< Levitico 15 >

1 Kinausap ni Yahweh sina Moises at Aaron, sinabing,
ヱホバ、モーセとアロンに告て言たまはく
2 “Kausapin ang mga mamamayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang lalaki na nagkaroon ng isang likidong may impeksyon na lumabas sa kaniyang katawan, siya ay nagiging marumi.
イスラエルの子孫に告て言へ凡そ人その肉に流出あらばその流出のために汚るべし
3 Ang kaniyang karumihan ay dahil sa likidong mayroong impeksyon na ito. Kahit ang kaniyang katawan ay dinadaluyan ng likido, o tumigil na, ito ay marumi.
その流出に由て汚るること是のごとし即ちその肉の流出したたるもその肉の流出滞ほるも共にその汚穢となるなり
4 Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi, at lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi.
流出ある者の臥たる床は凡て汚るまたその人の坐したる物は凡て汚るべし
5 Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
その床に觸る人は衣服をあらひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
6 Sinuman ang umupo sa anumang bagay na inuupuan ng lalaking dinadaluyan ng likidong mayroong impeksyon, dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
流出ある人の坐したる物の上に坐する人は衣服を洗ひ水に身をそそぐべしその身は晩まで汚るるなり
7 At sinumang humawak sa katawan ng isang may tumutulong likidong may impeksyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
流出ある者の身に觸る人は衣服を洗ひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
8 Kapag ang taong mayroong tumutulong likido ay dumura sa sinumang malinis, kung gayon dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
もし流出ある者の唾潔き者にかからばその人衣服を洗ひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
9 Alinmang upuan sa likod ng kabayo na sinakyan ng mayroong isang daloy ay magiging marumi.
流出ある者の乗たる物は凡て汚るべし
10 Ang sinumang humawak sa anumang bagay na napasailalim ng taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi, at sinumang magdala ng mga bagay na iyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
またその下になりし物に觸る人は皆晩まで汚るまた其等の物を携ふる者は衣服を洗ひ水に身をそそぐべしその身は晩まで汚るるなり
11 Ang sinuman na nagkaroon ng ganoong tulo ay humawak na hindi muna niya hinugasan ang kaniyang mga kamay ng tubig, dapat labahan ng taong hinawakan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
流出ある者手を水に洗はずして人にさはらばその人は衣服を洗ひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
12 Anumang palayok na luad na hinawakan ng may tulo na likido ay dapat basagin, at dapat hugasan ng tubig ang bawat sisidlang kahoy.
流出ある者の捫りし瓦の器は凡て碎くべし木の器は凡て水に洗ふべし
13 Kapag siya na nagkatulo ay nilinis na mula sa kaniyang tulo, kung gayon ay dapat siyang bumilang ng pitong araw para sa kaniyang paglilinis; pagkatapos dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng umaagos na tubig. Pagkatapos siya ay magiging malinis.
流出ある者その流出やみて潔くならば己の成潔のために七日を數へその衣服を洗ひ活る水にその體を滌ぐべし然せば潔くなるべし
14 Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batu-batoi at dapat siyang pumunta kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; doon ay dapat niyang ibigay ang mga ibon sa pari.
而して第八日に鳲鳩二羽または雛き鴿二羽を自己のために取り集會の幕屋の門にきたりてヱホバの前にゆき之を祭司に付すべし
15 Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
祭司はその一を罪祭に一を燔祭に献げ而して祭司その人の流出のためにヱホバの前に贖罪をなすべし
16 Kung ang similya ng sinumang lalaki ay kusang lumabas mula sa kaniya, sa gayon ay dapat niyang paliguan ang kaniyang buong katawan sa tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
人もし精の洩ることあらばその全身を水にあらふべしその身は晩まで汚るるなり
17 Dapat malabhan ng tubig ang bawat kasuotan o balat ng hayop na nagkaroon ng similya; ito ay magiging marumi hanggang gabi.
凡て精の粘着たる衣服皮革などは皆水に洗ふべし是は晩まで汚るるなり
18 At kapag ang isang babae at isang lalaki ay nagsiping at nagkaroon ng paglilipat ng similya sa babae, dapat paliguan nila pareho ang kanilang mga sarili ng tubig; sila ay magiging marumi hanggang gabi.
男もし女と寝て精を洩さば二人ともに水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
19 Kapag dinudugo ang isang babae, magpapatuloy ang kaniyang karumihan ng pitong araw, at sinumang gumalaw sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.
