< Levitico 1 >

1 Tinawag ni Yahweh si Moises at kinausap siya mula sa tolda ng pagpupulong, sinasabing,
耶和华从会幕中呼叫摩西,对他说:
2 “Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang tao mula sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin bilang inyong handog ang isa sa inyong mga hayop, alinman mula sa pangkat ng mga hayop o mula sa kawan.
“你晓谕以色列人说:你们中间若有人献供物给耶和华,要从牛群羊群中献牲畜为供物。
3 Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
“他的供物若以牛为燔祭,就要在会幕门口献一只没有残疾的公牛,可以在耶和华面前蒙悦纳。
4 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin, at pagkatapos tatanggapin ito sa ngalan niya para gawing kabayaran ng kasalanan para sa kanyang sarili.
他要按手在燔祭牲的头上,燔祭便蒙悦纳,为他赎罪。
5 Pagkatapos dapat niyang patayin ang toro sa harapan ni Yahweh. Ang mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga pari, ihahandog ang dugo at isasaboy ito sa altar na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
他要在耶和华面前宰公牛;亚伦子孙作祭司的,要奉上血,把血洒在会幕门口、坛的周围。
6 Pagkatapos dapat niyang balatan ang handog na susunugin at pagpira-pirasuhin ito.
那人要剥去燔祭牲的皮,把燔祭牲切成块子。
7 Pagkatapos ilalagay ng mga anak na lalaki ni Aaron na pari ang apoy sa ibabaw ng altar at maglalagay ng kahoy para palakasin ang apoy.
祭司亚伦的子孙要把火放在坛上,把柴摆在火上。
8 Ilalagay ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang mga piraso, ang ulo at ang taba nang maayos sa kahoy na nasa apoy na nasa altar.
亚伦子孙作祭司的,要把肉块和头并脂油摆在坛上火的柴上。
9 Pero dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti nito. Pagkatapos susunugin ng pari ang lahat ng bagay sa altar bilang isang handog na susunugin. Magbibigay ito sa akin ng mabangong halimuyak; magiging isang handog ito na ginawa sa akin sa pamamagitan ng apoy.
但燔祭的脏腑与腿要用水洗。祭司就要把一切全烧在坛上,当作燔祭,献与耶和华为馨香的火祭。
10 Kung mula sa kawan ang kaniyang handog para sa handog na susunugin, isa sa mga tupa o isa sa mga kambing, isang lalaking walang kapintasan ang dapat niyang ihandog.
“人的供物若以绵羊或山羊为燔祭,就要献上没有残疾的公羊。
11 Dapat niya patayin ito sa hilagang dako ng altar sa harapan ni Yahweh. Isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
要把羊宰于坛的北边,在耶和华面前;亚伦子孙作祭司的,要把羊血洒在坛的周围。
12 Pagkatapos dapat niyang pagpira-pirasuhin ito, kasama ang ulo at ang taba nito, at ilalatag ang mga iyon ng pari sa kahoy na nasa apoy, na nasa altar,
要把燔祭牲切成块子,连头和脂油,祭司就要摆在坛上火的柴上;
13 subalit dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti. Pagkatapos ihahandog ng pari ang kabuuan, at susunugin ito sa altar. Ito ay isang handog na susunugin, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
但脏腑与腿要用水洗,祭司就要全然奉献,烧在坛上。这是燔祭,是献与耶和华为馨香的火祭。
14 Kung ang handog niya kay Yahweh ay isang sinunog na handog na mga ibon, sa gayon dapat niyang dalhin bilang kaniyang handog ang alinman sa isang kalapati o batang ibon.
“人奉给耶和华的供物,若以鸟为燔祭,就要献斑鸠或是雏鸽为供物。
15 Dapat itong dalhin ng pari sa altar, pilipitin ang ulo nito, at sunugin ito sa altar. Pagkatapos dapat patuluin lahat ng dugo nito sa gilid ng altar.
祭司要把鸟拿到坛前,揪下头来,把鸟烧在坛上;鸟的血要流在坛的旁边;
16 Dapat niyang alisin ang balun-balunan kasama ang mga laman nito, at itapon ito sa tabi ng altar sa silangang dako, sa lugar para sa mga abo.
又要把鸟的嗉子和脏物除掉,丢在坛的东边倒灰的地方。
17 Dapat niyang biyakin ito hawak ang mga pakpak, pero hindi niya ito dapat hatiin sa dalawang bahagi. Pagkatapos susunugin ito ng pari sa altar, sa kahoy na nasa apoy. Magiging isang handog na susunugin ito, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
要拿着鸟的两个翅膀,把鸟撕开,只是不可撕断;祭司要在坛上、在火的柴上焚烧。这是燔祭,是献与耶和华为馨香的火祭。”

< Levitico 1 >