< Levitico 8 >
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
Ja Herra puhui Moosekselle sanoen:
2 “Isama mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, ang mga kasuotan at ang langis na pampahid, ang toro para sa mga paghahandog sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa.
"Ota Aaron ja hänen poikansa ynnä heidän vaatteensa ja voiteluöljy sekä syntiuhrimullikka ja ne kaksi oinasta ja kori, jossa happamattomat leivät ovat,
3 Tipunin ang lahat ng kapulungan sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.”
ja kokoa kaikki seurakunta ilmestysmajan oven eteen".
4 Kaya ginawa ni Moises ang ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya, at sama-samang dumating ang kapulungan sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
Ja Mooses teki, niinkuin Herra oli häntä käskenyt, ja seurakunta kokoontui ilmestysmajan oven eteen.
5 Pagkatapos sinabi ni Moises sa kapulungan, “Ito ang ipinag-utos ni Yahweh na dapat gawin.”
Ja Mooses sanoi seurakunnalle: "Näin on Herra käskenyt tehdä".
6 Dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at hinugasan sila ng tubig.
Ja Mooses toi Aaronin ja hänen poikansa esille ja pesi heidät vedellä.
7 Inilagay niya kay Aaron ang tunika at itinali ang kabitan sa palibot sa kaniyang baywang, binihisan siya ng kasuotan at inilagay ang efod sa kaniya, at pagkatapos itinali niya ang efod sa palibot niya kasama ng kabitan na hinabi nang pino at itinali ito sa kaniya.
Sitten hän pani hänen yllensä ihokkaan ja vyötti hänet vyöllä ja puki hänet viittaan ja pani kasukan hänen päälleen ja vyötti hänet kasukan vyöllä ja sitoi sen hänen ympärilleen
8 Inilagay niya ang baluti sa kaniya, at sa baluti inilagay niya ang Urim at Tummim.
ja asetti hänen rintaansa rintakilven ja pani kilpeen uurimin ja tummimin
9 Inilapat niya ang turbante sa ibabaw ng kaniyang ulo, at sa ibabaw ng turbante, sa harapan, inilagay niya ang gintong plato, ang banal na korona, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
ja pani käärelakin hänen päähänsä ja pani käärelakkiin, sen etupuolelle, kultaisen otsakoristeen, pyhän otsalehden, niinkuin Herra oli Moosesta käskenyt.
10 Kinuha ni Moises ang pampahid na langis, pinahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay sa loob nito, at inihandog ang mga ito kay Yahweh.
Ja Mooses otti voiteluöljyn ja voiteli asumuksen ja kaikki, mitä siinä oli, ja pyhitti ne;
11 Winisikan niya ng langis ang ibabaw ng altar ng pitong ulit, at pinahiran ang altar at ang lahat nitong kagamitan, at ang panghugas na palanggana at ang patungan nito, para ihandog ang mga ito kay Yahweh.
ja hän pirskoitti sitä seitsemän kertaa alttarille ja voiteli alttarin kaikkine kaluineen ynnä altaan jalustoineen pyhittääkseen ne.
12 Binuhusan niya ng kaunting pampahid na langis ang ulo ni Aaron at pinahiran siya para ihandog siya kay Yahweh.
Ja hän vuodatti voiteluöljyä Aaronin päähän ja voiteli hänet pyhittääkseen hänet.
13 Dinala ni Moises ang mga anak na lalaki ni Aaron at binihisan sila ng mga tunika; itinali niya ang mga kabitan sa palibot ng kanilang mga baywang at ibinalot ng lino na damit sa palibot ng kanilang mga ulo, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
Ja Mooses toi esille Aaronin pojat ja puki heidän yllensä ihokkaat ja vyötti heidät vyöllä ja sitoi päähineet heidän päähänsä, niinkuin Herra oli Moosesta käskenyt.
14 Dinala ni Moises ang torong handog para sa kasalanan, at si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro na kanilang dinala para ihandog para sa kasalanan.
Ja hän toi esille syntiuhrimullikan, ja Aaron ja hänen poikansa laskivat kätensä syntiuhrimullikan pään päälle.
15 Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.
