< Levitico 21 >
1 Sinabi ni Yahweh kay Moises: “Nagsalita sa mga pari, ang mga anak na lalaki ni Aaron, at kanilang sinabi, 'Walang isa sa inyo ang gagawing hindi malinis ang kaniyang sarili para sa mga namatay sa kaniyang mga tao,
耶和華對摩西說:「你告訴亞倫子孫作祭司的說:祭司不可為民中的死人沾染自己,
2 maliban para sa isang malapit na kamag-anak—para sa kaniyang ina at ama, para sa kaniyang anak na lalaki at babae, o para sa kaniyang kapatid
除非為他骨肉之親的父母、兒女、弟兄,
3 o para sa isang birheng kapatid na babae na nasa kaniyang bahay at walang asawa. Para sa kaniya maari niyang gawing hindi malinis ang kaniyang sarili.
和未曾出嫁、作處女的姊妹,才可以沾染自己。
4 Ngunit hindi niya dapat gawing hindi malinis ang kanyang sarili dahil sa ibang kamag-anak, upang dungisan ang kanyang sarili.
祭司既在民中為首,就不可從俗沾染自己。
5 Hindi dapat mag-ahit ang mga pari ng kanilang mga ulo o ahitin ang mga gilid ng kanilang balbas, o sugatan ang kanilang katawan.
不可使頭光禿;不可剃除鬍鬚的周圍,也不可用刀劃身。
6 Dapat silang ibukod para sa kanilang Diyos, at hindi ipahiya ang pangalan ng kanilang Diyos, dahil ang mga pari ang naghahandog ng mga alay kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy, ang “pagkain” ng kanilang Diyos. Kaya dapat silang ibukod.
要歸上帝為聖,不可褻瀆上帝的名;因為耶和華的火祭,就是上帝的食物,是他們獻的,所以他們要成為聖。
7 Hindi sila dapat mag-asawa ng sinumang babaeng bayaran at nadungisan, at hindi sila dapat mag-asawa ng isang babaeng hiwalay mula sa kaniyang asawa, sapagkat ibinukod sila para sa kanilang Diyos.
不可娶妓女或被污的女人為妻,也不可娶被休的婦人為妻,因為祭司是歸上帝為聖。
8 Dapat mo siyang ihandog sapagkat nag-aalay siya ng “pagkain” mula sa inyong Diyos. Dapat siyang maging banal sa iyong paningin, dahil Ako, si Yahweh, na siyang naghandog sa inyo sa aking sarili, ay banal din.
所以你要使他成聖,因為他奉獻你上帝的食物;你要以他為聖,因為我-使你們成聖的耶和華-是聖的。
9 Sinumang anak na babae ng pari ang dudungis sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang babaeng bayaran ay ipinapahiya ang kaniyang ama. Dapat siyang sunugin.
祭司的女兒若行淫辱沒自己,就辱沒了父親,必用火將她焚燒。
10 Siya na punong pari sa kanyang mga kapatid na lalaki, kung kaninong ulo ibinuhos ang panghirang na langis, at ginawang banal upang magsuot ng mga natatanging kasuotan ng punong pari, ay hindi dapat guluhin ang kanyang buhok o punitin ang kanyang mga damit.
「在弟兄中作大祭司、頭上倒了膏油、又承接聖職、穿了聖衣的,不可蓬頭散髮,也不可撕裂衣服。
11 Hindi siya dapat pumunta kahit saan na mayroong isang patay na katawan at dungisan ang kanyang sarili, kahit para sa kanyang ama o sa kanyang ina.
不可挨近死屍,也不可為父母沾染自己。
12 Hindi dapat iiwan ng punong pari ang dako ng santuwaryo ng tabernakulo o lapastanganin ang santuwaryo ng kaniyang Diyos, dahil ginawa siyang banal bilang punong pari sa pamamagitan ng panghirang na langis ng kanyang Diyos. Ako si Yahweh.
不可出聖所,也不可褻瀆上帝的聖所,因為上帝膏油的冠冕在他頭上。我是耶和華。
13 Dapat mag-asawa ang punong pari ng isang birhen bilang kanyang asawa.
他要娶處女為妻。
14 Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
寡婦或是被休的婦人,或是被污為妓的女人,都不可娶;只可娶本民中的處女為妻。
15 Dapat niyang sundin ang mga patakarang ito, upang hindi niya madungisan ang kaniyang mga anak sa kaniyang lahi, sapagkat Ako si Yahweh, na naghandog sa kaniya para sa aking sarili.'''
不可在民中辱沒他的兒女,因為我是叫他成聖的耶和華。」
16 Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
耶和華對摩西說:
17 “sabihin kay Aaron at sabihin niya, 'Sinuman sa iyong mga kaapu-apuhan hanggang sa buong salinlahi nila ang may kapansanan sa katawan, hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
「你告訴亞倫說:你世世代代的後裔,凡有殘疾的,都不可近前來獻他上帝的食物。
18 Hindi dapat lumapit kay Yahweh ang sinumang taong may kapansanan sa katawan, gaya ng isang taong bulag, isang taong pilay, isa na ang anyo ay nasira o pumangit,
因為凡有殘疾的,無論是瞎眼的、瘸腿的、塌鼻子的、肢體有餘的、
19 isang taong pilay ang kamay o paa,
折腳折手的、
20 kuba o taong unano, o isang taong may kapansanan sa kanyang mga mata, o may isang sakit, pamamaga, galis, o napinsala ang mga pribadong bahagi.
駝背的、矮矬的、眼睛有毛病的、長癬的、長疥的,或是損壞腎子的,都不可近前來。
21 Walang tao sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari na may kapansanan ang katawan na maaaring lumapit upang magsagawa ng mga paghahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ang isang taong iyon ay may kapansanan sa katawan; hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
祭司亞倫的後裔,凡有殘疾的,都不可近前來,將火祭獻給耶和華。他有殘疾,不可近前來獻上帝的食物。
22 Maaari niyang kainin ang pagkain ng kanyang Diyos, maging ang ilan sa mga kabanalbanalan o ilan sa banal.
上帝的食物,無論是聖的,至聖的,他都可以吃。
23 Gayunman, hindi siya dapat pumasok sa loob ng kurtina o lumapit sa altar, dahil siya ay may kapansanan sa katawan, upang hindi niya madungisan ang aking banal na lugar, dahil ako si Yahweh, ang siyang naghandog sa kanila para sa aking sarili.'''
但不可進到幔子前,也不可就近壇前;因為他有殘疾,免得褻瀆我的聖所。我是叫他成聖的耶和華。」
24 Kaya sinabi ni Moises ang mga salitang ito kay Aaron, sa kanyang mga anak na lalaki, at sa lahat ng mga tao ng Israel.
於是,摩西曉諭亞倫和亞倫的子孫,並以色列眾人。