< Levitico 19 >

1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
上主訓示梅瑟說:」
2 “Makipag-usap sa lahat ng kapulungan ng mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kailangan ninyong maging banal, sapagkat ako ay banal, ako si Yahweh na inyong Diyos.
你告訴以色列子民全會眾說:你們應該是聖的,因為我,上主,你們的天主是聖的。
3 Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
你們每人應孝敬母親和父親,應遵守我的安息日。我,上主是你們的天主。
4 Huwag ng bumaling sa mga walang kuwentang diyus-diyosan, ni gumawa ng diyus-diyosan na gawa sa metal para sa inyong sarili. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
你們不要歸依偶像,也不要為自己鑄造神像:我,上主是你們的天主。
5 Kapag kayo ay nag-alay ng handog para sa pagtitipon kay Yahweh, dapat ninyong ihandog ito upang maaari kayong tanggapin.
若你們給上主獻祭和平祭,要奉獻可蒙受悅納的。
6 Dapat itong kainin sa mismong araw nang ito ay inihandog, o sa susunod na araw. Kung may matira hanggang sa ikatlong araw, dapat na itong sunugin.
祭肉,應在你們祭獻的當天或第二天吃盡;有剩下的,到第三天應用火燒了。
7 Marumi na ito kung kakainin sa ikatlong araw. Hindi na dapat ito maaring tanggapin,
若還有人在第三天吃,這肉已不潔,必不蒙悅納。
8 ngunit kung sinuman ang kumain nito ay dapat managot sa kanyang kasalanan sapagkat dinungisan niya ang inihandog kay Yahweh. Dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
那吃的人,必負罪債,因為他褻瀆了上主的聖物;這人應由民間剷除。
9 Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani.
當你們收割田地的莊稼時,你不可割到地邊;收穫後剩下的穗子,不可再拾。
10 Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
葡萄摘後不應去搜;葡萄園內掉下的,不應拾取,應留給窮人和外方人:我,上主是你們的天主。
11 Huwag magnakaw. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang bawat isa.
你們不要偷竊,不要詐欺,不要彼此哄騙;
12 Huwag manumpa ng kasinungalingan gamit ang aking pangalan at huwag lapastanganin pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
不要奉我的名妄發虛誓,而褻瀆你天主的名字:我是上主。
13 Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga.
你不要欺壓剝削你的近人,傭人的工錢不可在你處過夜,留到第二天早晨。
14 Huwag isumpa ang bingi o lagyan ng isang harang sa harapan ng bulag. Sa halip, dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
不可咒罵聾子;不可將障礙物放在瞎子面前;但應敬畏你的天主:我是天主。
15 Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.
審判時,你們不要違背正義;不可袒護窮人,也不可重視有權勢的人,只依正義審判你的同胞。
16 Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.
不可去毀謗你本族人,也不可危害人的性命:我是上主。
17 Huwag kamuhian ang inyong kapatid sa inyong puso. Dapat ninyong pagsabihan nang tapat ang inyong kapwa upang hindi kayo magkasala dahil sa kanya.
不可心存懷恨你的兄弟,應坦白勸戒你的同胞,免得為了他而負罪債。
18 Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
不可復仇,對你本國人,不可心懷怨恨;但應愛人如己:我是上主。
19 Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama.
你們應遵守我的法令:不可使你的家畜與不同類配合;一快田內,不可播上不同的種子;用兩種織成的衣服,不可穿在你的身上。
20 Ang sinumang sumiping sa isang aliping babae na nakapangako ng ikasal sa isang lalaki, subalit hindi pa natubos o naibigay ang kanyang kalayaan, sila ay dapat maparusahan. Hindi dapat sila ipapatay sapagkat hindi siya malaya.
若人同以許配於人,尚未贖回,或沒有獲得自由的卑女同寢,應受處罰,但不該死,因為她還沒有自由。
21 Dapat dalhin ng lalaking iyon ang kanyang handog na pambayad ng kasalanan kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagtitipon—isang lalaking tupa bilang isang alay na pambayad ng kasalanan.
