taong gulang at walang kapansanan, para sa isang handog na susunugin;
и сынам Израилевым скажи: возьмите козла в жертву за грех, и овна, и тельца, и агнца, однолетних, без порока, во всесожжение,
4 kumuha rin ng isang bakang lalaki at isang tupang lalaki para sa mga handog para sa kapayapaan para ialay sa harapan ni Yahweh, at isang handog na pagkaing butil na hinaluan ng langis, dahil sa araw na ito magpapakita sa inyo si Yahweh.'”
и вола и овна в жертву мирную, чтобы совершить жертвоприношение пред лицем Господним, и приношение хлебное, смешанное с елеем, ибо сегодня Господь явится вам.
5 Kaya dinala nila ang lahat ng iniutos ni Moises sa tolda ng pagpupulong, at lumapit ang buong kapulungan ng Israel at tumayo sa harap ni Yahweh.
И принесли то, что приказал Моисей, пред скинию собрания, и пришло все общество и стало пред лицем Господним.
6 Pagkatapos sinabi ni Moises, “Ito ang iniutos ni Yahweh na inyong gawin, para maihayag sa inyo ang kaniyang kaluwaltian.”
И сказал Моисей: вот что повелел Господь сделать, и явится вам слава Господня.
7 Sinabi ni Moises kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay ang iyong handog para sa kasalanan at handog na susunugin, at gumawa ng kabayaran sa kasalanan para sa iyong sarili at para sa mga tao, at ihandog ang alay para sa mga tao bilang kabayaran ng kasalanan para sa kanila, tulad ng iniutos ni Yahweh.”
И сказал Моисей Аарону: приступи к жертвеннику и соверши жертву твою о грехе и всесожжение твое, и очисти себя и народ, и сделай приношение от народа, и очисти их, как повелел Господь.
8 Kaya lumapit si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili.
И приступил Аарон к жертвеннику и заколол тельца, который за него, в жертву за грех:
9 Dinala ng mga lalaking anak ni Aaron ang dugo sa kaniya, at isinawsaw niya ang kaniyang daliri dito at inilagay ito sa mga sungay ng altar; pagkatapos ibinuhos niya ang dugo sa paanan ng altar.
сыны Аарона поднесли ему кровь, и он омочил перст свой в крови и возложил на роги жертвенника, а остальную кровь вылил к подножию жертвенника,
10 Gayunman, sinunog niya ang taba, ang mga bato, at ang balot ng atay sa ibabaw ng altar bilang isang handog para sa kasalanan, tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises.
а тук и почки и сальник на печени от жертвы за грех сжег на жертвеннике, как повелел Господь Моисею;
11 At sinunog niya ang laman at ang balat sa labas ng kampo.
мясо же и кожу сжег на огне вне стана.
12 Pinatay ni Aaron ang handog na susunugin, at ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga anak na lalaki ang dugo, na kaniyang iwinisik sa bawat gilid ng altar.
И заколол всесожжение, и сыны Аарона поднесли ему кровь; он покропил ею на жертвенник со всех сторон;
13 Pagkatapos ibinigay nila sa kaniya ang handog na susunugin, piraso bawat piraso, kasama ang ulo, at sinunog niya ang mga ito sa ibabaw ng altar.
и принесли ему всесожжение в кусках и голову, и он сжег на жертвеннике,
14 Hinugasan niya ang mga panloob na bahagi at ang mga binti at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng handog na susunugin sa altar.
а внутренности и ноги омыл и сжег со всесожжением на жертвеннике.
15 Idinulog ni Aaron ang alay ng mga tao-isang kambing, pagkatapos kinuha ito bilang alay para sa kanilang kasalanan at pinatay ito; inialay niya ito para sa kasalanan, gaya ng kaniyang ginawa sa unang kambing.
И принес приношение от народа, и взял от народа козла за грех, и заколол его, и принес его в жертву за грех, как и прежнего.
16 Idinulog niya ang handog na susunugin at inihandog ito ayon sa iniutos ni Yahweh.
И принес всесожжение и совершил его по уставу.
17 Idinulog niya ang handog na pagkaing butil; pinuno niya ang kaniyang kamay nito at sinunog ito sa ibabaw ng altar, kasama ang pang-umagang handog na susunugin.
И принес приношение хлебное, и наполнил им руки свои, и сжег на жертвеннике сверх утреннего всесожжения.
18 Pinatay niya rin ang kapong baka at ang tupang lalaki, ang alay bilang handog para sa kapayapaan, na para sa mga tao. Ibinigay ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo sa kaniya, na iwinisik niya sa bawat gilid ng altar.
И заколол вола и овна, которые от народа, в жертву мирную; и сыны Аарона поднесли ему кровь, и он покропил ею на жертвенник со всех сторон;
19 Gayunman, ang taba ng toro at ang tupang lalaki, ang taba ng buntot, ang taba na nakabalot sa mga laman loob, ang mga bato, at ang balot sa atay—
поднесли и тук из вола, и из овна курдюк, и тук покрывающий внутренности, почки и сальник на печени,
20 inilagay nila ang mga ito sa mga dibdib, at pagkatapos sinunog ni Aaron ang taba sa altar.
и положили тук на грудь, и он сжег тук на жертвеннике;
21 Itinaas ni Aaron ang mga dibdib at ang kanang hita bilang isang handog sa harapan ni Yahweh at idinulog ang mga ito sa kaniya, tulad ng iniutos ni Moises.
грудь же и правое плечо принес Аарон, потрясая пред лицем Господним, как повелел Моисей.
22 Pagkatapos itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa mga tao at pinagpala sila; pagkatapos bumaba siya mula sa paghahandog ng handog para sa kasalanan, ang handog na susunugin, at ang handog para sa kapayapaan.
И поднял Аарон руки свои, обратившись к народу, и благословил его, и сошел, совершив жертву за грех, всесожжение и жертву мирную.
23 Pumasok sina Moises at Aaron sa loob ng tolda ng pagpupulong, pagkatapos lumabas ulit at pinagpala ang mga tao, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa lahat ng mga tao.
И вошли Моисей и Аарон в скинию собрания, и вышли, и благословили народ. И явилась слава Господня всему народу:
24 Lumabas ang apoy mula kay Yahweh at tinupok ang handog na susunugin at ang taba sa altar. Nang makita ito ng lahat ng mga tao, sumigaw sila at nagpatirapa.
и вышел огонь от Господа и сжег на жертвеннике всесожжение и тук; и видел весь народ, и воскликнул от радости, и пал на лице свое.

< Levitico 9 >