< Levitico 26 >
1 “Dapat huwag kayong gumawa ng mga rebulto, ni hindi kayo magtatayo ng mga nililok na mga larawan o isang sagradong batong haligi at dapat huwag kayong maglagay sa inyong lupain ng anumang hinulma na imaheng bato na inyong yuyukudan, sapagkat ako si Yahweh na inyong Dios.
Ego Dominus Deus vester: Non facietis vobis idolum et sculptile, nec titulos erigetis, nec insignem lapidem ponetis in terra vestra, ut adoretis eum. eo enim sum Dominus Deus vester.
2 Dapat ninyong isagawa ang aking mga Araw ng Pamamahinga at parangalan ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.
Custodite sabbata mea, et pavete ad Sanctuarium meum. ego Dominus.
3 Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
Si in præceptis meis ambulaveritis, et mandata mea custodieritis, et feceritis ea, dabo vobis pluvias temporibus suis,
4 Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
et terra gignet germen suum, et pomis arbores replebuntur.
5 Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;
Apprehendet messium tritura vindemiam, et vindemia occupabit sementem: et comedetis panem vestrum in saturitate, et absque pavore habitabitis in terra vestra.
6 Magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain; hihiga kayo ng walang kahit na anong kinatatakutan. Aalisin ko ang mga mababangis na hayop mula sa lupain at hindi dadaan ang espada sa inyong lupain.
Dabo pacem in finibus vestris: dormietis, et non erit qui exterreat. Auferam malas bestias: et gladius non transibit terminos vestros.
7 Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at babagsak sila sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
Persequemini inimicos vestros, et corruent coram vobis.
8 Hahabulin ng lima sa inyo ang isang daan at hahabulin ng isang daan sa inyo ang sampung libo; babagsak ang inyong mga kaaway sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
persequentur quinque de vestris centum alienos, et centum de vobis decem millia: cadent inimici vestri gladio in conspectu vestro.
9 Titingnan ko kayo ng may pagkampi at gagawin ko kayong mabunga at pararamihin kayo; Itatatag ko ang aking tipan sa inyo.
Respiciam vos, et crescere faciam: multiplicabimini, et firmabo pactum meum vobiscum.
10 Kakain kayo ng pagkaing inimbak ng mahabang panahon. Kakailanganin ninyong ilabas ang inyong inimbak na pagkain dahil kakailanganin ninyo ng lugar para sa bagong ani.
Comedetis vetustissima veterum, et vetera novis supervenientibus proiicietis.
11 Ilalagay ko ang aking tabernakulo sa inyo at hindi ko kayo itatakwil.
Ponam tabernaculum meum in medio vestri, et non abiiciet vos anima mea.
12 Maglalakad ako kasama ninyo, magiging Diyos ninyo at magiging bayan ko kayo.
Ambulabo inter vos, et ero Deus vester, vosque eritis populus meus.
13 Ako si Yahweh na inyong Dios na nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto, nang sa ganoon hindi na nila kayo magiging mga alipin. Winasak ko ang mga rehas ng inyong yugo at pinalakad kayo ng matuwid.
Ego Dominus Deus vester: qui eduxi vos de Terra Ægyptiorum, ne serviretis eis, et qui confregi catenas cervicum vestrarum, ut incederetis erecti.
14 Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi sumunod sa lahat ng mga utos na ito,
Quod si non audieritis me, nec feceritis omnia mandata mea,
15 at kung tatanggihan ninyo ang aking mga kautusan at kung kamumuhian ang aking mga batas, na hindi ninyo susundin ang lahat ng aking mga utos, pero susuwayin ko ang tipan—
si spreveritis leges meas, et iudicia mea contempseritis, ut non faciatis ea quæ a me constituta sunt, et ad irritum perducatis pactum meum:
16 —kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
ego quoque hæc faciam vobis: Visitabo vos velociter in egestate, et ardore, qui conficiat oculos vestros, et consumat animas vestras. Frustra seretis sementem, quæ ab hostibus devorabitur.
17 Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
Ponam faciem meam contra vos, et corruetis coram hostibus vestris, et subiiciemini his qui oderunt vos. fugietis, nemine persequente.
18 Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
Sin autem nec sic obedieritis mihi, addam correptiones vestras septuplum propter peccata vestra,
19 Babaliin ko ang inyong pinagmamalaking kapangyarihan. Gagawin ko ang langit sa inyong itaas na parang bakal at ang inyong lupain na parang tanso.
et conteram superbiam duritiæ vestræ. Daboque vobis cælum desuper sicut ferrum, et terram æneam.
20 Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
Consumetur incassum labor vester, non proferet terra germen, nec arbores poma præbebunt.
21 Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Si ambulaveritis ex adverso mihi, nec volueritis audire me, addam plagas vestras in septuplum propter peccata vestra:
22 Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
immittamque in vos bestias agri, quæ consumant vos, et pecora vestra, et ad paucitatem cuncta redigant, desertæque fiant viæ vestræ.
23 Kung sa lahat ng ito, hindi niyo pa rin tinatanggap ang aking pagtuturo, sa halip nagpatuloy na lumakad laban sa akin,
Quod si nec sic volueritis recipere disciplinam, sed ambulaveritis ex adverso mihi:
24 Pagkatapos lalakad din ako laban sa inyo. Ako mismo ang magpapatama sa inyo ng pitong beses na palo para sa inyong mga kasalanan.
ego quoque contra vos adversus incedam, et percutiam vos septies propter peccata vestra.