但是,這人卻應把一隻贖過祭的公綿羊,牽到會幕門口,獻給上主,作為他的贖過祭。
22 Pagkatapos gagawa ng pambayad ng kasalanan ang pari para sa kanya sa papamagitan ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh, para sa kasalanan na nagawa niya. Pagkatapos mapapatawad ang kasalanan na kanyang nagawa.
司祭用這贖過祭的公綿羊,上主面前,代他為他所犯的罪行贖罪禮;他犯的罪最方可得赦。
23 Kapag pumunta kayo sa lupain at magtanim ng lahat ng uri ng mga puno para makain, kung gayon dapat ninyong ituring ang bunga na kanilang nakuha bilang pinagbabawal na kainin. Dapat ipagbawal ang bunga sa inyo ng tatlong taon. Hindi dapat itong kainin.
幾時你們進了那地方,栽種了什麼果樹,樹上的果子,你們應視為不潔;三年以內你們算是不潔,不可以吃;
24 Subalit sa ikaapat na taon lahat ng bunga ay magiging banal, na isang papuring handog kay Yahweh.
到第四年,結的一切果實,都是聖的,應做讚頌上主的禮品;
25 Sa ikalimang taon maaari na ninyong kainin ang bunga, kinakailangang maghintay upang higit pang magbunga ang puno. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
到第五年,才可吃樹上結的果實,使樹為你們增加出產;我,上主是你們的天主。
26 Huwag kumain ng anumang karne na may dugo pa nito. Huwag yayong sumangguni sa mga espiritu tungkol sa hinaharap, at huwag kayong maghangad na makontrol ang iba sa pamamagitan ng mga kahima-himalang kapangyarihan.
你們不可吃任何帶血的食物,不可占普,不可念咒;
27 Huwag sumunod sa mga gawain ng pagano tulad ng pag-ahit sa kanilang magkabilaang ulo o pagputol sa kanilang gilid mula sa kanilang balbas.
不可將兩邊的頭髮剃圓;兩邊得鬍鬚,也不可修剪。
28 Huwag ninyong sugatan ang inyong katawan para sa patay o maglagay ng tatu sa inyong katawan. Ako si Yahweh.
不可為死者割傷你們的身體,也不可在你們身上刺花紋:我是上主。
29 Huwag ninyong idulot sa kahihiyan ang inyong anak na babae para maging babaeng bayaran, o babagsak sa prostitusyon ang bansa ay mapupuno ng kasamaan.
不可褻瀆你的女兒,令她賣淫,免得這地方成為淫場,充滿淫亂。
30 Dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga at igalang ang santuwaryo ng aking tabernakulo. Ako si Yahweh.
應遵守我的安息日,應敬畏我的聖所:我是上主。
31 Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
不可去探詢亡魂,亦不可詢問占普者,而為他們所玷汙:我,上主是你們的天主。
32 Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
在白髮老人前,應起立;對老年人要尊敬,應敬畏你的天主:我是上主。
33 Kung naninirahan ang isang dayuhan sa inyong lupain, huwag dapat kayong gumawa ng anumang mali sa kanya.
若外方人在你們地域內,與你住在一起,不可欺壓他;
34 Ang naninirahang dayuhan sa inyo ay dapat maging tulad ninyong katutubong Israelita na kasama ninyong naninirahan, at dapat ninyo siyang mahalin tulad ng inyong sarili, sapagkat naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
對與你們住在一起的外方人,應看作你們中的一個同鄉,愛他如愛你自己,因為你們在埃及地也作過外方人:我,上主是你們的天主。
35 Huwag gumamit ng mga maling sukatan kapag nagsusukat ng haba, bigat, o dami.
再審斷度、量、衡上,不可不公平;
36 Dapat gumamit lamang kayo ng mga tamang timbangan, mga tamang pabigat, isang tamang epa, at isang tamang hin. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
天平、法碼、升、勺,都應正確。我是領你們出離埃及地的上主你們的天主。
37 Dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga kautusan at lahat ng aking mga batas, at gawin ang mga ito. Ako si Yahweh.””
你們應遵守我的一切法令和我的一切規定,一一依照執行:我是上主。」

< Levitico 19 >