Sitten Mooses teurasti sen ja otti sen verta ja siveli sitä sormellansa alttarin sarviin yltympäri ja puhdisti alttarin; ja muun veren hän vuodatti alttarin juurelle ja pyhitti sen toimittamalla sen sovituksen.
16 Kinuha niya ang lahat ng taba sa laman-loob, ang bumabalot sa atay, at ang dalawang bato at ang kanilang taba, at sinunog ni Moises ang lahat ng ito sa ibabaw ng altar.
Ja Mooses otti kaiken sisälmysten päällä olevan rasvan ja maksanlisäkkeen ja molemmat munuaiset rasvoineen ja poltti ne alttarilla.
17 Pero ang toro, balat nito, karne nito, at dumi nito ay sinunog niya sa labas ng kampo, gaya ng iniutos ni Yahweh sa kaniya.
Mutta mullikan nahkoinensa, lihoinensa ja rapoinensa hän poltti tulessa leirin ulkopuolella, niinkuin Herra oli Moosesta käskenyt.
18 Inalay ni Moises ang lalaking tupa para sa handog na susunugin, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng lalaking tupa.
Ja hän toi esille polttouhrioinaan, ja Aaron ja hänen poikansa laskivat kätensä oinaan pään päälle.
19 Pinatay niya ito at isinaboy ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
Ja Mooses teurasti sen ja vihmoi veren alttarille ympärinsä
20 Hiniwa niya ang lalaking tupa nang pira-piraso at sinunog ang ulo at ang mga piraso at ang taba.
ja leikkeli oinaan määräkappaleiksi; sitten Mooses poltti pään ynnä kappaleet ja rasvan.
21 Hinugasan niya ang laman loob at ang mga binti sa pamamagitan ng tubig, at kaniyang sinunog ang isang buong lalaking tupa sa ibabaw ng altar. Ito ay isang handog na susunugin at naglalabas ng mabangong halimuyak, isang paghahandog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh inutos ni Yahweh kay Moises.
Mutta sisälmykset ja jalat hän pesi vedessä; ja niin Mooses poltti koko oinaan alttarilla. Se oli polttouhri suloiseksi tuoksuksi, uhri Herralle, niinkuin Herra oli Moosekselle käskyn antanut.
22 Pagkatapos iniharap ni Moises ang ibang tupa, ang tupang lalaki ng pagtatalaga, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng ulo ng lalaking tupa.
Ja hän toi esille toisen oinaan, vihkiäisoinaan, ja Aaron ja hänen poikansa laskivat kätensä oinaan pään päälle.
23 Pinatay ito ni Aaron at kumuha si Moises ng kaunting dugo nito at inilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, sa hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa hinlalaki ng kaniyang kanang paa.
Ja Mooses teurasti sen ja otti sen verta ja siveli sitä Aaronin oikean korvan lehteen ja oikean käden peukaloon ja oikean jalan isoonvarpaaseen.
24 Dinala niya ang mga anak na lalaki ni Aaron, at inilagay niya ang kaunting dugo sa ibabaw ng dulo ng kanilang kanang tainga, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isinaboy ni Moises ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
Ja Mooses toi Aaronin pojat esille ja siveli verta heidän oikean korvansa lehteen ja oikean kätensä peukaloon ja heidän oikean jalkansa isoonvarpaaseen, mutta vihmoi muun veren alttarille ympärinsä.
25 Kinuha niya ang taba, ang taba ng buntot, ang lahat ng taba sa mga laman-loob, ang bumabalot sa atay at ang dalawang bato at ang kanang hita.
Ja hän otti rasvan ja rasvahännän ja kaiken sisälmysten päällä olevan rasvan ja maksanlisäkkeen ja molemmat munuaiset rasvoineen ja oikean reiden.
26 Mula sa basket ng tinapay na walang na walang pampaalsa at isang nilangisan na tinapay at isang barkilyos, at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng taba at sa kanang hita.
