< Levitico 18 >

1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
Jehova Nyasaye nowacho ne Musa niya:
2 “Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Ako si Yahweh na inyong Diyos.
“Wuo gi jo-Israel kendo iwachnegi ni, ‘An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu.
3 Hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Ehipto, kung saan dati kayong nanirahan. At hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Canaan, sa lupain na pagdadalhan ko sa inyo. Huwag ninyong sundin ang kanilang mga kaugalian.
Kik utim timbe ma jo-Misri mane udak e diergi timo kendo kik timbe moko mag jo-Kanaan makoro aterou e diergi yudre kuomu. Bende kik uluw timbe ma gitimo.
4 Ang aking mga batas ang dapat ninyong gawin, at ang aking mga kautusan ang dapat ninyong sundin, para lumakad kayo dito, dahil Ako si Yahweh ang inyong Diyos.
Nyaka urit chikena kendo luwuru yorena, nikech an Jehova Nyasaye ma Nyasachu.
5 Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at aking mga batas. Kung susunod ang isang tao sa mga ito, mabubuhay siya dahil sa mga ito. Ako si Yahweh.
Rituru yorena kod chikena, nimar ngʼat moluwogi nobed mangima kuomgi. An e Jehova Nyasaye.
6 Walang sinuman ang dapat na sumiping sa malapit na kamag-anak niya. Ako si Yahweh.
“‘Kik ngʼato terre gi dhako moluongo ni watne. An e Jehova Nyasaye.
7 Huwag ninyong lapastanganin ang inyong ama sa pagsiping sa inyong ina. Siya ay inyong ina! Hindi ninyo siya dapat lapastanganin.
“‘Kik ikuod wi wuonu kuom terruok gi chiege, nikech en minu.
8 Huwag kayong sumiping sa alinmang mga asawa ng inyong ama; hindi ninyo dapat lapastanganin ang inyong ama tulad nito.
“‘Kik iterri gi chi wuonu, nikech kitimo kamano to ikelone wuonu wichkuot.
9 Huwag sumiping sa sinuman sa inyong mga kapatid na babae, maging siya ay anak na babae ng inyong ama o anak na babae ng inyong ina, maging siya ay lumaki sa inyong tahanan o malayo mula sa inyo. Hindi dapat kayo sumiping sa inyong mga kapatid na babae.
“‘Kik iterri gi nyaminu mahie, kata nyameru maka wuonu machielo kata maka minu machielo, bedni onywole e dala kae, kata kamoro machielo.
10 Huwag kayong sumiping sa anak na babae ng inyong anak na lalaki o sa anak na babae ng inyong anak na babae. Magiging sarili ninyong kahihiyan iyon.
“‘Kik iterri gi nyakwari maka wuodi kata maka nyari, nikech kitimo kamano to ikelo wichkuot ni in iwuon.
11 Huwag kayong sumiping sa babaeng anak ng asawa ng inyong ama. Siya ay inyong kapatid, at hindi dapat kayo sumiping sa kanya.
“‘Kik iterri gi nyaminu moa e ot machielo, nikech en nyaminu.
12 Huwag sumiping sa babaeng kapatid ng inyong ama. Siya ay isang malapit na kamag-anak ng inyong ama.
“‘Kik iterri gi nyamin wuonu nikech en wayu.
13 Huwag kayong sumiping sa babaeng kapatid ng inyong ina. Siya ay malapit na kamag-anak ng inyong ina.
“‘Kik iterri gi nyamin mamau nikech en bende en mamau.
14 Huwag ninyong alisan ng dangal ang kapatid na lalaki ng inyong ama sa pagsiping sa kanyang asawa. Huwag ninyo siyang lapitan para sa ganoong layunin; siya ay inyong tiyahin.
“‘Kik igomb terori gi chi owadgi wuonu nikech en minu, kendo mano kelo wichkuot ne wuonuno.
15 Huwag kayong sumiping sa inyong manugang na babae. Siya ay asawa ng inyong anak na lalaki; huwag siyang sipingan.
“‘Kik iterri gi chi wuodi nikech en maru, ok oyieni mondo itim kamano.
