< Levitico 20 >

1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, na sinasabing,
Jehova Nyasaye nowacho ne Musa niya
2 “Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
Nyis jo-Israel ni: Ja-Israel moro amora kata jadak moro amora manie dieru manochiw nyathine moro amora ni nyiseche manono miluongo ni Molek, nyaka negi. Oganda jo-Israel duto mondo ogoye gi kite nyaka otho.
3 Haharap din ako laban sa taong iyon at tatanggalin siya mula sa kanyang mga tao dahil ibinigay niya ang kanyang anak kay Molec, upang dungisan ang aking banal na lugar at lapastanganin ang aking banal na pangalan.
Anabed jasik ngʼatno kendo anangʼad nyinge oko kuom ogandane; kuom chiwo nyathine ni nyasaye manono miluongo ni Molek, osedwanyo kama ler mar lemo, kendo osechayo nyinga maler.
4 Kung ipipikit ng mga tao sa lupain ang kanilang mga mata sa lalaking iyon kapag ibinigay ang sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, kung hindi nila pinatay,
To kapo ni oganda jo-Israel ok odewo wach ngʼat mochiwo achiel kuom nyithinde ne Molek, ma ok ginege,
5 sa gayon ako mismo ang haharap laban sa taong iyon at sa kanyang angkan, at tatanggalin ko siya at bawat isa pang gagamitin sa masama ang kanyang sarili para gumanap bilang isang babaeng bayaran kay Molec.
to an awuon ema nabed jasik ngʼatno gi dhoodgi duto. Kargi anangʼad oko kuom ogandagi, kaachiel gi jogo duto maluwe kendo madwanyore kalamo Molek.
6 Ang isang taong pumupunta sa mga nakikipag-usap sa patay, o sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu para isama ang kanilang sarili ssa kanila, haharap ako laban sa taong iyon; tatanggalin ko siya mula sa kanyang bayan.
Anabed jasik ngʼama oweya modhi odwanyore gi jo-nyakalondo kod lang chunje maricho; kendo anangʼad kare oko kuom ogandagi.
7 Kaya ialay ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh at maging banal, dahil ako si Yahweh ang inyong Diyos.
Pwodhreuru ubed maler nikech An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu.
8 Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at isagawa ang mga ito. Ako si Yahweh, na siyang nagtatalaga sa inyo para sa aking sarili.
Rituru buchena kendo uluwgi, nimar An e Jehova Nyasaye mapwodhou.
9 Ang lahat na sumusumpa sa kanyang ama o sa kanyang ina ay tiyak na papatayin. Isinumpa niya ang kanyang ama o ang kanyang ina, kaya siya ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
Ngʼato angʼata mokwongʼo wuon kata min, nyaka negi; nikech timneno; rembe nodongʼ e wiye owuon.
10 Ang taong gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng ibang lalaki, iyon ay, sinumang gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng kanyang kapitbahay—ang nakikiapid na lalaki at ang nakikiapid na babae ay tiyak na kapwa papatayin.
Ka ngʼato oterore gi chi wadgi ma gidakgo, to jochode ariyogo nyaka neg-gi duto.
11 Ang lalaking sumisiping sa asawa ng kanyang ama para makipagtalik sa kanya ay nagdulot ng kahihiyan sa kanyang sariling ama. Kapwa ang anak na lalaki at ang asawa ng kanyang ama ay tiyak na papatayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
Ka ngʼato oterore gi chi wuon mare, to oseelo dug wuon-gi. Ji ariyogi nyaka neg-gi kendo rembgi nobedi e wigi giwegi.
12 Kung sipingan ng isang lalaki ang kanyang manugang na babae, tiyak na kapwa silang dapat patayin. Nakagawa sila ng kabuktutan. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
Ka ngʼato oterore gi chi wuode to giduto nyaka neg-gi. Gima gitimono en tim makwero to rembgi nobedi e wigi giwegi.
13 Kapag sumiping ang isang lalaki sa kapwa lalaki, tulad ng sa isang babae, pareho silang nakagawa ng kasuklam-suklam na bagay. Tiyak na dapat silang patayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
Ka dichwo oterore gi dichwo wadgi. Giduto ji ariyogi gitimo gima kwero kendo giduto nyaka neg-gi to rembgi nobedi e wigi giwegi.
14 Kung pakasalan ng isang lalaki ang isang babae at pakasalan din ang kanyang ina, ito ay kasamaan. Dapat silang sunugin, kapwa siya at ang mga babae, upang hindi magkaroon ng kasamaan sa inyo.
Ka ngʼato okendo nyako kaachiel gi min-gi bende okendo, to ma en anjawo. Kargi ji adekgo nyaka wangʼ-gi kod mach, mondo tim marach kik dongʼ e dieru.
15 Kung sumiping ang isang lalaki sa isang hayop, tiyak na dapat siyang patayin, at dapat ninyong patayin ang hayop.
Ka ngʼato oterore gi chiayo, ngʼatni nyaka nege, to chiayono bende nyaka negi.
