< Levitico 24 >
1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
主はまたモーセに言われた、
2 “Utusan ang mga bayan ng Israel para magdala sa iyo ng dalisay na langis na hinalo mula sa mga olibo para sa langis ng inyong mga lampara, para laging nasusunog ang mga ito at magbigay ng liwanag.
「イスラエルの人々に命じて、オリブを砕いて採った純粋の油を、ともしびのためにあなたの所へ持ってこさせ、絶えずともしびをともさせなさい。
3 Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao.
すなわち、アロンは会見の幕屋のうちのあかしの垂幕の外で、夕から朝まで絶えず、そのともしびを主の前に整えなければならない。これはあなたがたが代々ながく守るべき定めである。
4 Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
彼は純金の燭台の上に、そのともしびを絶えず主の前に整えなければならない。
5 Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
あなたは麦粉を取り、それで十二個の菓子を焼かなければならない。菓子一個に麦粉十分の二エパを用いなければならない。
6 Pagkatapos dapat mong ayusin ang mga ito sa dalawang linya, anim sa bawat linya, sa mesa ng gintong dalisay sa harap ni Yahweh.
そしてそれを主の前の純金の机の上に、ひと重ね六個ずつ、ふた重ねにして置かなければならない。
7 Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh.
あなたはまた、おのおのの重ねの上に、純粋の乳香を置いて、そのパンの記念の分とし、主にささげて火祭としなければならない。
8 Bawat Araw ng Pamamahinga ang punong pari ang dapat na palaging maglagay ng tinapay sa harap ni Yahweh, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Bilang isang tanda ng walang hanggang tipan.
安息日ごとに絶えず、これを主の前に整えなければならない。これはイスラエルの人々のささぐべきものであって、永遠の契約である。
9 Ang pag-aalay na ito ay para kay Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki. Dapat nilang kainin ito sa isang lugar na banal, dahil ganap na inilaan ito sa kanya, yamang kinuha ito mula sa mga alay para kay Yahweh na gawa sa apoy.”
これはアロンとその子たちに帰する。彼らはこれを聖なる所で食べなければならない。これはいと聖なる物であって、主の火祭のうち彼に帰すべき永久の分である」。
10 Ngayon nangyari na ang anak na lalaki ng isang babaeng Israelita, na ang ama ay isang taga-Ehipto, sumama sa mga bayan ng Israel. Itong anak na lalaki ng isang babaeng Israelita ay nakipag-away sa isang lalaking Israelita sa kampo.
イスラエルの女を母とし、エジプトびとを父とするひとりの者が、イスラエルの人々のうちに出てきて、そのイスラエルの女の産んだ子と、ひとりのイスラエルびとが宿営の中で争いをし、
11 Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.
そのイスラエルの女の産んだ子が主の名を汚して、のろったので、人々は彼をモーセのもとに連れてきた。その母はダンの部族のデブリの娘で、名をシロミテといった。
12 Ikinulong siya hanggang ang hatol ni Yahweh ay ipahayag sa kanilang pasya.
人々は彼を閉じ込めて置いて、主の示しを受けるのを待っていた。
13 Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinabi,
時に主はモーセに言われた、
14 “Dalhin sa labas ng kampo ang taong nilait ang Diyos. Lahat ng nakarinig sa kaniya ay dapat ipatong ang kanilang kamay sa kanyang ulo, at pagkatapos dapat siyang batuhin ng buong kapulungan.
「あの、のろいごとを言った者を宿営の外に引き出し、それを聞いた者に、みな手を彼の頭に置かせ、全会衆に彼を石で撃たせなさい。
15 Dapat mong ipaliwanag sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Sinumang lumait sa kaniyang Diyos ay dapat dalhin ang kaniyang pagkakasala.
あなたはまたイスラエルの人々に言いなさい、『だれでも、その神をのろう者は、その罪を負わなければならない。
16 Siya na nilapastanganan ang pangalan ni Yahweh ay tiyak na malalagay sa kamatayan. Lahat ng kapulungan ay tiyak na dapat siyang batuhin, kahit pa nga siya ay isang dayuhan o isang dayuhang Israelita. Kung sinuman ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, dapat siyang malagay sa kamatayan.
主の名を汚す者は必ず殺されるであろう。全会衆は必ず彼を石で撃たなければならない。他国の者でも、この国に生れた者でも、主の名を汚すときは殺されなければならない。
17 At ang sinomang pumatay ng isang tao ay tiyak na dapat ilagay sa kamatayan.
だれでも、人を撃ち殺した者は、必ず殺されなければならない。
18 Siya na pumatay ng hayop ng iba ay dapat bayaran ito, buhay sa buhay.
獣を撃ち殺した者は、獣をもってその獣を償わなければならない。
19 Kapag sinugatan ng isang tao ang kaniyang kapit-bahay, dapat din gawin sa kaniya ang ginawa niya sa kanyang kapit-bahay:
もし人が隣人に傷を負わせるなら、その人は自分がしたように自分にされなければならない。
20 bali sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Bilang siya ay nakagawa ng pinsala sa isang tao, iyon din ang dapat gawin sa kaniya.
すなわち、骨折には骨折、目には目、歯には歯をもって、人に傷を負わせたように、自分にもされなければならない。
21 Sinuman ang pumatay ng isang hayop ay dapat itong bayaran, at sinuman ang pumatay ng isang tao ay dapat malagay sa kamatayan.
獣を撃ち殺した者はそれを償い、人を撃ち殺した者は殺されなければならない。
22 Dapat kang magkaroon ng magkatulad na batas para sa kapwa dayuhan at dayuhang Israelita, dahil ako si Yahweh na inyong Diyos.'”
他国の者にも、この国に生れた者にも、あなたがたは同一のおきてを用いなければならない。わたしはあなたがたの神、主だからである』」。
23 Kaya kinausap ni Moises ang mga tao ng Israel, at dinala ng mga tao ang lalaki sa labas ng kampo, na siyang lumait kay Yahweh. Binato nila siya ng mga bato. Sinunod ng mga tao ng Israel ang utos ni Yahweh kay Moises.
モーセがイスラエルの人々に向かい、「あの、のろいごとを言った者を宿営の外に引き出し、石で撃て」と命じたので、イスラエルの人々は、主がモーセに命じられたようにした。