また婦女流出あらんにその肉の流出もし血ならば七日の間不潔なり凡て彼に捫る者は晩まで汚るべし
20 Bawat bagay na kaniyang hinigaan sa loob ng kaniyang kabuwanang dalaw ay magiging marumi; lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi din.
その不潔の間に彼が臥たるところの物は凡て汚るべし又彼がその上に坐れる物も皆汚れん
21 Sinumang humawak ng kaniyang higaan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig; magiging marumi hanggang gabi ang taong iyon.
その床に捫る者は皆衣服を洗ひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
22 Sinumang makahawak sa anumang bagay na kanyang inupuan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
彼が凡て坐りし物に捫る者は皆衣服を洗ひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
23 Kahit ito ay sa higaan o sa alinmang bagay na kaniyang inupuan, kung hawakan niya ito, ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
彼の床の上またはその凡て坐りし物の上にある血に捫らばその人は晩まで汚るるなり
24 Kung sinumang lalaki ang sumiping sa kanya, at kung ang kaniyang maruming daloy ay mapasayad sa kaniya, magiging marumi siya ng pitong araw. Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi.
人もし婦女と寝てその不潔を身に得ば七日汚るべしその人の臥たる床は凡て汚れん
25 Kung ang isang babae ay nagkaroon ng pagdurugo ng maraming araw na hindi sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw, o kapag siya ay mayroong siyang pagdurugo na lagpas pa sa kaniyang kabuwanang dalaw, sa panahon ng mga araw ng pag-agos ng kaniyang karumihan, siya ay parang nasa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw. Siya ay marumi.
婦女もしその血の流出不潔の期の外にありて多くの日に渉ることあり又その流出する事不潔の期に逾るあらばその汚穢の流出する日の間は凡てその不潔の時の如くにしてその身汚る
26 Ang bawat higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang pagdurugo ay magiging kagaya ng higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw para sa kaniya, at bawat bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi, tulad ng karumihan ng kaniyang kabuwanang dalaw.
凡てその流出ある日の間彼が臥ところの床は彼におけること不潔の床のごとし凡そ彼が坐れる物はその汚るること不潔の汚穢のごとし
27 At sinumang gumalaw ng alinmang mga bagay na iyon ay magiging marumi; dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
是等の物に捫る人は凡て汚るその衣服を洗ひ水に身を滌ぐべしその身は晩まで汚るるなり
28 Pero kung siya ay nalinisan mula sa kaniyang pagdurugo, kung gayon siya ay magbilang ng pitong araw at pagkatapos nito siya ay magiging malinis.
彼もしその流出やみて淨まらば七日を算ふべし而して後潔くならん
29 Sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang kalapati o dalawang batu-bato at dadalhin ang mga ito sa pari sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
彼第八日に鳲鳩二羽または雛き鴿二羽を自己のために取りこれを祭司に携へ來り集會の幕屋の門にいたるべし
30 Iaalay ng pari ang isang ibon bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at siya ay gagawa ng pambayad para sa kanyang kasalanan sa harap ni Yahweh para sa maruming pag-agos ng dugo.
祭司その一を罪祭に一を燔祭に献げ而して祭司かれが汚穢の流出のためにヱホバの前に贖を爲べし
31 Ganito dapat kung paano ninyo ihiwalay ang mga taong Israelita mula sa kanilang karumihan, nang sa gayon ay hindi sila mamatay sanhi ng kanilang karumihan, sa pamamagitan ng pagdungis ng aking tabernakulo, kung saan ako nanirahan sa piling nila.
斯汝等イスラエルの子孫をその汚穢に離れしむべし是は彼等その中間にある吾が幕屋を汚してその汚穢に死ることなからん爲なり
32 Ito ang mga alituntunin para sa sinumang mayroong tulo ng likido, para sa sinumang lalaki na nilalabasan ng kanyang similya at nagdulot sa kanyang maging marumi,
是すなはち流出ある者その精を洩してこれに身を汚せし者
33 para sa sinumang babaeng mayroong kabuwanang dalaw, para sa sinumang nilalabasan ng likido, kahit pa lalaki o babae, at para sa sinumang lalaki na sumiping sa maruming babae.'”
その不潔を患ふ婦女或は男あるひは女の流出ある者汚たる婦女と寝たる者等に關るところの條例なり

< Levitico 15 >