16 Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapatid na lalaki; huwag ninyo siyang lapastanganin sa ganitong paraan.
“‘Kik iterri gi chi owadu nikech mano nyalo kelo wichkuot ne owaduno.
17 Huwag kayong sumiping sa isang babae at sa kanyang anak na babae, o sa babaeng anak ng kanyang anak na lalaki o sa babaeng anak ng kanyang anak na babae. Malapit na mga kamag-anak niya ang mga ito, at ang pagsiping sa kanila ay masama.
“‘Kik iterri gi nyako kaachiel gi min-gi. Kik iterri gi nyakware ma ka wuode kata maka nyare, nikech gin wede dhakono. Mano en tim anjawo.
18 Hindi ninyo dapat pakasalan ang kapatid na babae ng inyong asawa bilang pangalawang asawa at sumiping sa kanya habang buhay pa ang una ninyong asawa.
“‘Kik ikend nyamin chiegi mondo obed nyieke ma iriwri kode ka nyamin pod ngima.
19 Huwag kayong sumiping sa isang babae habang siya ay may regla. Siya ay marumi sa panahong iyon.
“‘Kik iterri gi dhako manie kindene mar neno malo.
20 Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapit-bahay at dungisan ang inyong sarili sa kanya sa ganitong paraan.
“‘Kik iterri gi chi ngʼama udakgo mokiewo, dipo ka omiyo ibedo mogak.
21 Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
“‘Kik ichiw nyathini moro amora ni nyasaye manono miluongo ni Molek, nimar ok onego iketh nying Nyasaye. An e Jehova Nyasaye.
22 Huwag sumiping sa ibang kalalakihan gaya sa isang babae. Napakasama nito.
“‘Kik iterri gi dichwo wadu nikech mano en tim makwero.
23 Huwag kayong sumiping sa alinmang hayop at dungisan ang inyong sarili dahil dito. Walang babae ang dapat na mag-isip na sumiping sa alinmang hayop. Ito ay kabuktutan.
“‘Kik iterri gi chiayo nikech mano miyo ibedo mogak. Dhako bende kik yie mondo chiayo oterre kode, nikech mano en gima kwero.
24 Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
“‘Kik udwanyru kutimo timbe ma kamago nikech timbego ema ogendini mabiro riembo e nyimu ne timo.
25 Naging marungis ang lupain, kaya pinarusahan ko ang kanilang kasalanan, at isinuka ng lupain ang mga naninirahan dito.
Kata mana piny bende nobedo mogak, omiyo ne akumogi nikech richo mag-gi, kendo piny nongʼogo joma nodakie iye.
26 Kaya, dapat kayong sumunod sa aking mga utos at mga batas, at hindi ninyo dapat gawin ang alinman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito, maging katutubong Israelita o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
To nyaka urit yorena kod chikena. Onge ngʼato kuomu manotim timbe makwerogo kata obed ja-Israel kata jadak e dieru,
27 Sapagkat ito ang mga kasamaang ginawa ng mga tao sa lupain, mga dating nanirahan dito bago kayo, at ngayon marungis na ang lupain.
nikech magi e timbe ma joma nodak e pinyni kapok ubiro notimo kendo negiketho pinyni.
28 Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo.
To ka udwanyo pinyno, to ngʼeuru ni onyalo ngʼogou oko mar oganda mane okwongonu dake kane gidwanye.
29 Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.
“‘Jogo duto matim makwerogo noyud e ngimagi, ginto nyaka golgi oko ei ogandagi.
30 Kaya dapat ninyong ingatan ang aking kautusan upang hindi makagawa ng alinmang kasuklam-suklam na mga kaugalian na ginawa nila dito bago kayo, upang hindi ninyo madungisan ang inyong mga sarili dahil sa mga iyon. Ako si Yahweh na inyong Diyos.”
Emomiyo luwuru chikena kendo ritreuru ma kik uluw timbe makwero mane joma odak e pinyni otimo kapok ubiro, mondo kik ubed mogak. An e Jehova Nyasaye ma Nyasachu.’”

< Levitico 18 >