16 Kung lumapit ang isang babae sa anumang hayop para sipingan ito, dapat ninyong patayin ang babae at ang hayop. Tiyak na dapat silang patayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
Ka dhako osudo machiegni gi chiayo mondo oterre kode, giduto nyaka neg-gi kendo rembgi obed e wigi giwegi.
17 Kung sumiping ang isang lalaki sa kanyang kapatid na babae, alinman sa anak na babae ng kanyang ama o alinman sa anak na babae ng kanyang ina—kung sumiping siya sa babae at ang babae sa kanya, ito ay isang kahiya-hiyang bagay. Dapat silang alisin mula sa presensiya ng kanyang mga tao, dahil sumiping siya sa kanyang kapatid na babae. Dapat niyang dalhin ang kanyang kasalanan.
Ka ngʼato okendo nyamin mare ma nyar wuon kata ma nyar min, ma giterore kode, to otimo gima kwero. Nyaka neg-gi ka ji duto neno nikech oterore gi nyamin, koro nyaka oyud kum.
18 Kung sipingan ng isang lalaki ang isang babae sa panahon ng kanyang pagreregla at nakipagtalik sa kaniya, binuksan niya ang agusan ng kanyang dugo, ang pinagmumulan ng kanyang dugo. Kapwa ang lalaki at babae ay dapat alisin mula sa kanilang bayan.
Ka ngʼato oterore gi dhako manie dwe, mano okuodo wi dhakono, nikech oele nyaka kama rembe wuokie, dhakono bende oseyie moel nyaka kama rembe wuokie. Giduto nyaka riembgi gia e dier ogandagi.
19 Hindi ninyo dapat sipingan ang kapatid na babae ng inyong ina, ni kapatid na babae ng inyong ama, dahil ipapahiya ninyo ang inyong malapit na kamag-anak. Dapat ninyong dalhin ang sarili ninyong kasalanan.
Ok oyieni mondo iterri gi nyamin mamau, nikech mano en tim maketho wat. Joma timo timbegi nyaka migi kum.
20 Kung sipingan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang tiyuhin, ipinahiya niya ang kanyang tiyuhin. Dapat nilang dalhin ang sarili nilang kasalanan at mamatay ng walang anak.
Ka ngʼato oterore gi nyamin wuon, ngʼatni okuodo wi wuon mareno, omiyo nyaka giyud kum, kendo mondo oneg-gi ma nying-gi lal chuth e dier ogandagi.
21 Kung pakasalan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang kapatid na lalaki, ito ay kalaswaan dahil nagkaroon siya ng kaugnayang lumalabag sa kasal ng kanyang kapatid na lalaki, at hindi sila magkakaanak.
Ka ngʼato oterore gi chi owadgi, to mano en dwanyruok nikech oelo dug owadgi, kendo ok giniyud nyithindo.
22 Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas at lahat ng aking mga utos; dapat ninyong sundin ang mga ito sa gayon hindi kayo isusuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.
Un nyaka koro urit chikena gi buchena kendo umak-gi, mi uluwgi duto, eka piny mamiyou mondo udagieno ok nongʼogu oko.
23 Hindi kayo dapat mamuhay sa mga kaugalian ng mga bansang itataboy ko sa harapan ninyo, dahil ginawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, at kinamumuhian ko ang mga ito.
Kik uluw timbe oganda mudak e diergi madhi riembonu oko-gi. Nikech gigi mane gitimo nomiyo aol kodgi.
24 Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
Kendo ne awachonegi niya, “Abiro kawo pinygi kendo abiro miyougo kaka girkeni, ma en piny mopongʼ gi chak kod mor kich.” An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu mosepogou gi ogendini mamoko.
25 Kaya dapat ninyong kilalanin ang kaibahan ng malinis na mga hayop at ng marumi, at kaibahan ng maruming mga ibon at ang malinis. Huwag dapat ninyong dungisan ang inyong mga sarili ng mga maruming hayop o mga ibon o anumang nilikhang gumagapang sa lupa, na inihiwalay ko bilang marumi mula sa inyo.
Nyaka uket pogruok e kind le michamo gi ma ok cham, kendo e kind winy michamo to gi ma ok cham. Kik udok mogak nikech le moro amora kata winyo kata gimoro amora mamol e lowo ma gin gik masewalo tenge nochido.
26 Kayo ay dapat maging banal, dahil Ako, si Yahweh, ay banal, at ibinukod ko kayo mula sa ibang mga tao, dahil kayo ay aking pag-aari.
Nyaka ubed maler e nyima nikech an Jehova Nyasaye aler, kendo asewalou e kind ogendini mondo ubed joga awuon.
27 Tiyak na dapat patayin ang isang lalaki o isang babaeng nakikipag-usap sa patay o nakikipag-usap sa mga espiritu. Dapat silang batuhin ng mga tao gamit ang mga bato. Sila ay nagkasala at nararapat mamatay.”'
Ngʼato angʼata kuomu madichwo kata madhako ma en ajuok nyakalondo kata ma ajwoga moro amora, to ugo gi kite nyaka otho. Giduto nyaka ugogi gi kite kendo rembgi nobedi e wigi giwegi.

< Levitico 20 >