< Levitico 16 >
1 Nakipagusap si Yahweh kay Moises—pagkatapos ito ng kamatayan ng dalawang anak na lalaki ni Aaron, kung saan lumapit sila kay Yahweh at namatay.
아론의 두 아들이 여호와 앞에 나아가다가 죽은 후에 여호와께서 모세에게 말씀하시니라
2 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa.
여호와께서 모세에게 이르시되 네 형 아론에게 이르라 성소의 장안 법궤 위 속죄소 앞에 무시로 들어오지 말아서 사망을 면하라 내가 구름 가운데서 속죄소 위에 나타남이니라
3 Kaya ganito dapat pumunta si Aaron sa loob ng pinakabanal na lugar. Dapat siyang pumasok na may isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
아론이 성소에 들어오려면 수송아지로 속죄 제물을 삼고 수양으로 번제물을 삼고
4 Dapat siyang magsuot ng banal na linong tunika, at dapat siyang magsuot ng linong mga damit pangloob sa kanyang sarili, at dapat siyang magsuot ng linong sintas sa baywang at linong turbante. Ito ay mga banal na damit. Dapat niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig at damitan ang kanyang sarili ng mga damit na ito.
거룩한 세마포 속옷을 입으며 세마포 고의를 살에 입고 세마포 띠를 띠며 세마포 관을 쓸지니 이것들은 거룩한 옷이라 물로 몸을 씻고 입을 것이며
5 Dapat siyang kumuha mula sa kapulungan ng mga tao ng Israel ng dalawang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
이스라엘 자손의 회중에게서 속죄 제물을 위하여 수염소 둘과 번제물을 위하여 수양 하나를 취할지니라
6 Sa gayon ay dapat ipakita ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan, kung saan maging para sa kanya, sa pambayad ng kasalanan para sa kanya at sa kaniyang pamilya.
아론은 자기를 위한 속죄제의 수송아지를 드리되 자기와 권속을 위하여 속죄하고
7 Pagkatapos ay dapat niyang kunin ang dalawang kambing at ilagay sila sa harapan ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
또 그 두 염소를 취하여 회막 문 여호와 앞에 두고
8 Pagkatapos ay dapat magpalabunutan si Aaron para sa dalawang kambing, ang isang mabubunot para kay Yahweh, at ang ibang mabubunot ay para sa hantungan ng sisi.
두 염소를 위하여 제비 뽑되 한 제비는 여호와를 위하고, 한 제비는 아사셀을 위하여 할지며
9 Dapat iharap ni Aaron ang kambing kung saan nahulog ang palabunutan para kay Yahweh, at ihandog ang kambing bilang isang handog para sa kasalanan.
아론은 여호와를 위하여 제비 뽑은 염소를 속죄제로 드리고
10 Subalit ang kambing na kung saan tumapat ang palabunutan ay dapat dalhing buhay kay Yahweh, upang gawing pambayad sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapadala nito palayo bilang isang hantungan ng sisi patungong ilang.
아사셀을 위하여 제비 뽑은 염소는 산 대로 여호와 앞에 두었다가 그것으로 속죄하고 아사셀을 위하여 광야로 보낼지니라
11 Kung ganoon dapat iharap ni Aaron ang toro para sa handog para sa kasalanan, na kung alin ay magiging para sa kanyang sarili. Dapat siyang gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, kung gayon dapat niyang patayin ang toro bilang isang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili.
아론은 자기를 위한 속죄제의 수송아지를 드리되 자기와 권속을 위하여 속죄하고 자기를 위한 그 속죄제 수송아지를 잡고
12 Dapat kumuha si Aaron ng isang sensaryo na puno ng mga uling na may apoy mula sa altar sa harapan ni Yahweh, na puno ng giniling na pinong-pinong mabangong insenso ang mga kamay niya, at dadalhin ang mga bagay na ito sa loob ng kurtina.
향로를 취하여 여호와 앞 단 위에서 피운 불을 그것에 채우고 또 두손에 곱게 간 향기로운 향을 채워 가지고 장 안에 들어가서
13 Dapat niyang ilagay doon ang insenso sa ibabaw ng apoy sa harapan ni Yahweh upang maaaring tumakip ang ulap mula sa insenso sa luklukan ng awa sa ibabaw ng tipan ng mga batas. Dapat niya itong gawin upang hindi siya mamatay.
여호와 앞에서 분향하여 향연으로 증거궤 위 속죄소를 가리우게 할지니 그리하면 그가 죽음을 면할 것이며
14 Pagkatapos dapat siyang kumuha ng konting dugo ng toro at iwisik ito gamit ang kanyang daliri sa harapan ng takip ng luklukan ng awa. Dapat niyang iwisik ang konting dugo gamit ang kanyang daliri ng pitong beses sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
그는 또 수송아지의 피를 취하여 손가락으로 속죄소 동편에 뿌리고 또 손가락으로 그 피를 속죄소 앞에 일곱번 뿌릴 것이며
15 Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
또 백성을 위한 속죄제 염소를 잡아 그 피를 가지고 장 안에 들어가서 그 수송아지 피로 행함 같이 그 피로 행하여 속죄소 위와 속죄소 앞에 뿌릴지니
16 Dapat gumawa siya ng pambayad kasalanan para sa banal na lugar dahil sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel, at dahil sa kanilang paghihimagsik at lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat din niyang gawin ito para sa tolda ng pagpupulong, kung saan namumuhay si Yahweh sa kanilang kalagitnaan, sa harap ng kanilang maruruming mga gawain.