Sitten hän otti happamattomien leipien korista, joka oli Herran edessä, yhden happamattoman kakun ja yhden öljyyn leivotun kakun ja yhden ohukaisen ja pani ne rasvojen ja oikean reiden päälle
27 Inilagay niya ang lahat ng ito sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki, itinaas ang mga ito bilang isang paghahandog sa harapan ni Yahweh.
ja pani kaikki nämä Aaronin käsiin ja hänen poikiensa käsiin, ja toimitutti niiden heilutuksen Herran edessä.
28 Kaya kinuha ni Moises ang mga ito mula sa kanilang mga kamay at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng altar para sa mga handog na susunugin. Ang mga ito'y isang handog ng pagtatalaga at naglabas ng mabangong halimuyak. Ito ay isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh.
Sitten Mooses otti ne heidän käsistänsä ja poltti ne alttarilla polttouhrin päällä; tämä oli vihkiäisuhri suloiseksi tuoksuksi, uhri Herralle.
29 Kinuha si Moises ang dibdib at itinaas ito bilang isang handog kay Yahweh. Ito ang bahagi ni Moises sa tupang lalaki para sa pantalaga sa pari, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
Ja Mooses otti rintalihan ja toimitti sen heilutuksen Herran edessä; vihkiäisoinaasta tuli tämä Mooseksen osaksi, niinkuin Herra oli Moosekselle käskyn antanut.
30 Kumuha si Moises ng kaunting pampahid na langis at dugo na nasa ibabaw ng altar; iwinisik niya ang mga ito kay Aaron, sa kaniyang mga damit, sa kaniyang mga anak na lalaki, at sa mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki. Sa ganitong paraan inihandog niya si Aaron at ang kaniyang mga damit, at kaniyang mga anak na lalaki at ang kanilang mga damit kay Yahweh.
Ja Mooses otti voiteluöljyä ja verta, jota oli alttarilla, ja pirskoitti sitä Aaronin ja hänen vaatteidensa päälle ja samoin hänen poikiensa ja heidän vaatteidensa päälle ja pyhitti niin Aaronin ja hänen vaatteensa ynnä hänen poikansa ja heidän vaatteensa.
31 Kaya sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, “Pakuluan ninyo ang karne sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at doon kainin ito at ang tinapay na nasa basket ng pagtatalaga, ayon sa aking ipinag-utos, na nagsasabing, 'Sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kakain nito.
Ja Mooses sanoi Aaronille ja hänen pojillensa: "Keittäkää liha ilmestysmajan ovella ja syökää se siinä ynnä leipä, joka on vihkiäisuhriin kuuluvassa korissa, niinkuin minä olen käskenyt ja sanonut: Aaron poikinensa syököön sen.
32 Kung anuman ang matitira sa karne at sa tinapay dapat mo itong sunugin.
Mutta mitä jää tähteeksi lihasta ja leivästä, se polttakaa tulessa.
33 At hindidapat kayo lumabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa loob ng pitong araw, hanggang sa matapos ninyo ang mga araw ng inyong pagtatalaga. Dahil itatalaga kayo ni Yahweh sa loob ng pitong araw.
Seitsemään päivään älkää lähtekö ilmestysmajan ovelta, älkää ennenkuin teidän vihkimispäivänne ovat kuluneet umpeen, sillä seitsemän päivää kestää teidän vihkimisenne.
34 Kung anuman ang nagawa sa araw na ito -Si Yahweh ang nag-utos na gawin para pantubos para sa inyo.
Niinkuin on tehty tänä päivänä, niin on Herra käskenyt vastakin tehdä toimittaakseen teille sovituksen.
35 Mananatili kayo araw at gabi sa pasukan ng tolda ng pagtitipon sa loob ng pitong araw at susundin ang utos ni Yahweh, para hindi kayo mamatay, dahil ito ang ipinag-utos sa akin.
Ja olkaa seitsemän päivää ilmestysmajan ovella, päivät ja yöt, ja toimittakaa Herran palvelustehtävät, ettette kuolisi; sillä niin on minulle käsky annettu."
36 Kaya sinunod ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng mga bagay na ipinag-utos ni Yahweh sa kanila sa pamamagitan ni Moises.
Ja Aaron ja hänen poikansa tekivät kaiken, mitä Herra oli Mooseksen kautta käskenyt.