< Levitico 12 >
1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
And the Lord said to Moses,
2 “Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo.
Say to the children of Israel, If a woman is with child and gives birth to a male child, she will be unclean for seven days, as when she is unwell.
3 Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki.
And on the eighth day let him be given circumcision.
4 Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina mula sa kaniyang pagdurugo sa loob ng tatlumput-tatlong araw. Dapat hindi siya hahawak ng anumang banal na bagay o pupunta sa loob ng tabernakulo habang hindi tapos ang mga araw ng kaniyang paglilinis.
And she will be unclean for thirty-three days till the flow of her blood is stopped; no holy thing may be touched by her, and she may not come into the holy place, till the days for making her clean are ended.
5 Ngunit kung manganganak siya ng isang sanggol na babae, sa gayon magiging marumi siya sa loob ng dalawang linggo, gaya nang siya ay nasa panahon ng kaniyang pagdurugo. Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina sa loob ng animnaput-anim na araw.
But if she gives birth to a female child, then she will be unclean for two weeks, as when she is unwell; and she will not be completely clean for sixty-six days.
6 Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari.
And when the days are ended for making her clean for a son or a daughter, let her take to the priest at the door of the Tent of meeting, a lamb of the first year for a burned offering and a young pigeon or a dove for a sin-offering:
7 Pagkatapos ay ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh at gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya at malilinis siya mula sa kaniyang pagdurugo. Ito ay ang batas tungkol sa isang babae na magsisilang sinuman sa dalawa isang lalaki o isang batang babae.
And the priest is to make an offering of it before the Lord and take away her sin, and she will be made clean from the flow of her blood. This is the law for a woman who gives birth to a male or a female.
8 Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”
And if she has not money enough for a lamb, then let her take two doves or two young pigeons, one for a burned offering and the other for a sin-offering, and the priest will take away her sin and she will be clean,