< Levitico 3 >

1 Kung mag-alay ang isang tao ng isang handog para sa pagtitipon-tipon ng isang hayop mula sa grupo ng mga hayop, maging lalaki o babae, dapat siyang mag-alay ng isang hayop na walang kapintasan sa harapan ni Yahweh.
Y si su ofrenda fuere sacrificio de paces; si hubiere de ofrecer el sacrificio de vacas, macho, o hembra, sin tacha lo ofrecerá delante de Jehová.
2 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang handog at papatayin ito sa pintuan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak ni Aaron na lalaki na mga pari ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Y pondrá su mano sobre la cabeza de su ofrenda, y degollarla ha a la puerta del tabernáculo del testimonio, y los sacerdotes, hijos de Aarón, esparcirán su sangre sobre el altar al derredor.
3 Iaalay ng lalaki ang handog kay Yahweh na isang alay para sa pagtitipon-tipon sa pamamagitan ng apoy. Ang tabang bumabalot o nakadikit sa lamang-loob,
Luego ofrecerá del sacrificio de las paces por ofrenda encendida a Jehová el sebo que cubre los intestinos, y todo el sebo que está sobre los intestinos,
4 at ang dalawang bato at ang tabang nasa mga puson, at ang taba ng atay, kasama ang mga bato—aalisin niya ang lahat ng ito.
Y los dos riñones, y el sebo que está sobre ellos, y sobre los ijares, y quitará el redaño que está sobre el hígado con los riñones.
5 Susunugin iyon ng mga anak ni Aaron na lalaki sa ibabaw ng altar kasama ang handog na susunugin, na naroon sa kahoy na nasa apoy. Magbibigay ito ng mabangong samyo para kay Yahweh; magiging handog ito na gawa para sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Y los hijos de Aarón harán de ello perfume sobre el altar con el holocausto que estará sobre la leña que está encima del fuego: y esto será ofrenda de olor de holganza a Jehová.
6 Kapag ang alay na handog ng lalaki sa isang pagtitipon-tipon para kay Yahweh ay mula sa kawan; lalaki o babae, dapat siyang maghandog ng isang alay na walang kapintasan.
Mas si de ovejas fuere su ofrenda para sacrificio de paces a Jehová, macho o hembra, sin tacha lo ofrecerá.
7 Kapag maghandog siya ng isang tupa para sa kaniyang alay, pagkatapos dapat niyang ihandog ito sa harapan ni Yahweh.
Si ofreciere cordero por su ofrenda, ofrecerlo ha delante de Jehová.
8 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang alay at papatayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Y pondrá su mano sobre la cabeza de su ofrenda, y después la degollará delante del tabernáculo del testimonio: y los hijos de Aarón esparcirán su sangre sobre el altar al derredor.
9 Maghahandog ang lalaki ng alay ng mga handog para sa pagtitipon-tipon bilang isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh. Aalisin ang taba, ang buong taba ng buntot hanggang sa gulugod, at ang tabang bumabalot sa lamang-loob at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob,
Y del sacrificio de las paces ofrecerá por ofrenda encendida a Jehová su sebo, y la cola entera, la cual quitará de delante el espinazo, y el sebo que cubre los intestinos, y todo el sebo que está sobre ellos.
10 at ang dalawang bato at ang tabang nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay, kasama ang mga bato— aalisin niya ang lahat ng ito.
Asimismo los dos riñones, y el sebo que está sobre ellos, y el que está sobre los ijares, y quitará el redaño de sobre el hígado con los riñones.
11 At susunugin ng pari ang lahat ng ito sa altar bilang isang pagkaing handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
Y el sacerdote hará de ello perfume sobre el altar; y esto será vianda de ofrenda encendida a Jehová.
12 At kung ang handog ng lalaki ay isang kambing, kung gayon ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh.
Mas si cabra fuere su ofrenda, ofrecerla ha delante de Jehová.
13 Dapat niyang ipatong ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at patayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Y pondrá su mano sobre la cabeza de ella, y degollarla ha delante del tabernáculo del testimonio, y los hijos de Aarón esparcirán su sangre sobre el altar en derredor.
14 Ihahandog ng lalaki ang kaniyang alay kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Aalisin niya ang tabang bumabalot sa lamang-loob, at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob.
Después ofrecerá de ella su ofrenda, por ofrenda encendida a Jehová, el sebo que cubre los intestinos, y todo el sebo que está sobre ellos,
15 Aalisin niya rin ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay kasama ang mga bato.
Y los dos riñones, y el sebo que está sobre ellos, y el que está sobre los ijares, y quitará el redaño de sobre el hígado con los riñones.
16 Susunugin ng pari ang lahat ng iyon bilang isang pagkaing handog na gawa sa pamamagitan ng apoy, para magbigay ng isang mabangong samyo. Pag-aari ni Yahweh ang lahat ng taba.
Y el sacerdote hará perfume de ello sobre el altar: y esto será vianda de ofrenda encendida de olor de holganza a Jehová. Todo el sebo es de Jehová.
17 Magiging isang permanenteng batas ito sa lahat ng mga salinlahi ng inyong bayan sa bawat lugar na gagawan ninyo ng inyong bahay, na dapat hindi kayo kakain ng taba o dugo.”'
Estatuto perpetuo por vuestras edades en todas vuestras habitaciones: Ningún sebo, ni ninguna sangre comeréis.

< Levitico 3 >