< Levitico 10 >
1 Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
茲にアロンの子等なるナダブとアビウともにその火盤をとりて火をこれにいれ香をその上に盛て異火をヱホバの前に献げたり是はヱホバの命じたまひし者にあらざりしかば
2 Kaya lumabas ang apoy mula sa harapan ni Yahweh at sila ay nilamon at namatay sa harapan ni Yahweh.
火ヱホバより出て彼等を燬ほろぼせりすなはち彼等はヱホバの前に死うせぬ
3 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'” Walang kahit anong sinabi si Aaron.
モーセ、アロンに言けるはヱホバの宣ふところは是のごとし云く我は我に近づく者等の中に我の聖ことを顯はし又全體の民の前に榮光を示さんアロンは默然たりき
4 Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi sa kanilang, “Halikayo rito at dalhin ang inyong mga kapatid palabas ng kampo mula sa tabernakulo.”
モーセかくてアロンの叔父ウジエルの子等なるミサエルとエルザパンを呼び汝等進みよりて聖所の前より汝等の兄弟等を營の外に携へ出せと之にいひければ
5 Kaya lumapit sila at binuhat sila, na suot pa rin ang kanilang pang paring tunika, palabas ng kampo ayon sa iniutos ni Moises.
すなはち進みよりて彼等をその裏衣のままに營の外に携へ出しモーセの言るごとくせり
6 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
モーセまたアロンおよびその子エレアザルとイタマルにいひけるは汝らの頭を露すなかれまた汝らの衣を裂なかれ恐くは汝等死んまた震怒全體の民におよぶあらん但汝等の兄弟たるイスラエルの全家ヱホバのかく火をもて燬ほろぼしたまひし事を哀くべし
7 Hindi kayo maaaring lumabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong o kayo ay mamamatay, dahil ang pambasbas na langis ni Yahweh ay nasa inyo.” Kaya sumunod sila ayon sa mga iniutos ni Moises.
汝等はまた集會の幕屋の門より出べからず恐くは汝等死ん其はヱホバの灌膏汝らの上にあればなりと彼等モーセの言のごとくに爲り
8 Nangusap si Yahweh kay Aaron, sinabing,
茲にヱホバ、アロンに告て言たまはく
9 “Huwag uminom ng alak o matapang na inumin, ikaw, ni ang iyong mga anak na lalaki na natitirang kasama mo, para kapag pumasok ka sa tolda ng pagpupulong hindi kayo mamatay. Ito ay permanenteng batas sa buong salinlahi ng iyong mga mamamayan,
汝も汝の子等も集會の幕屋にいる時には葡萄酒と濃酒を飮なかれ恐くは汝等死ん是は汝らが代々永く守るべき例たるべし
10 para maibukod ang banal sa pangkaraniwan, at ang marumi sa malinis,
斯するは汝等が物の聖と世間なるとを分ち汚たると潔淨とを分つことを得んため
11 para maituro mo sa mga mamamayan ng Israel ang lahat ng batas na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.”
又ヱホバのモーセによりて告たまひし一切の法度をイスラエルの子孫に敎ふることを得んがためなり
12 Nakipag-usap si Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar, na kaniyang natitirang mga anak na lalaki, “Kunin ang mga handog na pagkaing butil na natira mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, at kainin ito nang walang pampaalsa sa tabi ng altar, dahil ito ang pinakabanal.
モーセまたアロンおよびその遺れる子エレアザルとイタマルに言けるは汝等ヱホバの火祭の中より素祭の遺餘を取り酵をいれずして之を壇の側に食へ是は至聖物なり
13 Dapat ninyong kainin ito sa isang banal na lugar, dahil ito ay bahaging para sa iyo at bahagi ng iyong mga anak na lalaki sa mga handog para kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, dahil ito ang iniutos sa akin na sabihin sa inyo.
是はヱホバの火祭の中より汝に歸する者また汝の子等に歸する者なれば汝等これを聖所にて食ふべし我かく命ぜられたるなり
14 Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel.
また搖る胸と擧たる腿は汝および汝の男子と女子これを淨處にて食ふべし是はイスラエルの子孫の酬恩祭の中より汝の分と汝の子等の分に與へらるる者なればなり
15 Ang hita na isang handog na inialay kay Yahweh at ang dibdib na bahagi na itinaas bilang isang handog—dapat nilang dalhin ang mga iyon kasama ng mga handog na taba na ginawa sa pamamagitan ng apoy, para itaas ang mga ito at idulog bilang isang handog kay Yahweh. Magiging sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki na kasama mo ang mga ito bilang isang bahagi magpakailanman ayon sa iniutos ni Yahweh.”
彼等その擧るところの腿と搖ところの胸を火祭の脂とともに持きたりこれをヱホバの前に搖て搖祭となすべし其は汝と汝の子等に歸すべし是は永く守るべき例にしてヱホバの命じたまふ者なり
16 Pagkatapos tinanong ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, at nalaman na ito ay nasunog na. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, ang mga natitirang anak na lalaki ni Aaron; sinabi niya,
斯てモーセ罪祭の山羊を尋ね索めけるに旣にこれを燬たりしかばアロンの遺れる子等エレアザルとイタマルにむかひてモーセ怒を發し言けるは
17 “Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan?
罪祭の牲は至聖かるに汝等なんぞ之を聖所にて食ざりしや是は汝等をして會衆の罪を任て彼等のためにヱホバのまへに贖をなさしめんとて汝等に賜ふ者たるなり
18 Tingnan ninyo, ang dugo nito ay hindi dinala sa loob ng tabernakulo, kaya dapat talagang kinain ninyo ito sa lugar ng tabernakulo, ayon sa iniutos ko.”
視よその血はまだこれを聖所に携へいることをせざりきかの物は我が命ぜしごとくに汝等これを聖所にて食ふべかりしなり
19 Pagkatapos sumagot si Aaron kay Moises, “Tingnan mo, ngayon ginawa nila ang kanilang handog para sa kasalanan at handog na susunugin sa harapan ni Yahweh, at ang bagay na ito ay nangyari sa akin ngayon. Kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayon, magiging kaaya-aya ba ito sa paningin ni Yahweh?”
アロン、モーセに言けるは今日彼等その罪祭と燔祭をヱホバの前に献げしが斯る事我身に臨めり今日もし我罪祭の牲を食はばヱホバこれを善と觀たまふや
20 Nang marinig iyon ni Moises, siya ay nasiyahan.
モーセこれを聽て善とせり