25 Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
inducamque super vos gladium ultorem fœderis mei. Cumque confugeritis in urbes, mittam pestilentiam in medio vestri, et trademini in manibus hostium,
26 Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
postquam confregero baculum panis vestri: ita ut decem mulieres in uno clibano coquant panes, et reddant eos ad pondus: et comedetis, et non saturabimini.
27 Kung hindi kayo makikinig sa akin kahit pa na may mga ganitong bagay, at sa halip patuloy na lumakad laban sa akin,
Sin autem nec per hæc audieritis me, sed ambulaveritis contra me:
28 ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
et ego incedam adversus vos in furore contrario, et corripiam vos septem plagis propter peccata vestra,
29 Kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalaki; kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.
ita ut comedatis carnes filiorum vestrorum et filiarum vestrarum.
30 Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
destruam excelsa vestra, et simulacra confringam. Cadetis inter ruinas idolorum vestrorum, et abominabitur vos anima mea,
31 Gagawin kong sira-sirang lugar ang inyong mga lungsod at sisirain ang inyong mga santuwaryo. Hindi ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
in tantum ut urbes vestras redigam in solitudinem, et deserta faciam Sanctuaria vestra, nec recipiam ultra odorem suavissimum.
32 Sisirain ko ang lupain. Sobrang mabibigla ang inyong mga kaaway na naninirahan doon sa pagkakasira.
Disperdamque terram vestram, et stupebunt super ea inimici vestri, cum habitatores illius fuerint.
33 Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
Vos autem dispergam in Gentes, et evaginabo post vos gladium, eritque terra vestra deserta, et civitates vestræ dirutæ.
34 Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito.
Tunc placebunt terræ sabbata sua cunctis diebus solitudinis suæ: quando fueritis
35 Hangga't nananatili itong pinabayaan, maangkin nito ang pamamahinga, pamamahinga na hindi nito naangkin sa inyong mga Araw ng Pamamahinga, noong nanirahan kayo sa lupaing iyon.
in terra hostili, sabbatizabit, et requiescet in sabbatis solitudinis suæ, eo quod non requieverit in sabbatis vestris quando habitabatis in ea.
36 At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Et qui de vobis remanserint, dabo pavorem in cordibus eorum in regionibus hostium, terrebit eos sonitus folii volantis, et ita fugient quasi gladium: cadent, nullo persequente,
37 Madadaganan ninyo ang isa't isa na parang tinatakbuhan ninyo ang espada, kahit na wala namang humahabol sa inyo. Hindi kayo magkakaroon ng kapangyarihan na tumayo sa harap ng inyong mga kaaway.
et corruent singuli super fratres suos quasi bella fugientes, nemo vestrum inimicis audebit resistere.
38 Maglalaho kayo sa mga nabibilang na mga bansa, at ang lupain mismo ng inyong mga kaaway ang lalamon sa inyo.
peribitis inter Gentes, et hostilis vos terra consumet.
39 'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
Quod si et de iis aliqui remanserint, tabescent in iniquitatibus suis, in terra inimicorum suorum, et propter peccata patrum suorum et sua affligentur:
40 Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
donec confiteantur iniquitates suas, et maiorum suorum, quibus prævaricati sunt in me, et ambulaverunt ex adverso mihi.
41 na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
Ambulabo igitur et ego contra eos, et inducam illos in terram hostilem, donec erubescat incircumcisa mens eorum: tunc orabunt pro impietatibus suis.
42 ay isasaisip ko ang aking kasunduan kay Jacob, aking kasunduan kay Isaac, at ang aking kasunduan kay Abraham; gayun din, na isasaisip ko ang lupain.
Et recordabor fœderis mei quod pepigi cum Iacob, et Isaac, et Abraham. Terræ quoque memor ero:
43 Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas.
quæ cum relicta fuerit ab eis, complacebit sibi in sabbatis suis, patiens solitudinem propter illos. Ipsi vero rogabunt pro peccatis suis, eo quod abiecerint iudicia mea, et leges meas despexerint.
44 Pero sa kabila ng lahat ng ito, kapag nasa lupain sila ng kanilang mga kaaway, hindi ko sila kamumuhian na tuluyan silang lipulin at hindi puputulin ang aking tipan sa kanila, sapagkat ako si Yahweh na kanilang Diyos.
Et tamen etiam cum essent in terra hostili, non penitus abieci eos, neque sic despexi ut consumerentur, et irritum facerent pactum meum cum eis. Ego enim sum Dominus Deus eorum,
45 Pero para sa kanilang kapakanan isasaisip ko ang tipan sa kanilang mga ninuno, na siyang aking dinala palabas mula sa lupain ng Ehipto na nasaksihan ng mga bansa, upang ako ay maging Diyos nila. Ako si Yahweh.”
et recordabor fœderis mei pristini, quando eduxi eos de Terra Ægypti in conspectu Gentium, ut essem Deus eorum. ego Dominus.
46 Ito ang mga utos, kautusan, at mga batas na ginawa ni Yahweh sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga tao ng Israel sa Bundok Sinai sa pamamagitan ni Moises.
Hæc sunt iudicia atque præcepta et leges, quas dedit Dominus inter se et filios Israel in monte Sinai per manum Moysi.