곧 이스라엘 자손의 부정과 그 범한 모든 죄를 인하여 지성소를 위하여 속죄하고 또 그들의 부정한 중에 있는 회막을 위하여 그같이 할 것이요
17 Walang sinuman ang dapat nasa loob ng tolda ng pagpupulong kapag papasok si Aaron upang gumawa ng pambayad kasalanan sa pinakabanal na lugar, at hanggang sa lumabas siya at matapos ang paggawa ng pambayad kasalanan sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya, at para sa lahat ng kapulungan ng Israel.
그가 지성소에 속죄하러 들어가서 자기와 그 권속과 이스라엘 온회중을 위하여 속죄하고 나오기까지는 누구든지 회막에 있지 못할 것이며
18 Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.
그는 여호와 앞 단으로 나와서 그것을 위하여 속죄할지니 곧 그 수송아지의 피와 염소의 피를 취하여 단 귀퉁이 뿔들에 바르고
19 Dapat niyang wisikan ng kaunting dugo ang ibabaw nito gamit ang kanyang daliri ng pitong beses upang malinisan ito at maialay ito kay Yahweh, palayo mula sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel.
또 손가락으로 그 피를 그 위에 일곱번 뿌려 이스라엘 자손의 부정에서 단을 성결케 할 것이요
20 Kapag natapos na niya ang pagbabayad kasalanan para sa pinakabanal na lugar, ang tolda ng pagpupulong, ang altar, dapat niyang ipakita ang buhay na kambing.
그 지성소와 회막과 단을 위하여 속죄하기를 마친 후에 산 염소를 드리되
21 Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
아론은 두 손으로 산 염소의 머리에 안수하여 이스라엘 자손의 모든 불의와 그 범한 모든 죄를 고하고 그 죄를 염소의 머리에 두어 미리 정한 사람에게 맡겨 광야로 보낼지니
22 Dapat dalhing mag-isa ng kambing ang kasalanan ng mga tao patungo sa isang liblib na lugar. Doon sa ilang, dapat pakawalan ng tao ang kambing.
염소가 그들의 모든 불의를 지고 무인지경에 이르거든 그는 그 염소를 광야에 놓을지니라
23 Pagkatapos ay dapat bumalik si Aaron sa tolda ng pagpupulong at hubarin ang linong mga damit na kanyang isinuot bago pumunta sa pinaka banal na lugar, at kailangan niyang iwanan ang mga damit na iyon doon.
아론은 회막에 들어가서 지성소에 들어갈 때에 입었던 세마포 옷을 벗어 거기 두고
24 Kailangan niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig sa isang banal na lugar, at magbihis ng kanyang pangkaraniwang kasuotan; pagkatapos ay kailangan niyang lumabas at ialay ang kanyang handog na susunugin at ang handog na susunugin para sa mga tao, at sa ganitong paraan ay makagawa ng pambayad kasalanan sa kanyang sarili at para sa mga tao.
거룩한 곳에서 물로 몸을 씻고 자기 옷을 입고 나와서 자기의 번제와 백성의 번제를 드려 자기와 백성을 위하여 속죄하고
25 Dapat niyang sunugin ang taba ng handog ng kasalanan sa altar.
속죄제 희생의 기름을 단에 불사를 것이요
26 Ang lalaking nagpalaya sa kambing na pakakawalan ay kailangang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon, maaari na siyang bumalik sa kampo.
염소를 아사셀에게 보낸 자는 옷을 빨고 물로 몸을 씻은 후에 진에 들어올 것이며
27 Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
속죄제 수송아지와 속죄제 염소의 피를 성소로 들여다가 속죄하였은즉 그 가죽과 고기와 똥을 밖으로 내어다가 불사를 것이요
28 Kailangang labhan ng taong nagsunog ng mga bahaging iyon ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon; maaari na siyang bumalik sa kampo.
불사른 자는 옷을 빨고 물로 몸을 씻은 후에 진에 들어올지니라
29 Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo.
너희는 영원히 이 규례를 지킬지니라! 칠월 곧 그 달 십일에 너희는 스스로 괴롭게 하고 아무 일도 하지 말되 본토인이든지 너희 중에 우거하는 객이든지 그리하라
30 Dahil ang araw na ito ang pambayad kasalanan na gagawin para sa inyo, para kayo ay malinisan mula sa lahat ng inyong mga kasalanan nang sa gayon kayo ay maging malinis sa harapan ni Yahweh.
이 날에 너희를 위하여 속죄하여 너희로 정결케 하리니 너희 모든 죄에서 너희가 여호와 앞에 정결하리라
31 Ito ay isang dakilang Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at kailangan ninyong magpakumbaba sa inyong mga sarili at walang gagawing trabaho. Ito ay palaging magiging isang tuntunin sa inyo.
이는 너희에게 큰 안식일인즉 너희는 스스로 괴롭게 할지니 영원히 지킬 규례라
32 Ang punong pari, ang isang papahiran at itatalagang maging punong pari sa lugar ng kanyang ama, ay kailangang gawin ang pambayad kasalanan nito at isusuot ang linong mga damit, iyon ay, ang banal na mga damit.
그 기름 부음을 받고 위임되어 그 아비를 대신하여 제사장의 직분을 행하는 제사장은 속죄하되 세마포 옷 곧 성의를 입고
33 Kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa pinaka banal na lugar; kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa tolda ng pagpupulong at para sa altar, at kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa mga pari at para sa lahat ng mga tao ng kapulungan.
지성소를 위하여 속죄하며 회막과 단을 위하여 속죄하고 또 제사장들과 백성의 회중을 위하여 속죄할지니
34 Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon.” At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.
이는 너희의 영원히 지킬 규례라 이스라엘 자손의 모든 죄를 위하여 일년 일차 속죄할 것이니라 아론이 여호와께서 모세에게 명하신 대로 행하니라